Chapter 5
WALANG imik si Geallan mula sa sasakyan hanggang sa madala niya ito sa kanyang bachelor's pad. Nagmadali siyang bumalik sa guest room kung saan niya iniwan si Geallan matapos niyang kumuha ng pamalit ng dalaga. Isang puting T-shirt at boxer short ang kanyang kinuha mula sa kanyang closet.
Kung paano niyang iniwan si Geallan sa silid ay ganito pa rin niya ito nabalikan. Nakaupo sa gilid ng kama at wala pa rin imik. She was staring blankly at the floor. Dock placed the stuff on the bed before sitting beside her. Nanghawakan niya si Geallan sa balikat ay napapitlag ito, nasa mukha ang matinding takot nang ibaling sa kanya ang tingin at bigla na lang itong umiyak.
Marahan niyang kinabig ang dalaga at masuyong niyakap. Mukhang may matinding pinagdaan ito.
"Ano ba ang nangyari? Ano ang ginagawa mo sa lugar na 'yon? Geallan, hinintay kita. Magdamag akong naghintay."
"Sorry... kasi pinasama ako ni Nanay sa Maynila para raw magtrabaho sa barko. Club naman pala..." tuluyan itong humagulhol.
Dock pulled back to see her face. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat pero dumaing ito na parang nasaktan. Inalis ni Geallan ang kamay niyang nakahawak sa kabilang balikat nito.
"What's wrong?" Hinawi niya ang jacket para makita ang balikat ng dalaga. May paltos ang balat nito na parang pinaso.
"Ano ang nangyari dito?" Nang ibalik niya ang tingin sa mukha ni Geallan ay noon niya napansin ang sugat nito sa sulok ng labi. Hinawakan niya ang panga nito.
"Sino ang may gawa nito sa 'yo, Geallan?"
"Si Rex. Ang anak ng may-ari ng club. Pinagtangkaan niya akong gahasin. Pinatakan niya ako ng kandila, sinampal at sinuntok sa tiyan. Dumating lang 'yong kapatid niya kaya hindi natuloy. Nakakatakot siya! Para siyang halimaw!" Nagtagis ang mga ngipin ni Dock sa narinig.
"Si Rex Atanante?" Ang rapist na 'yon! Nabalita ang panggagahasa ng hayup na 'yon sa isang menor de edad na anak ng katulong ng pamilya nito. Sinadista ang bata pero pinapalabas ng kampo nito na bayaran ang bata at binugaw ng sariling ina.
"Kanina, gusto ng foreigner na 'yon na makipagtalik ako sa dalawang lalaki sa harapan nila. Kung hindi ka dumating siguradong may nangyari ng masama sa 'kin."
Masuyong ikinulong ni Dock ang mukha ni Geallan sa palad niya at pinahid ang luha.
"Dapat malaman 'to ng pamilya mo. Gusto mo bang tawagan ko sila?" Marahas na umiling si Geallan.
"Hindi! Alam ni Nanay na club ang pupuntahan ko. Sadya niya akong ipinangbayad sa pagkakautang niya. Ayaw kong maniwala kay Santina n'ong una pero tinawagan niya si Nanay at pinakausap sa 'kin. Ang sabi ni Nanay dapat raw na pagtrabahuhan ko ang pagkakautang niya dahil kung hindi ko raw pinatay si Tatay hindi siya mababaon sa utang." Tila bukal ang mata nito dahil sa walang katapusang pagbulwak ng luha mula sa mata nito.
"Nagawa ng nanay mo 'yon?" Hindi niya makapaniwala! May gan'ong klase bang ina para hayaang mapahamak ang sariling anak.
"Bakit ganito... bakit ganito ang kapalaran ko? Lahat ng kamalasan nasalo ko na... Mabait naman ako, eeeh!" Muling niyakap ni Dock si Geallan nang pumalahaw ito ng iyak. Mariing ipinikit ni Dock ang mata at masuyong hinaplos ang likod ng ulo ng dalaga. Matinding awa ang naramdaman niya para rito at nasasaktan siya para sa dalaga.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko! Saan na ako pupunta? Ayoko nang bumalik sa lugar na 'yon! Ayoko nang bumalik sa isla."
"Dito ka sa 'kin. You can stay here as long as you want. Tahan na. Tahan na!" Inilayo ni Geallan ang sarili kay Dock.
"Talaga? Aampunin mo ako?" Dock's face slowly broke out into wide grin. Sa kabila ng pagkaawa rito at galit na nararamdaman sa mga hayup na muntik umabuso kay Geallan ay napangiti siya dahil ka-cute-an ng babaeng ito.
"Aampunin kita."
"Paano 'yong utang ko sa 'yo. Wala akong pambayad. Isang milyon ang ibinigay mo. Totoo ba 'yong cheque na 'yon? Hindi 'yon tatalbog?" Humihikbi pa rin ito habang nagsasalita. Marahang natawa si Dock.
"Totoo 'yon. Huwag mo ng isipin 'yon. Ang mahalaga ligtas ka na." Inabot niya ang mukha ni Geallan at masuyong hinaplos ang pisngi nito.
"Napakabait mo!" Mahigpit itong yumakap sa kanya. Nakasubsob ang gilid ng mukha sa kanyang dibdib.
"Dalawang beses mo na akong inililigtas. Kahit pagsilbihan kita habang buhay gagawin ko makabayad lang ako sa kabutihan mo."
"Hindi kailangan, Geallan."
"Pero sobra-sobra ang ibinayad mo, Dock."
"I would have paid double, or even triple if I had to just to get you away from that fucking place."
"Pero bakit? Hindi mo naman ako kaano-ano?" Bakit nga ba? Naglabas siya ng malaking halaga para sa babaeng hindi niya naman talaga kilala. Ngayon lang niya 'to ginawa.
"Magkaibigan tayo."
"Waahh! Ang bait bait mong kaibigan!" Marahang natawa si Dock nang itinudo nito ang iyak. Parang baka na umatungal. And that makes her even cuter. She doesn't care about her poise.
"Tahan na! Kapag hindi ka pa tumigil ibabalik kita doon." Umiling si Geallan at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Pinigil nito ang pag-iyak.
MADILIM pa nang magising si Geallan. Nasanay na talaga siyang magising ng ganitong oras. Papalaot para mangisda at buong hapong magtatrabaho. Isa pa ay napakababaw ng tulog niya. Sa bawat kilos niya ay nagigising at si Rex ang unang pumapasok sa isip niya at ang ginawa ng lalaking 'yon. Hanggang ngayon kahit alam niyang ligtas na siya ay matinding takot pa rin ang nararamdaman niya.
Bumangon siya nang sumapit ang alas sais at tinungo ang silid ni Dock. Hihiram sana siya ng damit kaso tulog pa ang binata. Gusto niyang maligo. Hindi siya nakapagtanggal ng make-up. Nagkalat ang eyeliner sa ilalim ng kanyang mata. Mukha siyang bruha.
Hindi napigilan ni Geallan na umupo sa gilid ng kama at pagmasdan ang binatang mahimbing na natutulog. Wala itong damit at natatakpan lang ng manipis na kumot ang ibabang parte. Hindi ba ito nilalamig? Ang lamig sa silid nito at kahit sa silid niya ay ganoon din.
"Napakaguwapo ng lalaking ito. Sobra!" Inabot niya ang mukha ni Dock at buong suyong pinaglandas ang dulo ng daliri sa pisngi pababa sa jaw line na may matalim na papatubong balbas.
Marahan niyang hinaplos ang labi nito. Napakalambot. Hindi niya pa rin makalimutan ang pakiramdam na nasa labi niya ang labi nito. Ang takot na lumukob sa kanya nang muntik na siyang malunod ay biglang nawala nang halikan siya ni Dock.
Hindi ka niya hinalikan, water resuscitation lang 'yon dahil tatanga-tanga ka! Kontra ng bahagi ng kanyang isip.
Bumaba ang mata niya sa katawa ni Dock. Bahagya siyang lumunok sa ganda ng katawan nito. Hmmm... hindi naman nalalayo sa ganda ng katawan ni Javan. Firm na firm din at noticeable ang ganda ng form ng abdomen. Iyong parang may mga pandesal sa tiyan. Geallan's gaze drifted down, following the soft dusting of hair that trailed down his abdomen. Nang bumaba pa ang mata ni Geallan ay natuon iyon sa nakaangat na kumot. Tila gumawa ng tent ang kaibigan nito. Dapat ay mag-iwas siya ng tingin pero hindi niya magawa. Sa halip ay nacurious pa ang dalaga kung ano ba ang suot nito kapag natutulog.
Si Javan sweatpants ang suot kapag natutulog. Minsan pinapasok siya ng mama ni Javan sa silid nito at pinapagising sa kanya ang binata. Kulang na nga lang ay ikulong sila ng nanay ni Javan sa silid para may mangyari sa kanila at tuluyan na silang ikasal. May mga sandali na muntik-muntikan na siyang bumigay kay Javan pero tumitigil naman ang dating kasintahan kapag tumutol na siya lalo kapag nadadala na ito.
Matatawa na lang siya kapag lumabas sila ng silid at nadidismaya ang ina nito dahil ang bilis naman daw nilang lumabas. Mapait siyang ngumiti sa alaalang iyon at pilit na iwinaksi.
Move on na, Geallan.
Ito kayang si Dock, ano kaya ang isinusuot? Dala ng kuryusidad ay inabot niya ang dulo ng kumot at inaangat iyon. Isang singhap ang kumawala mula kay Geallan nang bumulaga sa paningin niya ang bagay na hindi dapat niya makita. Agad niyang binitawan ang kumot at tinutop ang bibig. Walang saplot!
"Perting dakoa sa binuhi niya!" Mangha niyang usal. (Sobrang laki ng pagkalalaki niya.)
"Ning tindog nasad!" (Gising na gising agad.)
Nag-sign of the cross siya at mabilis na tumayo. Tinungo ang closet at basta lang humugot ng damit at short. Ipagpapaalam na lang niya mamaya pagising ni Dock. Mabilis siyang lumabas ng silid. Napahawak siya sa sariling dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso niya.
Ang bastos mo, Geallan! Kastigo sa kanya ng utak niya.
"Malay ko naman na nakahubad siya?" Iniling niya ang ulo at tumuloy sa silid at mabilis na naligo.
Matapos makapag-ayos ng sarili ay naisipan niyang magluto ng almusal at maglinis ng buong bahay. Hindi naman mahirap linisin dahil malinis ng dati. Sa isla nga isang buong beach house ang nililinis niya. May malaking beach house sa isang Isla na nililinis niya tuwing araw ng sabado. Gusto nga sana niyang makilala ang may-ari niyon dahil ayon kay Aling Marieta ay may-ari ng isang malaking shipping line ang nagmamay-ari ng beach house na 'yon. Iko-close niya sana saka siya mag-apply ng trabaho sa barko.
Habang kinukuskos ang malaking center table na gawa sa matibay na kahoy ng basahan ay panay ang hila niya sa sando pataas. Sando pala ang nahugot niya. Malaki sa kanya ang sando ni Dock kaya naman halos lumabas ang dibdib niya. Wala pa naman siyang bra. Ang laking tao naman kasi ng lalaking 'yon. Six footer siguro. Kumusta naman ang limang talampakan at apat na pulgada niyang taas. Nagiging unano siya kapag katabi ito.
Natigil si Geallan sa pagpunas ng mesa nang maramdamang tila may nakatingin sa kanya. Biglang nag-init ang mukha niya nang sa pag-angat siya ng tingin ay makita si Dock sa mismong harapan niya. Bahagyang nanglalaki ang mga mata at nakaawang ang labi nito. Para itong natuklaw ng ahas. Ugh! Itsura ng pututoy nito ang pumapasok bigla sa utak niya. Erase! Erase!
"M-magandang umaga!" Tumuwid ng tayo si Geallan at hinila ulit ang sando.
"Hey, good Morning," bati ni Dock. Hindi alam kung saan itutok ang mata, kung sa mukha ba o sa dibdib ng dalaga. Nagkamot ng ulo si Dock at nag-iwas na lang ng tingin na medyo pinagtakhan ni Geallan, at the same time ay bigla siyang nag-alala.
Parang ayaw siya nitong tingnan. Hindi kaya gising ito kanina nang hindi niya sadyang nabusuhan? Hindi naman siguro. O hindi kaya biglang nagbago ang isip na patuluyin siya rito.
"Pasensiya na. Nangialam ako sa damit mo. Naligo kasi ako. Pinagluto nga pala kita ng almusal." Muling ibinalik ni Dock ang tingin sa kanya.
Alanganing siyang ngumiti. Bigla siyang kinakahaban. Hindi kaya nahimasmasan na si Dock mula sa pag-inom kagabi at nagsisisi na sa ginawa nito para sa kanya. Huwag naman sana! Wala siyang pupuntahan kapag pinaalis siya nito. Wala siyang pera. Ang kaunting ipon niya ay naiwan sa club kasama ang mga gamit niya. Paano kung ibalik siya nito sa club. Hindi maaari! Kailangan niyang patunayan kay Dock na kapakipakinabang siya.
"N-nagluto ako ng almusal. Masarap akong magluto. Naglinis din ako ng bahay at mamaya maglalaba ako. Masipag ako Dock. Pangako hindi ako magiging pabigat!" Itinaas niya ang kamay kung saan hawak niya ang basahan. Inilipat niya ang basahan sa kabilang kamay at muling itinaas ang kamay bilang pangako.
Nakangiting inilahad ni Dock ang kamay sa kanya.
"Saluhan mo ako. Gusto kong matikman ang luto mo." Nakahinga ng maluwag si Geallan at inabot ang kamay ni Dock at magkapanabay na tinungo ang dining.
"Hip-hop ka, ah!" Nakatawang komento ni Dock sa suot ni Geallan. Malaki kasi ang short na suot ng dalaga. Isang mesh short.
"Ang laki mo kasi, eh." Nakagat niya ang ibabang labi nang bigla na naman pumasok sa isip niya ang itsura ng kaibigan nito. Iba bigla ang dating sa kanya ng komento niya. Kailan ka pa naging mahalay, Geallan!
"Sana boxer short na lang ang kinuha mo," anito. Pinaghila siya ni Dock ng silya, nang umupo siya ay naupo na rin ito sa kabisera ng mesa.
Kinuha niya ang sinangag at nilagyan ang plato nito. Natigil siya sa paglagay ng sinangag at nag-init bigla ang mukha nang pamansin ang mata ni Dock na nakatutok sa kanyang dibdib. Itinaas niya ang sando.
"S-sorry! Shit!" Mabilis itong nag-iwas ng tingin.
Bakit gan'on? Dapat matakot siya katulad nang nararamdaman kapag ang Rex na 'yon ang tumititig sa kanya, pero hindi iyon ang maramdaman niya. Basta nag-iinit lang ang mukha niya at nahihiya. Napapitlag si Geallan nang ipatong ni Dock ang kamay sa ibabaw ng palad niya. At ang init na tila pumapaso sa kanyang mukha ay gumapang sa katawan niya at bigla ang pagpintig ng pagkababae niya nang muli na naman siyang paglaruan ng kanyang maruming imahinasyon. Muli niyang naalala ang itsura na kaibigan nitong tayong-tayo kanina.
Diyos ko, Geallan! Magtigil ka nga! Kastigo niya sa sarili.
Kabisado niya ang ganitong init at pakiramdam. Si Javan lang ang kayang gumawa ng ganito sa kanya, kapag hinahalikan siya ni Javan ay hindi niya maiwasang makaramdam ng ganito. Normal 'yon dahil mahal niya si Javan, pero si Dock titig palang ay nagkakaganito na siya. Dantay pa lang ng kamay nito sa balat niya ay nagwawala na ang hormones niya. Kailan pa siya naging malandi?
"Hindi kita gustong bastusin! Kasi naman..." Dock sighed, ". . . magpalit ka ng damit mamaya." Binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak at marahang tumango. May respeto naman pala. Respeto na hindi niya man lang nakita sa halimaw na Rex na 'yon!
Marahan siyang natawa nang muli na naman ay maalala niya si Javan. Ganito rin kasi si Javan. Kapag medyo daring ang suot niya pinagpapalit siya. Eh, bigay lang naman kasi sa kanya karamihan sa damit niya at ang iba pa nga maliliit na sa kanya pero pinagkakasya pa rin niya kaya minsan nagiging hanging blouse. Madalas binibilhan siya ni Javan ng damit pero pinatigil niya ito.
Bahagyang kumunot ang noo ni Dock dahil sa pagtawa ni Geallan.
"Bakit?"
"Wala naman. Naalala ko lang ang dating boyfriend ko sa 'yo. Hindi niya ako pinagsusuot ng medyo mainit sa mata lalo kapag magkasama kami. Naaakit daw siya." Kwento niya at sinundan ng marahang tawa saka naglagay ng pagkain sa plato.
"Ano ang nangyari sainyo? Bakit kayo naghiwalay." Natigilan si Geallan at tipid na ngumiti.
"Asawa na siya ng kapatid ko."
"Oh, I'm sorry!"
"Siya nga pala. Hilig mo palang magpunta sa strip club?" Kumuha si Dock ng corn beef.
"Naku hindi! Isinama lang ako ng kaibigan kong abogado, si Alford. Nag surveillance kasi sila. Kakasuhan talaga nila ang may-ari ng club na 'yon dahil sa mga ilegal na ginagawa. That's my first time in a strip club."
"Aah! Pero aliw na aliw ka habang sinasayawan ng hubad na babae. Hinahaplos mo pa nga 'yong pera sa katawana niya, eh. Kulang na lang dakmain mo, eh." Pang-aasar niya.
Naalala niya bigla na si Dock pala ang lalaking iyon. Natatandaan niya ang leather jacket, at kasama ito ng lalaking nakatitig sa kanya. Iyon siguro ang abogado.
Ngumiwi si Dock at inabot ang tubig na parang nabulunan.
"First time kasi! Natuwa lang," pangangatwiran nito. Natawa na lang siya.
MATAPOS kumain ay siya na ang naghugas ng pinagkainan nila habang si Dock ay naliligo. May housekeeping daw na nagpupunta rito every other daw kaya bukas pa daw iyon tutungo rito. Ayaw ni Dock na siya ang maghugas pero nagpumilit siya. Habang abala sa ginagawa ay tumunog ang doorbell chime. Binitawan niya ang ginagawa, pinunas ang kamay sa damit at tinungo ang pinto. Tuloy-tuloy niya iyong binuksan.
Namanhid ang buong katawan ni Geallan at tikasan ng kulay ang mukha nang mapagbuksan ang taong kinatatakutan. Humagod ang mata nito sa kabuan niya at gumitaw ang malisyusong ngisi.
"R-rex?"
"Hi, sweetheart!" Mabilis niyang isinara ang pinto at ini-lock iyon. Halos mapalundag siya nang sunod-sunod na tumunog ang doorbell chime. Nanginginig ang tuhod niyang tinungo ang silid habang rumagasa ang alaala ng kahayupan ng lalaki sa kanya.
"Nasundan niya ako!" Tama nga si Kate na hindi titigilan ni Rex ang babaeng nakukursunadahan nito hanggang hindi nakukuha ang gusto. Babalikan daw siya ng lalaking 'yon at malaking pasalamat niya nang mailigtas siya ni Dock kagabi bago pa man makabalik si Rex sa club. Pero bakit hanggang dito? Paano kung makuha siya ni Rex? Nanginginig na umupo so Geallan sa gilid ng kama.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store