ZingTruyen.Store

Herero Series 3

Khey's POV

Itinungga ko ang laman ng bote ng beer pagkatapos ay pinunasan ko ang gilid ng labi ko gamit ang braso ko. I lit a cigarette.

"Ahh, this is my home!" I exclaimed matapos ibuga ang unang usok sa sigarilyo ko. Ngayon lang ulit ako nanigarilyo. Akala ko nga maitutuloy-tuloy ko na e. Bigla kong hinanap.

"Siguro nga tama s'ya, 'no?" Tanong ko sa bote ng beer na hawak ko. "Duwag talaga ako." Natawa pa ako matapos magsalita. Nilagok ko ulit ang natitirang laman ng beer. Sarap.

"Duwag talaga ako kasi hindi ko kaya ipursue 'yong babaeng gusto ko. Tangina kasi, sino ba naman ako? Kapag humalo ako sa buhay n'ya, para lang akong langaw na dumapo sa kalabaw." Masarap palang kausapin ang sarili. Atleast, hindi ako ijujudge ng sarili ko. 

"Sayang, pa, 'di manlang kita nakasamang mag-inom." Wika ko habang nakatingin sa kawalan. "Tapos sasabihin ko sa'yong may natitipuhan akong babae, baka bigyan mo pa ako ng tips kung pa'no manligaw." Natawa ulit ako sa sinabi ko. Kahit corny jokes ni papa, sabi n'ya dati habulin daw s'ya ng chix.

"Si mama rin, s'ya sana nagluto ng pulutan natin. Baka kasali pa s'ya sa usapan tas sasabihin n'ya kung anong mas gusto ng mga babae kapag nagpapaligaw." Napangiti ako habang iniimagine ang pigura naming tatlo na nagtatawanan. "Kaso wala e, madaya kayo, iniwan n'yo 'ko." 

Nagsimula nanamang mamuo ang luha sa mga mata ko. Kapag tungkol sa kanilang dalawa, ang lambot ng puso ko.

Nag-inom lang ako nang nag-inom, hoping to drown this stupid feelings. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako.

Fuck, ang sakit ng ulo ko. Parang may construction site sa loob ng ulo ko. I realized na nasa sala ako and my mess from last night was still here. Napangiti ako nang mapait.

Bakit ba ako umaasang paggising ko malinis na 'tong lugar ko tapos may isang babaeng lalapit sa'kin at sasabihing "you were so drunk last night"? E pinagtulakan ko na palayo.

Wala akong choice kundi ligpitin 'yong mga kalat ko. Pagkatapos non ay naisipan ko namang icheck ang cellphone ko. My notification was flood with Caleb's messages. May iilan din naman kay Vera at Jordan, pinakamarami lang talaga 'yong kay Caleb.

From Lebleb:

You didn't attend
your class?

Where are you?

Nag-aalala na
ako, Khey.

Saan ba kasi
'yang cabin mo?
Para mapuntahan
kita d'yan.

Reply ka agad if
you read this.

Ilan lang 'yan sa mga messages n'ya. Mostly ay kahapon pa 'yon dahil absent ako. I typed a reply.

Me:

Unfortunately, buhay
pa ako. See you on
monday.

Sunod kong tiningnan 'yong kay Jordan.

From Jordan:

Nasa'n ka ba?

Hoy, nag-aalala na
prince charming mo,
tsk.

Napailing nalang ako sa ilang message n'ya kaya nagreply nalang ako, gano'n din kay Vera. Kay Sky wala, nilalangaw na talaga conversation namin.

Ano bang pwede kong gawin ngayon? Saturday at walang pasok. Magpapabulok nalang ba ako rito sa loob ng cabin ko?

A fucking idea crossed my mind. Pupunta ako sa bahay namin to get some of my things. After the incident kasi, hindi na ulit ako umuwi ro'n. Kaunti lang din ang gamit ko rito sa cabin. I'll just sneak to my window. Nakadetain naman si Stanley so safe naman siguro.

Naligo lang ako saglit at nagdrive na papunta sa bahay. Sa labas na ako ng village nagpark ng kotse ko, baka matunugan pa e. Pumasok na ako, kilala parin naman ako ng guard kaya hindi na rin ako nahirapan.

Nagmamasid ako sa paligid habang naglalakad. Nakasuot ako ng jacket at cap. Malamig na rin naman ang panahon dahil december na. Bukod sa ilang gamit ko, plano ko ring kunin 'yong jar ni papa. Hindi nila deserve si papa.

Pagsilip ko sa harapan ng bahay ay walang kotse ni isa. Ibig sabihin ay wala ring tao sa loob. Ayos ng tyempo ko. Ganon pa man ay sa likod parin ako dumaan dahil nakalock ang bahay.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay puro kalat. Mga damit, essentials, at papeles ang nakakalat sa sahig. Pumunta ako sa harap ng cabinet ko. Nakalabas halos lahat ng damit ko, bukas ang mga drawer na para bang may naghalungkat..

'Yon ang nadatnan ko. Hinanap ko lahat ng mahahalagang gamit ko, nandito pa naman lahat. Wala namang nawawala, ni isa, wala. Hindi na ako lalayo, alam kong ang may gawa nito ay galing din dito sa loob ng bahay, o pwedeng silang buong pamilya ang may gawa.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kinuha ko lahat ng gusto kong dalhin sa cabin. Nakuha ko rin ang jar ni papa. Hindi naman nila alam kung saan ang cabin kaya wala silang magagawa.

Una kong inihulog sa baba ang maleta at saka ako sumunod na tumalon galing sa bintana. Napahinga ako nang malalim nang makablik ako sa kotse ko nang hindi nahuhuli.

Habang nagmamaneho ako pabalik sa cabin, iniisip ko kung anong hinahanap nila sa mga gamit ko. Wala naman akong pera do'n, nasa credit card 'yong pera ko na binigay sa'kin ni papa nong nakauwi s'ya. Wala ring nawawala, ibig sabihin hindi nila nakita 'yong hinahanap nila.

Siguro, isa 'yon sa dapat kong alamin.

...

"Akala mo makakatakas ka?!" Sigaw ni Stanley habang hawak ang kamay ko na pilit ko namang kinakalas. Umaapaw ang kaba ko habang nakatingin sa malademonyo n'yang ngiti.

"Let me go!" I exclaimed as I try to kick his balls and I did kaya napabitaw s'ya sa'kin. I took that chance to escape. Tumakbo ako palabas ng bahay, sa kotse ko agad ako nagpunta para makatakas paalis.

Pagpasok ko sa kotse ay binuhay ko agad ang makina pero napasigaw ako nang pagtingin ko sa rearview mirror ay nakaupo si Stanley sa backseat habang may hawak na kutsilyo.

"Aahhhh!" Sigaw ko habang nakatingin sa kanya.

Napabangon ako matapos kong magising mula sa nakakatakot na panaginip. Gosh, it's just a dream. I breathed in and out to calm myself. Kahit panaginip lang ay ang bilis parin ng heartbeat ko. Fuck him. Hanggang panaginip sinusundan parin ako.

My phone beeped. I immediately checked it.

From Caleb:

Resto-bar tayo, sama
ko sila Vera at Jord.
Si Sky ayaw sumama e.

Me:

Sige. Where's the
meeting place?

From Caleb:

Sunduin kita d'yan.
Send your address.

Me:

Where's the meeting
place?


I repeat my question because I don't want to tell anyone my address. Wala rin s'yang nagawa kundi sabihin kung saan kami magkikita-kita.

Pagkakita sa'kin ni Caleb ay sinalubong agad ako nito ng yakap. Sinuklian ko naman.

"I missed you." He whispered. "Ayos ka lang ba? What happened last time, bakit hindi ka pumasok?" He asked with concerned in his voice.

"Tinamad lang ako." Sagot ko naman.

Sunod naman ay si Vera ang yumakap sa'kin. "You sure you're okay, girl? You know, you can also stay at our house para may kasama ka."

"I'm okay." Sagot ko naman. Si Jordan naman ay tinapik lang ang balikat ko.

"Alam n'yo ba kung anong nangyayari kay Sky? She's being aloof." Wika ni Vera nang matapos kaming magyakapan. Tss. Naiinis parin ako sa kanya hanggang hindi ko naririnig ang paliwanag n'ya.

"I don't know too." Kibit balikat ni Jordan. "But I can talk to her tomorrow."

Nagconvoy lang kami papunta sa sinasabi ni Caleb na resto-bar. The resto-bar is high end because only people with connections can access to this place. Kailangan mo pang magpareserve muna. Caleb's family is rich, no need to explain that.

Pagpasok namin sa resto-bar, nilibot ko agad ang tingin ko. I studied the place and I can say that this is worth it being a high-end resto-bar. The interior design were really good. A combination of classy and jazz style.

The waiter accommodated us to our own table. Nasa pinakadulo ito and from here, we can see all the tables, pati kung sino man ang papasok ay abot tanaw rin namin. The place is almost full, ilang table nalang ang bakante.

Nakaupo na kaming tatlo sa table namin. Caleb ordered us food and drinks. Nagrequest naman ako ng beer, good thing hindi kumontra si Caleb.

"Ang galing kumanta nung chix." Puna ni Jordan sa singer sa harapan.

"Mas magaling pa ako d'yan." Pagyayabang naman ni Vera. Halata namang may gusto si Vera kay Jordan, ang alam ko Jordan likes Vera before. Why don't they try?

"Sige nga, kanta ka do'n." Kantyaw naman ng isa.

"Dagdagan mo pagkain mo, Khey. Kumakain ka ba do'n sa cabin mo?" Naglagay ng dagdag na dish si Caleb sa plate ko.

"Kung hindi edi sana patay na ako." Wika ko naman habang kumakain.

"Oh, our guest singer is here!" Masiglang wika ng singer nang mapatingin sa entrace. Halos lahat ay sabay-sabay na napatingin. Shit, they are here. "Miss Free Ibañez!"

"Khey, s'ya 'yong actress na sinasabi kong kamukha mo!" Niyugyog pa ni Vera ang katawan ko pero hindi na ako nakasagot. My eyes were fixed with her.

She's wearing a black buttoned longsleeve dress and a beret hat with her white sling bag.

"Si Miss Harm 'yon, 'di ba? May kambal s'ya?" Asked by Jordan.

"Yup, Avilyn ang name ng kambal ni Miss Harm tapos engaged sila ni Free." Sagot ni Vera. Mukhang sinusubaybayan ni Vera ang buhay ni Free.

"So they're lesbian? Sayang." Jordan remarked na nagpataas agad sa kilay ko. Bumaling ako sa kanya. "Oh, bakit?"

"Bakit mo naman nasabing sayang?" Seryosong tanong ko. "Mas mabuti pang mapunta sila sa kapwa babae kesa sa lalaking ganyan ang mindset." Wika ko habang diretsong nakatingin sa kanya.

"No, I mean, 'di sila magkakaanak gano'n, sayang lahi-" I cut him off.

"IVF exist, dumbass." I said. Pinapainit ni Jordan ang ulo ko sa mga sinasabi n'ya.

"Aray naman." Natatawang wika n'ya, umaarte pang nasasaktan na nakahawak sa dibdib.

"Manahimik ka na, Jord. Ganyan pala mindset mo, turn off na ako. Uncrush na kita." Wika naman ni Vera while laughing a little.

"This song is dedicated to my baby.." nabaling nanaman ang atensyon ko sa stage. Si Free ang nagsalita, holding the mic while looking at their table kung saan nakaupo ang fiancee niya. Everyone claps their hand.

She's singing Nasa Iyo Na Ang Lahat by Daniel Padilla. I've never heard her voice before, hindi kataka-taka na sumikat s'ya. She has a nice voice. Halos lahat naman sa resto-bar ay nakikijam sa song. Habang ako'y nakatingin lang sa nag-iisang babaeng sumasabay rin sa kanta ngayon while smiling.

Nakatatlong kanta yata si Free. After that, tumayo ang isa sa kaibigan ni Miss Harm. 'Yong matangkad na nakatomboy style. May binulong ito sa banda saka ulit bumalik sa table nila.

"Can we call Miss Hermione and Miss Mica on the stage, please? Miss Nixen requested a duet." Wika nung isang singer kanina. I rolled my eyes. Halatang nagkakatuwaan sila nung tinawag ang dalawa. Sabay silang naglakad papunta sa stage.

[Love Is An Open Door by Kristen Bell and Santino Fontana]

"Okay, can I just, say something crazy?" Miss Harm started the song. She's looking at Mica while a bit smiling.

"I love crazy!" Mica replied while smiling sweetly.

"All my life has been a series of doors in my face
And then suddenly I bump into you." Miss Harm sang the first stanza of the song. It felt nostalgic. I sighed. Naririnig ko nga ang boses n'ya pero hindi naman s'ya sa'kin nakatingin. Hindi rin ako pamilyar sa kinakanta nila.

"I was thinking the same thing! 'Cause like
I've been searching my whole life to find my own place
And maybe it's the party talking or the chocolate fondue." Mica sang the next stanza. Still looking at the girl I like.. 

"But with you..
But with you.."

"I found my place..
I see your face.."

They are singing the song happily. And all of the people inside are enjoying their song. Maging sila Caleb ay nakikikanta rin. Ako lang yata ang nakabusangot dito at hindi na maipinta ang mukha.

"Sabay ka naman, Khey. Galing pala ni Miss Harm kumanta oh." Siniko pa ako ni Vera. Magaling talaga 'yan kumanta, kinantahan nga ako ng Enchanted e.

"Love is an open door.." they both sang. Akala ko doon na nagtatapos ang kanta but I clenched my jaw when Mica suddenly held Miss Harm's hand.

"Can I say something crazy?" Tanong n'ya. My forehead creased. Si Miss Harm naman ay hindi manlang nagulat o ano. "Will you marry me?" Mica asked.

Laglag ang panga ko. Inis, galit, selos.. halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. My fist closed under the table.

"Can I say something even crazier?" Miss Harm asked while smiling like Mica. My lips is forming into a thin line. "Yes!" She exclaimed happily. Fuck.

What the fuck is going on? Parte ba ng kanta 'yan or did they mean it? Tangina.

After that, they bowed while holding each others hand. Nang pag-angat ng tingin ni Miss Harm, diretsong tumama ang mata n'ya sa'kin. Rumehistro agad ang gulat sa mukha n'ya. Alam kong masama na ang tingin na ipinupukol ko sa kanya ngayon because I can feel the anger rising inside me.

Our eyes locked for a seconds. I drank the beer that I was holding kanina pa. Dinire-diretso ko ang inom non hanggang maubos nang hindi nag-iiwas ng tingin sa kanya.

"Thank you to our newly engaged couple." The singer chuckled.

Tangina n'yong lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store