Chapter 27
"BUO, walang galos, kagat ng insekto at lalong kagat mong iuuwi ang anak ko." Bilin ni Seg kay Brent na halata ang nerbiyos. Nasa tono nito ang pagbabanta kaya naman parang hindi mapaanak na pusa itong si Brent. Panay ang pisil sa kamay at hugot ng malalim na hininga.
"Y-yes, sir!" Mabilis na tugon ni Brent. Niyaya siya nitong lumabas at pinaunlakan naman niya. Kasama nila si Nadia. Pupunta raw sila sa isang club. Gusto raw ni Brent at Nadia na ma-experience naman niya ang night life. Nakapag-club na naman siya noon. Ang unang punta niya ay nang isama siya ni Dock, at ang mga sumunod ay si Lyca ang kasama niya. Kaso lang nang magbuntis ay pinagbawalan na ito ni Alford at maging ng kanilang magulang.
Bahagyang kumunot ang noo ni Geallan nang mapansing may tao sa madilim na bagahi ng labas ng kanilang bahay. Nakakubli sa Leyland cypress.
"Daddy, parang may tao po banda doon?" Hinayun ni Seg ng tingin ang direksyon kung saan nakatuon ang paningin ni Geallan.
"Let me check."
"Sandali po. Baka mamaya masasamang tao 'yan," pigil niya sa ama.
"I can handle this, don't worry." Pinagsalikop na lang ni Geallan ang mga kamay habang may kabang sinusundan ng tingin ang papalayong ama.
Mukhang hindi naman masamang tao. Wala namang nakakabahalang kilos maliban sa pagkukubli sa halamanan. Hindi naman sinaktan ang kanyang ama habang kinakausap ang mga ito. Tinapik pa ni Seg ang isa sa balikat bago bumalik sa kanila.
"Sino po 'yon?"
"Nothing. Malalaking lamok lang. Just go para makabalik agad kayo."
"Okay po." Humalik siya sa pisngi ng ama bago lumulan ng sasakyan na pinagbuksan ni Brent.
Nilingon niya ang likod ng sasakyan. Noon niya nadiskubreng apat na lalaki ang nakakubli. Nag-unahan ang nga itong tinakbo ang sasakyang nakaparada sa kabilang kalsada at pawang naka-hoody.
Sino ba 'yon? Naputol ang pagmamasid ni Geallan nang maramdaman niyang kinuha ni Brent ang kamay niya at kinintalan ng munting halik.
"Thanks, Brielle." Isang munting ngiti ang ibinigay niya rito.
HINDI niya akalain na matindi ang gusto sa kanya ni Brent. Handa raw itong maghintay at manligaw nang matagal at tingin niya ay unfair iyon sa parte ni Brent dahil kaibigan lang ang tingin niya rito. Iniharap niya ang kinauupuang bar stool kay Brent. Kinuha niya ang dalawang kamay nitong nakapatong sa mga hita nito.
"Makinig ka, Brent. Isa ka sa mababait na nakilala ko simula nang mag-aral ako sa Primrose. Kung papasok man ako sa isang relasyon, gugustuhin kong ikaw na lang. Pero..."
"Pero! A word that can slice my heart," Brent growled. Pinisil niya ang kamay ni Brent.
"Hindi pa kasi ako handang magmahal ulit. Medyo hindi maganda ang experience ko sa dalawang past relationship ko kaya medyo nadala na ako. Gusto ko munang mag-focus sa pag-aaral at pamilya ko." Matamaan siyang pinakatitigan ni Brent. Nanunuri ang titig na ibinigay nito sa kanya.
"Isa ba sa dalawang nakarelasyon mo ay si Coach del Fierro?" She was completely taken aback by his query. Paanong nalaman nito?
"It was obvious. The way he looked at you. The way you scolded him kapag walang nakakakita. Parang kilalang-kilala niyo ang isa't isa. Parang may nakaraan kayo." Binitawanan ni Geallan ang kamay ni Brent at mapait na ngumiti.
"And you still love him. Don't you?"
"Hindi! Hindi na!" Deny niya.
"It's easy to slip out of your mouth, but your eyes can't hide your true feelings. You still love him." Geallan lowered her head as she gnawed her bottom lip.
"Sinaktan niya ako," she said in a soft voice. Brent put his finger under her chin and made her look at him.
"Why don't you give yourself a chance to be loved again by someone else?"
"Brent." Brent cupped her face with both hands.
"Brielle, look. I like you so much. Just give me a chance and I'll show you that I'm totally different from those bastards who hurt you."
"Echos mo! Dami-dami mo na nga raw pinaiyak, eh."
"And this time I could sense that you are the one who's gonna make me cry." Inalis niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang mukha. Ang mukha naman nito ang sinapo niya.
"Brent, I love you as a brother."
"I have four sisters and I don't need one. I need a wife." Malakas na tumawa si Geallan at marahan niyang sinampal ang pisngi nito.
"Wife, agad-agad."
"Brielle, I'm serious. I'm in love with you!" Muli niyang hinawakan ang kamay ni Brent.
"Brent, hindi mo deserve ang katulad ko na hindi pa rin maka-move on sa past. At may sasaktan tayo kapag pinayagan kong maging tayo. Ang taong secretly in love sa 'yo." Nagsalubong ang kilay nito sa confusion.
"Who?" Hinawakan niya ang kabilang pisngi nito at ipinaling sa dance floor kung nasaan si Nadia na aware siyang kanina pa nakatingin sa kanila. Agad na inilayo ni Nadia ang tingin nang tumingin sila sa bahagi nito.
"Si Nadia?" Nakakunot-noo nitong tanong.
"Uh-huh! Napansin ko lang 'to noong nagpunta tayo sa bahay." Nang minsang imbitahan niya si Brent sa kanilang bahay ay sumama si Nadia. Napansin niyang nagpapansin ito kay Brent. At panay ang bida nito kay Dock. Na kesyo sila ang bagay. Kulang na lang sabihing hindi sila bagay ni Brent at huwag itong bibigyan ng tsansa.
"Really?" untag nito nang ibalik ang tingin sa kanya.
"Hays! Ang manhid mo. Gusto ka niya sigurado ako. At tingin ko mas bagay kayo."
"Si Nadia? May gusto sa 'kin?" Hindi makapaniwalang ani nito.
"But..." Brent drew his gaze toward the dance floor where everyone else dancing, including Nadia. Nakapikit ang mata nito habang nakataas ang dalawang kamay. Nasa likod ang isang lalaki, nakahawak sa baywang habang maharot na iginigiling ang katawan. Ang medyo curly at mahabang buhok ay nakasabog. Medyo tumaas na rin ang laylayan ng bodycon nito kaya naman lumantad ang mapuputi nitong hita.
"She's hot!" Usal ni Brent sa namamanghang tinig.
"Sabi ko naman sa 'yo." Tumalon siya pababa mula sa stool at hinawakan si Brent sa palapulsuhan.
"Tara. Bantayan mo na at baka makuha pa ng iba." Hinila niya ito patungong dance floor. Hindi niya mapigilang kiligin nang atakihin ng pagiging possessive si Brent nang makita ang paglingkis ng lalaki kay Nadia. Hinila ni Brent si Nadia palayo sa lalaki at tila pag-aari nito ang dalaga na ipinaikot ang mga braso sa maliit na katawan nito. Nang magmulat nang mata si Nadia ay gulat ang bumalatay sa mukha nito nang mabungaran nito si Brent na halos gahibla na lang ang distansya ng mukha ng dalawa.
"HEY! HEY! HEY!" Mabilis na nahawakan ni Falcon ang hood ng hoodie ni Dock nang akma siyang tatayo para sana lapitan si Geallan at Brent na naglalambingan sa bar counter.
"Ang usapan natin hindi ka manggugulo. Let my sister do what she wants. Kung magiging masaya si Brielle kay Brent, magiging masaya at susuportahan namin ang desisyon niya."
"Pare, naman!" Kulang na lang maglumuhod siya kay Falcon na huwag papayagan si Geallan na sumama kay Brent.
Since hindi siya nakasama sa bahay ng Cabral, dahil "ako" palang ang salitang lumalabas mula sa bibig niya ay nabulyawan na siya ni Geallan, pinakiusapan niya si Nadia na ibalita sa kanya ang ganap. Mukhang nase-sense ni Nadia na may gusto siya kay Geallan kaya pinagbigyan naman siya nito. Ibinigay niya ang kanyang numero sa dalaga.
Nang mabalitaan niyang lalabas nga ang mga ito ngayon ay kinaladkad niya mga kaibigan para samahan siya. Mukha silang mga akyat bahay na nagtago sa halamanan kanina habang lahat ay naka-hoodie. Pinapak sila ng antik kaya panay ang reklamo ng mga kasama niya lalo na si Alford na napasukan ng antik sa brief at nakagat ang betlog. Naghubad ito ng pantalon sa sasakyan at may nakuha ngang antik sa loob ng brief. Pero hindi kagat ng antik ang iniinda niya kundi ang pakikipag-date ni Geallan kay Brent.
This is frustrating! Wala siyang magawa habang nakikita niyang unti-unti nang nakukuha ng iba si Geallan. Pero kasalanan niya. Umalis siya noon at hindi maayos na nagpaalam kaya ano ang aasahan niya; na tatanggapin siya ni Geallan muli nang gan'on-gan'on na lang.
Bumalik ang matinding depresyon ng kanyang ina. Mas matindi kaysa sa una. Tumawag sa kanya si Viel habang nasa resort siya kasama si Geallan at ibinalita sa kanya na nagwawala ang kanyang ina. Umalis siyang hindi na ginising pa si Geallan at binalak na tawagan na lang at hintayin ang pagbalik nito ng Manila but he didn't expect that another problem would come. Kamuntikan lumubog ang isang cruise ship na lumalayag sa Europa. Thankfully, dahil hindi iyon tuluyang lumubog dahil malapit sa isla. Sumayad lang iyon sa mababaw na bahagi. Pero may namatay dahil sa cardiac arrest. Kinailangan niyang lumipad ng Europa para ayusin ang problema; harapin ang kasong kinaharap ng kompanya at ipagamot ang ina dahil sa lumala nitong lagay dahil sa kanyang ama.
Hindi raw sinasadyang nakita nito ang ama at bago nitong asawa. Masaya at mukhang walang bakas nang pagsisisi. Kinailangan niyang ilayo muna ang ina at ayusin ang iba pang problema.
Hindi niya kayang magpaalam kay Geallan at sabihing kailangan niyang umalis. Ayaw niyang ikulong si Geallan sa relasyon nilang hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan. Mahal niya si Geallan. Sigurado siya sa bagay na iyon pero ang hindi niya masiguro ay kung maibibigay ba niya ang buong oras dito kung makakasal sila. He wants to settle down and get married with Geallan and have babies before but the situation of his family and business stopped him to do so.
He didn't have enough courage to choose one or the other -- family and business-- since both are permanent part of his life. Both demand more attention than he has to give. As a result, Geallan is not going to get what she needs or deserve from him. And he had to give up on her for awhile habang inaayos ang sariling pamilya.
Takot siyang matulad sa kanyang mga magulang. Her mother spent all of her time at work. She could never find the time to complete an entire week of vacation with them. Napabayaan ang kanilang ama kaya ito nagloko hanggang sa tuluyan silang iwan. Hindi niya nga alam kung sino ang dapat niyang sisihin, ang kanyang inang ibinuhos ang buong oras para patunayan sa kanyang lolo na kaya nitong pamahalaan ang negosyo o ang kanyang ama na naging mahina at sinukuan sila.
Paano kung ganyan ang mangyari sa sarili niyang pamilya? He wanted to create a healthy family environment but he finds it very difficult dahil sa obligasyon niya sa kanyang pamilya.
Ngayong okay na ang kanyang ina at problema sa negosyo, siguro naman ay dapat na niyang harapin ang sariling buhay. Pero ngayon ay nahihirapan siyang mapalapit ulit kay Geallan. Lahat ng bulaklak na pinapa-deliver niya sa klase nito ay tinatapon lang. She hates him so much.
"Alam mo, pare. That young boy is not really a problem. Alam mo kung sino ang dapat mong problemahin?" Alford said, sprawling out on the crimson couch across from him.
His brows shot up.
"Who?" Alford took a sip of his drink.
"Si Javan."
"Javan?"
"Si Javan lang ang lalaking pinapayagan ni Brielle na puntahan siya sa bahay; ang tanging lalaking sinasamahan niya at ang tanging lalaking nagpapangiti sa kanya maliban sa pamilya niya." Nagsalubong ang mga kilay ni Dock. Ipinatong niya ang forearm sa ibabaw ng kanyang hita sa mabagal na kilos habang nakatingin kay Alford. Pinipilit na i-process ang sinabi ni Alford.
"Javan? His ex? Nagkikita sila?"
"Uh-huh. Madalas silang magpunta sa isa sa overlooking spot sa Antipolo. Ilang beses na rin kaming sumama ni Lyca para mag-piknik. Malapit na nga kaming maging bff nitong ni Javan, eh. He's a good guy."
"Bakit walang nagsasabi sa 'kin ng tungkol dito?" sumbat niya sa mabubuti niyang kaibigan.
"First of all, sino ka ba para i-report namin ang mga ginagawa ni Brielle," said Falcon from his right. Madalas niyang tanungin ang mga kaibigan niya pero ang sabi naman single pa rin si Geallan. Pero walang nabanggit tungkol kay Javan.
"We're best friends." Muli siyang sumandal.
"But you made my sister sad. I knew that she had been masking the pain you've caused. And this Javan is a big help. Napapasaya niya si Brielle."
"Dude, ikaw ang nagsabing ayusin ko muna ang buhay ko at hayaan ko munang makasama niyo si Geallan."
"You told me you are not ready to get married. Ano, papaasahin mo ang kapatid ko?"
"I love her. Sinabi ko sa 'yo na mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya."
"Love isn't enough if you are afraid to commit."
Dock huffed, massaging his temple. Ang huling usap nila ni Falcon ay sa resort. Sinabi niya ritong mahal niya si Geallan iyon nga lang ay hindi pa siya handa sa usaping kasal lalo't mukhang nagkakaproblema na naman ang kanyang ina. Pinakiusapan siya ni Falcon na ayusin muna ang problema sa pamilya bago ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon kay Geallan dahil marami pa rin naman si Geallan kailangang ayusin sa sarili nitong buhay.
Pero nagalit sa kanya si Falcon nang umalis siyang hindi nagpaalam kay Geallan. Hindi siya kinausap kahit isang beses sa tuwing susubukan niya itong tawagan. Isang suntok ang pang-welcome nito sa kanya nang bumalik siya at magpakita rito. Pero nanaig pa rin naman ang pagkakaibigan nila at pinagbigyan siyang makita si Geallan at mapalapit sa kapatid. Pero kung ipagtatabuyan daw siya ni Geallan at hindi na tatanggapin ay huwag na huwag niyang pipilitin si Geallan.
"But I'm ready now." He's ready now. Alam niyang handa na siyang lumagay sa tahimik.
Tumaas ang dulo ng labi ni Falcon. Itinaas ang baso.
"Then goodluck. Win her back if you can. A piece of advice, buddy. You don’t get unlimited chances to win her back. So don't screw it up." Straight na ininom ni Falcon ang alak sa baso.
He will do everything to get Geallan back. Para lang sa kanya si Geallan at siya ay para lang kay Geallan. At hinding-hindi siya papayag na hindi makausap si Geallan ngayon.
Ibinalik niya ang tingin sa bar counter. Nag-iisa na lang si Geallan. Nakatayo habang nakasandal sa counter habang umiinom ng ladies drink, nakatingin sa dance floor. She's different now. All of her movement are not the same as before. She's languid in a way that screams elegance. Prim and proper. But he missed the old Geallan. Iyong bungingis. Inosente. At kapag tumawa walang pakialam sa paligid, and it contagious. His kitten but tigress in bed.
Nakangiting itinaas ni Geallan ang baso habang may ngiti sa labi. Nang tingnan niya ang dahilan ng pagngiti nito, nakita niya si Brent at Nadia na nagsasayaw. Parang nakatayo lang ang dalawa, magkadikit ang katawan habang nakatitig sa isa't isa samantalang ang tugtog ay hindi naaayon sa uri ng sayaw na ginagawa ng dalawa. They were dancing in a slow motion, though the music was pop.
But what's going on? Bakit itong dalawa ang nagsasayaw? Ibinalik niya ang tingin sa direksyon kung nasaan si Geallan. Inilapag nito ang wala ng lamang baso sa counter at tinungo ang direksyon kung nasaan ang rest room. Kinuha niya ang basong nasa tapat niya at nilagok ang laman ng baso. Tumayo siya matapos ilapag ang baso.
It's now or never!
Iniwan niya ang mga kaibigan at sinundan si Geallan. Sumandal siya sa dingding at hinintay ang paglabas ng dalaga sa rest room na hindi naman nagtagal sa loob. Kumuyom ang kamay niya nang makita ang lalaking lumapit kay Geallan. Napansin na niya itong mukhang may hinihintay rin at mukhang si Geallan ang inaabangan nito.
Tinabig ni Geallan ang kamay ng lalaki nang akma nitong hahawakan ang mukha ni Geallan. Umangat siya mula sa pagkakasandal at nilapitan si Geallan. Hinawakan niya ang balikat ng lalaki nang hawakan nito si Geallan sa braso, hinila paharap sa kanya at isang malakas na suntok ang ibinigay niya sa mukha ng lalaki. Napamulagat si Geallan habang nakatingin sa nakahandusay na lalaki, walang malay.
"What the heck! What happened?" He heard Alford's voice from behind.
"Ano ang ginagawa mo rito?" Tanong ni Geallan nang makabawi. Sa halip na sagutin ay hinawakan niya sa palupulsuhan si Geallan at hinila ito patungong exit sa likod ng bar.
"Ano ba, Dock! Bitiwan mo nga ako!" Hindi niya pinansin ang pagpupumiglas ni Geallan hanggang sa makalabas sila.
"Hey, dude! Saan mo dadalhin si Brielle?" Noon siya huminto at nilingon si Alford na sumunod sa kanila.
"Bubuntisin ko para wala nang kawala."
"Wew!" Tanging na i-react ni Alford sa sinabi ni Dock.
Damn it! He was desperate to make Geallan want him again and he's willing to use all strategies he knows to get her back as quick as possible. If impregnating her is the possible way to make her stay with him forever, then he would propel his billions of actively swimming armies up into her uterus and find her eggs.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store