Chapter 13
SIGAWAN ni Reviel at Saphira, mga kapatid ni Dock, ang pangwelcome kay Dock at Geallan pagpasok palang nila ng bahay ng sarili niyang magulang. Nagtungo siya sa bahay ng magulang at isinama niya si Geallan para sa dinner.
"Bakit sila nag-aaway?" Humawak sa braso niya si Geallan.
Nasa sala ang dalawa at nagsasabunutan. Habang si Nyke, ang second son ng pamilya ay nakaupo sa mahabang sofa katabi si Pauline Gaile, ang anak ng amiga ng kanyang mama, kumakain ng Pringles ang dalawa habang pinapanood ang dalawang parang batang nagsasabunutan. Parang nananood lang ng pelikula.
"Hey, stop that or else isang buwan kayong walang allowance." Parang nawalan ng baterya ang dalawa nang tumigil ang mga ito at natahimik pero kapwa pa rin nakahawak sa buhok ng isa't isa.
"Ano?!" Banta niya nang hindi mapakawalan ng dalawa ang isa't isa.
"Get off me!" Saphira hissed.
"No! Get off me first!" Reviel responded angrily.
"I'm still the older than you."
"I don't care!"
"Isa!" Muling banta ni Dock sa dalawa.
"Sabay tayong bumitaw," Saphira suggested.
"Alright," tila nababagot na tugon ni Reviel. Unang bumitaw si Saphira pero ang malditang si Reviel ay biglang hinila ang buhok ng nakatatandang kapatid sabay takbo pero hindi pa man nakakalayo ay muling nahablot ni Saphira ang buhok ni Reviel at muling nagrambol ang dalawa.
Si Nyke ay natawa lang habang patuloy sa pagkain ng Pringles. Napilitan si Dock na lapitan ang dalawa. Hinawakan niya baywang si Saphira saka initsa ito sa sofa, si Reviel na akmang susugod kay Saphira ay hinablot niya sa baywang at ibinagsak ito sa sahig.
"Kuya, naman, eh. Ang sakit n'on, ah!" Daing ni Viel habang hinihimas ang nasaktang balakang.
"Sinabi kong magsitigil kayo! Bakit kayo nag-aaway? At ikaw, Nyke, bakit hindi mo pagsabihan ang dalawang 'to?" Nagkibit si Nyke ng balikat, kumuha ng Pringles na hawak ni Gaile at kinain iyon. Dahil nakaakbay ito kay Gaile, nagdikit ang pisngi ng dalawa nang dalhin ni Nyke sa bibig ang Pringles.
"Hayaan mo nga sila. Bigyan ko pa sila ng patalim, eh. Walang kwenta ang pinag-aawayan nila."
"Viel, Saphira! Bakit kayo nag-aaway?" Pinamaywangan na niya ang dalawang kapatid na kapwa nakaupo sa magkaharap na sofa.
"Eh, 'yan, eh!" Dinuro ni Saphira si Viel.
"Alam mo ba kung ano ang ginawa ng babaeng 'yan! Natalo ang boyfriend ko sa swimming competition dahil sa pinaggagawa niyan!" Sigaw ni Saphira pero benilatan lang ito ni Viel.
"What had she done?"
"Nilagyan niya ng dinikdik na sili ang swimming trunks ni Santi!" Bumunglahit ng tawa si Nyke at Gaile, nagsitalsikan pa ang nginunguya nitong Pringles.
"Christ, Viel! Anong kalokohan na naman ang pinaggagawa mo!" Ngayon lang siya ulit dumalaw sa kanila tas ganito pa ang maabutan niya. At hindi lang ito ang unang pagkakataon na may ginawang kalokohan si Viel sa mga ex boyfriend nito. Madalas siyang pinapatawag sa universidad na pinapasukan nito dahil sa kalokahan ng kapatid niya. Kung hindi siya benefactor sa eskwelahan ay baka matagal na itong napatalsik sa eskwelahan.
"That Santi deserved that! He's an asshole!"
"Oh, c'mon, Viel! Bakit ba kasi hindi mo na lang tanggapin na wala na kayo ni Santi? He's my boyfriend now and all you have to do is to move on."
"Hah! Tingnan natin kung hindi ka lokohin ng lalaking 'yan katulad ng ginawa sa 'kin. Don't be stupid, Saphira, pinaglalaruan ka lang niya." Itinaas ni Saphira ang kamay at ginalaw-galaw ang daliring may singsing.
"Did Santi give you a ring?"
Nakataas ang kilay ni Viel na humalukipkip at inirapan si Saphira.
"I guess no! Ako lang ang babaeng binigyan niya ng singsing. He is a change man now at dahil sa 'kin 'yon. So please, Viel, maging masaya ka na lang para sa amin. Kasalanan mo naman kung bakit kayo nagbreak!"
Pinakatitigan ni Dock ang mukha ng bunsong kapatid. Sadness and pain flickered across her face, but trying to mask it with her usual smug smirk. Hindi siya maaaring magkamali. Nasasaktan ang kapatid niya. Wala rin siyang alam sa nangyayari sa mga buhay pag-ibig ng mga kapatid niya. He's too busy with a family business. Ang tangi lang niyang ginagawa ay ang lagyan ng monthly allowance ang mga bank account ng mga ito at bayaran ang credit card. At isa pa ay ang babata pa ng mga ito. Viel is only twenty and Saphira is twenty-one.
Hiniwakan niya ang baba ng kapatid at itiningala ang mukha nito.
"Kausapin ka ni kuya mamaya, ah?" May lambing niyang sabi. Nakalabing tumango si Viel.
"Dock, nandito ka na pala."
"Ma!" Sinalubong ng yakap ni Dock ang inang si Adeline. Agad niyang nasamyo ang alak sa sistema nito.
"Uminom ka na naman."
"Hindi naman. Tumikim lang." Mukhang hindi na talaga yata magbabago ang mama niya sa araw-araw na pag-inom.
"May kasama nga pala ako, Ma." Nilapitan niya si Geallan na tahimik na nakatayo sa likod ng sofang kinauupuan ni Viel. Inakbyan niya ang kasintahan.
"Guys, meet Geallan, my girlfriend."
"Oh, my God!" Si Viel ang unang nagreact na mukhang ngayon lang napansin ang presensiya ni Geallan.
"Sinama ka ni kuya sa bahay!" Tili ni Viel sabay tayo. Lumapit ito sa kanila at bigla na lang bumulong kay Geallan. Nanglaki ang mata ni Geallan at namula ang mukha nito. Ano na naman kaya ang sinabi ng isang 'to?
"Ano ang sinabi ni Viel?" tanong ni Dock. Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Geallan. Magtatanong pa sana si Dock pero hindi na niya nagawa nang lumapit ang kanyang ina.
"I'm glad to meet you, hija!" Nagbeso si Adeline kay Geallan sa magkabilang pisngi. Pinakatitigan nito si Geallan at hindi nakawala sa paningin ni Dock ang pag-aalala sa mukha ng ina.
"You are so beautiful. Magpapakasal na ba kayo?" ang namimilog na mata ni Geallan ay lalong nanglaki sa tanong na iyon ni Adeline. Muli niyang inakbayan si Geallan.
"Not so fast, Ma. Bago palang kami ni Geallan."
"But she's the only girl you bring here."
"But it doesn't mean na magpapakasal na kami. Mama, talaga, oh!" Adeline just sighed with a sweet smile. A sigh of relief.
MANGHANG-MANGHA si Geallan sa ganda ng mga kapatid ni Dock lalo na sa mama ni Dock. Dock got her mother's eyes like his grandfather's na isang Spaniard. His mother is a half Filipino half Spanish. Si Saphira at Nyke ay dark ang mata na nakuha sa kanilang ama.
Habang salo-salo silang kumakain ng hapunan panay ang bulong sa kanya ni Geallan. Kung totoo raw bang gold ang ang mga kubyertos. Parang gusto raw nitong ibulsa ang isa. Kaya panay ang tawa ni Dock.
"Ayaw ko nang maulit ang pag-aaway niyo, Saphira, Reviel. At tigilan niyo muna ang pagbo-boyfriend. Get your college degree first before anything else . Make your studies a priority at hindi lalaki."
"Yes kuya!" Sabay na tugon ni Saphira at Reviel na magkatabing nakaupo. Katabi ng mga ito ang ina. Si Dock ay nakaupo sa kabisera ng mesa habang si Geallan ay katabi si Gaile at katabi naman ni Gaile si Nyke.
"Why are you with Charlotta Swift, Nyke?" Natigil sa pagsubo si Nyke nang magtanong si Adeline.
"Jesus! Ms. Charlotta Swift? The old gold digger? Hilig mo talaga ang dirty old woman, Kuya Nyke," si Viel.
Nangungumprontang tumingin si Nyke kay Gaile na ipinagkibit balikat lang ng dalaga.
"Tsismosa ka!" Sumbat ni Nyke sa dalaga pero mukhang hindi naman galit.
"Nagkwento lang ako kay mom na nakita kita kasama si Ms. Swift. Iba ang tsimis sa pagkuwento," pagrarason ni Gaile.
"Kung ano man ang relasyon mo sa babaeng 'yon tigilan mo, Nyke!"
"Anong relasyon? I'm a model, and Ms. Swift asked me to be a new face of her clothing line."
"Ms. Swift is Princess' mother, right? Kuya Dock's ex girlfriend. That's so kadiri, Kuya Nyke! Why do you always make patol to old women." Si Saphira na gumawa pa ng nakakadiring ekpresyon ang mukha.
"Kaysa naman sa mga katulad niyong puro pabebe! Sakit niyo sa ulo!" Isinubo ni Nyke ang punong-punong kutsara.
"So may relasyon nga kayo ni Charlotta?" May warning ang titig ni Adeline sa anak.
"Ma, wala. Gusto lang niya akong kunin endorser ng clothing line niya."
"Ayaw mo pa rin bang magtrabaho sa kompanya natin?" Si Dock.
"Hindi ko talaga trip, Bro. Kelan balik mo sa kompanya? Bored na bored na ako, eh."
"Next week babalik na ako." Pansamantala ay si Nyke ang ipinalit niya sa kanya habang nasa bakasyon siya. Mukhang ayaw talaga ng isang itong magpatakbo ng kompanya nila. Ayaw naman niyang pilitin. Pagmomodelo ang trip ng isang ito. Pero ang ikinababahala niya ay ang pakikipagrelasyon nito sa mga halos nanay na nito.
Nyke is twenty-five and he loves dating older women. Hindi siya tutol sa bagay na 'yon dahil ang mga nali-link naman dito ay mga single naman. Single mother, divorced woman and widow. Pero ngayon ay nali-link ito kay Charlotta Swift, Princess' mother. Pang ilang asawa na nga ba ni Charlotta si Simon Swift pagkatapos mamatay ng ama nina Princess.
Ilang pamilya na rin ba ang sinira ng babaeng iyon dahil sa pakikiapid sa mayayamang lalaki? Isa ang mag-asawang Aspa, Pauline Gaile's parents ang muntik masira ni Charlotta nang makarelasyon ito ng ama ni Gaile. Simon Swift is powerful man. Isang mayamang negosyante ng bansa. This is bad! He wouldn't let Nyke involve with that woman. She's a crazy to fucking boot like her daughters.
"Dock, nasaan pala ang papa mo?" Lahat ay natigilan at natuon ang mata kay Geallan. Si Adeline ay nagtungo ng ulo.
"Wala na siya, Geallan."
"Pasensiya na!" Tipid na ngiti ang sagot niya sa paghingi ni Geallan ng paumanhin.
Halos labing limang taon nang hindi nababanggit ang tungkol sa ama sa bahay na ito. Matapos sila nitong iwan ay hindi na rin nila ginamit ang pangalan ng ama. Del Fierro na ang ginamit nila. Ang apilyedo ng kanilang ina.
"MAHIRAP ba talaga akong mahalin, Kuya? Why does nobody stay with me? Am I really superior?" Hindi mawala sa isip ni Dock ang sinabi ni Viel. Lalo ang lungkot sa mga nito habang nagsasabi sa kanya ng problema. Lagi itong iniiwan ng mga nagiging karelasyon nito at ang lahat daw ay pare-pareho ang dahilan. Mahirap daw mahalin si Viel.
Hindi mahirap mahalin ang kapatid niya. Viel is so sweet and kind. But he admits that his sister always behaves in a superior way and believes that she is better than other people. Minsan ay sumusuko silang magkakapatid dahil hindi ito nawawalan ng rason. Pinaninindigan nito hanggang sa huli ang paniniwala.
Ang dami na niyang nami-missed sa mga nangyayari sa buhay ng mga kapatid niya. Akala niya sapat na ang pera at materyal na bagay para maging masaya ang mga ito.
They need all the help and guidance from thier parents at iyon ang hindi maibigay ng kanyang ina kaya pinipilit niyang maibigay iyon sa abot ng makakaya niya pero mukhang hindi sapat. His family rely on him for everything. Kailangan pa siya ng pamilya niya lalo ng kanyang ina.
Nakita niya ang pag-alala sa mukha ng sariling ina nang makita nitong kasama niya si Geallan. Nang nagkasarilinan sila kanina ay ang agad na sinabi ay "We aren't ready to let you go, son." Alam na niya ang ibig sabihin nito.
Dock snapped out of his deep thought when Geallan crawled on top him, nestling her soft body along the length of his body. She laid her head down his bare chest, snuggling against him.
"Kanina ka pa tahimik simula pag-alis natin sa bahay niyo?"
Dock stroke Geallan's hair absently as he breathed in the fruity smell of her hair.
"Si Javan?"
"Matutulog na."
"Do you still love your ex boyfriend, Geallan?" Tiningala siya ni Geallan. Geallan stared at him for a long moment before answering his query.
"Hindi ko alam."
"Maaari ko bang malaman kung ano ang nangyari sa inyo?" Nag-iwas ito ng tingin. Matagal na sandali ang lumipas bago muli ito nagsalita.
"Pinikot siya ng kapatid ko. Mag-asawa na sila ngayon."
"Asawa na siya ng kapatid mo? Pero bakit?" Hindi na ni Dock itinuloy ang sasabihin sana at sa halip ay nagtanong na lang ng iba.
"Paano kung makipagbalikan siya sa 'yo? Sasama ka ba?" Dock have no idea why his heart gave a violently spasm all of a sudden as he waited for her answer.
"Hindi mo naman ako papaalisin dito 'di ba?"
"Hindi nga."
"Kaya walang tsansang magkabalikan kami. Siguro kapag iniwan mo na lang ako sa ere. Baka magpasalo na lang ako sa kanya."
"Kahit asawa na siya ng kapatid mo?"
"Natatakot na akong mag-isa, Dock. Natatakot akong baka mapunta na naman ako sa masasamang kamay. Wala naman sigurong masamang maging makasarili kung minsan. Buong buhay ko kasi naging mapagbigay naman ako pero hindi naman nasuklian kahit pagpapahalaga lang." Dock sighed and closed his eyes.
"Hindi kita bibitawan, Geallan. Nandito lang ako hanggat kailangan mo ako." He said, keeping his close.
"TRES!" Napagbuksan ni Geallan si Tres sa labas ng condo unit ni Dock.
"Hi, Geallan."
"Halika ka, pasok!" Nilakihan niya ang bukas ng pinto para makapasok si Tres.
"Wala si Dock, umalis siya, pero babalik din agad 'yon." Umalis si Dock at Javan. Sabi ni Dock pupunta ito ng opisina at sinama si Javan. Ayaw sanang sumama ni Javan pero nagbanta si Dock na kapag hindi ito sinamahan ni Javan ay papalayasin nito si Javan kaya napilitan na lang sumama si Javan.
Umupong magkatabi si Tres at Geallan sa mahabang sofa.
"Para sa 'yo." Inabot sa kanya ni Tres ang isang paper bag. Sa sosyal ng paper bag palang alam na agad niyang sapatos iyon. Ito ang paper bag sa Leila Shoes. Nang silipin ang laman ay kahon nga ng sapatos ang naroon.
Nagtatanong niyang tiningnan si Tres.
"Open it." Kinuha niya ang kahapon at agad na binuksan. Namangha nang makita ang sapatos na gusto niya. Ang sapatos na kinakausap niya.
"That's for you."
"Pero bakit mo ako binibigyan nito?"
"I know you like that kaya nagtaka ako kung bakit tinanggihan mo 'yan at sinabing hindi mo gusto nang namili kayo ni Dock."
"Ang mahal kasi. Saka hindi ko naman 'to kailangan talaga. Hindi mo naman ako kailangan bigyan nito, Tres. Wala akong paggagamitan."
"Just wear it on my mom's birthday party. Imbitado ka."
"Talaga?! Hala! Baka naman magtaka ang mama mo kapag dumalo ako, eh, hindi naman kami close."
Marahang natawa si Falcon at pinisil ang pisngi ni Geallan.
"Close naman tayo. Okay lang 'yon kay mommy."
Ini-level ni Geallan ang sapatos sa kanyang mukha at pinakatitigan iyon. Napakaganda! Hindi siya makapaniwala na magkakaroon siya ng ganito kagandang sapatos. Inalok ito sa kanya ni Leila noong pinamili siya ni Dock pero tinanggihan niya dahil sobrang mahal. Pinili lang niya iyong pinakamura na mahal pa rin para sa kanya. Tatlong libo ang pinakamura at mga simpleng tsinelas lang iyon.
Hindi mapigilan ni Geallan ang mapaluha sa sobrang kaligayahan hindi lang dahil sa sapatos kundi sa dahil sa generosity ni Falcon. Bakit ba ang bait-bait ng taong 'to sa kanya?
"Bakit ang bait mo sa 'kin?" Tuluyan siyang humikbi.
"Baka may kapalit 'to, ah? Baka mamaya hingin mo ang internal organ ko. Takot ako sa operasyon!" Malakas na humalakhak si Falcon.
"Walang kapalit. Libre 'yan."
"Talaga?" Tumango si Falcon. Yumakap si Geallan kay Falcon.
"Ang bait mo, pero sana 'wag ka masyadong mabait kasi baka kunin ka ni Lord." Muling tumawa si Falcon at gumanti ng yakap kay Geallan.
"Hindi naman ako ganoong kabait. May nagawa rin naman akong malaking kasalanan kaya hindi ako kukunin ni Lord. Don't worry." Hinaplos ni Falcon ang likod ng ulo ni Geallan.
"WHAT the heck!" Nagbitaw mula sa pagkakayakap si Geallan at Tres sa pagpasok ni Dock. Ano ang nangyayari?
"Sino naman 'yan?" pabulong na tanong ni Javan mula sa likuran niya na hirap na hirap sa buhat na maraming kahapon na pastries. Sadya niya talagang pinahirapan ang gagu. Pero ano naman ang ginagawa ni Tres dito at bakit magkayakap ang dalawa? Umiiyak ba si Geallan?
"Ano ang nangyari, Geallan?" Mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ng dalawa. Inilapag niya sa center table ang hawak na envelope at umupo sa tabi ni Geallan.
"Umiyak ka ba? Bakit? Ano ang ginawa sa 'yo ni Tres, hmm?" hinawakan niya ang mukha nito.
Umiling si Geallan saka ngumiti.
"Wala. Masyado lang akong na-touch kasi binigyan niya ako ng sapatos. Tingnan mo, oh!" Kinuha ni Dock ang isang sapatos mula sa kamay ni Geallan.
"Pero hindi mo 'to gusto 'di ba?"
"Gusto niya 'yan, Dude. Kinakausap pa nga niya 'yan, eh. Nahiya lang sa 'yo kasi mahal daw. Kaya binili ko na para sa kanya."
Medyo naasar na talaga siya kay Tres, ah. Masyado nang mapapel. Kung umasta akala mo close na close kay Geallan. Dock gritted his teeth to stifle the black rage that started churning in his gut. He tried to relax his expression. Tres loves Mhelanie so much and he is his friend.
"Saan nga pala kayo galing? Ano 'yang mga dala ni Javan?" Inilapag ni Javan ang limang kahon ng pastries saka nito ibinagsak ang katawan sa sofa na tila hapong-hapo. Sadya niyang sinama si Javan sa opisina niya para hindi ito magkasarilinan ni Geallan dito. Ayaw naman niyang isama si Geallan dahil tiyak maiinip ito doon lalo't may mga importante siyang ginawa.
"Inasikaso ko ang requirements na kakailanganin mo kaso nagkaproblema sa birth certificate mo, eh. Wala kang record sa NSO. I-check mo nga ulit kung tama ang fill up mo. Baka may mali lang." Kinuha niya ang form sa envelope at inabot kay Geallan. Pinasadahan ni Geallan ng mata ang form.
"Tama naman, eh. Geallan Cervantes Mokudef. Tama ang birth place at date."
"Baka naman hindi na-register ang birth certificate mo."
"May register number ang original copy ng birth certificate ko. Naiwan ko kasi sa club."
"Cervantes ka pala, Geallan. Alam mo bang Cervantes din ako. My mother is Cervantes," again Tres butted in.
"Talaga? Baka naman magkamag-anak tayo. Baka nawawalang kapatid ng mommy mo ang nanay ko," biro ni Geallan.
"Baka! Kaya siguro magaan ang loob ko sa 'yo kasi magkamag-anak tayo," sakay naman ni Tres at nagtawanan ang dalawa.
"Ahm, Geallan, marami akong biniling sweet. Kain ka."
"Sige." Hinawakan niya si Geallan sa braso kaya napigil ito sa pagtayo.
"Wala ba akong kiss?" Inilapat niya ang isang daliri sa labi. Gusto niyang matawa sa cute na reaksiyon ni Geallan. Kumalat ang pula sa mukha nito. Pasimple itong umiling. Nahihiya.
"So ayaw mo?" gumawa ng reaksiyon ang mukha ni Geallan na para bang sinasabing nahihiya ito at huwag na lang.
"Okay!" Bumuntong-hininga si Dock at kunwari'y dismayado. Ipinikit niya ang mata habang nakasandal sa sofa. Pero bigla na lang ni Dock naramdamang may dumampi sa labi niya. Mabilis na dampi lang iyon pero sapat iyon para punitin ng isang malapad na ngiti ang labi niya. Nang magmulat ng mata si Dock ay nagmamadali na si Geallan na buhatin ang mga kahon at nagpatulong kay Javan na nakasimangot habang masama ang tingin kay Dock.
Nang makaalis ang dalawa ay hinampas siya ni Tres ng throw pillow sa mukha nang hindi mawala ang ngiti sa labi niya.
"Ano ba ang ginagawa mo rito? Ikaw nga, Tres, umamin ka! May gusto ka ba kay Geallan? Umayos ka! Let me remind you, if ever you've forgotten. You are a married man and Geallan is only for me!"
"Ano ba ang pinagsasabi mo?Nandito lang ako para ipaalala sa 'yo ang birthday party ni mom. Isama mo si Geallan, ah." Ni hindi man lang natinag sa talim ng boses at titig niya.
"Kahit na kailan, Tres, hindi ka naging malapit sa babaeng nagdaan sa 'kin."
"At kahit kailan din ay hindi ako nang ahas ng girlfriend mo. I like Geallan. Magaan ang loob ko sa kanya pero malayo sa iniisip mo. Mahal na mahal ko ang asawa ko alam mo naman 'yon. Kailan ka pa naging seloso? In love ka na ba?" Ipinagkibit balikat lang niya ang tanong na iyon ni Tres.
"Sino nga pala ang lalaking 'yon?" nilingon niya ang kusina kong saan naghahanda si Geallan at Javan ng pastries.
"Ex ni Geallan."
"Ex ni Geallan--hmm" tinakpan niya ang bibig ni Tres nang halos ipagsigawan nito ang sinasabi.
"Damn it! Tone down your voice! Geallan did not know that I have idea about their real relationship." Inalis niya ang kamay sa bibig ni Tres.
"Bakit ka pumapayag na nandito 'yan?" parang wala naman siyang marinig sa hina ng boses nito ngayon.
"Hindi ko naman kasi alam na ex 'yan ni Geallan-- pwe!" Para na rin siyang bubuyog kung magsalita.
"Ipinakiusap lang ni Geallan na kung pwedeng dumito muna dahil na-hold-up nga raw. Basta mahabang kwento. Aalis din naman 'yan. Ang usapan isang linggo lang siya dito at kapag hindi siya tumupad ihuhulog ko talaga siya sa veranda."
Hindi niya naman sinasadyang marinig ang pag-uusap ng dalawa noong nakaraang gabi. Nagulat siya nalaman pero naiintindihan niya kung bakit hindi ni Geallan sinabi sa kanya ang totoong relasyon nito kay Javan. Awkward nga naman na magkakasama silang tatlo sa iisang bahay. Less awkwardness kung wala siyang alam. At isa pa dadalhin ni Geallan sa konsensiya nito kung paaalisin na lang si Javan gayong siya ang dahilan kung bakit ito lumuwas. Kung siya lang pinaalis na niya si Javan pero nahihiya lang siya kay Geallan.
"Dude, lalaki ka rin at alam mo naman siguro ang totoong pakay niyan kung bakit 'yan nandito."
"Alam ko. Mahal pa niya si Geallan at alam kong hindi 'yan na-hold-up tulad ng sinabi niya. Alam kong may balak siyang kumbinsihin si Geallan na sumama sa kanya. Pero hindi ko naman 'yon papayagan." Sa kanya na si Geallan ngayon.
Ex is an ex. Wala ng halaga. Dapat nang kalimutan. And he is the current boyfriend, and his job is to kick him out of the view.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store