ZingTruyen.Store

Herero Series 3

Khey's POV

I'm driving my car now. Isang lugar lang ang naiisip kong puntahan. 'Yong cabin namin ni papa. Kami lang ding dalawa ang nakakaalam do'n.

"Fuck.. my head's spinning.." rinig kong reklamo ni Miss Harm sa passenger seat kaya binagalan ko muna ang patakbo ng sasakyan. She's still holding the bottle of liquor. Ayaw niya talagang isuko 'yon kahit kinukuha ko na sa kanya kanina. "Stop the car.. stop the car!"

Agad kong hininto ang sasakyan. Nagmamadali siyang lumabas at pumunta sa gilid kaya sumunod ako. She's vomiting. Hinaplos ko ang likod niya habang nagsusuka s'ya.

Napaiwas ako ng tingin nang masilip ko ang dibdib niya dahil sa pagkakayuko niya. Napabuga pa ako ng hangin.

"Ayan kasi, inom pa." Natatawang sermon ko kay Miss Harm matapos niyang ilabas lahat ng sama ng loob n'ya.

"Shut up." She coldly said. "Fuck, my breath stinks." She remarked habang nakatapat ang palad sa bibig. Mas lalo akong natawa. HAHAHAHAHAHA malamang uminom s'ya tapos nagsuka pa.

"Malapit na 'yong cabin namin dito, Ma'am. May mga gamit do'n, sipilyo, damit." Paliwanag ko. She turned her head and look at me with her exhausted eyes. Inaantok na yata ito. May tulugan kami do'n kaso iisang kwarto lang.

Hindi siya nagsalita pero pumasok s'ya sa loob ng sasakyan ko kaya parang asong sumunod lang ulit ako.

She opened the botel of alcohol and drank it. Tuloy-tuloy ang paglagok niya kaya inagaw ko 'yon para pigilan s'ya. "Miss Harm, ang dami mo ng nainom." Paalala ko sa kanya. Sinara ko 'yong bote ng alak at nilayo sa kanya.

She glared at me. "Give it back." Mariing utos niya.

Umiling ako. "No." Madiing bigkas ko rin.

"You know what.. you're like a drug.." she said with her low husky voice. Sumandal siya sa backrest ng upuan. I was speechless for a seconds until makabawi ako.

"Dahil nakakasira ako ng buhay?" I forced a chuckle to calm myself. Naghuhuramentado na ang puso ko sa sinabi niya.

She closed her eyes and speak. "No," she stopped halfway. She looks at me again gamit ang maamo niyang mga mata. Malalagutan yata ako ng hininga sa ginagawa niya. "Cause you're addicting.." dugtong niya sa mababang tono.

"What.." hindi ko mahanap ang mga tamang salita. I'm speechless, literal. Fuck. Anong pwede kong sabihin? Should I confess too? Pero hindi pa ako ready..

"Pero bawal.. using a drug has lots of consequence.." she said with a hint of bitterness in her voice. 'Yong pagbilis ng tibok ng puso ko kanina, unti-unting nawala at napalitan ng maliliit na kirot na tumutusok sa kaloob-looban nito.

"Masarap naman ang bawal, Miss Harm." Sarkastikong usal ko. Tumingin na rin ako ng diretso sa daan. I start the engine and drove to our cabin.

Bakit ang hilig n'ya sa ganyan? Sa una bibigyan ako ng pag-aso tapos maya-maya babawian ako.

"I know.." biglang nagsalita s'ya. Nagmaneho lang ako. Pinasok ko na ang kotse ko sa kakahuyan kung saan matatagpuan ang cabin namin sa 'di kalayuan. Huminto ako nang marating ko na ang destinasyon namin. "That's why I'll ask you a favor."

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Tinansya ko muna ang ekspresyon n'ya. Halata paring lasing s'ya, hindi n'ya alam ang ginagawa n'ya kaya 'di dapat ako magpadala.

"Tara na sa loob, Miss Harm. May tulugan do'n-" pambabaliwala ko sa sinasabi n'ya pero pinutol n'ya ako sa pagsasalita.

"I'll ask you to do everything you want with me.. everything.. anything.." mahinang usal niya na tila pakiusap na sa lambot ng boses niya. Natahimik nanaman ako sa sinabi niya.

I stare at her for awhile. Anong klaseng pabor 'yang hinihingi niya? Parang gusto n'yang samantalahin ko kalagayan n'ya ngayon eh. Tangina, gago lang ako pero hindi ako tarantado. 'Di ko gagawin sa kanya 'yon.

"Anong kapalit?" Matapang na tanong ko. Kasi paniguradong may kapalit yang hinihinga n'ya. Nakipagtitigan din s'ya sa matalim kong mata.

"You'll stop playing with me." Matapang na sagot din n'ya.  Kumunot naman ang noo ko.

"Anong stop playing? Anong laro ba ginagawa ko, Ma'am?"

"Larong pantanga." Pilosopong sagot niya sabay irap ng mga mata. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o ano. Anong larong pantanga sinasabi n'ya?

"Hindi naman ako nakikipaglaro, Miss Harm." Kalmadong usal ko.

"You said, at the bar, that you want to talk to me, right? So, what should we talk about?" She asked with her firm voice. Unti-unti na yatang nawawala ang tama n'ya sa usapan namin. Bumalik na ang professor aura n'ya.

Hindi namaman ako nakapagsalita. Tangina, ang galing n'yang manghuli. Hindi ko rin talaga alam kung may dapat ba kaming pag-usapan. Dahil ang huling pagkikita namin ay nireject n'ya ako at wala na dapat akong sasabihin tungkol do'n. I should just accept it.

I sighed deeply. Walang pasabi kong in-start ang kotse. Ihahatid ko nalang s'ya pero hindi ko pa napipihit paikot ang manibela ay may malambot na kamay ang dumapo sa braso ko.

My head turned to Miss Harm who's currently wearing this unreadable expression on her face. She faintly smiled before speaking.

"This is the last time we'll talk like this. The last time I can talk to you like this." She squeezed my arms. "I'm leaving.." unti-unting lumambot ang pagkakahawak n'ya sa kamay ko.

"Ha?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Anong aalis? Magmimigrate ka sa ibang bansa, gano'n?" Sarkastikong tanong ko.

"Yeah," she softly mumbles. Unti-unting bumitaw ang kamay ko sa manibela kaya napabitaw rin s'ya sa pagkakahawak sa 'kin. "My flight will be next week.." she sighs.

"Fuck?" I breathed out. Tinaasan niya agad ako ng kilay. Okay, Khey, professor mo parin s'ya. Sumandal ako sa backrest ng driver's seat. I looked away, pinagmasdan ko sandali ang mga puno sa labas, maririnig din ang huni ng mga kuliglig. It was supposed to be a peaceful night kung hindi lang kami nag-uusap nang ganito.

Tila bigla nalang may bumara sa lalamunan ko at the sudden realization. Aalis na s'ya. Migrate, means for good. Ano ba 'yan, para naman akong tanga. Anong nginangawa ko rito e wala naman akong karapatan. Parang ewan kasi.

Bumaling ako sa kanya. "Seryoso ka ba, Miss Harm? I mean, lasing ka.. and-" pinutol niya ako sa pagsasalita.

"I'm not drunk.. just tipsy. I still know what I'm saying." Sagot niya sa malamlam na tono.

"May I know the reason bakit ka aalis? Maayos naman buhay mo rito, nice house, a car, stable job. Tingin ko mataas naman magpasweldo sa Amherst e. What's your reason?" Seryosong tanong ko.

"I need to think." She said, mistulang mabigat ang dibdib. Siya naman ngayon ang nag-iwas ng tingin.

"Think? Sa ibang bansa pa? Sosyal mo naman mag-isip, Ma'am." Natatawang bigkas ko. Hindi na s'ya nagsalita. Nakatingin nalang s'ya sa labas ng bintana. "Bakit pala kayo nasa bar, Ma'am? May celebration?"

"Yeah.. congratulations to my twin sister and future sister-in-law." Sagot n'ya while still looking outside the  car window. "And congratufuckinglations to me.." she mumbles na hindi ko na narinig sa sobrang hina.

"Ano 'yon, Ma'am?" Tanong ko. Hindi ko naintindihan 'yong huli niyang sinabi pero 'yong nauna means engaged na si Free at Avilyn?

"Nothing. Let's go inside your cabin? Medyo nahihilo parin ako.." Pakiusap niya kaya pumunta na kami sa loob habang inaalalayan ko s'ya.

Nakaupo siya ngayon sa sofa habang naghahanap ako ng pwedeng pamalit sa suot niya. May mga damit ako ritong naiwan nung huling punta ko. Nakahanap ako ng isang oversized shirt at shorts, okay na 'to. Inabot ko sa kanya na agad naman n'yang tinanggap.

"Miss Harm.." tawag ko sa kanya.

"Hmm?" She asked in a soft tone. Nanghihina ako sa ganyan n'ya. Baka 'di ko to pauwiin hanggang lumipas flight n'ya.

"Sabi mo, I can do everything I want right?" Nakangising tanong ko. Nakita ko ang mahinang pagsinghap niya nang maupo ako sa tabi niya at unti-unting nilapit ang mukha ko habang s'ya ay umatras nang umatras.

"Y-yes.. but-" siya naman ngayon ang pinutol ko sa pagsasalita.

"Pwes, bawal kang tumanggi." I said in my firm voice. Mas nakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya ngayon na mas lalong ikinangisi ko naman.

"I-binabawi ko na!" She exclaimed and tried to push me kaya doon na ako natawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ko habang napapahawak pa sa tyan. Nakakatawa ang reaksyon n'ya. Iniisip n'ya siguro gagawin ko 'yon, sus, kung mapagpatol lang ako kanina baka ginawa ko talaga. Parang ganon pinapahiwatig n'ya eh. "Idi-date lang kita, Miss Harm. Ano bang nasa isip mo?" Natatawang tanong ko parin.

Kitang kita ko ang pag-akyat ng kulay pula sa mukha n'ya kasabay ng pag-iwas n'ya ng tingin. Natatawa parin ako. Grabe 'to si Ma'am, mixed emotions pinaparamdam sa 'kin. Kanina kinukurot lang puso ko, ngayon pinapangiti nanaman ako.

"E kasi.. you're acting weird so I assume you were talking about something.." hindi diretsong paliwanag niya.

"Hindi ba 'yong something na 'yan din ang gusto mong mangyari kanina?" Nakataas ang kilay na tanong ko. She looked at me with disbelief.

"Of course not!" She defensively said. Parang batang nagmamaktol. Ang cute eh. Sarap isako ni Miss Harm tas dalhin sa lugar na kaming dalawa lang. Tas ididisplay ko siya kasi ang cute niya talaga. Mabuti naman nawawala na tama n'ya.

"Sus," natawa ako sandali. "May tanong ako. Anong klaseng dates na po naexperience mo?" Naging seryoso na ang tono ko. Dahil seryoso, kung may hihingin siyang pabor na pwede kong gawin kahit ano, aayain ko talaga siya ng date, date na hindi niya makakalimutan.

"Usually, dinner dates on restaurants." She answered. Mas kalmado na s'ya ngayon kumpara kanina.

"Fancy restaurants?" Kuryosong tanong ko. Tumango naman s'ya. Sabi na eh. Sa status naman kasi ni ma'am, s'ya 'yong mukhang pangyayamanin talaga. Pero 'di ko gagawin 'yan. May naiisip akong mas magandang date for us.

"Why?" She asked curiously. Mukhang alam na niyang may binabalak ako.

"Ma'am, ayos naman sa 'yong makipagdate sa 'kin, 'no? Sabi mo I can do anything I want e."

"Yup," sagot naman niya agad.

"Goods. Kailan ka po free?" Tanong ko ulit.

"Maybe, on sunday afternoon." She answered again.

"Sige po, sunduin kita, ma'am. Tulog na po tayo?" Aya ko sa kanya. Tumayo na ako, maayos na 'yong kwartong tutulugan n'ya.

"Okay." She replied briefly. Nagulat ako nang bigla s'yang mahiga sa sofa kaya pinigilan ko agad s'ya. There's no way na patutulugin ko s'ya d'yan.

"Ma'am, hindi d'ya. Doon ka na sa kwarto, ako dito." Awat ko sa kanya.

"I can sleep here." She innocently said. Inayos niya 'yong throw pillow na magsisilbi niyang unan kaya inagaw ko 'yon.

"Sa kwarto ka, ma'am. Ako rito. Sige na, 'wag na makulit." Wika ko sa kanya. She just looked at me with weird expression. "Sige na po, ma'am. Antok na ako." Pilit ko pa.

Wala na rin s'yang nagawa. Pumasok na s'ya ng kwarto pero bago niya isara ang pinto ay may sinabi muna s'ya.

"Don't let the bedbugs bite." She side before closing the door. I just bit my lowerlip. Gara talaga ni Miss Harm.

...

Nagising ako sa tunog ng gitara at boses na kumakanta pero hindi agad ako nagmulat ng mata. Alam kong nasa harapan ko lang ang kumakanta at sigurado akong si Miss Harm 'yon dahil s'ya lang naman ang kasama ko.

Tangina, 'yong boses, mala-anghel sa ganda. Ang sarap sa tenga. Hindi ko talaga binuksan ang mata ko at pinakinggan lang s'yang kumanta. Finafamiliarize ko pa 'yong tenga ko sa tinutugtog niya. Nakita n'ya yata 'yong gitara sa kwarto.

"I was enchanted to meet you.." nong nabigkas n'ya ang mga salita ay saka ko lang narealize kung anong kinakanta n'ya. Enchanted by Taylor Swift.

Patuloy lang ang pakikinig ko sa kanya. Hindi ko alam pero ramdam ko 'yony emosyon n'ya sa kanta. Sa bawat pagbitaw ng salita at pag-strum mg guitar. Parang sumasabay 'yong puso ko sa pagkanta n'ya.

"This is me praying that
This was the very first page
Not where the story line ends
My thoughts will echo your name, until I see you again
These are the words I held back, as I was leaving too soon
I was enchanted to meet you.."

Tangina. Parang saktong-sakto para sa kanya 'yong kanta ah. Aalis na rin s'ya sa susunod na linggo. Maiiwan nanaman ako..

"Please don't be in love with someone else"

Tangina.. bakit gano'n. Parang tumatagos sa 'kin 'yong lyrics. Ni hindi nga ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya, wala pang kasiguraduhan ang lahat.

"Please don't have somebody waiting on you"

Wala namang ibang maghihintay sa akin.. kasi ako naman 'yong laging naghihintay. Ako 'yong iniiwan tapos binabalikan nalang basta kung kailan nila gusto.

"Please don't be in love with someone else
Please don't have somebody waiting on you.."

Sana nga, Miss Harm, sa pagbalik mo, baka pwede na. Sana pwede pa..

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store