Chapter 42: MagNa
DS8Uncovered #LuMa #BearCouple #DaggerSeries
CHAPTER 42: MAGNA
LUNA'S POV
"Sure kang okay lang?"
I glanced away from the monitor display where I was scanning the price list of items. "Oo naman. Wala naman akong gagawin ngayon."
It's Sunday, and I have nothing to do. Magnus is in Manila to meet with a manga publisher for an upcoming collaboration project they have. Magnus' other persona, Mr. Clingy, asked me to go with him, but I told him that I wanted to stay so that I could rest. Iyon nga lang wala pa akong kalahating araw sa bahay ay nainip na ako kaya pumunta ako rito sa The Dawson's Nook. Saka kinukulit din ako ni Kuya Axel. Kailangan daw ng tulong ng asawa niya.
Nag-aalangan na nilingon ni Mireia ang kusina. "Mamaya pa kasi dadating si Marthena tapos nagloloko pa ang cash register."
She's been baking non-stop since this morning. Absent kasi ang cashier niya at ang isa sa tatlo niyang wait staff kaya talagang doble-doble ang trabaho niya. Lalo pa at ang daming online orders ni Mireia at hindi rin naman kakaunti ang mga customer na dumadating na karamihan ay mukhang turista.
Pumindot ako sa screen pero nanatiling hindi gumagalaw iyon. "Patignan mo na 'to sa Dagger."
"Busy pa sila eh. Pero pupunta mamaya si Axel kapag nakapag-break na siya."
"Makakapag-break ba iyon? Minsan nga hindi na lumalabas ng control room o ng opisina niya iyon kasi wala siyang time."
Kumindat siya. "Basta para sa akin nagkakaroon ng time 'yon."
Umakto akong naduduwal na ikinatawa niya lang. Itinuro niya ang kulay orange na hardbound notebook na nasa ilalim ng register. "May price list diyan kaso mahihirapan ka kasi i-ma-manual mo lahat. It can get confusing kapag marami ang bibilhin ng customer."
"Basta kapag nagkamali ako at napasobra ang sukli, si Kuya Axel na lang ang singilin mo." Iginuso ko ang kusina. "Sige na at ako ng bahala rito. Kahit anong marinig mo, 'wag kang lalabas. Ang mahalaga hindi lugi, okay?"
Natatawang tumango siya at nag-thumbs up bago siya tumalikod na para pumasok ng kusina.
Madalas talaga na busy ang TDN. Parang naging tourist spot na nga 'to ng Tagaytay dahil talagang dinadayo. Minsan kasi ay nasasaktuhan nila ang mga hipag ko. TDN is like the Sunset Boulevard in Hollywood where they can spot famous personalities. Mamaya pa nga lang nila makikita ang mga sister-in-law ko kasi mga pauwi pa lang ng Cavite.
Tumunog ang chime ng TDN at pumasok ang isang lalaki na mas bagay na sa Hollywood makita kesa rito sa Pinas. Ang alam ko siya iyong nasa Epilogue ng libro nila Ember. He's Darien Zeon Henderson, aka Daze. An actor. At siya iyong sinikmuraan ni Sorcha. Hmm... I smell a potential love story.
When he walked toward me, all eyes were on him. He flashed me a smile that could make a million women swoon, and I would have as well if my favorite smile wasn't my husband's.
"Hi, Miss Dawson."
"Mrs. Dawson-Aquillan." Tinaasan ko siya ng kilay. "You know me?"
"Who wouldn't? You're the owner of Maven, and you're also one of the most tenacious journalists in the industry."
I let out a hmm before I gave the food display in front of us a pointed look. "Anong gusto mo?"
"An americano."
"Hot or iced?"
"Hot."
"What else?" I asked.
"That's all, Miss— Mrs. Dawson-Aquillan."
"Nag-effort kang pumunta rito tapos Americano lang ang bibilin mo?"
He blinked as if he were surprised by my question and the way I asked him, but after awhile, he grinned. Siguradong hindi siya sanay na kinokontra. Even if he's not famous, his face alone could compel a lot of people to give him everything he wants. "And one triple chocolate muffin."
Sinilip ko ang price list at pagkatapos ay nagpipindot ako sa calculator. "That's three hundred and thirty-five pesos."
Inabutan niya ako ng isang libo. Inilagay ko iyon sa cash drawer bago ko siya tinignan. "May problema ang cash register kaya hindi kita mabibigyan ng resibo."
"That's okay." Nang nanatili lang akong nakatingin sa kaniya ay naging alanganin ang ngiti niya. "Umm... iyong sukli ko sana."
"Hindi ako nagsusukli sa mga mayayaman."
His mouth opened and closed as if he didn't know what to say. Arah, TDN's barista, burst out laughing as if she couldn't help herself.
Napapailing na napabuntong-hininga si Daze bago siya nag-thumbs up sa akin tanda ng pagsuko niya. While Arah was preparing his orders, he moved to the side to make way for the next customer.
I quickly wrote down Daze's orders so that Mireia and the staff could track everything later, before I turned to the next customer with a big smile. "Hello! Welcome to The Dawson's Nook. Can I take your order?"
"Bakit ako walang welcome?" malakas na bulong ni Daze kay Arah na tumawa lang ulit.
Hindi ko pinansin ang lalaki at nakatuon lang ang atensyon ko sa mag-asawang senior citizen na nasa harapan ko na pumipili pa rin.
"May tsaa ba kayo ineng?" tanong ng matandang lalaki.
"Meron po." Inabot ko ang menu dahil baka nahihirapan silang makita ang nasa display screen na nasa likod ko. Iniharap ko sa kanila iyon at itinuro ko ang mga available na tsaa. Nang makapili sila ay itinuro ko ang display ng mga dessert. "May gusto po ba kayong kainin?"
"Magkano ba ireng cake na ito? Kahit isa lang at baka kulangin itong dala kong pera. Birthday kasi ni misis."
"Ito pong dark chocolate mousse cake? One hundred eighty po per slice."
"Sige 'neng. Isa niyan."
Umalis ako sa counter para maglagay sa plato ng cake. Pero imbis na isa lang ang kunin ko ay dalawa ang inihanda ko bago ako bumalik sa cash register.
"Magkano lahat?" tanong ng matandang lalaki.
"Okay na po. Birthday and senior discount. Wala po kayong babayaran." Tinuro ko si Daze na nakatingin din sa amin. "Libre po niya."
Walang nagawa si Daze nang bumalik sa kaniya ang mga matatanda at nagpasalamat. Isang libo naman ang pera niya kaya kayang bayaran ang orders nila nanay at tatay. May sobra pa nga.
Nakailang customer pa ang dumaan na paiba-iba ang presyo na binibigay ko. Kapag may batang kasama, may senior, may PWD card, ay libre. Kapag mga taga-Dagger naman ay walang sukli o doble ang presyo.
Almost an hour later, my brother Trace walk-in. Parang may bumbilya na umilaw sa tuktok ng ulo ko dahilan para mapangiti ako ng malaki nang huminto siya sa tapat ko.
Kumunot ang noo niya. "Bakit ganiyan ang ngiti mo?"
"Ganito talaga ako ngumiti. Very cute and very sweet."
Nilukutan niya ako ng mukha na parang diring-diri siya. He pointed at the glass display. "Tatlong blueberry muffin saka dalawang hot americano at isang iced caramel mocha."
Arah moved to prepare the order. Inilahad ko ang palad ko sa kapatid ko. "Bayad mo?"
"Magkano ba ang total?"
Hindi tumitingin sa calculator na sumagot ako, "Three thousand."
Namilog ang mga mata niya. "Ha? Paanong three thousand? Tatlong muffin saka tatlong kape lang ang order ko. Binubudburan na ba ng ginto ni Mireia ang mga bilihin dito?"
"Family eh."
"Di ba nga dapat mas mura kapag family discount?"
I smiled at him sweetly. "Wala naman akong sinabing discount. Family price. Mahal talaga kasi pamilya ka at kaya kitang gulangan." I moved my outstretched hand. "Pay up."
"Ayoko nga."
Pinalungkot ko ang mukha ko. "Wala kang three thousand? Ang poor mo naman. Alam ba ni Ember 'yan?"
Binigyan niya ako ng matalim na tingin bago nagdadabog na kinuha niya ang wallet niya. He pulled up a three thousand bill from it and handed me the money. Nakangising inilagay ko iyon sa drawer bago pa magbago ang isip niya.
"Thank you for the exact amount! Have a great day, and please come again!"
"Ayoko ng bumalik dito. Snatcher ang cashier," bubulong-bulong na sabi niya bago siya tumabi.
Leo was the next customer to order one americano and a cafe au lait. Mukhang order niya lagi iyon dahil hindi na siya nagtanong ng presyo at basta na lang naglabas ng isang libo. Buti na lang walang mga barya ang mga 'to o eksaktong pera.
"Thank you for the exact amount," I said with a huge smile, repeating the same spill I gave my brother. "Have a great day, and please come again."
Bumaba ang mga mata niya sa isang libo niya na hawak ko pa rin na para bang gusto niyang bawiin. "One thousand ang pera ko."
"Yup!"
Hinila siya ni Kuya Trace. "Huwag ka ng makipagtalo riyan. Hindi na niya ibabalik ang pera mo. Lupin 'yan."
Blatantly ignoring them, I beamed at the next customer, who happened to be Eden. "Welcome to The Dawson's Nook! Can I have your order?"
"Ang ganda naman ng bagong cashier ng TDN," natatawang sabi ng babae. "Isang cheesecake saka iced cinnamon coffee, please." Nilabas niya ang wallet niya. "How much for them?"
Itinuro ko ang side kung saan naghihintay sina Kuya Trace at Leo. "It's your lucky day. Everything's free." Napanganga sina Kuya Trace at Leo na hindi makapaniwalang nakatunganga sa akin. "Courtesy of Kuya Trace and Leo."
I noticed how Eden glanced at Leo briefly before turning to me again. There's something different about her smile this time. "Ay 'wag na po. Kahit para sa ibang customers na lang."
I waved my hand. "Marami na akong budget para sa ibang customers, don't worry."
She looked like she wanted to say more, but after a while she just sighed and moved to the side. Ano kayang happenings sa kanila ngayon ni Leo at parang ang awkward nilang dalawa?
Lumipas ang oras na patuloy lang ako sa ginagawa kong panggugulang sa mga taga-Dagger.
Dumating bandang hapon si Kuya Axel na inayos ang cash register ng TDN. Pero kahit naayos na ay tuloy pa rin ako sa sistema ko. Ilang beses nagpabalik-balik si Kuya Trace na mukhang nauutusan ng mga kapatid ko na bumili. Ilang beses ko na rin siya na-overcharge bago pa ako napagalitan ni Kuya Thorn na tinawagan ako dahil mukhang sinumbong na ako ni Kuya Trace. At least nakarami ako bago ako napagalitan.
Around four o'clock, the door chimed, and Magnus walked in. I instantly brightened, and of course he took notice because he smiled his rare smile, but he easily gives if it's for me.
"Hi, hubby bear!"
He leaned slightly over the counter so that he could kiss my cheek. "Hi, LA," he murmured. "Having fun?"
"Yup!" Tinuro ko ang display na nasa likod ko. "May gusto ka?"
"Americano. Ikaw, may gusto ka?"
"Ikaw." Napangisi ako nang lumawak ang ngiti niya. "Yieee kilig siya." Itinuro ko ang bagong gawa ni Mireia na lemon meringue cheesecake. "I want one of these." Aware ako na maraming nakatingin sa amin. Particular si Kuya Trace na hindi pa nakakaalis at ang ilang mga taga-Dagger na nakaupo at on break. Siguradong hinihintay nila na ilibre ko si Magnus tutal ang dami kong nakulimbat na pera ngayong araw na ito. Ang dami ko rin namang inilibre. Sunday ngayon kaya madaming mga bata ang nasa labas kasama ang mga kaibigan o pamilya nila. Marami rin na mga senior.
Nilabas ng asawa ko ang wallet niya at tumingin sa akin. I smiled the sweetest smile and batted my eyelashes at him. "Two thousand."
He blinks slowly. "Come again?"
"That would be two thousand."
"For a coffee and a slice of cake? Do you perhaps want to buy the whole cake?"
"Nope. Just the slice."
Ilang sandaling nakatingin lang siya sa akin habang nagtatawanan naman ang mga nakarinig sa amin. After a few moments, Magnus sighed with a shake of his head. "Born to be a businesswoman."
Kinuha ko sa kaniya ang dalawang libro nang ilabas niya iyon mula sa wallet niya at ibinigay sa akin. I was about to put it in the drawer, but I didn't get the chance to move when Magnus grabbed my wrist and pulled me closer. Bumaba ang mukha niya at sa isang iglap ay nakalapat na ang mga labi niya sa akin.
"Kinukuha ko lang ang sukli ko," bulong niya.
Pakiramdam ko ay namula ako mula ulo hanggang paa. Looking proud of himself, he turned to the side to wait for his order.
Magnus has a way to make me feel like a teenager experiencing her first love. Pero kung sabagay. He's really my first love, so it's not surprising that everything feels new.
TDN's door opened, and I caught sight of Mireia's cousin, Marthena. "I'm sorry I'm late!" Humahangos na lumapit siya sa kinaroroonan ko at basta na lang ibinagsak ang bag. Pagkatapos no'n ay kaagad siyang kumuha ng apron at isinuot iyon. "Ako na muna rito Ate Luna para makapagpahinga ka."
"No worries. Nag-enjoy naman ako." Kumuha ako ng ballpen at sinulat ko ang dapat ay sukli ni Magnus sa dalawang libo sa papel na kanina ko pa sinusulatan. "Ito iyong mga sukli na hindi ko ibinalik."
Napakurap si Marthena. "Po?"
Napangisi ako. "Inoovercharge ko ang mga taga-Dagger. Ayan ang listahan ng natitirang sukli. Kapag may senior o bata, huwag mo ng singilin." Kumaway ako sa mga empleyado ng Dagger na mga natatawang napailing na lang. "Dapat ginagawa niyo 'to paminsan-minsan para nababawasan ang kayamananan ng mga iyan."
Marthena chuckled. "Sige po, sasabihan ko si Ate Mireia."
Hinubad ko na ang suot ko na apron at umikot ako sa kabilang side ng counter. Sakto naman na handa na ang order ng asawa ko kaya sinundan ko na lang siya habang dala niya iyon.
I was about to sit on the chair opposite his, but he pulled me so that I could take the one that was beside him. Mr. Clingy mode na naman.
"How's your day?" he asked as he tucked a stray hair behind my ear. "Tinerorize mo na naman ba ang mga kapatid mo."
"Si Kuya Trace lang." Nilingon ko ang kapatid ko na alam kong nakikinig sa amin at binigyan ko siya ng masamag tingin. "Pero sinumbong ako kay Kuya Thorn kaya napagalitan ako."
"Isumbong din natin siya kay Lush. She'll terrorize Trace and your brother can't do anything about it," Magnus suggests.
"Hindi ka sure. Last time tempted na si Kuya Thorn ipag-face the wall sila ni Kuya Trace."
Kinuha ko ang tinidor at tumusok ako ng cheesecake. I let out a moan of satisfaction when I took a bite. "Ang sarap! Want to try?"
Nang tumango siya ay akmang pipiraso ako para isubo sa kaniya pero sa pagkagulat ko ay dumampi ang labi niya sa akin. His tongue darted out to taste the cake from my lips, causing my heart to race. "I'm not a fan of cheesecakes, but I like this one."
"Mama! Ang mga mata ko!" palahawak ni Kuya Trace di kalayuan sa amin.
Magnus chuckled. Kinuha niya ang tasa niya ng kape at uminom habang kita pa rin ang ngiti niya sa kabila niyon.
"Gusto ko rin ng kape," bulong ko.
He set the coffee down. "Hmm?"
Kinapit ko ang isa kong kamay sa balikat niya at iniangat ko ng bahagya ang sarili ko. Before he could realize my intention, my lips were already on his.
I inched away a bit, letting him see how I lick my lips. "That's the sweetest Americano coffee I have ever tasted."
"Mama!"
I turned to Kuya Trace and I stuck out my tongue. "Inggit ka lang kasi mas gustong kasama ni Ember ang mga alaga niya kesa sa'yo."
"Hoy! Hindi totoo 'yan!"
"Hindi ka nga na-friendzone pero na-farmzone ka naman. Maybe you should start mooing now, Kuya, para naman bumalik ang pag-ibig sa'yo ni Ember."
Sumilay ang isang klase ng ngiti sa mga labi niya na gusto kong burahin sa utak ko. "Who said I haven't? I could even aww, meow, and neigh neigh neigh." Nakakalokong kumindat siya. He started galloping as if he's a horse rider while making slapping motions. "Gano'n ang hayop na hayop kong pagmamahal."
Lukot na lukot ang ilong na humarap ako kay Magnus at inumpog ko nang paulit-ulit ang ulo ko sa dibdib niya. Natatawang inilagay niya ang kamay niya sa likod ng ulo ko at niyakap niya ako ng mahigpit para hindi ako makagalaw.
"Pareng Magnus next time huwag mo ng papayagan mag-duty iyang si Luna rito," sabi ni Kuya Trace sa asawa ko. "Mababancrupt kami sa lakas manlamang eh."
"I don't know what you're talking about. My wife is innocent." Nakangiting nagbaba siya ng tingin sa akin. "She worked tirelessly, not expecting to be paid a penny."
"Di ba? Sabihin mo nga sa kanila, hubby bear. Ang busilak kaya ng puso ko."
"The purest of heart," he agreed.
Sinilip ko si Kuya Trace na nakangusong nagpapalipat-lipat ang tingin sa amin. "Magsama kayong dalawa. Dapat hindi LuMa ang couple name niyo. Dapat MagNa. Mga MagNanakaw."
Magnus winked at me. "Magnanakaw ng puso ko."
"Aww!" Yumakap ako sa balikat niya. "Pa-kiss nga ulit."
And of course Kuya Trace didn't delay in crying out, "Mama!"
_______________________End of Chapter 42.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store