ZingTruyen.Store

Fatal Attraction 3: La Impostora

Chapter 1

Whroxie

THE wedding ceremony was obscured, and Wilson had no idea how he made through the entire event without his anger making him walk out. Marahil dahil sanay na siyang maging robot sa mga utos ng pamilya. Kaya niyang kontrolin ang emosyon. This marriage is nothing but a business deal between dela Fuente and Swift family.

It's been nine years since his grandfather fixed his relationship with Samantha Swift. His grandfather, Senator Wilson Rudolph dela Fuente, kept on reminding him that this is the best way to pay their debt—not his— without actually giving them anything of real value. Malaki ang utang na loob ng kanyang ama at lolo kay Robert Swift at sa yumaong ama-amahan ni Robert. Ito ang tumutulong sa pamilya tuwing kampanya. Naglalabas ng malaking pera para punduhan ang kampanya ng kanyang lolo at kanyang ama. Ito rin ang gumastos sa nakaraang eleksiyon kung saan siya ang nanalo bilang mayor ng bayan ng La Carlota. Bawat partido ay may kanyang-kanyang pakinabang sa isa't isa kaya naman hindi tumigil ang mga ito na hindi sila makasal ni Samantha.

His grandfather had only seen him as a business asset. And is father is not strong enough to stand up to his own father. Sunod-sunuran lang din ito sa kung ano ang gusto ni Senator. Iyon lang siya sa pamilya. Siya ang magtutuloy ng political dynasty. Katulad ng nakababata niyang kapatid, si Ellise, na ipinakasal din sa anak ng kaalyado.

Wedding of the year.

Hindi pumayag ang dalawang pamilyang hindi maging engrande ang kasal nila ni Samantha. Ang nais ng mga ito ay pag-usapan sila. The event venue where the reception was held was beautiful, versatile and well-organized. There were flowers everywhere, beautifully arranged. Everyone was dressed up. The laughter, the music, the chatter. They seemed very happy. It's indeed a perfect wedding. Kung hindi lang sana siya napilitan lang. Kung wala lang sana siyang galit na nararamdaman sa bride niya.

Sa Manila sila ikinasal ni Samantha. Ang balak at ang  nais ng matanda ay sa La Carlota sila ikasal, sa matandang simbahan kung saan ikinasal ang kanyang lolo't lola at mga magulang. Syempre hindi siya pumayag. That church was sacred. Mga taong nagmamahalan lang ang ikinakasal doon para sa kanya. Pinangarap niya ring minsang maikasal sa simbahan na iyon pero mananatiling pangarap na lang iyon.

"Wilson?" The sound of woman's voice ripped him out of his brooding. Inilapag niya sa cocktail table ang basong naglalaman ng alak, at sa kabila ng nagngingitngit na kalooban ay nagawa niyang bigyan ng matamis ng ngiti ang babae.

"Lyca!" Mahigpit silang nagyakap ng asawa ng kaibigan niyang si Alford.

"Congratulation!"

"There's no reason for you to congratulate me." They pulled away from the hug and smiled to each other.

"Tanggapin mo na lang. Matututunan mo ring mahalin si Samantha. Look at me. Parang aso't pusa kami ni Alford noon but look at us now. We love each other so much now." Imposible! Isang babae lang ang gusto niya at si Sasahh 'yon.

"At isa pa. Trenta y kwatro anyos ka na. Gurang ka na. Kailangan mo na talagang mag-asawa at magkasupling." Marahan lang siyang natawa sa sinabi ni Lyca.

"By the way, where is the purple team?" Pagbabago niya sa usapan. Ang tinutukoy niya ay ang triplets nito na pawang shades of purple ang pangalan. Dumalo ang mga kaibigan niya sa wedding ceremony kasama ang mga asawa pero si Lyca ay ngayon lang nagpunta.

"Iniwan ko sila. Saka sasaglit lang ako rito. Pupunta ako sa mga Rodriguez." A pang of loneliness engulfed him as she remembered Sasahh. Hindi naitago ni Wilson ang lungkot na bumaha sa kanyang mukha na agad na napansin ni Lyca.

"Hey, stop that!" Pinalo siya ni Lyca sa braso.

"It's your wedding day. You should be happy!" Lyca tried to cheer him up but it didn't work, pero pinilit niyang ngumiti. Ibinaling niya ang tingin sa tatlong kaibigan na nakaupo sa isang mesa. Si Alford, si Dock at Falcon na kasama ang mga asawa at anak. Nakakainggit ang mga kaibigan niya. Ito ang mga nasunod sa kanya-kanyang buhay na gusto nitong tahakin. Siya. Manipulado ang buhay niya. Hindi siya ang masusunod sa kung ano ang magiging kapalaran niya.

"Isasama mo na ba si Alford?"

"Nah! Dumaan lang talaga ako rito para batiin ka. Sa itsura mo mukhang kailangan mo pa ang mga kaibigan mo." Tipid na ngumiti si Wilson. Gusto nga niyang palipasin ang magdamag na kasama ang mga kaibigan at hindi ang asawa niya.

"Hi." Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Lyca kay Samantha nang lumapit ito sa kanila.

"Hi, Samantha! Best wishes to you." Nakipagbeso si Lyca sa babae, bilang ganti ay niyakap naman ito ni Samantha.

"Thank you! And thank you for coming." Hindi mapigilan ni Wilson ang umismid. Isa sa bagay ang kinaiinisan niya kay Samantha ay ang pagiging mabait. Paano niya gagawing miserable ang buhay nito kung bait-baitan. Lahat na lang ay gustong kaibiganin nito. Naging matalik na kaibigan nga nito si Sasahh.

"Samantha, sweetie?" Bumitaw si Samantha mula sa pagkakayapos kay Lyca nang lapitan ito ni Charlotta, Samantha's stepmother.

"Come with me, honey!" Nagpatianod ito nang igiya ito ni Charlotta patungo sa mga bisita.

"Mabait naman si Samantha. I think she will be a good wife." Lyca commented. Mabait si Samantha kung sa mabait, but it didn't change the fact that she tricked him. She lied. She made him believe with her lies. Ang usapan nila ay ito mismo ang lalayo para hindi matuloy ang kasal pero hindi nito ginawa.

"Daddy! Daddy!" The young boy run toward him.

"Ryke." Binuhat niya ang bata.

"Daddy, I want an ice cream, but yaya wouldn't allow."

"Kasi po may ubo ka. You should not eat ice cream when you have a cough." Malungkot itong lumabi.

"Why? Because is it cold, sweet or does it have bacteria?" Humalakhak si Wilson dahil sa pag-uusisa nito. Nakalimutan ang iritasyon dahil sa mga nangyayari.

"Because Ice cream will chill your body and slow down recovery. And it can trigger your cough, buddy."

"One lick only." Hirit nito na ipinakita pa sa kanya ang isang daliri kaya muli siyang natawa.

"Magagalit ang mommy mo."

"Hindi siya magagalit. I-ki-kiss ko siya ng madami."

"Okay. Okay. Later kakain tayo ng ice cream. But this is a secret, kasi uusok ilong ng mommy mo kapag nakita ka niyang kumain. Pati ako papaluin niyon."

Humagikhik si Ryke. "Okay. I'll tell to the ice cream man na huwag ubusin ang ice cream." He put down the boy and as soon as his feet reached the floor he gleefully run away. Sinundan nila ni Lyca ng tingin ang papalayong bata.

"He's so adorable," komento ni Lyca habang nakamasid sa bata at kapagkuwa'y muli siyang hinarap.

"Yes. He is."

"Baka siya ang maging tulay para magkasundo kayo ni Samantha. At isa pa kawawa ang bata lalo't ipinakilala mo siya sa publiko bilang anak mo."

Ryker is only 4 four years old. Anak ito ni Samantha sa ibang lalaki. Nalaman niya lang ang tungkol sa bata dalawang taong gulang na ito at nakilala niya ng personal noong nakaraan taon lang. Nang pilitin ni Robert na umuwi si Samantha para tuluyang ianunsyo ng pormal sa publiko ang tungkol sa kanilang kasal. Itinago ni Samantha ang tungkol dito sa publiko. Nanirahan ang mag-ina sa New York. Hindi raw ito pinanagutan ng ama ng bata.

Natuwa siya nang malamang may anak na si Samantha dahil nga posibleng hindi na matuloy ang napagkasunduan ng pamilya pero mali siya. Both parties pursued the original plan and worse, pinalabas ng mga itong anak niya si Ryker. Habang kasagsagan ng kampanya ay inilabas ang balita na anak nga niya si Ryker na walang pahintulot niya. Inilabas ang larawan ng bata sa publiko na walang pahintulot ni Samantha.

Kahit anong galit niya ay walang silbi. Pamilya pa rin niya ang nasunod. Kaya napagkasunduan nila ni Samantha na aalis ito at lalayo. Sasaluhin daw nito ang galit ng pamilya. Pero hindi rin nangyari. Dahil ito pa mismo ang nagsabing itutuloy nito ang kasal sa ayaw at gusto niya.

Pero si Ryke. Malapit siya sa bata. Napakahirap na hindi ito mahalin. He's so adorable and smart at ang akala nito ay siya talaga ang tatay nito.

"FOR Wilson!" Alford raised his glass for a toast. Sabay-sabay na itinaas ng magkakaibigan ang baso. Gumawa ng matinis na ingay ang pagbanggaan ng mga baso at sabay-sabay na ininom ng magkakaibigan ang laman ng baso.

Umalis na ang lahat ng bisita. Sa halip na magtungo sa honeymoon suite ay mas pinili ni Wilson na magtungo sa bar ng hotel kung saan mismo ang venue ng reception. Hindi niya alam kung paanong papakisamahan si Samantha, baka mabulyawan lang niya ito kung sinamahan niya sa silid ngayon.

"Dude, why don't you just enjoy this new chapter of your life. Give it a shot," payo sa kanya ni Alford.

"Nasasabi niyo lang 'yan dahil kayo naikasal sa mga babaeng gusto niyo; sa babaeng mahal niyo. Kayo ang namilit ng kasal. Damn! Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng mga asawa niyo nang sapilitan niyo silang ipakasal sainyo. Parang gusto kong pumatay, eh."

"Hey! Hey! Mahal ako ni Mhelanie nang ikasal kami," depensa ni Falcon.

"Ako. At least minahal ako ng asawa ko. Ngayon patay na patay na 'yon sa 'kin. Hawak ko na nga sa leeg, eh," pagmamayabang ni Alford. Hinugot ni Falcon ang cell phone mula sa bulsa nito at sinagot ang tawag.

"Brat? Si Alford? Ayon nag-check in kasama ang isang blonde."

"Fuck you!" Inigaw ni Alford ang cell phone mula kay Falcon at tarantang dinala iyon sa sariling tainga.

"Hello, Giliw ko, don't believe him. Behave lang ako... Hello—" Inilayo ni Alford ang cell phone sa tainga nito at nakakunot ang noong sinipat ang screen.

"Fucker!" Initsa nito ang cell phone kay Falcon. Mukhang wala talagang tumatawag at pinagti-trip-an lang si Alford.

"Hawak sa leeg, ah," pang-aasar ni Falcon.

Napailing na nagsalin ng alak si Wilson sa baso. Sa sinasabi ni Alford tungkol sa pagiging batas nito sa bahay nila ay isang daang porsyento ay hindi totoo. Si Lyca ang may hawak ng lahat ng ranggo. Isa sa pinakamagaling na abogado si Alford sa bansa pero hindi kayang depensahan ang sarili kapag galit ang asawa.

Itong si Dock at Falcon ang may pinakamabait na asawa. Sa sobrang bait lahat ini-entertain. Kinakausap ang lahat na laging may matamis na ngiti kaya ang mga lalaking nangungursunada sa mga ito ay nami-misinterpret ang mga ito. Inaakalang bukas ito sa pakikipaglandian kaya laging napapaaway ang dalawa. Sa kapraningan ng dalawa ay pinagawan ng mga ito ng T-shirt si Brielle at Mhelanie na may print na "I am owned by Tres" and "I am owned by Dock", at iyon ang pinasuot nang minsan may girl's night out ang mga ito.

"Pero seryoso, pare. You have a hot wife. Why don't you just enjoy being her husband kaysa gawin mong miserable ang buhay mo. Wala na naman si Sasahh. Isang taon na siyang patay, pare. You should accept it."

Muli siyang nilukob ng matinding kalungkutan nang banggitin ni Alford si Sasahh. Si Sasahh ang dahilan kung bakit ginusto niyang hindi matuloy ang kasal nila ni Samantha.  Nang magtungo si Sasahh sa New York para i-pursue ang modeling ay miminsang nagkita sila ni Sasahh doon at paulit-ulit na may nangyari sa kanila, pero katulad pa rin ng dati ayaw nitong makipagrelasyon sa kanya dahil sa pangarap nito.

Bumalik si Sasahh ng Pilipinas pagkaraan ng halos apat na taong paninirahan sa New York. Muli ay may nangyari sa kanilang dalawa. Muli nilang inangkin ang isa't isa katulad ng dati. Tinamaan siya kay Sasahh noon at lalong tumindi iyon nang muli silang magkita. Pero wala na ito ngayon. Sasahh had passed away from serious injuries sustained in a car accident a year ago.

Isinandal ni Wilson ang ulo sa sandalan ng couch at ipinikit ang mata. Parang kahapon lang nangyari nang rumagasa sa kanyang balintawtaw ang malinaw na aalala ng namagitan sa kanila ni Sasahh.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store