ZingTruyen.Store

Herero Series 3

Khey's POV

I'm watching Miss Harm using my sleepy eyes. And when I say sleepy, like literal sleepy because I want to fucking sleep. Kanina ko pa pinipigilan ang pagpikit ng mga mata ko pero ang bigat na talaga ng talukap nito.

Napuyat ako or should I say nagpuyat ako by watching this freaking show Miss Harm and Sky was talking about yesterday. I finished the show—'yon ang akala ko, it turns out, the show is four season, four fucking season.

Each season contains 8-9 episodes; I checked last night. And each episode ranges from 45 minutes to 1 hour and I just lost 7 hours of sleep last night. Nasa dalawa o tatlong oras lang yata ang tulog ko.

"Gusto ko nang matulog." Bulong ko sa sarili ko.

"Aray!" I exclaimed nang makaramdam ako ng kung anong bagay ang tumama sa ulo ko. Nag-angat ako ng tingin while caressing my head. Bumungad sa 'kin ang mukha ng babaeng may galit sa 'kin. "Ikaw ba nambato sa 'kin?" Tanong ko sa kanya.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong classroom. Bakit dalawa lang kami rito? Nasa'n ang mga classmate namin? Pati si Sky ay wala na rin dito sa loob.

"Pinalabas ko sila," the girl stated which made me look at her again. She stood up infront of me kaya napatingala ako sa kanya. "Sabi mo mag-uusap tayo, hinintay kita kahapon."

Hindi ko gusto ang pwesto namin, ayokong nakatingala sa kanya kaya tumayo rin ako. Pero wala akong planong magtagal. Kinuha ko ang bag ko.

"'Wag ka nang umasa kay Miss Harm, maraming sumubok pero walang napala." She warns me while I'm fixing my backpack on my right shoulder. Nagsimula akong maglakad palayo sa kanya. Wala akong panahon makipaglokohan, I changed my mind. Balak ko sana makipagbugbugan kahapon pero gumanda ang mood ko kaya 'wag na lang. "Makuntento ka na lang titigan siya, pagnasaan.."

Dahil sa sinabi niya ay biglang huminto ang mga paa ko sa paghakbang. "Anong sinabi mo?" Tanong ko habang nakalingon sa kanya.

"Sabi ko, makuntento ka. Gaya ko, ayos na akong titigan katawan niya, 'yong kurba niya, 'yong malaman niyang–" hindi na niya natuloy ang pagsasalita nang tinakbo ko ang distansya namin sabay balibag ng bag ko sa mukha n'ya.

Dumilim bigla ang mukha niya sa ginawa ko at sumugod din sa 'kin but I'm fast enough to dodge her punch. Binigyan ko siya ng isang suntok sa mukha. Nang siya ang susuntok ay nakailag ulit ako pero hindi ko napansin ang isa niyang kamay na umamba rin kaya tumama 'yon sa mata ko. "Fuck!" Napasigaw ako sa sakit.

"Caleb, awatin mo!" Biglang sumulpot si Caleb at Jordan para awatin kaming dalawa kaya do'n lang kami naglayo. I tried to escape from Caleb's hand but he's much stronger than me kaya hindi na ako nakapalag.

"Fuck you!" Sigaw ko sa babaeng ni hindi ko alam ang pangalan. I'm in anger. I hate people with perverted minds, they are trash.

"Harder, McLevis." She said while giving me an evil smirk.

"Let's go." Aya ni Caleb habang hila-hila ang kamay ko. Tinaas ko ang gitnang daliri ko paturo sa babaeng 'yon habang naglalakad kami paalis.

Nakarating kami sa garden ay saka lang pinakawalan ni Caleb ang kamay ko. Walang nagsalita. Nakatingin lang ako sa mga damo. Nagngingitngit parin ako sa galit at hindi kumakalma.

"Patingin nga." Hinawakan ni Vera ang mukha ko. Napangiwi siya nang makita ito. Masakit ang kanang mata ko, makirot dahil doon tumama 'yong suntok niya. "Jordan, kuha ka ng ice, dali." Umalis naman agad si Jordan para kumuha ng yelo.

"Sky, bakit kasi 'di mo 'to hinintay?" Tanong ni Caleb kay Sky. Naupo ako sa isang bench para magpakalma.

"Malay ko bang makikipagsuntukan 'yan." Pabalang naman na sagot ni Sky. Kung makapag-usap ang dalawa, akala mo'y hindi ko naririnig.

"Hindi ko kailangan ng babysitter, Caleb." Wika ko kay Caleb kaya napatingin siya sa 'kin. Dumilim ang mukha niya. Naupo siya sa tabi ko paharap sa 'kin.

"So, what happened? Nawala lang si Sky, nakikipagbugbugan ka na? You know we can't be in trouble again, Khey. This is our last chance." Parang tatay na sermon ni Caleb.

"May binastos siya. If you were there, hindi mo ba ipagtatanggol?" Tanong ko sa madiing tono. Bigla naman siyang napaatras nang kaunti.

"Ipagtatanggol but not in that way." Sagot niya rin sa madiing tono. My jaw clenched. The way that he looks at me, parang sigurado siya sa sagot n'ya kaya mas lalo akong naiinis.

"Pwes, hindi kasing haba ng pasensya mo ang pisi ko." Wika ko at saka tumayo. Naramdaman ko rin ang pagtayo niya kaya tiningnan ko s'ya nang masama. "Don't dare." I warned him before walking my way from them.

Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa restroom. Pumasok ako para maghilamos pero tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Mayroon ng maliit na bukol sa gilid ng mata ko. Shit naman.

I just watched my face at sa unang tama ng tubig sa mukha ko ay ramdam ko agad ang hapdi. "Tanginang 'yan." Muli akong pumikit para basain ng tubig ang mukha ko at sa pagmulat ng mata ko ay si Miss Harm ang bumungad, nakatingin s'ya sa 'kin mula sa salamin. Nag-iwas agad ako ng tingin. I don't want her to see me like this, like a piece of shit.

"What happened to your face?" Seryosong tanong niya, ramdam ko ang tingin niya sa 'kin sa gilid ng mata ko.

"Nauntog lang, Ma'am." Palusot ko kahit hindi naman kapani-paniwala. Ayokong sabihin dahil ayokong malaman n'ya 'yong dahilan.

Mukhang hindi s'ya naniwala, kahit sino naman siguro ay hindi maniniwala sa rason ko. She walk herself near me and examine my face. "Someone punched you." Wika niya, hindi 'yon tanong. "Follow me."

Matapos niyang magsalita ay naglakad na s'ya palabas ng restroom kaya wala na akong nagawa. Nakasunod lang ako sa likod n'ya and while we're walking, numbers of pair of eyes are staring at us, o baka kay Miss Harm? O baka sa 'kin dahil may black eye na yata ako.

Nakarating kami sa isang pinto, binuksan niya 'yon, pumasok s'ya kaya sumunod lang ako. Nilibot ko ang tingin sa silid, opisina ito, marahil ay opisina niya. Parang isang classroom na ang sukat, kumpleto na rin sa gamit, pwede nang tirhan.

"Sit there." Utos ulit niya. Walang alinlangan ko namang sumunod. If she tells me bark right now? Gagawin ko rin talaga. She's the boss.

Pinanood ko lang s'yang buksan ang mini-fridge n'ya. May kinukuha s'ya do'n, ice cubes. Kinuha n'ya 'yong lalagyan ng ice cubes. Pumunta naman s'ya ngayon sa table n'ya, she opened her bag at may inilabas s'ya do'ng isang panyo. Alam ko na, gagamutin n'ya ako.

What an opportunity. I bit my lip to hide my smile. Naalala ko bigla 'yong sinabi ni Sky kahapon na may boyfriend si Miss Harm, wala naman pala, ginagago lang ako ni Sky.

Kumuha si Miss Harm ng ilang piraso ng ice cube saka n'ya ito binalot sa panyo. I'm expecting na umupo s'ya sa tabi ko sa sofa pero kinuha n'ya ang silya sa harap ng table n'ya at binuhat ito paharap sa 'kin. She tried to reach my face pero mukhang nahihirapan s'ya so I spread my legs wider, hinila ko ang silya n'ya palapit sa 'kin.

Her expression was cute. She was taken a back sa ginawa ko. "Nahihirapan po kasi kayo." Maikling paliwanag ko. Hindi ko na mapigilang mangiti.

"What's funny?" She raised her brow. Yumuko s'ya nang kaunti para gamutin na ang sugat ko. Napadaing pa ako sa unang paglapat ng tela sa gilid ng mata ko. "So, who did this?" Tanong ulit n'ya nang hindi ko nasagot agad 'yong una.

"Wala po, Ma'am. Nauntog–" she cuts me off.

"Who?" Seryosong tanong n'ya.

"Ayoko pong magsumbong." Wika ko. Ayaw ko talagang ipaalam.

"You're not," she paused for a bit. "I'm asking you and we'll report this to the guidance." Dugtong niya. Medyo salubong ang kilay n'ya habang dinadampi ang cold compress sa sugat ko.

"'Wag na po, ako 'yong nauna e." Sagot ko. Bigla s'yang napahinto dahil sa sinabi ko at tiningnan ako ng mapanuring tingin kaya binigyan ko s'ya ng matamis na ngiti. Umiling lang s'ya at tinuloy ang pagdampi sa sugat ko. "Ma'am," tawag ko.

"Hmm?" She asked. Gaaaaahd. Kahit ang 'hmm' lang n'ya, ang sexy parin.

"Isang hmm nga po ulit–aray!" Napasigaw ako nang sadya n'yang idiin 'yong telang may yelo sa sugat ko. She raised her brow again. "Ma'am, pinaglihi ka po ba kay Aphrodite?"

"The pronunciation of your name suits you." She remarked instead of answering my question. 'Di ba, mahilig s'ya sa greek myth? Si Aphrodite lang pinaka kilala ko do'n.

"Sana po pronunciation ka nalang ng name ko." Banat ko nang nakangiti. Umatras na s'ya dahil mukhang tapos na 'yong dampi-dampo sa pasa ko.

"Do you fancy your professors so much?" Tanong n'ya. Umalis na s'ya sa harapan ko at pumasok sa isang room na sa tingin ko ay comfort room ng office n'ya.

"No, Ma'am." Sagot ko. Maririnig n'ya 'yon dahil bukas naman ang comfort room at nilakasan ko ang boses ko. Maya maya ay nakabalik na s'ya, may hawak na bandage at 'yong parang tape para sa balat. "I fancy you." Dugtong ko.

"Apple-polisher." Kumento n'ya. Lumukot ang noo ko. Ano raw? Apple-polisher? Nail polish lang ang alam ko.

Naupo na ulit s'ya sa silya sa harapan ko. Yumuko s'ya nang kaunti para maabot ang gilid ng mata ko. Her scent, ang bango. Vanilla scent, my favorite.

Nakakunot ang noo niyang tutok na tutok sa pagkabit ng bandage sa 'kin. "I'm not good at this so I suggest to go to the clinic after your class." Wika niya.

"Yes, Ma'am, copy." Wika ko. Nakakatuwa, parang nagkaro'n ako ng instant nanay. Kulang pa naman ako sa aruga.

"You can go now." She said at umalis na sa harapan ko. Pinanood ko lang s'ya to do her thing. Pumasok ulit s'ya sa CR tapos inayos 'yong mga ginamit n'ya. Nang makabalik s'ya ay naupo nalang s'ya sa table n'ya at nagsimulang buklatin ang mga papel.

"Ma'am," tawag ko. Nag-angat naman s'ya ng tingin pero hindi nagsalita. "Marunong ka po ba magtagalog?" Tanong ko. Simula yata kasi mag-usap kami, hindi ko pa s'ya narinig na magtagalog and I wonder how she sounds like when talking in tagalog.

"Yep." Maikling sagot n'ya habang may tinitingnan sa mga papel.

"Ma'am, sabihin n'yo nga mahal." Wika ko. Napaangat agad s'ya ng tingin. Her face is neutral, hindi naman naiinis pero hindi rin mukhang natutuwa. "Ma'am, dali na. 'Pag sinabi n'yo, aalis na ako."

"Expensive." Seryosong wika n'ya. Ano ba 'yan, maling translation pa. Matatanggap ko pa sana kung love 'yong sinabi n'ya e.

"Sige na nga, Ma'am, aalis na 'ko." Kunyari'y malungkot na wika ko. I stood up with my slouched shoulders. Please, buy it, buy it. Tumalikod na ako, binagalan ko talaga ang paghakbang baka sakaling pigilan n'ya ako.

"I don't want to see your face with bruise, again." Malumanay na wika n'ya bago ako tuluyang makalagpas sa pinto.

Hindi ko na itinago ang ngiti ko dahil nasa labas na rin naman ako. Nagpaulit-ulit sa isip ko 'yong sinabi niya.

"I don't want to see your face with bruise, again."

Kapag itatranslate sa tagalog; Ingat ka, Mahal.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store