Chapter 7
Umalis si Dock at naiwang mag-isa sa condo si Geallan. Natakot siyang baka balikan siya ni Rex pero napanatag naman ang loob niya nang sabihin ni Dock na banned na raw si Rex sa building at hindi na makakapasok pa. Binilin din sa kanya na kapag may tao sa labas ay silipin niya muna sa peephole at kung hindi kilala ay huwag pagbubuksan.
Habang nanonood ng tv ay biglang bumukas ang pinto ng condo kaya bigla siyang napatayo. Ang akala niya ay si Dock na ang dumating pero nang lingunin niya ay isang napakagandang babaeng tila kumikinang ang balat sa puti. Lumarawan ang bahagyang pagkagulat sa magandang mukha ng babae nang makita siya pero ngumiti rin kapagkuwan.
"Hi, where's the big guy?" Tanong nito, isinara ang pinto at lumapit sa kanyang kinaroroonan. Ang ganda-ga da nito. Hukab na hukab ang magandang hubog nitong katawan sa suot nitong beige na bodycon. Ang makintab nitong brown na buhok ay tuwid na tuwid, hanggang baywang iyon. Ang kulay ng mata ay katulad ng kay Dock.
"Hey!" Ipinitik nito ang daliri sa mismong harapan ng mukha niya para gisingin siya sa pagkatulala. Ang cute ng dimple nito. Isa lang iyon at nasa kanang pisngi. Lubog na lubog kapag ngumingiti.
"Are you my brother's girlfriend?" Umawang ang bibig niya pero muli ring isinara nang walang naapuhap na salita. Kung ganoon ay kapatid ito ni Dock.
"Oh, how stupid am I for asking such question. Of course, you're the girlfriend of that big guy. Hindi ka naman siguro nandito kung hindi. I'm Viel any way." Inilahad nito ang kamay sa kanya. Nag-aalangan niyang inabot iyon at nagmukhang dumi ang kamay niya nang magdikit ang balat nila. Ang puti-puti nito. Para silang kape't gatas.
"Geallan," pakilala niya.
"Wala na pala si kuya at Princess." Anito at umupo sa sofa. Pinagkrus ang mga hita.
"Nasaan nga pala si kuya?"
Umiling si Geallan. "Lumabas lang siya sandali. Kapatid ka niya?"
Nakangiti itong tumango. "Upo ka." Bahagya nitong tinapik ang sofa. Umupo siya sa tabi nito pero may distansiya.
"Ikaw ang girlfriend niya ngayon? Akala ko pa naman balak na niyang magkaroon steady girlfriend. Hindi pa rin ba niya binabali ang rules niya?"
"Rules?"
"Yeah. One-month rule sa relasyon niyo. Ano ba ang sabi niya sa 'yo? Ilang months lang kayong pwedeng maging couple?"
"Wala naman siyang sinabi."
"Really?" Gumawa ng tila nag-iisip na ekspresyon ang mukha nito.
"Weird. Alam mo kasi, may one-month rule 'yon si kuya. Ahm. Isang buwan lang tumatagal ang pakikipagrelasyon niya. Pero aware naman ang mga girls sa rules na 'yon. Sinasabi niya at dapat agree ang babae bago sa ganoong patakaran bago nila pasukin ang relasyon."
"I-isang buwan? Ano ang mangyayari pagkatapos ng isang buwan."
"Wala na. Bye bye na! Disposed na kayo. Kaya huwag kang madadala sa mga ka-sweet-an ng kapatid ko, ah. Maraming babaeng nahuhulog d'on dahil ideal bf daw kuno." May diin nitong sinabi ang huling salita.
"Gagawin ang lahat para maging masaya ang girlfriend niya habang sila, but if the time comes to end the relationship. End na talaga. He would never extend the time, even a second." Grabe naman! May expiration date pala ang relasyon para kay Dock. Paano kung pumayag siyang maging girlfriend ni Dock? Isang buwan lang tapos na at paaalisin na siya dito?
"Oh, don't be upset." Anang babae nang mapansin ang lungkot sa mukha ni Geallan.
"Since hindi naman sa 'yo ni kuya sinabi ang rules niya sa pakikipagrelasyon, ibig sabihin baka balak na niyang magsteady. You might special to him. Kasi last relationship niya medyo binali niya ang rules niya."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"As I've said he would never extend his relationship with anyone, at never din niyang binabalikan, but Princess, his last girlfriend, ay makipagbalikan siya," kwento pa nito.
"Madali lang naman malaman kapag tatapusin na ni kuya ang relasyon. Nagiging galante yun. He will give you a present... something very expensive. Naging girlfriend ni kuya ang isa sa kaibigan ko, and he gave her a jewelry that cost an arm and a leg. Kaya ayon, sa halip na magmukmok ay tuwang-tuwa dahil sa natanggap na regalo." Sinundan ito ng mahinang tawa ang sinabi at lalong lumubog ang dimple.
Napabuntong-hininga na lang si Geallan at nahulog sa malalim na pag-iisip. One month? Paano kung pagkatapos ng one month ay tapusin na ni Dock ang relasyon nila at paalisin na siya dito. Kung hindi na lang kaya siya pumayag na maging girlfriend nito. Ano kaya ang mangyayari? Baka naman sa halip na isang buwan ay isang linggo lang siya rito. Pero sabi naman ni Dock aampunin siya nito.
Kasi nga gusto ka niyang maging girlfriend! Walang libre sa panahon ngayon.
Sigaw ng munting tinig sa kasuluksulukan ng kanyang utak.
Ano ang gagawin ko? Kailangan niyang makahanap ng trabaho bago pa man siya paalisin ni Dock. Pero paano siya mag-aaply kung wala nga siyang matinong damit at pera?
"Hindi ko na mahihintay si kuya. May pupuntahan pa ako, eh. Pwede bang pakisabi na lang sa kanya na pumunta siya sa bahay. Pinapupunta siya ni mommy. Tatawagan ko na lang din siya mamaya." Tumayo ito kaya tumayo na rin siya.
"It's nice meeting you, Geallan. Sana ikaw na ang makapagpabago sa kapatid kong 'yon." Nagbeso ang babae kay Geallan at nagpaalam na. Nasa pinto na ito nang muli siyang balingan.
"A piece of advice. Galingan mo ang performance para sure na magtagal kayo ni Kuya."
"Performance?" Clueless na tanong ni Geallan.
"Bed performance! Girl, man is still a man. Every man loves steamy sex. They want sexual satisfaction from a woman they are interested in, good fuck makes them determine whether or not they'll be sticking around for the long haul. If you're gonna satisfy my brother, it's your chance of keeping him interested in you. Kaya huwag lalamya-lamya. If sex is the only way to keep him, then use it as a weapon. Get wild!"
Natahimik si Geallan dahil sa sinabi ni Viel. Tama ito. Isang perpektong halimbawa na lang si Javan, hindi rin ito nakatiis at pinatulan ang kapatid niya. Kahit gusto niyang paniwalaan si Javan na pinikot lang ito ni Alice ay hindi pa rin niya maiwasan ang magduda. Matagal silang naging magkarelasyon ni Javan at batid niyang gusto na nitong gawin nila ang bagay na iyon; ang sex.
Tinampal ng babae ang sariling noo.
"Kung ano-ano ang tinuturo ko sa 'yo. Basta huwag na huwag kang ma-i-inlove kay Kuya Dock kasi masasaktan ka lang. Enjoy mo lang ang relasyon niyo. Mukha ka pa namang mabait. Bye!" Viel blew a kiss before shutting the door close.
Ilang sandali nang lumipas na nakasara ang pinto pero nakatayo pa rin si Geallan at nakatitig sa nakapinid na pinto. Iniisip ang mga sinabi ni Viel.
PAGKATAPOS mananghalian ay naisipan ni Geallan maglaba. Sa halip na gamitin ang laundry machine ay kinusot na lang niya iyon.
"Gotcha!" Muntik na siyang mapatalon nang may pumaikot na braso sa kanyang balikat.
"'Di ba sabi ko naman sa 'yo na hindi mo kailangan magtrabaho."
"Nandiyan ka na pala Dock."
"Halika." Itinayo siya nito at dinala sa lababong naroon mismo sa laundry area. Binuksan nito ang gripo at ito mismo ang naghugas ng kamay niya. Inalis ang mga bula at kapagkuwa'y pinunasan ng tuwalya.
Ipinaikot nito ang isang braso sa kanyang baywang at iginiya siya palabas ng laundry area.
"I bought you something." Tinungo nila ang living room at umupong magkatabi sa mahabang sofa. Kinuha nito ang paper bag na nakapatong roon at inabot sa kanya.
"Ano 'to?" Kinuha nito ang isang paper bag at inilabas ang laman. Isang kahon ng cell phone-- iPhone.
"Para matagawan kita kapag nasa opisina ako." Anito pagkatapos ilabas ang aparato sa kahon. Inilabas naman nito ang isang kahon sa isa pang paper bag.
"This is the best for playing games and watching movie." isang iPad naman iyon. Ikinuyom ni Geallan ang palad. Nagsisimula na itong maging galante hindi pa man nga siya pumapayag sa inaalok nitong maging magkasintahan sila.
"Iyong kapatid mo pala nagpunta rito. Si Viel."
"Nasabi nga niya. Tumawag sa 'kin kaina... Oh, wait!" Ipinatong lahat ni Dock ang gadget sa mesa at tinungo ang pinto nang tumunog ang doorbell chime.
"Hi, Dock!" Boses iyon ng isang babae.
"Come on in!" Paanyaya ni Dock. Magkakasunod na pumasok ang anim na babae, at sumunod ang dalawa pang lalaki. May bitbit ang mga ito ng kung ano-ano.
Tumayo si Geallan nang lapitan siya ni Dock at ipinakilala sa isang magandang babae na agad na tumaas ang kilay nang makita siya. Andrea ang pangalan nito. Humagod ang malisyosang titig nito sa kabuan niya. Hinawakan ni Geallan ang laylayan ng suot na T-shirt at itinaas iyon para ipakita sa babae na may short siya. Isang gray na T-shirt at boxer short ni Dock ang kanyang suot.
Nilingon ng babae ang mga kasama na nag-aayos ng mga dala. Isang portable clothes rack at portable fitting room na pinagtulung-tulungan na itayo ng grupo sa parte ng condo na may malawak na espayo. Hindi na ng mga ito hiningi pa ang pahintulot ni Dock. Mukhang alam na alam ng mga ito ang ginagawa.
"Nothing has changed, Dock. Galante ka talaga kapag nagdi-disposed." Anang babae nang ibalik sa kanila ang atensiyon. Tumaas ang sulok ng labi nito nang muli siyang tingnan.
"It's not what you think, Andrea." Kontra ni Dock at marahang natawa.
"Whatever! Let's start?" Nagkibit ito, saka tinungo ang silya. Kung anong kaba ang bumalot sa kanya dahil sa sinabi ng babae.
Umupo silang magkatabi ni Dock sa isang love seat, nakaharap iyon kung saan nakalagay ang portable rack na maraming nakasabit na damit. Lumabas ng condo ang dalawang lalaki at naiwan ang limang babae at si Andrea. Ang apat ay parang model at inaayusan ng isa pang babae.
Ano ba ang gagawin ng mga ito? Parang may magaganap na show. Nang ready na ay nagbigay ng signal si Andrea saka naglakad ang dalawang babae suot ang bulaklaking magandang bestida. Isang puti na may print na aqua green floral at aqua green na may print na puting bulaklak.
"These are my latest sun dress collections. The material is made from 75 percent cotton and 25 percent polyester. Light, comfortable, breathable and with some texture to make it interesting to the touch. Katulad ng sabi mo Dock you want simple and comfy and I think these are perfect for every day clothing. Kahit pang malling ay perfect ang mga ganito." Paliwanag ni Andrea habang ang dalawang babae ay todo pose sa harapan nila.
"Bakit ba sila nagmo-model sa harapan natin?" bulong niya kay Dock. Kinuha ni Dock ang kamay niya, pinagkawing ang kanilang mga daliri at dinala iyon sa bibig at hinalikan ang likod ng palad.
"Gusto mo ba 'yan? Bagay sa 'yo 'yan."
"Maganda pero hindi ko maintindihan. May audition ba? Para saan?" Dock chuckled, wrapping his arm around her shoulder, still linking their fingers.
"Shopping at home. Hindi kasi kita maisama sa mall na ganyan ang suot mo at hindi ko rin alam ang gusto mo kaya pinapunta ko na lang sila rito, para aktuwal mong makita ang mga damit. Pili ka lang ng gusto mo." Mula kay Dock ay namamangha siyang tumitig sa dalawang modelo na pumalit sa nauna, suot ang isang powder blue na dress na magkaiba ang disenyo.
"Knee-length wrap dress in satin. V-neck with concealed snap fastener at front, narrow adjustable straps, and a seam at waist. Flared, asymmetric skirt. Lined at top." Pagde-discribe ni Andrea sa mga damit.
"Like it?" pabulong na tanong ni Dock at idinikit ang bibig sa gilid ng kanyang ulo. Bumaling siya kay Dock, namamangha siya sa pagiging galante nito. Parang sa isang pelikula lang niya nakikita ang ganito, pero natatakot siya dahil sa mga sinabi ni Viel.
"Dock, hindi naman kailangan 'to. Kahit ukay-ukay--" pinutol ni Dock ang sinasabi niya ng isang halik.
"Just pick, babe." Bulong nito sa labi niya saka muling itinuon ang atensiyon sa mga modelo. Walang nagawa si Geallan kundi ang mag-alala na lang habang pinapanood ang iba't ibang damit na imi-no-del ng apat na babae. Mula sa summer dress, semi-casual, casual at lingerie. At nang matapos ay para siyang nalula sa presyong ibinigay ng babae sa lahat nang napili ni Dock. Halos lahat kinuha ni Dock maliban sa mga masyadong daring.
"Dock," usal niya sa pangalan nito habang mahigpit na nakayakap nang pipirmahan na nito ang tseke. Niyakap niya ang braso nito para pigilan.
"Okay naman 'tong damit mo, eh." Marahang natawa si Dock.
"Sobrang mahal ng Three hundred thousand para lang sa damit."
"It's okay. Magaganda naman ang damit." Nang muling magsusulat si Dock ay mas humigpit ang yakap niya rito na muling ikinatawa ng binata. Pakiramdam niya ay kontrata ng pagpapalayas sa kanya ang lalagdaan ni Dock.
"Geallan?" Napilitan siyang luwagan ang pagkakayakap kay Dock dahil na nakikiusap nitong tono.
HINDI mapakali si Geallan. Hindi niya alam kung paanong sasabihin kay Dock na pumapayag na siyang maging boyfriend ito. Kanina pa siya nagpa-practice ng sasabihin. Kapag sinabi niyang pumapayag na siya sa alok nito, yayayain na kaya siyang magsex ni Dock? Hays! Masakit daw kapag first time, eh! Saka paano kung hindi mag-enjoy si Dock? Ano ang mangyayari? Bahala na! Sinuklay niya ang kulot niyang buhok ng mga daliri habang pinagmamasdan ang sarili sa life-sized mirror. Suot ang pulang satin sleepwear na binili ni Dock mula kay Andrea. Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga bago lumabas ng silid at tinungo ang silid ni Dock.
Nang nasa harapan na siya ng pinto ay muli siyang paulit-ulit na humugot at nagpakawala ng hininga bago itinaas ang nakakuyom na kamay, mariin niyang ipinikit ang mata bago kumatok.
"Pasok." Hinampas niya ng palad ang dibdib nang lalong kumabog iyon nang marinig ang poging boses ni Dock. Sa nanginginig na kamay ay pilit niyang pinihit ang seradura at dahang-dahang itinulak iyon pabukas.
"Geallan?" Ipinatong ni Dock ang librong binabasa sa ibabaw ng hubad nitong dibdib. Nakasandal si Dock sa pinagpatong-patong na unan. Marahan niyang isinara ang pinto at nanatiling nakatayo habang nakayuko.
"Bagay sa 'yo ang suot mo." Nag-angat si Geallan ng mukha. May ngiti sa labi si Dock habang humahagod sa katawan niya ang humanga nitong titig.
"May kailangan ka?"
"Ahm... kasi... 'yong..."
"'Yong?" Tanong ni Dock.
Mariin ipinikit ni Geallan ang mata saka tuloy-tuloy na nagsalita.
"Pumapayag na akong maging girlfriend mo." Lumipas na ang ilang sandali pero wala siyang narinig na reaksiyon mula kay Dock kay dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. Nakatingin lang sa kanya si Dock at hindi niya matukoy kung ano ang ibig sabihin ng reaksyon ng mukha nito. Nakatulala lang ito habang nakatingin sa kanya.
"Dock?" kumurap si Dock at tila nahimasmasan sa pagkakatulala.
"Pumapayag ka na?" tumango si Geallan. Isinara ni Dock ang libro at ipinatong sa nightstand. Inilahad nito ang kamay.
"Come here." Humawak siya sa dibdib at marahang minasahe iyon bago humakbang palapit sa kama. Para siyang aatakihin sa puso sa sobrang kaba. Sumampa si Geallan sa kama at dahan-dahang gumapang palapit kay Dock. Nang makalapit ay marahan siyang hinila ni Dock kaya sa ibabaw ng katawan siya nito humantong. Binalot ng init ng katawan ni Dock ang kanyang katawan nang lumapat ang katawan niya sa hubad nitong katawan at nang ikulong siya nito mga bisig. Nakalapat ang gilid ng kanyang mukha sa hubad nitong dibdib. Rinig na rinig niya ang tibok ng puso ni Dock.
"So girlfriend na kita?" Tumango lang siya at parang tuod mula sa pagkakadapa sa ibabaw ni Dock.
"I'm happy. I am very happy na pumayag ka. I promise that I'll be a good boyfriend." Anang Dock at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Ipinikit ni Geallan ang mata at hindi mapigil ang mapangiti. Ang kabang nararamdaman ay bahagyang naibsan dahil sa paraan ng pagkakayakap sa kanya ni Dock. Nakasarap! Sinasamahan pa nito ng panakanakang halik sa kanyang buhok.
"Dito ka na matutulog sa tabi ko?" Napamulagat si Geallan at muli na namang inatake ng nerbiyos.
"Mag... magse-sex na ba tayo?" pigil ang tawang pinakawalan ni Dock. Bahagya pang nauga ang katawan ni Geallan dahil sa pagtawa nito.
"Well, kung ako ang tatanungin mo, gusto ko. I want to be honest with you, Geallan. I was totally sexually attracted to you since the day I met you." Pumisil ang kamay ni Dock sa katawan niya at rinig na rinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga nito.
"Pero hindi naman kailangan kung ayaw mo." bagamat ganoon ang sinabi ni Dock ay ramdam naman ni Geallan na hindi iyon ang gusto nito. Sa paraan pa lang ng pagpisil nito sa katawan niya ay alam niyang gusto siya nitong angkinin.
"Gusto ko..." usal niya na ikinatahimik ni Dock. Pati ang pagtaas-baba ng dibdib nito kung saan nakalapat ang kanyang pisngi ay natigil. Parang natigil sa paghinga pero ang tibok ng puso ay ang bilis-bilis at ang lakas-lakas to the point na para na siyang mabibingi.
---
Chapter sex ulit! 😂 Ghad! Natatakot ako. Ranking: 15, ligwak na 'to sa susunod na chapter. Wag na lang kaya masyadong halayan. 😂
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store