Debt And Pleasure Completed
FRANZESSNAKATITIG lamang ako sa puntod ni Inang Gorya. Dito ko napiling pumunta ngayon na kailangan kong makapag-isip-isip. Wala akong makausap dahil wala naman akong halos itinuturing na kaibigan. Si Dentor sana, ang kaso ay kakailanganin ko pang bumalik sa lugar ng tiya at ayaw ko nang gawin pa iyon.Hanggang ngayon ay nag-iisip ako kung tatanggapin ko ba ang alok na kasal ni Red. Natatakot ako . . . pero hindi sa katotohanan na ikakasal ako sa kaniya. Natatakot ako sa kaniya mismo at sa kung anong mangyayari sa akin oras na magkasama na kami sa iisang bahay.Hindi rin maiproseso ng utak ko kung bakit kailangan niya akong alukin ng kasal. Para saan? Para lang makabayad ako ng utang? At sa paanong paraan ako makakabayad ng utang sa kaniya sa oras na maikasal kami? Pagsisilbihan ko ba siya? Gagawin ba niya akong tila katulong na maaari utus-utusan?"Inang, sabi mo kapag ikinasal ako mag-i-sponsor ka po. Ngayon, Inang, mukhang maikakasal na po ako pero wala ka naman na po," anas ko sa puntod ni Inang. "Siguro po, Inang, kung nabubuhay ka po, baka ikaw pa ang magtulak sa akin na pakasalan si Red kasi 'di po ba, Inang, crush mo siya? Sigurado ako na magiging masaya ka para sa akin . . . kung nasa normal lang na sitwasyon. Ang kaso po, Inang, pakakasalan niya ako para makabayad ako ng utang. Pakakasalan niya ako para maipambayad ko ang sarili ko kapalit ng buhay ni Nisha," patuloy ko at unti-unti nang nagbabadya ang mga luha ko na pumatak.Napabuntonghininga ako bago ko marahang hinaplos ang lapida niya na mayroong pang larawan niya na nakangiti."Miss na po kita, Inang. Alam mo po ba, hindi po pala totoong anak si Lindzzy ng mga magulang niya. Anak po pala si Lindzzy n'ong nagtraydor sa Phyrric na sina Scorpio at Poison. Nagulat po ako sa rebelasyon na 'yon, Inang. Ang tagal-tagal po natin inaabangan 'yang teleserye na 'yan pero hindi mo na po inabutan ang mga rebelasyon. Hayaan mo po, Inang, sa susunod pong dadalaw ako rito sa inyo, ikukuwento ko naman po sa inyo ang mga mangyayari pa sa iba mo pong laging inaabangan," pagkukuwento ko kay Inang, saka ako tumayo mula sa pagkakaupo sa damuhan.Pinagpag ko ang pang-upo ko at marahan kong pinanusan ang mga mata ko gamit ang likod ng palad ko.Naglalakad na ako palabas ng sementeryo nang bigla na lamang may humarang sa akin na bulto ng tao. Awtomatiko akong napatingala dahil ang tangkad nito. Halos malunok ko pati ang dila ko nang bumungad sa akin ang malamig na ekspresyon ni Red.Sa mga oras na ito, pakiramdam ko ay isa akong bihag na hindi na makakatakas pa. Pakiramdam ko ay nais na niya akong patayin o pahirapan. Hindi ko alam, pero ito ang nakikita ko ngayon."B–bakit ka nandito—""Do you own this?" malamig na tugon na putol niya sa akin.Mabilis ang naging pag-iling ko, saka ako humakbang papalayo sa kaniya."S–sige, m–mauuna na 'ko," anas ko at akmang lalagpasan ko na siya ngunit mabilis niyang hinaklit ang braso ko, saka niya ako inilapit sa kaniya.Halos mapagot ang hininga ko nang bigla na lamang niyang ibaba ang mukha niya pababa sa mukha. "I need your answer now, woman."Kaya ba niya ako sinundan hanggang dito? Para lang marinig ang kasagutan ko? Hindi ko alam kung may choice ako na tumanggi lalo pa't ako naman ang nagsabi na nais kong makabawi at makapagbayad ng utang sa kaniya. Alam ko rin na hindi basta-bastang pagkakautang lamang ang mayroon ako. Buhay ang babayaran ko, kaya't hindi ako nagtataka na buhay ko rin ang ibabayad ko.Siguro nga ay hindi nakuha ni Red ang ugali ng Mommy at Daddy niya. Nagawa nila akong patawarin nang walang kapalit, ngunit sa kaniya ay kinakailangan kong magbayad ng utang. Alam kong sobra siyang nasasaktan, lalo pa't kitang-kita ko kung gaano niya mahalin, alagaan at protektahan ang kapatid niya—kapatid na nawala dahil sa akin."Marry me and pay for your debt. Marry me and devote yourself to me. You insisted on paying such debt; now pay it all to me. If you really think that what my sister did for you is your debt, then pay me back . . . with a huge fucking interest. Pay me for all of your life," bulong niyang muli nang hindi ako sumagot. Kinakapos na ako ng hininga at gusto kong tumakbo paalis para takasan siya.Bahagya ko sana siyang itutulak ngunit mabilis niyang hinapit ang baywang ko.Naging mas matiim ang pagtatama ng mga mata namin. Gusto ko mang magbawi ng tingin ay hindi ko magawa dahil tila nanghahatak ang mga mata niya."P–papakasalan kita. P–papakasalan kita at p–pagbabayaran ko ang pagkakautang ko sa inyo, k–kahit buong buhay ko pa ang kapalit."NAGING napakabilis ng mga kaganapan sa buhay ko. Halos hindi ko masundan. Basta't ang alam ko ay kasalukuyan akong naglalakad sa gitna ng simbahan habang nakahawak ako sa braso ni Papa Arthur na panay ang marahang tapik sa kamay ko na para bang sinasabi sa akin na magiging maayos din ang lahat."Wala akong ibang hihilingin sa 'yo, iha. Alam kong sapilitan ang kasal na ito, ang gusto ko lang ay initindihin mo ang anak ko sa lahat-lahat. Hindi siya masamang tao, sobrang mahal lang niya ang kapatid niya kaya't naging ganito kadalos-dalos ang naging desisyon niya," bulong ni Papa Arthur bago pa namin sapitin ang altar kung saan nakatayo si Red at Mama Rhian."O–opo, Papa. G–gagawin ko po lahat ng makakaya ko."Nakarating kami ng altar at inabot na ni Papa Arthur ang kamay ko sa kamay ni Red. Magalang naman niyang inabot iyon ngunit naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa mga kamay ko.Umiiyak si Mama Rhian nang lingunin ko siya. Niyakap niya ako nang mahigpit, saka ako bimulungan."I enjoyed watching you walking down the aisle, anak. It was like I am watching my own daughter. Thank you for accepting my Red. You may not be able to replace my Nisha, but I know that she's smiling in heaven knowing that she saved the right person. Nisha and your Inang must probably be smiling together now. Please . . . be happy.Ngumiti ako kay Mama Rhian at hindi ko na nagawa pang makapagsalita dahil naiiyak na 'ko. Ayokong pumiyok at alam kong gagaralgal na ang boses ko.Mahaba ang naging seremonyas. Sinabi na ng pari na maaari na niya akong halikan at halos hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako mapakali. Hindi ko maintindihan ang kakaibang tibok ng puso ko.Itinaas niya ang belo ko. Ang akala kong ibaba niya ang mga labi niya patungo sa mga labi ko ay hindi nangyari. Bagkus ay hinalikan lamang niya ang noo ko nang napakabilis.Nagpalakpakan ang mga tao at kami naman ay naglakad na papalabas ng simbahan.Nasa pintuan na kami nang bigla na lamang siyang bumuga ng mainit na hangin sa tainga ko na ikinakilabot ko saka nagsalita."Welcome to my life, woman. Witness how I'll make you pay for your debt in every day of your life."Handa ako, Red. Handa ako dahil wala naman akong ibang pagpipilian . . . at wala naman akong magagawa na dahil desisyon kong maitali sa 'yo at pakasalan ka. Utang ito na babayaran ko gamit ang buong buhay ko.ISANG linggo ang nakalipas mula nang maikasal kami at lagi siyang madaling-araw na kung umuwi.Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya na hindi ko pa nararanasan ang sinasabi niya na pagbabayarin niya ako ng utang ko sa araw-araw ng buhay ko o hindi. Madaling-araw kasi siyang umuuwi at sobrang aga kung umalis. Halos hindi kami nagtatagpo at laging si Nana Mela ang kasama ko bahay niya buong araw.Paakyat na ako ngayon sa silid namin. Hindi kami magkahiwalay ng kuwarto dahil iyon ang sinabi niya sa akin. Hindi ko alam ang dahilan, basta't sinunod ko na lamang.Nasa kalagitnaan na ako ng hagdanan nang bigla na lamang bumalagbag ang pinto ng main entrance at nakita ko siyang tila langong-lango sa alak. Magulo ang buhok niya at nakatanggal ang butones ng suot niyang polo hanggang dibdib.Mabilis akong lumapit sa kaniya dahil pakiramdam ko ay bubuwal na siya ano mang oras."S–Sir!" tawag ko sa kaniya nang masalo ko siya. Nakasanayan kong tawagin siyang ganito dahil ako ngayon ang nag-aasikaso ng mga gig niya ngunit hindi niya ako isinasama sa trabaho o praktis ng banda.Ang bigat niya kaya't inakay ko siya paupo ng sofa sa sala at nagtagumpay naman ako."G–gusto mo ba ng tubig?" tanong ko sa kaniya ngunit tinitigan lamang niya ako bigla ng mga namumungay niyang mga mata dala ng kalasingan."You were the first woman who caught my attention during our concert. I could remember you. I gave you a special pass, right?"Nagulat ako sa narinig ko. Ibig sabihin ay natatandaan niya ako."G–gusto n'yo po ba ng tubig?" pag-uulit ko na kunwari ay hindi ko narinig ang sinabi niya sa akin."You were there when Nisha scolded me for following her. I saw you there too. I almost thought that you were a stalker, but I learned about your past when I had you investigated, so I knew you were not."Iba ang kabog ng dibdib ko ngunit mas lalong tumindi iyon nang bigla na lamang magbago ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Tingin na tila puro pasanin."You . . . you are my nightmare. You are my greatest nightmare!" angil niya sa akin at nagulat ako nang may mamuong luha sa mga mata niya. "I lost . . . I lost my sister . . . I lost her all because of you, and . . ." pinutol niya ang sinasabi niya. Umupo siya nang maayos mula sa pagkakasandal sa sofa ay itinukod niya ang mga siko niya sa mga tuhod niya at mas matiim pa akong tinitigan. ". . . why can't I fucking hate you? Fucking tell how can I not hate you despite of the fact that you fucking stole my sister's life! WHY!?"Mariin ang pagkakabanggit niya sa mga salitang iyon at tumatagos iyon sa akin, ngunit may kakaiba akong naramdaman nang sabihin niyang hindi niya ako magawang kamuhian."L–lasing ka lang. M–magpahinga ka na lang muna siguro—""I wish I could hate you. I wish I could hurt you. I wish I could make your life like a living hell . . . but I just fucking couldn't." halos pabulong na anas niya ngunit dinig na dinig ko. "You're so innocent. You're sweet. You're captivating. You're naive. You're so fucking fragile. I couldn't hate you for you are living the life that my sister gave you."Bawat salita niya ay puno ng pait at sakit. Alam kong nahihirapan siya. Alam kong sobrang nasasaktan siya."Every night, I always dream of her smiling at me and telling me to treat you nicer. Every nap I could stole, she's there giving me her best smile and says that she wanted to rest in peace, but I . . . I just couldn't let her go . . . no, not just yet."Hindi ako makagalaw lalo pa nang isa-isa nang pumatak ang mga luha mula sa mga mata niya."I couldn't go home early because I know I'll see how much you wanted to pay me. Aasikasuhin mo 'ko, pagsisilbihan, and I don't want to be moved by such acts. I wanted to hate you from head to toe, woman. I even wanted to despise your whole being, pero putang ina, hindi ko magawa."Tumayo siya mula sa kinauupuan kahit pa pasuray-suray siya at hindi na halos makatayo nang maayos."S–Sir, maupo po kayo at baka mataob kayo. H–hindi po naman gugustuhin ni Nisha—"Napatigil ako sa pagsasalita nang lumapit siya sa akin, saka ako biglang hinatak patayo at niyakap nang mahigpit na mahigpit."You stole my sister's life, but . . . why do I fucking want to own you!?"
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
To my Havres, thank you for staying and loving me. ❤
To my Krimstixx gang, thank you for the love and undying support, and thank you for always spoiling me, ate Cha, ate Rahf, Jomaica, Mommy Nalie, Raven, Nicol, ate Chel, Lable, Tukayo, Mel, Mommy Carissa. ❤ Sa mga araw na gusto ko ng kausap, nandiyan kayo. I may not be able to say this sa inyo sa gc kasi hate ko ang cheesy things, but I highly appreciate your presence in my life!
Mahal ko kayo lagi . . . palagi - lagi. 🥀
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store