Chapter 24
"ANO ba ang ginawa mo at napaamo mo si Lyca?" Tanong ni Wilson kay Alford. Kasalukuyan sila sa isang floating cottage, nagkukwentuhan habang nag-iinuman. Bihira na rin mangyaring magkasama-sama silang magkakaibigan. Huling pagsama-sama nila noong birthday pa ni Lyca na ginanap sa Sta. Barbara. Iyon din ang araw kung saan nag-propose si Alford kay Lyca. Isa iyon sa importanteng araw ni Alford kaya nagpunta siya kahit ayaw niya sanang iwan si Geallan dahil masama ang pakiramdam ng huli. Sumaglit siya roon para lang maging parte siya sa memorable moment ng kaibigan.
"What exactly did you do to calm that witch? Hindi ka na inaaway, ah. Inaasikaso ka pa nang todo. What a miracle!"
"It’s normal for a couple to have an argument once in a while, pero isang bagay ang dapat niyong tandaan para kalmahin kung may maladragon kayong asawa." May ngisi sa labing ani ni Alford.
"And what it is?" Dock asked.
"Kapag galit siya, take the blame and be willing to say and do anything to please her kahit pa wala kang kasalanan. Be obedient because an obedient husband will be greatly blessed."
"Aaa! Under!" Sabay-sabay ng tatlong magkakaibigan.
"It's different!" Depensa ni Alford.
"We will keep that in our mind that the other term of under de saya is... obedient!" Wilson said but in the last word, Dock and Falcon joined. Sabay-sabay pa itong nagkatawanan.
"I just want peace." Alford snorted and he quaffed the content of his glass in one gulp.
"Let's change the subject," Alford demanded after putting down the glass that he emptied on the bamboo table.
"Since kapatid ni Tres si Brielle. Wala na bang rules, Dock, sa relasyon niyo? Kasalanan na ba 'to?" Isang mahinang tawa lang ang isinagot ni Dock sa tanong na iyon ni Alford.
"I have the right to remain silent and refuse to answer that question," he said through laugh.
He comfortably leaned back in the bamboo seat. He brought the glass in his mouth and took a drink, letting the whiskey rest in his mouth under the tongue, allowing the burn to settle to help his mouth tasted the real flavor of the drink. Humagod ang swabeng init sa kanyang lalamunan nang lunukin niya ang likido.
"Tres, just give us a signal if we need to put the gun to his head and drag him in the altar." Malakas na tumawa si Dock sa sinabi ni Alford. Nang magawi ang tingin niya kay Falcon ay tinaasan niya ito ng kilay dahil sa kakaibang titig nito sa kanya.
"Damn, man! Don't tell you are going to take his suggestion." Nagkibit lang si Falcon at tinungga ang laman ng baso.
Halos mag-iisang oras na silang nag-iinuman. Hindi na siya makapaghintay pa kaya tinakasan niya ang mga kaibigan para mapuntahan si Geallan sa silid nito. Nakita niya si Lyca na lumabas ng silid ni Geallan. Kumaway pa si Geallan kay Lyca habang papalayo ito. Isasara na sana ng dalaga ang pinto nang iharang niya ang kamay. He peered through the cracked in the door.
"Hey, baby!" Namilog ang mata ni Geallan nang makita siya.
"Dock!" Geallan made a happy scream. Malakas siyang humalahak nang sunggaban siya nito. Sinipa niya ng isang paa ang pinto at ini-lock iyon.
"Tumakas lang ako para makasama ka," aniya habang naglalakad na magkadikit ang katawan patungo sa kama.
"Hmm, wait! Are you drunk?" He asked as he noticed the dazed look in her eyes.
"Uminom ka?" Inilapit niya ang ilong sa bibig nito and he could smell booze on her. Hindi niya agad iyon naamoy dahil nakainom rin siya. The weird thing is that when you are drinking alcohol, you can't smell it on other drinkers.
"Kaunti lang," she chuckled. Oh, men! She looks more seductive and incredibly sexy with her hazy eyes, making him rock hard and desired her even more.
"You are so sexy," he said with a low growl. She giggled, and his eyes had immediately darkened, and his entire body had taken on an aggressive stance. He firmly squeezed her buttocks and pulled her even closer to him, holding her mound firmly against his organ.
"Baby?" He whispered, their lips touched fleetingly.
"Hmm?" Even her sweet hum taunting him.
"Can you take all your clothes off for me?" Geallan giggled and nodded.
"Sige. Papanoorin mo ako?"
"Yeah!" Bigla na lang siyang itinulak ni Geallan paupo sa paanan ng kama. Marahas siyang lumunok nang magsimula itong magtanggal ng damit.
DOCK lovingly caressed Geallan's face,
feeling the silkiness of her skin against his knuckles. They are lying side by side, facing one another, staring at each other. The warmth of their naked bodies beneath the sheet were mingled. Para siyang nilalamon ng mga magagandang mata ni Dock dahil sa paraan ng pagtitig nito. Pero hindi niya maipaliwanag ang emosyon na ipinapakita ni Dock sa mga mata nito. Parang may gusto itong sabihin pero hindi kayang i-express.
"May gusto ka bang sabihin, Dock? Kakaiba kang tumitig."
Ipinikit ni Geallan ang mata nang ilapat ni Dock ang labi sa pagitan ng kanyang dalawang mata, sa tungki ng ilong at kapagkuwa'y sa labi. Wala ng sasarap pa pagkatapos ng mainit na pag-iisa ay magkayakap silang hihiga.
Ito ang pinanabikan niya. Isiniksik niya ang sarili sa binata na masuyo siya nitong kabigin at ikulong sa mga bisig nito. Bumuntong-hininga si Dock at hinalikan si Geallan sa tuktok ng ulo.
"Hindi ka kaya hanapin nina Kuya Tres?" Tinakasan nito ang mga kaibigan para puntahan siya sa kanyang cottage. Muntik na siyang malasing sa kaunting ininom na alak kanina.
Umungol si Dock nang tumunog ang cell phone nito na nakapatong sa nightstand. Tila labag sa loob na inihiwalay ang katawan mula sa kanya at inabot ang cell phone para sagutin ang tawag.
"Oh?" Nababagot nitong sagot.
"What?!" Sinapo ni Dock ang noo. Ipinikit ang mata at hinayaang magsalita ang nasa kabilang linya. Umungol si Dock at binitiwan ang aparato. Nanatili itong nakapikit. Mukhang masamang balita ang natanggap.
"Dock?" Masuyo niyang iniyapos ang isang braso sa katawan ng binata. Nagmulat ng mata si Dock.
"May problema ba?"
"Nothing." Niyakap siya ni Dock. Mahigpit na mahigpit ang yakap na ibinigay nito sa kanya. Sana gabi-gabi ay matutulog siya sa mga bisig ni Dock. Habang buhay! Hays! In love na siya kay Dock. Sigurado siya sa bagay na 'to. Kung aalukin siguro siya ni Dock ng kasal hinding-hindi siya magdadalawang isip. Oo ang agad niyang isasagot.
Nasa ganoong posisyon sila nang may marinig na mahinang katok at sinundan iyon ng boses ni Falcon.
"I know you are there, Dock. Lumabas ka riyan at mag-usap tayo." Umungol si Dock at mas hinigpitan ang yakap kay Geallan. Patay! Nakakahiya ang pinaggagawa nila ni Dock. Ano na lang ang iisipin ng kapatid niya. Baka isumbong pa siya sa mommy at daddy niya. Nakakahiya!
"Dock!" Mas malalakas ang katok ang ginawa ni Falcon.
"Damn this dickhead!" Ayaw man ay napilitan itong bumangon at magbihis. Nagmadali ring nagbihis si Geallan.
"What?!" Bungad ni Dock kay Falcon nang buksan nito ang pinto. Dahang-dahang sumilip si Geallan sa pinto at napangiwi siya nang magtama ang mata nila ni Falcon. Nakatiim-bagang ito. Galit ba ito?
"Mag-usap tayo," anito nang ibalik ang matalim na titig kay Dock. Napaupo na lang si Geallan sa gilid ng kama habang nakatulis ang labi nang talikuran sila ni Falcon.
Nang magpaalam sa kanya si Dock ay agad naman siyang sumunod dito na hindi nito alam. Nakita niya si Falcon at Dock na nasa open cottage, magkaharap na nakaupo. Lumapit si Geallan at pumwesto sa bahaging hindi siya makikita ng mga ito. Kailangan niyang magbantay, baka mamaya mag-away ang dalawa. Hindi niya maintindihan pero parang bantay-sarado talaga siya ni Falcon lalo kapag nandiyan si Dock. Hindi ba nito gusto si Dock para sa kanya?
"Kaibigan kita, pare. Pero hindi kita gugustuhin para kay Brielle kung ibabase ko sa pagkakakilala ko sa 'yo pagdating sa babae." Humigpit ang hawak ni Geallan sa sarong na ibinalabal niya sa katawan.
"Pare, inirerespeto ko si Brielle. Sa lahat ng babaeng nagdaan sa 'kin siya lang ang babaeng pinahalagahan ko nang ganito." Hindi mapigilan ni Geallan ang ngumiti sa narinig mula kay Dock.
"Are you willing to marry her?" Nahigit ni Geallan ang paghinga. Parang naririnig na rin niya ang tibok ng sariling puso dahil sa lakas niyon. Kinakabahan sa maaaring maging sagot ni Dock.
"Pare?" untag ni Falcon nang hindi sumagot si Dock.
"Seryosong tanong, dude. Kailangan ko ng seryosong sagot." Hindi man niya nakikita ang itsura ni Falcon dahil nakatalikod ito sa direksyon niya pero pakiramdam niya nakatiim ang mukha nito dahil sa tigas ng timbre ng boses nito. Ngayon lang niya narinig si Falcon na magsalita ng ganito. Falcon is soft spoken. Laging nakangiti kapag kausap siya. Parang hindi marunong magalit. Sweet.
Isinabunot ni Dock ang kamay sa buhok at hinilamos iyon sa mukha na parang frustrated.
"Pare, alam mo namang hindi pa ako handa sa bagay na 'yan." Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ni Geallan. Para na iyong sasabog. Medyo nakaka-disappoint pero naiintindihan niya naman.
"Do you love my sister?" Pigil ang paghingang ipinikit ni Geallan ang mata. Kahit ito man lang sana ay may magandang sagot siyang marinig mula kay Dock. But she felt suddenly hopeless, and her heart began to ache when she didn't hear anything from Dock.
"I'm just protecting my sister, Dock. Alam ko ang rules mo sa pakikipagrelasyon at ayaw kong umasa si Brielle. Nakikita kong iba na ang nararamdaman niya para sa 'yo. Nasaktan na siya sa una niyang nakarelasyon at ayaw kong maulit 'yon." Mariing kinagat ni Geallan ang labi nang manginig iyon. Nagpasya siyang umalis at bumalik na lang sa cottage. Hindi niya mapigilan ang maluha habang naglalakad patungo sa kanyang ukupadong cottage.
Umasa siya. Totoong umasa siya. Hindi naman siya umasa ng kasalan agad-agad. Pero totoong hinangad niya. Pero 'yong pagmamahal. Akala niya mahal na rin siya ni Dock. Akala niya parehas na sila ng nararamdaman. Siya lang pala ang nagmamahal. Nawala sa isip niya ang sinabi ni Viel. Mabuting kasintahan si Dock. Ibibigay ang lahat. Kahit wala itong pagmamahal sa karelasyon ay mararamdaman mong mahal ka nito. Ang tanga-tanga niya.
MATAMLAY si Geallan nang magising kinabukasan. Paano ba niyang haharapin si Dock? Paano siyang aakto katulad ng dati. Ayaw niyang tapusin ang relasyon kay Dock. Masaya siyang kasama si Dock. Masaya siya sa kung anong mayroon sila. Hindi naman kasi talaga kailangan ng kasal. Asyumera lang siyang masyado. Masyado na siyang naghahangad ng sobra, e, sobra-sobra na nga ang biyayang ibinigay sa kanya ng Diyos.
"Nasaan si Dock?" Pinilit niya ang sariling maging masigla. Kasaluyakan silang nag-aalmusal sa malaking cottage malapit sa dagat. Kasama pa rin nila ang mga kaibigan nina Dock at Falcon pero si Dock lang ang wala. Nasa silid pa siguro ito.
"Ahm. Maagang siyang umalis. Bumalik na siya ng Manila. Hindi ka na niya ginising," sagot ni Falcon. Muli ay binalot ng lungkot ang puso niya. Hindi naman siya dapat malungkot pero iyon ang nararamdaman niya.
Busy na tao si Dock kaya wala itong mahabang oras sa pagbabakasyon. Paalala niya sa sarili. Pampalubag loob.
"He's going to Europe. May problema yata ang mama niya kaya kailangan nilang lumipad ng Europa." Si Wilson na maganang kumakain. Ang lungkot na nararamdaman ay lalong tumindi. Bakit hindi man lang sa kanya nagpaalam?
"I-ilang araw siya doon? Bakit hindi man lang nagpaalam sa 'kin." Halos pabulong niyang sabi. Nabitin ang pagnguya ni Wilson sa kakasubo lang na pagkain. Napatitig ito kay Geallan na para bang pinagsisihan ang sinabi. Kapagkuwa'y bumaling ito kay Falcon na katabi nito. Para bang humihingi ng saklolo.
"Ahm, Brielle. Mag-snorkeling tayo mamaya," suhesyon ni Falcon. Halatang iniiba ang usapan. Hindi niya nagugustuhan ang nangyayari. At mas lalong hindi niya nagugustuhan ang tumatakbo sa isip niya.
Hindi. Siguradong tatawag si Dock sa kanya ngayong araw. Hindi lang siguro siya ginising dahil mahimbing ang tulog niya. Pilit niyang pinasigla ang kanyang mood. Okay naman sila kagabi. Walang indikasyon na iiwan na siya ni Dock. Hindi naman siguro ito natakot sa sinabi ng kanyang kapatid. Pero paano kung dahil nga sa pinag-usapan ng dalawa kaya ito biglang umalis. Hays! Hindi. Hindi. Umalis si Dock dahil siguro sa natanggap na tawag kagabi. Family problem siguro.
"SENYORITA?" Mula sa cell phone ay nag-angat ng tingin si Brielle kay Ms. Moira, the professional etiquette guru who's teaching her a lot of things she needs to know for her to fit in the world of perfection. She teaches how to use please, thank you, and excuse me. How to hold the silverware correctly. How to properly use a napkin to wipe her mouth. How to chew with her mouth closed. And many many more. She is also helping her to enhance her self-esteem and character with emphasis on socially acceptable behavior.
Nag-aaral na rin siya ngayon sa Primrose University, ang isa sa prestiheyosong universidad sa bansa. Hotel and restaurant management kanyang kinuhang kurso. Gusto niyang magtrabaho sa hotel ng kanyang pamilya sa oras na makapagtapos na siya.
"I'm sorry, senyorita, but I need to eliminate distractions for you to get focused on this training." Nakangiti nitong ani at inilahad ang kamay para kunin ang kanyang cell phone.
Muli niyang itinuon ang mata sa screen ng cell phone. Tumiim ang mukha niya nang muling makita ang larawan ni Princess at Dock sa isang fashion news. They are very attractive in their expensive clothes while posing in red carpet in Manhattan. Lunching ng clothing line ni Princess at ng isang sikat na Fil-Am fashion designer na nakabase sa Manhattan New York.
Princess donned a breathtaking sexy bare back jade green crystal-encrusted gown. She's angling herself to the camera to show her back while clinging to Dock's arm. And Dock was perfect in his black three-piece-suit. But the most painful part is the fact that Princess and Dock are look perfect together.
"Senyorita?" Muling untag ni Moira. Geallan slowly exhale out through the mouth and release all that built up tension, trying to calm her autonomic nervous system.
She gave Moira a warm smile before she stood up. Napahawak siya sa mesa nang kamuntikan na siyang mabuwal. Nanginginig ang tuhod niya.
"Pasensiya-- I'm sorry, Miss, but I can't finish this training. I'm not feeling well." Ms. Moira didn't allow Geallan to speak local dialect kapag magkaharap sila nito. Para raw ma-practice niya ang sarili sa pagsasalita ng Ingles. Kahit pa nabubulol siya kung minsan ay sige pa rin siya.
Hindi rin naman siya pinilit ng kanyang magulang na gawin ang training na ito. Nag-suggest ang mga ito dahil nga nahihirapan siyang makisalamuha sa mga sosyal na kaklase sa Primrose University at sa mga taong nakakahalubilo sa tuwing may pagtitipon na dinadaluhan. Kapag nalalaman na anak siya ni Tanya at Seg ang agad na tanong sa kanya ay bakit raw hindi siya mukhang kabilang sa mundong ginagalawan ng mga magulang. Ibig sabihin hindi siya mukhang mayaman lalo kung ibabase sa kanyang kilos. So she didn't hesitate to give herself a complete makeover.
"Okay. It's noticeable that you are not in the mood."
"Thank you!" She sincerely said. Kapwa naibaling ng dalawa ang tingin sa pintong bumukas. Niluwa mula roon ang kanyang ina at hipag.
"I'm so sorry for interrupting, ladies. Ahm... we are looking for your brother and father, Brielle." Napaungol si Geallan at hinilot ang sentido. Parang lalong sumakit ang kanyang ulo dahil sa kanyang nanay at hipag na praning.
"Wala po sila rito, mommy, Ate MM." MM is her brother's wife. Sa wakas ay bumalik na ito mula California at ngayon ay sobra-sobra ang kaligayahan ng kanyang kapatid sa pagbalik nito. Mabait ito at napakaganda, praning nga lang. Pinagselosan siya nito nang akalaing kabit siya ng kanyang Kuya Tres.
Nilapitan niya ang dalawa.
"Next time po huwag po kayong mag-hire ng maganda at ubod ng sexy na teacher para hindi po kayo napapa-praning." Kapwa namula ang mukha ng dalawang babae sa sinabi ni Geallan. Mas lalo ang mukha ni MM na nagkulay makopa talaga dahil sa puti ng balat nito.
"Hindi naman." Nahihiyang sabi ni MM. Nakangiting nailing si Geallan. Lumabas ang tatlo mula sa study room. Nalabasan nila si Seg at Falcon na nagtatawanan bitbit ang kanya-kanya golf bag. Mukhang nagbonding ang mag-ama.
"Hey ladies!" Bati ni Seg. Lumapit ang mga ito sa kanila.
"Hinahanap kayo ni Mommy at Ate MM. Akala ini-stalk niyo na naman si Ms. Moira."
"Brielle!" Saway ni MM at Tanya. Bumungisngis siya dahil sa hiyang-hiyang itsura ni Tanya at MM.
"Hon, you know that I love you and I'm not eyeing other woman," si Seg na tangkang hahalikan si Tanya pero agad na uniwas.
"Yeah right! You were just capturing her butt and sharing it with your son." Muling natawa si Geallan.
"That's not what you think. I already explained it, hon." Parang teenager na umirap ang ina. Ito naman kasing tatay at kapatid niya bantay sarado siya.
Mahalaga sa kanyang daddy at kapatid ang nararamdaman niya. Kapag nalulungkot siya lagi siyang pinapasaya. Laging nakabantay sa kung ano ang mood niya. Minsang kinuhanan siya ng tatay niya ng larawan habang may lesson sila ni Ms. Moira para ipakita kay Tres. Sakto naman na medyo nakaharang si Ms. Moira at na-capture ang umbok na pang-upo nito.
Nanggalaiti ang mommy niya at hipag nang makita iyon at inaway ang dalawang lalaki. Maganda si Ms. Moira at ubod ng sexy. Kung magsuot pa ng damit ay laging hapit at sumisilip ang cleavage.
Habang nilalambing ng dalawang lalaki ang mga asawa nito ay pasimple siyang umalis at nagtungo sa silid at nahiga sa kama. Muli niyang tiningnan ang larawan ni Dock at Princess at mapait na ngumiti nang may maramdamang matinding kirot sa puso.
It's been almost a year since Dock left for Europe. Ipinikit niya ang kanyang mata at inalala ang huling pag-uusap nila ni Dock through phone call.
Mahigpit na mahigpit ang hawak niya sa cell phone habang malakas ang tibok ng puso niya sa kaba habang nakikinig sa sinasabi ni Dock.
"Kailangan ko lang talagang umalis, Geallan. My mother needs me. Hindi ko alam kung kailan ako babalik. I need to focus on my family first and you as well. Mag-aral ka muna, fullfil your dreams and enjoy the company of your family." Mariing ipinikit ni Geallan ang mata habang tuloy-tuloy ang pagluha. Hindi na niya kailangan pang itanong. Alam na niya ang gustong mangyari ni Dock. Nakikipaghiwalay na ito sa kanya.
"O-okay." Tangi niyang nasabi at agad na pinatay ang tawag at humulagpas ang pinipigil na pag-iyak. Sumalampak siya sa sahig sa gilid ng kama at walang patid na umiyak.
Wala ng sasakit pa sa ipinaramdam sa kanya ni Dock. Umalis ito sa resort ng walang paalam. Tinawagan siya kinabukasan pero masamang balita pa ang hatid nito. Kung hindi pa nga yata niya ito tenext nang tenext ay hindi siya nito tatawagan.
Pinahid ni Geallan ang luhang dumaloy sa gilid ng kanyang pisngi dahil sa masakit na alaala. Mukhang nagkabalikan na si Princess at Dock. Mula Europe ay lumipad pa ng Manhattan para suportahan si Princess sa lunching ng clothing line nito.
Kasalanan niya kung bakit siya nasaktan. Umasa siya. Nag-expect siya. Umasa siya ng sobra-sobra kaya nasaktan din siya ng sobra-sobra. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-move on. Nasasaktan pa rin siya.
===
'Di ko na sinama detailed BS ng dalawa. 😆
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store