Herero Series 3
Khey's POVTuesday. Napagpasyahan ko nang lumabas sa lungga ko. I also received a letter from our school yesterday; a warning na kung hindi ako magrereport sa admin ay baka bumagsak ako this sem. It's been three days since I asked Miss Harm about that thing. Umalis na rin siya agad no'n matapos naming mag-usap. Hindi ko na rin alam kung anong dapat kong i-act towards her. Maiilang ba ako? Mahihiya o aaktong parang walang nangyari? Ayoko nalang isipin. "Khey," Caleb runs towards me nang makalabas ako ng kotse ko. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. "I missed you. How are you feeling? Ayos ka na ba? Kumakain ka na ba?" Sunod sunod agad ang tanong n'ya. "Dami mong tanong, mahina ang kalaban." Natatawang sagot ko. "Pumayat ka, Khey." Puna ni Vera matapos namin magbitaw ni Caleb sa yakap."Nagdiet talaga ako." Nakangising sagot ko. "Ulo mo diet." Bara naman sa 'kin ni Sky. Lumapit s'ya sa 'kin and she also gave me a hug. "'Wag mo na ulit kaming i-ghost, gago ka." Bulong niya sa gitna ng yakap namin. I smiled. Kahit gago 'to si Sky ramdam ko siya. "Oo na, dami alam." Sagot ko. Nagpunta na kami sa kanya-kanya naming classroom. Tuesday ngayon, si Miss Harm parin first period namin. "Sure ka ng ayos ka na?" Tanong ulit ni Sky sa tabi ko. "Wala namang magiging ayos nang ganon-ganon lang, Sky. But I need to take a step forward para 'di ako mabulok." Nakangiting sagot ko. Totoo naman. I'm devastated about papa's death pero hindi pwedeng makulong ako sa lungkot. I need this too, kailangan kong libangin sarili ko. "Bar tayo mamaya. Palibre tayo kay Caleb." Wika niya habang nakangisi. "G." Sagot ko. Matagal na rin akong hindi umiinom. Susulitin ko na mamaya. Makapaglabas manlang ng kaunting sama ng loob. "Guys, hindi raw makakapasok si Miss Harm ngayon." One of our classmates said. Nagsiyahan naman ang ilan sa mga kaklase namin, ang iba ay nadismaya. "Bakit daw?" Tanong ng isang chismosong kaklase ko. "May personal na lalakarin daw." Sagot namin ng kaklase namin. Nagtinginan kami ni Sky. Sa tingin niya, parang may alam s'yang hindi ko alam eh. "Ano 'yon? Nagkakausap ba kayo?" Nagdududang tanong ko kay Sky. "Hindi," maikling sagot niya. "But these days, nagtataka talaga ako. I often see her with a girl na medyo hawig mo, napag-alaman kong sikat pala 'yong babae, artista pa. Medyo tago nga lang sila, parang ayaw pa magpakita pero nakikilala kong s'ya 'yon." Paliwanag ni Sky. Kumunot ang noo ko. What? 'Yon ba 'yong tinutukoy ni Miss Harm noong una kaming nagkita? So, this girl is not just her friend.. maybe there's something going on between them and she's famous as Sky said kaya tago lang silang magkita? "Do you know what's the name of the girl?" I asked Sky. Para kaming tangang nag-uusap tungkol sa isang bagay na out of concern naman namin. "Free? 'Yan lang alam ko, hindi ko pa triny hanapin sa social media e. Baka screen name niya 'yon." Kinuha ko agad ang cellphone ko. I opened my social media account and searched for her name. Tinatype ko palang sa search bar ay may pangalan agad na lumabas. Free Ibañez so I clicked it. Ang daming account and pages na lumabas pero inuna kong iclick ang nasa pinakaitaas. Free Ibañez. She has hundred thousands follower. Bihira lang ang posts sa account niya pero lahat ay umaani ng libo-libong reactions. Wala namang makita rito na related to Miss Harm. All of her posts are about her and some promotions about products, movies, albums, etc. And Miss Harm is right, may pagkakahawig kami."Sky," tawag ko sa katabi ko. Diretso ang tingin niya sa malayo. "Hoy," tawag ko ulit. "Ayos ka lang?" "Yup." Tumango siya. "The real deal is, I confessed to Miss Harm and got rejected. Naiisip ko baka si Free 'yong dahilan." Diretsong wika niya. Sandali akong nagulat sa pag-amin ni Sky. Hindi ako nakapagsalita nang ilang minuto. She confessed? To Miss Harm? And got rejected? Parang ako, the only difference is umamin ako indirectly. I conclude, Free is the sole reason why Miss Harm both rejected Sky and I. I want to know more about that girl. At kung napatunayan namin pareho ni Sky na may namamagitan sa kanilag dalawa, there's only two option; titigilan ko na si Miss Harm, 2nd is aagawin ko siya. There's no in between. I'm still scrolling at Free's timeline when some post caught my attention. It's a screenshot that she shared few months ago. It's a photo of her and Miss Harm but not Miss Harm because I saw the caption. Free Ibañez and Avilyn Herero. May second name ba si Miss Harm? Wala akong maalala. Nagcomment si Avilyn Herero ng; "I'm the girl at the photo. Just want to clarify that we are not dating. Free Ibañez is my friend. I just helped her because she's alone in the mall that time and it happened that I was there too. Stop spreading false information. Thank you." Pwedeng sinabi niya lang 'yan fo clear protect Free's image. Bakit hindu ko i-stalk si Avilyn kung siya talaga si Miss Harm? I clicked Avilyn Herero's profile. Scroll-scroll. "Damn." Napamura ako nang makita ko 'yong mga litraro. Nakiusisa si Sky sa cellphone ko. Pareho kaming gulat ang reaksyon. Kambal sila. Sa wakas ay nakita ko na rin 'yong account ni Miss Harm kaya binisita ko na. Nakaprivate account niya. Hindi pwedeng i-add, wala ring message option. Hays. Ngayong nalaman ko na 'yong totoo, I still don't know how to feel. Matutuwa ba ako na single siya o maiinis dahil single na s'ya pero rejected parin ako. ..."Finally! Oh, I missed the smell of this place!" Sky shouted when we got inside our favorite bar na madalas naming puntahan. Ngayon lang ulit kami magbabar. Gusto ko munang alisin lahat ng agam agam ko. Ang daming tao ngayon kahit tuesday. Usually kasi ay friday or saturday ang punta namin para okay lang malasing kasi walang class the next day. "Second floor tayo." Wika ni Caleb after taking care of our designated table. Sabay-sabay na kaming umakyat sa taas. Dumako agad ang tingin ko sa right side kung saan may isang table na pinagkukumpulan ng mga tao. Akala mo'y may sikat na artista do'n. I just shrugged. I didn't come here to mind their business. I'm here to enjoy. Umupo kami sa isang VIP couch. Nag-order agad sila ng drinks. We start to drink. Paunti-unti lang muna ang pag-inom ko. "You okay?" Caleb suddenly asked. Nakadikit ang bibig niya sa tenga ko dahil sa ingay. "Yeah," I answered while slightly nodding my head pero ang tingin ko ay nando'n parin sa kumpol ng tao. Unti unti nang nababawasan ang mga tao sa pwesto nila kaya nakatitig lang ako. Naaagaw talaga nila ang atensyon ko."Let's just dance! Para kayong ewan d'yan." Vera said sabay hila sa kamay namin ni Caleb kaya nagpatianod nalang kami. We got into the first floor, nandito kasi 'yong mga nagsasayawan. They are wilding. Yeah, the type of party I want. Hindi ko pa man naeenjoy ang masayang musika ay napahinto na ako. Miss Harm, wearing a silky peach dress, hair is a bit messy, dancing like she owns this whole damn place. Tila ganon nga ang nangyayari dahil siya ang bida, lahat ay napapatingin sa kanya, pati ako ay hindi na maalis ang mata sa galaw niya. Ang mga kamay niyang nakataas ay unti-unti niyang binababa kasabay ng paggalaw ng bewang niya pakaliwa at kanan. She'll caress her hair, down to her neck, to the side of her hips.. fuck. I bit my lowerlip. She's freaking hot but it makes me irritated na may iba pang nakatingin sa kanya. Pumunta ako sa tabi niya, sa likod niya at sinabayan ang paggalaw niya. Nginisian ko ang mga lalaking nakatingin sa kanya. Meanwhile, Miss Harm stopped movieng kaya bumulong ako sa kanya. "Let's just dance.." I whispered in her ear in a soft husky voice. She smells like a sweet wine, so addicting. Hinawakan ko ang parehong bewang niya at iginaya siya sa pagsasayaw. Kalaunan ay nakasabay rin siya. I pulled her closer, sobrang lapit na ng katawan namin sa isa't-isa. Her body is as hot as her. Nawala na ang kumpol ng taong nakapalibot sa kanya kanina at nagsimula na rin silang gumawa ng sarili nilang buhay. Mabuti naman. Dumako ang kamay ko sa tiyan niya and I started to caress it softly. "Fuck.." I heard her cuss. Fuck, ang sexy niyang magmura. Napasinghap ako nang bigla niyang i-grind ang likuran niya sa harapan ko. It made a friction between us, parang apoy na lumagablab ang nararamdaman ko dahil sa ginawa niya. "Miss Harm," may babaeng nagsalita sa gilid namin kaya sabay kaming napahinto. Paiba-iba ang kulay ng ilaw kaya tinitigan kong mabuti ang babaeng nagsalita. Hindi ito si Free, at mas lalong hindi ito ang kambal ni Miss Harm. Who's this? Nakasuot siya ng sunday dress. She looks firm and proper. Expressions are static. Kaedad lang yata ni Miss Harm kung titingnan. She suddenly hold Miss Harm's hand, hinihila niya ito palayo sa 'kin kaya hinawakan ko rin ang kamay ni Miss Harm na hawak niya. We both stare at each other. Parehong masama ang tingin namin, walang nagpapatalo. "We're going home, Miss Harm." The girl said while still looking at me. "Who are you?" Nakataas ang kilay na tanong ko. "Mica, Miss Harm's friend for 5 years. You?" Mataray na tanong niya. Mas humigpit ang hawak ko kay Miss Harm. "I'm her girlfriend." Madiing pakilala ko. Her lips curls up. A sarcastic smirk formed into her lips. "Asa." She said at hinila na ang kamay ni Miss Harm pero dahil mahigpit ang pagkakahawak ko ay hindi niya nagawang mahila si Miss Harm, bagay na ikinangisi ko pero agad ding nawala nang magsalita si Miss Harm. "Get off my hand, Miss Khey." Wika niya nang hindi na maayos ang mga salita. Halatang may tama na ng alak. Mapait sa pandinig ang sinabi niya. Sino ba 'tong babaeng 'to? Ang daming umaaligid sa kanya. Wala na akong nagawa nang kalasin niya ang kamay n'ya sa pagkakahawak ko at sumama sa babaeng nagpakilalang Mica. But then again, I'm not easy to talk to kaya sumunod ako sa kanila. Umakyat sila sa second floor ng lugar where the VIP's are. Nagulat ako nang pumunta sila sa lugar kung saan kanina nagkukumpulan ang mga tao. Marami silang kasama. Nakita ko rin do'n ang kambal ni Miss Harm na katabi si Free. May isa pang babaeng nakasuot ng revealing dress, 'yong isa ay nakacoat at may kaakbay na isa pang babaeng nakasuot din ng dress. They all looked at me and gave me a strange look. "Angas, Free. Kalook-alike mo." Kumento ng babaeng nakasuot ng coat. Ngayong nakita ko na rin sa malapitan si Free, totoo ngang magkamukha kami. Mas girly lang siyang tignan kumpara sa 'kin. Napatingin sa 'kin 'yong Mica. She shakes her head disappointedly, samantalang si Miss Harm ay seryoso ang mapupungay niyang mata. Ano ba kasing ginagawa ko rito? Pinapahiya ko lang sarili ko. "Hi!" Masiglang bati ni Free. "What can we help you?" She asked politely. Lumingon muna ako kay Miss Harm, she's drinking again. Bakit hindi manlang nila pinipigilan? Tsk. "Uhh.. I just want to talk to Miss Harm." Magalang na sagot ko rin. These are Miss Harm's friend so I maybe need to act kind, as much as I can. Nagtinginan silang lahat tapos sabay sabay na tumingin kay Miss Harm na umiinom parin hanggang ngayon. Bumulong si Miss Avilyn sa kapatid, nag-angat ng tingin sa 'kin si Miss Harm. Mapungay na talaga ang mga mata niya. Miss Harm stood up, muntik pa siyang matumba kaya lumapit agad ako pala alalayan siya. "Ehem," pekeng tikhim ng isa sa kaibigan ni Miss Harm na hindi ko nalang pinansin. "I can handle myself.." Miss Harm said in gibberish way. She's trying her best to act normal pero mapapansin na talagang natamaan na siya ng alcohol. "Sa labas sana kami mag-uusap." Paalam ko sa mga kasama niya. Biglang nagseryoso ang mukha ng babaeng nakacoat, pati rin si Mica. "It'sh fine.. I'll be back, hmm?" She said to her friends at nauna nang maglakad paalis. Dala-dala niya ang isang bote ng alak. Binilisan ko ang paglalakad para maabutan siya. Inalalayan ko s'ya pababa ng 1st floor. Nasa likod niya lang ako dahil ayaw niyang magpahawak, kaya niya raw pero ilang beses na s'yang muntik matumba. "Miss Harm, dahan-dahan lang." Pakiusap ko dahil ang bilis n'ya paring maglakad. "Where ish your car?" She asked nang makalabas kami. Nagsalubong ang kilay ko. Hindi siya makatingin sa 'kin nang diretso, malikot ang mga mata niya, marahil dahil sa tama ng alak. "Bakit, Ma'am?" Takang tanong ko. Naglakad siya papunta sa pinakamalapit na kotse and she tried to open it kaya pinigilan ko agad. Paano kung may alarm? Edi lagot pa kami. "Ito pa 'yong kotse ko." Hinila ko siya paharap doon. "Open it." She commanded. Ginawa ko naman. She opened the cardoor at saka pumasok sa loob ng sasakyan ko. "Ma'am, bakit? Gusto niyo na bang umuwi? Sasabihin ko muna-""Come inside.." mahinang utos niya. Nakatingala siya sa 'kin habang nakaupo sa passenger seat, mapungay ang mga mata niya and her voice... Fuck. 'Wag ngayon, Khey. Umayos ka. Napapabuntong hininga nalang akong sumunod sa kanya. Pumasok ako sa driver's seat ng kotse ko. Humarap ako sa kanya. "Gusto mo na bang umuwi, Miss Harm?" Tanong ko. Pwede ko naman siyang ihatid sa bahay niya, I'll just inform her friend first."No.. but I want to go somewhere.." mahinang sagot niya. Diretso na ngayon ang tingin niya sa 'kin. I gulped when my eyes landed on her lips. Her lips were wet dahil sa pagdaan ng dila niya rito. "I want to go somewhere.." Ulit niya.My gazes went back to her eyes. Nangungusap ang mga ito; maamo, mapungay. Ang ganda niya talaga, kahit lasing, sobrang ganda parin. "But-" she cuts me off. "Please." She pleaded. Just one word, kuha na niya ako.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store