Fatal Attraction 1: Down And Dirty (Published Under Red Room)
Chapter 22
Hello, Ella Magenta! Happy Birthday ! I hope this simple greeting would bring a smile on your pretty face and joy to your heart. XOXO! 😘
Alford💔Lyca
Daming affected sa last chapter! Pinaabot niyo ng 400 ang comments at sobrang na-enjoy ko magbasa ng comments niyo, kaya ayan sinipag akong magtype. Ihi lang ang pahinga. 😂
---
WALANG imik na nakatayo si Lyca sa veranda ng silid ni Alford. Nakahawak siya sa balustre at nakatanaw sa kawalan. Anak nga ni Alford si Fenix. He didn't deny it. Nasasaktan siya. Ang gusto niya sa mga oras na ito ay umuwi na. Pakiramdam niya ay wala na siyang puwang dito at lalo sa buhay ni Alford.
His first love is here with his son. Ano ang laban ng isang katulad niya na pinakasalanan lang naman dahil sa pananagutan; babaeng hindi handang bigyan ng anak ang asawa dahil takot sa responsibilidad.
Fenix is four years old. Wala siyang karapat isumbat kay Alford ang pagkakaroon nito ng anak. She's only sixteen when Alford and Monica had a relationship. Kakakilala palang niya kay Alford nang mga panahong iyon. Kaya kahit pa siguro sampo ang anak nito sa labas ay wala talaga siyang karapatang manumbat.
Pero ang katotohanang mukhang ang mag-ina ang pinipili nito kaysa sa kanya ay sapat para masaktan siya ng sobra!
Ayon kay Alford ay nalaman lang nito ang tungkol kay Fenix noong gabing magtalo sila. Hindi raw nito magawang sabihin sa kanya dahil may pinagdadaanan na sila at ang concern nito ay siya. Hindi nito alam kung paano niyang tatanggapin.
Plano naman raw nitong sabihin pagbalik nito ng Manila. He was planning to go back to Manila next day.
"I think I should go home now," aniya habang nanatili ang mata sa kawalan. Habang si Alford ay nakatayo sa may pinto sa kanyang likuran.
"Hindi mo kayang tanggapin ang pagkakaroon ko ng anak?" Nilingon niya si Alford. Nasa mukha nito ang lungkot at pag-asam.
"Kaya kong tanggapin ang bata. Kaya kong tanggapin ang nakaraan mo. Pero hindi ko kayang makipagkompitensiya sa kasalukuyan; sa kalabang alam kong mas importante sa 'yo." Humakbang siya para pumasok ng silid pero hinawakan siya ni Alford sa braso.
"Kailangan nila ako kaya sumama ako rito, pero hindi ibig sabihin mas mahalaga sila kaysa sa 'yo."
"But I need you, t-too. . ." Gumaragal ang boses niya at tuluyang nalaglag ang luha mula sa mata. Agad niyang ipinaling ang mukha paiwas kay Alford. Mula kanina habang nagpapaliwanag si Alford ay hindi niya hinayaang bumigay ang kanyang emosyon.
Ayaw na niyang umiyak. Tama na ang ginawa niyang pag-iyak noong mga nakaraan. Kasalanan niya ang nga nangyari sa kanilang gulo kaya ayos lang sigurong iyakan niya ang bagay na iyon.
Pinihit siya ni Alford paharap rito.
His hand cupping her cheeks as he angled her head to look at him. Masuyong pinahid ni Alford ang luhang dumaloy sa pisngi niya.
"I'm sorry," he said softly.
"Is it over?"She asked but afraid to hear his answer. She was scared of losing him. Hindi niya na alam kung paano ang buhay na wala si Alford.
"Bibitawan mo na ba ako?" tanong ni Alford. Inalis niya ang kamay ni Alford na nakahawak sa mukha niya.
"Gusto mo na bang bitawan kita?"
"No!" Pumasok siya ng silid. Sumunod si Alford.
"No?"
"I want you to stay with me." Muli niyang hinarap si Alford.
"Saan ang magiging lugar ko?" He stepped closer. Kinuha nito ang kamay ni Lyca at dinala sa dibdib nito, inilapat sa tapat ng puso. She could feel the reassuring beat of his heart beneath her palm. She would have missed his soothing heartbeat in her ears while huddling together in a warm and comfy bed.
"Here," he said softly as he stared at her in the eyes.
"You are my wife and I want to keep it this way forever. I want to keep you as just mine forever no matter how hard it is. You mean so much to me, Lyca, and I don't want to lose you."
His words warmed her heart in an instant. Pero naroroon pa rin ang takot. Ayaw niyang ipakita rito ang tototong nararamdaman. Gusto niyang makita ni Alford ang galit na nararamdaman niya at hindi ang emosyong pilit nilalabanan ang kanyang galit; ang emosyong bumabalanse sa galit niya. Kasi kung pulos galit ang nasa puso niya ngayon. Malang sa hindi puno na ng pasa ang lalaking ito at kanina pa siya lumayas. Hindi siya magpapakatanga, but why not hear him out first before deciding what to do. Clarify the nature of the problem before deciding action.
"Do you still love Monica?" Kasabay ng tanong niyang iyon ay tila nagsirko ang puso niya sa kaba sa maaaring maging sagot ni Alford. She held her breath as she waited for his answer.
"Wala na akong nararamdaman para sa kanya." She slowly exhaled the breath that had lodged in her lungs, relieved. That's exactly what she wanted to hear from him but larger part of her doubted.
"Sinungaling!" She pulled her hand from his grip. Hindi dapat siya nagpapadala sa mga flowery words nito.
"First love never dies." His brows shot up.
"So may feelings ka pa talaga sa Tyler na 'yon?" bumalik sa kanya ang sumbat.
"Wala. Magkaiba ang sa amin ni Tyler. I wasn't really in love with him. Infatuation lang siguro 'yong nararamdaman ko para sa kanya kaya mabilis na nawala. Ikaw lang itong ayaw akong paniwalaan! At huwag mong ibinabalik sa 'kin ang sumbat, Alford, dahil mas masahol ang ginawa mo! Akala mo nakalimutan ko ang pakikipaglingkisan mo kay Juliet, at ngayon ito, may itinatago kang anak sa ex mo! Sa first love mo! Dinala mo dito ng hindi ko alam!"
Tinalikuran niya si Alford at mariing ipinikit ang mata. Kumukulo na naman ang dugo niya. Gusto niyang pagsasampalin si Alford sa sobrang galit at sakit na nararamdaman niya. Makailang ulit siyang nag-inhale-exhale para kalmahin ang sarili.
Nagmulat siya ng mata nang pumaikot ang mga bisig ni Alford sa katawan niya mula sa kanyang likuran. Ibinaon nito ang mukha sa gilid ng kanyang leeg.
"I'm sorry. Natakot lang ako na baka mas lalong lumala ang away natin. Hindi ko alam kung paano kung sasabihin sa 'yo, and knowing you. . .Hindi ko alam kung maiintindihan mo. I've just brought them here so they would stay here for a while. Hindi ko naman sila gustong pabayaan na lang."
May point ito. Kung siya man ang nasa sitwasyon ni Alford ay baka ganoon din ang gawin niya. Itinago rin niya ang pakikipagkita kay Tyler para iwas gulo. Pero ngayon niya na-realize na mali ang ganoon. Mas maganda at mas makakabuti kung maging tapat na lang. Kasi sa sitwasyon niya ngayon, hindi niya talaga nagustuhan ang ginawa ni Alford na paglihim sa kanya ng ganitong bagay.
"Tatanggapin mo pa ba ako?" bulong ni Alford sa tainga niya.
"Ano ang ginawa niyo ni Monica habang magkasama dito? Did you sleep in the same bed with Monica?" naramdaman niya ang pagngiti ni Alford sa leeg niya.
"Walang nakakatawa sa tanong ko, Alford, kaya sumagot ka ng maayos." She chastised him for his insensitive reaction.
"Hindi." His voice carrying with a gentle laughing tone.
"Hindi ako naniniwala!" pinihit siya ni Alford paharap at may higpit siyang hinawakan sa magkabilang balikat.
"Maniwala ka. Si Fenix ang katabi ko sa pagtulog minsan. Lyca, nirerespeto kita at hindi ako gagawa ng kalokohan. Hindi ako mambababae."
Tinabig niya ang braso ni Alford.
"Nagawa mo na, Alford. Ipapaalala ko na naman ba sa 'yo ang ginawa niyo ni Juliet?"
"Lyca, about that. . . wala lang 'yon. Nang kumandong siya sa 'kin sakto naman ang pagdating mo."
She folded her arms across her chest, lifted her chin, at sinabayan niya ng pagtaas ng kilay.
"You. Waited. For. Her. Lips. To. Touch. Yours! Don't fool me!" Bawat salita ay may talim niyang binigkas.
"Ang lagkit pa ng titig mo sa kanya! At sigurado akong hindi lang pagtititigan at pagpisil sa puwet niya ang gagawin mo kung hindi ako dumating. Kilalang-kilala na kita, Alford!" Inihilamos ni Alford ang kamay sa mukha.
" Yes. I was staring at her. I admit that. Alam moba kung bakit? Because I was fucking wondering why I didn't feel what we havefrom these women who'd come and gone in my bed and life. Whenever I look at youand try to turn my attention on someone, it's not the same. Why can't I findany girl attractive all of a sudden?"
"Sometimes, I can't help but notice whenever a chick passes right in front of me. It's like my body is decoded to react in that way. Well, every man experiences this erection, I mean sensation. It's what guys normally do. Not unless that 'time' comes, I'll be damned and wouldn't wait for the daylight to come and fuck. It's in my nature. Iyon ako. . . until you came into my life. I've changed." He spoke the words softly, intimately, like a secret shared, trying to convince her.
" Lahat ng iyon sa 'yo ko na lang ngayon nararamdaman. I find you attractive despite your attitude. God, Lyca! Are you even aware that your attitude is like a contagious disease? Nahahawa na ako sa pagiging immature mo! And this isn't normal to me. I'm a damned lawyer! All the crash courses and techniques that I've learned through experience and coaching aren't working when it comes to you. I should have known what's right from wrong; Read and figure out the best approach to take when I'm making a goddamn point. Pero ikaw, hindi ko mabasa't nababahag ang buntot kong magtanong. Nawawala ako sa focus kaya nga muntik ko ng mapatay ang Tyler na 'yon!
Lahat ng galit na nararamdaman niya kanina para kay Alford ay parang tinangay ng hangin sa mga pinagsasabi nito. But nah! She won't make it easy for him. Ano siya hilo!
"A lawyer needs to possess good oral communication skills in order to be effective in the courtroom and make convincing arguments to judges and juries. No doubt! Lawyer ka nga! Pero wala tayo sa courtroom, Attorney, kaya hindi 'yan epektibo sa 'kin. Naiinis pa rin ako sa 'yo!"
Bumagsak ang balikat ni Alford sa tinuran niya.
"Ipakilala mo ako sa anak mo at sa ex mo!" Tinalikuran niya ito saka nagpatiunang lumabas ng silid. Agad namang sumunod sa kanya si Alford na kakamot-kamot sa ulo.
Kailangan niyang makilala ang babaeng 'yon. Ipapalam niya rito kung saan ito dapat lumugar. Hindi porket may anak ito kay Alford ay bubuntot-buntot ito sa asawa niya. She's still Alford's wife at wala siyang balak makihati sa kahit na kanino mang babae. Kaya niyang tanggapin ang bata dahil pagbali-baliktarin man niya ang mundo ay anak pa rin ito ni Alford. Alford didn't cheated on her in the first place. Ibang usapan na kung ngayon ito makabuntis. Mapapatay niya talaga ang hinayupak na 'to.
Tinungo nila ang isang silid. Binuksan ni Alford ang pinto pagkatapos magbigay ng warning knock. Ngumiti ang babae na nakaupo sa paanan ng kama nang makita siya at ang bata naman ay humiyaw ng "Papa". Nasa gitna ito ng kama at naglalaro ng robot. Hinawakan ni Alford si Lyca sa likod habang papasok ng silid. Pasimple niyang iginalaw ang katawan para alisin ang kamay nito.
"Huwag mo akong hawakan!" Pabulong niyang angil. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Alford.
"Monica, this is my wife, Lyca. Giliw ko--"
"Hi!" Walang emosyon niyang bati sa babae at hindi niya na pinatapos pa si Alford. Lumapit siya sa kama at pinagmasdan ang bata. Kamukhang-kamukha ito ni Alford. Matamis na ngumiti ang bata
"Hello, Mama Lyca!" Umawang ang bibig ni Lyca at bahagyang nanglaki ang mata nang tawagin siya ng bata ng 'mama'.
"Hello daw," bulong ni Alford na ngayon ay nasa likod na niya.
"H-hello." She held out her hand to the kid. Sa halip na abutin iyon ng bata ay mabilis itong tumayo at kumunyapit ito sa batok niya dahilan para mapaupo siya sa kama. Maraming halik ang ibinigay nito sa pisngi niya.
"Fenix, stop that, nasasaktan siya--"
"It's okay." Medyo mataray niyang sabi sa babae at matamis na ngumiti nang ibalik niya ang tingin sa batang bumitaw na mula sa pagkakaunyapit sa kanya. And her smile for the kid was genuine. Walang halong kaplastikan. Kanina hindi niya alam kung ano ang mararamdaman kapag nakita niya uli ito, pero ngayon, nabawasan ang bigat na nararamdaman. The kid was so adorable. Ang mga mata nito ay katulad na katulad ng kay Alford.
"Why are you calling me mama?" Hindi niya mapigilang itanong. A cheeky smile appeared on his face before answering her.
"You are my Papa Alford's wifey. Mommy and Papa told me that you will be my mama. I promise I'll be a good boy." Itinaas nito ang right hand bilang panunumpa.
"Ila-love mo po ako?"
Wala siyang maintindihan pero nakangiti siyang tumango.
"Of course. You are so adorable. And I love a adorable kid." Inabot niya ang pisngi nito at marahang hinaplos.
"Mana sa 'kin." Bulong ni Alford na nakaupo sa likuran niya.
"Shut up!" She hissed through clenched teeth, and she smiled again at the adorable kid.
"Mama, Lyca, gawa mo po ako pancakes," malambing na ungot nito na malapad niyang ikinangiti.
"Pancake?" sunod-sunod ang ginawa nitong pagtango.
"Papa tells a story about you every night before I went to sleep. He told me that your pancake is the best and most delicious pancake in the whole wide world." Gumawa ito ng malaking bilog sa hangin gamit ang kamay.
"Igawa mo ako ng pancake, please! Hindi masarap pancake ni yaya at mommy." Pinatulis nito ang labi at pinagsalikop ang maliliit nitong kamay. Natawa naman si Alford at Monica.
"Sige, igagawa kita."
"Yehey!" Humiyaw ng paulit-ulit ang bata saka tumalon pababa. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at hinila siya patayo.
"Ngayon na?"
"Yes, please!"
"Okay!" She stood up, and an involuntary giggle escaped her as Fenix dragged her out of the room.
Pababa na sila ng landing nang mapansin niyang hindi sumunod si Alford. Ang gumaan na pakiramdam dahil kay Fenix ay nahalinhinan ng iritasyon na naman.
"Fenix, sandali lang muna, ah. Tawagin natin si Papa." Hawak niya ang kamay ng batang bumalik sa kuwarto. Isinandal niya ang katawan sa hamba ng pinto at tumingin sa dalawang nakaupo sa kama at may ngiti sa mga labing nag-uusap. Monica looks really happy.
"Kung hindi niyo gustong makita ni Fenix na lumabas ang sungay at pangil ko, irespeto niyo ako!" Sabay na nagbaling ng tingin ang dalawa sa direksiyon niya. Sa halip na mag-alala si Alford ay matamis pa itong ngumiti.
"Giliw ko--"
"Shut up!" Asik niya saka iniwan ang dalawa. Hawak niya ang kamay ni Fenix.
"May sungay at pangil ka po? Only monsters have them?" Ang hindi na mapintang mukha ni Lyca ay naayos at nakangiting niyuko ang bata.
"Nagbibiro lang si Mama Lyca. By the way Fenix. Gusto mo akong maging mama? Okay lang sa 'yo?" tanong niya sa bata habang pababa na sila ng hagdan.
"Yes! How about you? Gusto mo rin po akong maging anak?"
"Of course." Mabilis niyang sagot.
HABANG gumagawa ng pancake ay dalawa ang madaldal na nanggugulo sa kanya. Si Fenix at si Mira na hindi nauubusan ng sasabihin.
"Ibang klase rin po, ma'am, ang kabaitan mo. Akalain mong intense na kanina ang tagpo tapos ngayon biglang okay na. Akala ko may world war 3 na magaganap, eh. Pero syempre, sa 'yo ako kakampi. Sa legal na asawa ang simpatya ko lagi. Pero, ma'am, ah. Huwag masyadong mabait. Naku! Baka mamaya ahasin ni Monica 'yang si Sir. Minsan nga nakita kong--"
"Ehem!" Isang tikhim ang nagpatigil kay Mira. Si Alford na parang hindi nagugustuhan ang panunulsol ni Mira sa kanya. Ay! Hindi! Mukha ayos lang naman dahil may munting ngiti pa rin ito sa labi.
"Minsan nakita mong ano, Mira? Ituloy mo," udyok niya sa dalaga.
"Hehe! Wala po, ma'am." Masama niyang tiningnan si Alford bago tinalikuran at tinungo ang gas range bitbit ang pancake mixture na nsa bowl.
Nagsisimula na siyang lutuin ang pancake nang yumakap sa kanya si Alford mula sa likod. He buried his face against her neck, sniffing long and hard until she felt as if he'd breathed in every trace of her scent into his body.
"Patawarin mo na ako, giliw ko!" bulong ni Alford habang sinisinghot-singhot ang leeg. God, she missed him so much! Pero si Alford na-miss ba siya? Mukhang hindi naman.
Huwag na huwag kang bibigay, Lyca! May kasalanan pa rin siya sa 'yo! Hindi pa nga siya natutunawan sa nakita niyang tagpo sa bar.
"Giliw ko--"
"Shut up, Alford! Kung akala mo napatawad na kita nagkakamali ka! Not because I've opted to stay here, eh, okay na tayo. Hindi pa ako natutunawan sa ginawa mong pakikipaglandian kay Juliet, buwesit ka!"
Ito na na naman! Nagtatagis na naman ang mga ngipin niya sa tuwing naaalala iyon.
"Sinabi ko naman sa 'yong umupo siya sa 'kin few minutes before you arrived.
"Hindi ako bulag, Alford. Kitang-kita ko kung paano sana kayong maghahalikan."
"Damn no! Alam kung gagawin niya 'yon at iiwas naman sana ako nang bigla mo siyang hablutin."
"What a lame excuse. Eh, paano mong ipapaliwanag ang pagpisil mo sa puwet niya?"
"Did I do that? Of course not!"
"Nakahawak ka sa pang-upo niya, Alford!" Giit niya.
"Kasi nga bigla siyang kumandong sa 'kin kaya siguro napahawak ako sa pang-upo niya but I didn't squeeze that bitch's ass. Get mad at me if my hand squeezing her lady bags or if my hand slid into her skirt. Giliw ko, hindi ko naman hahayaan na halikan ako ni Juliet. At mas lalong hindi ko hahayaang may mangyari sa amin. Believe me on this. Ano pa ba ang hahanapin ko sa ibang babae na wala sa 'yo? Complete package na ang asawa ko bakit pa ako maghahanap ng iba."
Hinawi ni Alford buhok niya at muli siyang hinalikan sa leeg. It was the lightest possible touch of his lips on her skin.
"I wouldn't dream of betraying you by sleeping with someone else. . . I love you, Lyca!"
Lyca froze as she heard the last three words that has flown from Alford's mouth. She felt her heart skipped a beat and then it felt like it fell to the pit of her stomach. Did he really say "I love you?"
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store