Fatal Attraction 3: La Impostora
Chapter 27
"BINALAK NI dad na kausapin si Wilson para komprontahin sa ginawa sa 'yo. Pero ang lolo niya ang nakausap ni dad. Nalaman rin ni Robert na buntis ka. Alam mo naman siguro na si Samantha at Wilson ang gusto ng mga ito para isa't isa. Binalaan ng dalawa si dad na huwag ipapaalam kay Wilson ang kalagayan mo kaya ka niya pinaalis. Hindi rin gusto ni dad na maugnay ka sa pamilya dela Fuente kaya nga pinagsabihan ka na niya una palang nang nalamaman niyang nakikipagkita ka kay Wilson."
Parang sasabog ang dibdib ni Sasahh habang hinihintay ang mga sasabihin pa ni Tyler. Parang alam na niya ang mga susunod pa nitong sasabihin pero hinihiling niyang sana mali ang nasa isip. Hindi niya matatanggap kung may kinalaman ang kanyang ama rito.
"Gusto ni Robert na kunin ang bata. Si Samantha ang magpapalaki and later on, Wilson will be the father."
"Huwag mong sabihing pumayag si dad."
"Pinalitan ni dad ang bata at pinalabas na namatay ang anak mo. Iniwan ni dad ang anak mo sa mismong pinto ng bahay ni Samantha sa New York."
Napahawak si Sasahh sa saraling dibdib na bigla ay parang naninikip. Tila nauupos siyang muling napaupo habang walang humpay sa pag-agos ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
"Nagawa ni dad ang bagay na 'yon?"
"He's desperate that time. Para sa kompanya, para sa kaligtasan ng pamilya at para tuluyang maputol ang ugnayan niyo ni Wilson."
"Bullshit! Sinunod ko ang gusto niya! Hindi ko sinabi kay Wilson na buntis ako. Umalis akong hindi niya alam ang kalagayan ko dahil 'yon ang gusto ni dad! Hindi pa ba sapat 'yon?"
"Nagbanta si Robert, Sasahh! Nagbanta siya na sa oras na umurong si Wilson sa kasal ni Samantha nang dahil sa 'yo, magbabayad ang buong pamilya natin... Dad was left no choice."
"Pero bakit kailangan niyang ilayo ang anak ko sa 'kin!" Malakas na sumigaw si Sasahh. Ang sama-sama ng loob niya ngayon sa kanyang ama. Hindi niya akalain na magagawa nito ang bagay na iyon.
"Sasahh, hindi niya gustong gawin pero wala siyang choice. Masakit din para kay dad ang ginawa niya. Pumayag na rin siya dahil si Wilson din naman ang magpapalaki sa kanya. Ang sarili niyang ama."
"Kailan mo pa nalaman ang tungkol sa bagay na 'to?"
"Just a few months before he died. Hindi ko sinasadyang makita ang video na ginawa niya. He's confessing everything he did on video. He had been monitoring Ryker while he's growing up. Marami siyang photos and videos ng anak mo, mula pagkasilang mo sa kanya at habang lumalaki siya."
"Oh, my God!" Mas lalong pumalahaw ng iyak si Sasahh.
Muling pumasok ng silid si Mitchell dahil sa pag-iyak ni Sasahh. Dinaluhan ni Mitchell si Sasahh na iyak nang iyak.
"Ano'ng nangyari?" Sinapo nito ang magkabilang pisngi ni Sasahh.
"Hey! What's wrong, hmm?"
"Mitchell! Si Ryke... he's my son. He's my son."
"Sandali. Hindi kita maintindihan."
"Kailangan malaman ni Wilson ang tungkol dito." Hinagilap niya ang cellphone sa kanyang bag na nakapatong lang sa tabi niya. Tears blurred her vision as she scrolled down her phonebook to Wilson and pressed the call.
Tumayo siya mula sa kinauupuan at nagpalakad-lakad habang hinihintay ang pagsagot ni Wilson. Namatay ang tawag kaya muli niyang inulit ang tawag pero hindi sinasagot ni Wilson. Si Elisse ang sunod niyang tinawagan na agad namang sinagot.
"Elisse, nasaan ang kuya mo?"
"Hindi pa umuuwi, Ate Sam."
"Si Ryke? How's my son?" Pagkasambit sa pangalan ni Ryke ay naiyak na naman siya. Hindi siya makapaniwalang buhay ang anak niya at wala siyang kaalam-alam na kasama niya ito.
"Ate Sam, are you okay? Umiiyak ka ba?"
"Si Ryke, pwede ko ba siyang makausap? I want to talk to my son."
"Ahm, kakaalis lang."
"Umalis? Saan pupunta? Sino ang kasama?"
"Ang papa mo. Sinundo siya ngayon lang. Ayon, excited ngang sumakay ng helicopter."
"Si... si Robert?" Halos hangin na lang ang lumabas mula sa bibig niya. Nanigas siya sa kinatatayuan sa matinding takot na gumapang sa buo niyang katawan.
"Yes, ate. Sinundo siya ng papa mo. Pinapasundo mo raw."
"No! Elisse, please! Pigilan mo sila." Naririnig pa niya sa background ang ugong ng helicopter.
"May masamang binabalak si Robert sa anak ko. Elisse, do something, please!"
"What? Pero, Ate Sam, imposible nang mapabalik sila. Nakalipad na ang chopper."
"Oh, no!" Nabitawan ni Sasahh ang cellphone. Ang mga tuhod niya ay biglang nanghina pero bago pa man siya bumagsak sa sahig ay nasalo siya ni Mitchell. Lumapit na rin sa kanya si Tyler.
"Sasahh, what happened?" Tyler looks worried.
"Kinuha ni Robert si Ryke. Ano ang gagawin ko?"
"Demonyo talaga ang taong 'yon!" Nagtatagis ang mga bagang ni Tyler sa matinding galit.
SAKAY ng Jet ranger ni Mitchell ay nagtungo sila ng La Carlota. Hindi niya pinayagan si Tyler na sumama kahit nagpupumilit pa ito. Delikado masyado lalo't nandoon si senator. Agad siyang tinawagan ni Wilson nang makausap ito ni Elisse. Nasa meeting ito kanina kaya hindi nasagot ang tawag niya.
Pagkalapag na pagkalapag ng helicopter sa landing area sa mismong lupain din ng dela fuente ay nakaabang na si Wilson. Medyo may distansiya ito sa mansiyon. Sinalubong ni Wilson si Sasahh ng mahigpit na yakap. Iyak pa rin nang iyak si Sasahh.
"Hey, baby, what's wrong?" Ikinulong ni Wilson ang mukha ni Sasahh sa mga palad nito at tinuyo ng daliri ang basang pisngi saka ginawaran ng halik sa labi.
"Ano ang problema? Kanina pa ako nag-aalala sa 'yo."
"Wilson si Ryke. Kinuha siya ni Robert. Baka saktan niya ang anak natin!"
"Sshh! Hindi niya gagawin 'yon. Apo niya si Ryke. Ano ba ang nangayari para isipin mong sasaktan ni Robert si Ryke?"
Wilson is trying to convince himself that everything is okay pero hindi pa rin nito maiwasang mag-alala. Hindi nito maunawaan kung bakit kinuha ni Robert si Ryke at kailangan pa nitong magsinungaling na pinapakuha ni Samantha. Sinubukan ni Wilson na tawagan si Robert pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Alam niyang may nangyayaro but he's hoping it wasn't that serious.
"Alam na niyang ang mama mo ang tagapagmana ni Don Augustine, Wilson, at gagamitin niya si Ryke para mapasunod tayo."
"What? How?"
"Kinausap siya ng mama mo. At galit na galit siya. Ngayon si Ryke ang gagamitin niya!"
"Bakit si Ryke? Apo niya si Ryke."
"No! Wilson, hindi niya apo si Ryke."
"Ano ang ibig mong sabihin? Sandali nga, halika muna sa bahay."
"No! It's safe for us to talk here. Nasa mansiyon si senator."
"Sa sasakyan tayo." Bumaling siya kay Mitchell. Tumango lang ang binata na sinisiguradong ayos lang ito. Iginiya ni Wilson si Sasahh papasok sa loob ng sasakyan.
"Okay, baby, calm down!" Ibinigay ni Wilson kay Sasahh ang bottled water pero tinanggihan iyon ni Sasahh.
"I can't calm down. Ang anak natin!" Bumulalas na naman ng iyak si Sasahh. Sa tuwing naiisip niyang nasa panganib si Ryke ay para siyang mamamatay.
"Hindi niya sasaktan si Ryke. Sasahh, halang ang kaluluwa ni Robert pero siguro naman hindi niya sasaktan ang nag-iisa niyang apo. Walang kinalaman si Ryke sa pamilya namin kung tutuusin."
Sasahh shook her head as her tears continued flowing uncontrollably from her eyes. "Makinig ka, Wilson. Hindi apo ni Robert si Ryke. Hindi siya anak ni Samantha. Anak natin siya."
Hindi agad nakapagsalita si Wilson. Medyo naguluhan pero pilit na iniintindi ang sinasabi ni Sasahh but still, he couldn't get it.
"Wilson, may hindi ako sinasabi sa 'yo. Before I left for New York I was pregnant." Ang bahagyang pagkakakunot ng noo ay lalong nalukot.
"What do you mean?"
"Nabuntis mo ako!"
"Ano!?" Shock spreads across his face.
"I'm sorry If I didn't tell you. Binalaan ako ni dad na huwag ipapaalam sa 'yo ang ipinagbubuntis ko. Akala ko namatay ang anak natin pero ngayon nalaman ko na kinuha pala ni dad at pinalitan ng patay na sanggol. Iniwan niya sa pinto ng bahay ni Samantha sa New York dahil iyon ang gusto ng lolo mo at ni Robert."
"And it was Ryke?" Hindi nakapaniwalang usal ni Wilson.
She nodded. "Yes. Anak natin si Ryke. At ngayon gagamitin siya ni Robert laban sa atin. Gaganti siya sa pamamagitan ng anak natin. Wilson, please, do something! Bawiin mo ang anak natin. Hindi ko kakayanin kapag may mangyaring masama sa anak natin!"
"Pero may DNA test. Negative ang resulta niyon?"
"Hindi ko alam kung bakit negative ang resulta ng DNA test namin ni Ryke. Baka nagkaroon lang ng pagkakamali. And in my heart, I know and I believe he was mine. He's my son. Our son."
Napahawak si Wilson sa sariling noo. Hindi ito makapaniwala sa mga narinig. Habang nakatitig kay Sasahh ay biglang pumatak ang luha mula sa mga mata nito. Halo-halong emosyon ang mababanaag sa mukha ni Wilson. Takot, galit at naroon ang hinanakit. Tatanggapin niya kung magagalit sa kanya si Wilson. Karapat nito ang bagay na iyon. Itinago niya rito ang totoo; ang sarili nitong anak.
TARANTA ANG lahat. Tinawagan ni Wilson pati na rin ng ama nitong si Eliseo ang kilalang general para humingi ng tulong. Agad na nagtungo si Nadia at Eliseo sa La Carlota nang ipaalam ni Wilson sa magulang ang nangyayari. Si Senator naman ay kanina pang tahimik na nakaupo sa tila tronong upuan nito. Mahirap basahin ang nasa isip nito maging ang ekspresyon nito. Si Mitchell ay umuwi na muna at nangakong gagawa rin nang paraan para mahanap si Ryke.
Wala na rin sanang pakialam si Sasahh kung malaman man nito ang totoo niyang pagkatao pero dahil hawak ni Robert si Ryke mas mabuting itago niya ang totoo. Baka mas lalong mapahamak ang anak niya kapag nalaman ni Robert na patay na si Samantha at siya ang nabuhay.
Habang abala si Wilson at ang papa nito sa pakikipag-usap sa heneral ay tumayo si Senator at lumabas ng mansiyon. Sinundan ni Sasahh ang matanda na nagpunta ng porch sa may tagiliran ng bahay. Tiim ang mukha nito habang dahan-dahang nagpabalik-balik sa paglalakad. May gigil nitong ibinabagsak ang tungkod sa marmol na sahig na hindi naman lumilikha ng ingay dahil sa goma na nakabalot sa dulo niyon.
May alam kaya si Senator sa kinaroroonan ni Robert?
Hinugot nito ang cellphone mula sa bulsa ng kulay khaki nitong pantalon. May tinawagan.
"Nasaan si Ryke, Robert?" Pagkarinig ni Sasahh sa pangalan ni Ryke ay ngalingali niya itong sugurin pero pinigil niya ang sarili. Mas pinili niyang magkubli sa may pinto at pakinggan ang pag-uusap ng dalawa.
"Huwag mong idamay ang bata, Robert!" Tumaas na ang boses nito.
"Wala akong pakialam kung ano ang gusto mong gawin kay Nadia! Pero huwag mong idadamay ang apo ko kung hindi magkakamatayan tayo! Robert!"
Kahit sinong makakarinig at makakakita sa ekspresyon ni senator ay masasabi kung gaano katindi ang galit na nararamdaman nito sa mga oras na ito. Sanay na naman ang lahat ng tao sa bagay na iyon, but at this moment, she sees some emotion aside from anger. This man has a heart of stone. Mad is the emotion that senator is most familiar and the most comfortable with. But what she sees now is a man who's scared but trying to mask it with anger.
Si Ryke. Si Ryke ang may gawa ng bagay na ito. Ryke might have melted a heart of stone and turned it into a heart of flesh. Eh, kung siya nga, kahit anong pilit niyang iwasang hindi ito mahalin hindi pa rin niya nagawa. She's falling in love with him na hindi niya namamalayan. Hindi lang iyon dahil sa lukso ng dugo. Madali lang talagang mahalin ang anak niya.
Nabalingan ni Senator si Sasahh na nakamasid dito.
"Ano po ang sabi niya?"
Umiling lang ito at nilagpasan na siya. Bumalik itong muli sa loob. Umiiyak na naupo si Sasahh sa silya na nasa harapan ng bilog na mesa. She placed the phone on the table. Resting the elbows on the table, she cradled her tearful face in her palms. Nawawalan na siya ng pag-asa. Hindi niya alam kung ano ang binabalak ni Robert. Natatakot siya! Takot na takot!
Pinahid niya ng palad ang basang pisngi bago dinampot ang cellphone nang tumunog iyon. Mula sa hindi pamilyar na numero nagmumula ang tawag. Mabilis niyang sinagot ang tawag sa isipang si Robert iyon at hindi nga siya nagkamali. The caller was Robert.
"Hello! Pa... papa? Nasaan si Ryke?" Sinubukan niyang maging kalmado pero hindi niya kaya. Hindi maitago ang takot na nasa boses niya.
"Calm down, Samantha! Oh, Sasahh nga pala." Alam na nito ang totoo? Tumayo si Sasahh. Napahawak siya sa dibdib at nagsimulang maghysteria ang kalooban niya.
"Akala mo ba hindi ko malalaman? Ginawa mo akong tanga at ngayon magbabayad ka."
"Robert, please, kung gusto mo akong gantihan ako na lang. Huwag mong idadamay ang anak ko."
"Pati pala ang tungkol sa anak mo nalaman mo na? That's better! Para mas ramdam mo ang sakit sa gagawin ko kay Ryke."
"Robert, no! No no, please! Huwag mong sasaktan ang anak ko. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo at gagawin ko. Kahit ano! Ibalik mo lang sa 'kin ang anak ko."
"Ganyan nga, Sasahh Rodriguez. Matakot ka. Matakot ka para sa buhay ng anak mo dahil hinding-hindi ako magdadalawang isip na isunod siya sa mga magulang mo." Nagtagis ang mga bagang ni Sasahh. Gusto niya itong murahin pero hindi niya magawa. Kailangan niyang magpakakalmante. Kailangan niyang kimkimin ang galit niya sa demonyong ito. Hindi siya maaaring gumawa ng kahit anong maaaring mag-trigger sa galit ni Robert.
"Gusto mong makuha ang anak mo?"
"Yes. I'll do everything!"
"Then let's have a deal. Pero siguraduhin mong wala kang pagsasabihin."
"Spit it out!" she demanded eagerly.
"Makipagkita kayo ni Nadia sa akin. Kayong dalawa lang. Dalhin niyo ang testamento ni papa. Bukas, alas singko ng umaga pumunta kayo sa mansiyon ni Don Augustine at may susundo sainyo roon. Don Augustine's mansion was located two towns away from La Carlota.
"Robert, gusto kong makausap ang anak ko-- Robert!" Pinatayan siya nito. Wala nang nagawa pa si Sasahh kundi ang umiyak na lang. Kailangan niyang makuha si Ryke. Kahit pa ipalit niya ang buhay niya basta mailigtas lang niya si Ryke.
"Sasahh?"
Bumaling siya may pinto. "Wilson!" In two long strides he was standing before her, gathering her into his arms.
"Hush, baby. I promise, I'll bring our son back. We are doing everything to find Robert."
NAGISING si Wilson na wala na sa tabi niya si Sasahh. Halos hindi ito natulog. Tumahan na ito pero parang wala sa sarili. Tila ang lalim-lalim ng iniisip. Nakatulog ito nang tabihan niya bandang ala una na ng madaling araw. They've been waiting for Robert to call pero lumipas na ang magdamag ay wala pa rin silang natanggap na tawag. Sinubukan na rin nilang i-locate ang numero ng cellphone ni Robert pero hindi nila makuha ang lokasyon nito.
Up until now, hindi pa rin niya mapaniwalaang anak niya si Ryke. Anak nila ni Sasahh. Nakakalungkot lang na ganito ang nangyayari dahil sa mga sakim na tao. Kung sana lang nalaman niya ang tungkol sa pagbubuntis ni Sasahh noon pa man hindi ito mangyayari. Dapat ay nagtatampo siya kay Sasahh sa ginawa nitong pagtago sa anak nila pero hindi niya magawa. Higit itong nahirapan sa pag-aakalang namatay ang anak nila. At ngayon ay devastated ito dahil sa mga nangyayari.
Si Robert! Kasalanan itong lahat ni Robert at ng kanyang lolo. Hindi niya maintindihan si Robert at senator kung bakit kailangang gumawa ng ganitong bagay para lang makasal sila ni Samantha. Para lang manatili sa kanila ang kapangyarihan at koneksiyon ay handa ang mga itong gawin ang lahat.
He was about to leave the room when he notices a piece of paper on the bed. Kinuha niya iyon at binasa. His heartbeat has quickened as he reads the note. Fear pumped through his veins at the contain of the note.
It was from Sasahh. She wrote the note telling him she'd promise and she'll do everything to get their son back. That she loves him so much. She's asking for his forgiveness for not telling him about her pregnancy.
"Goddammit!" Hindi kaya makikipagkita si Sasahh kay Robert. Lumabas siya ng silid. Pagbaba niya ay naroon ang kanyang ama sa sala kausap si Elisse. Mukhang balisa rin ito.
"Papa?" Kuha niya sa atensiyon ng ama. Natigil ito sa pagpaparoo't parito.
"Si Sasahh mukhang umalis. May hinala akong makikipagkita siya kay Robert."
Itinaas ni Eliseo ang hawak na papel. "Iniwan ng mama mo. Mukhang makikipagkita rin siya kay Robert. At kung umalis din ang asawa mo posibleng magkasama sila. At posibleng nakatanggap sila ng tawag kay Robert at inilihim sa atin."
"Hindi sila nag-iisip! Bakit hindi nila sinabi 'to sa atin? Fuck it!"
"They are desperate, kuya. Kahit ako ganyan ang gagawin ko," ani Elisse na katulad nila ay balisa rin.
"Saan kaya sila posibleng nandoon?" Umupo si Wilson pero muli ring tumayo. Hindi sila pwedeng maghintay lang dito. Halang ang kaluluwa ni Robert at alam niyang kayang-kaya nitong saktan sina Sasahh.
"I know where is he?" Sabay-sabay na bumaling ang tatlo kay Senator. Naglakad ito patungo sa kinaroroonan nila.
"Robert has men who has so much loyalty to me. They confirmed that he was in a private island. Kasama nito si Ryke."
"Saang isla? Sa isla ba kung nasaan ang lab?"
"Hindi. It was Augustine's property. Pero malapit din sa isla kung nasaan ang lab."
"Then Let's go!"
"I've already gathered my men. Mauuna sila roon." Bumaling ang matanda kay Eliseo.
"Tawagan mo si general, pasunurin mo sila sa isla."
"Papa, kapag nahuli si Robert alam mong madadamay ka. Bakit ginagawa mo ito?"
"Hindi ko rin alam! Punyeta! Magsikilos na kayo! Buhay ng makulit na batang iyon ang mahalaga sa ngayon!" Malakas nitong ibinagsak sa marmol na sahig ang tungkod.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store