Dagger Series 3 Unscripted
#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries
CHAPTER 8: FLOWERSBELAYA'S POVI can feel my knees going week. I would have crumpled on the floor if not from the man's arms holding me up. Halatang naguguluhan siya sa nangyayari at hindi alam kung anong unang gagawin habang nagpatuloy ako sa pag-iyak."Miss? Are you okay?"For years, when I let myself think about the things I'm trying to bury, I keep imagining this moment. Kapag nagkaroon ng pagkakataon na makita ko siya ano kayang mararamdaman ko? Anong sasabihin ko sa kaniya?Hindi niya ako kilala pero ako halos buong pagkatao niya nakatatak sa utak ko. I couldn't search for him, I couldn't attempt to see him. Hindi tama pero noon gustong-gusto ko. Kahit saglit lang. Kasi dala niya iyong isang parte ng taong mahal na mahal ko. Taong kahit na anong gawin ko ay hindi ko na makikita ulit.I just want to feel his heart beating again even though I know that it's beating inside a man that is not him anymore. I just want to feel him again so I could tell him all the words that I couldn't."Anong ginawa mo sa kaniya?"Bumitaw ang lalaki na nasa harapan ko kasabay nang paglapit ng isa pa na presensiya sa amin. I know that voice too well and so are the hands that I felt on my shoulders that replaced the less familiar hands on me a moment ago. But for once since I met him I wanted to move away. I want him to let me go."Miss?""Do you know him?" Umangat ang kamay ko para hawakan siya ulit pero pinigilan ako ng lalaking nakatayo sa likod ko. Muli akong pumiksi pero hindi niya ako pinakawalan."Belaya," he hissed."Let me go.""You're drunk-""Let me go!"Nag-angat ako ng mga mata kay Pierce at kita ko ang pagkagulat niya sa pagtaas ng boses ko. I saw his eyes dropped to my tear-streaked face but I turned around to face the other man again."Do you know him?" I asked the man weakly. Mahina lang ang boses ko sa paraan na alam kong siya lang ang makakarinig. "Jackson Cooper?"Halata ang kaguluhan sa anyo niya pero umiling siya at sumagot. "I'm sorry but I don't.""B-But you have his heart," I whispered to him, my voice drowned by the loud music.It's like what's happening is finally dawning on him. Bumakas ang gulat sa mga mata niya kasabay nang tila pagregistra ng rekognisyon sa kaniya. His lips opened as if he's about to say something but another man approached us and went to him straight."Tris, we need to go.""I-""Nina's in labor. Come on, hurry up!"Tumingin sa akin ang lalaki at humakbang ako palapit sa kaniya pero hinila na siya ng kaibigan niya. Nilingon niya ako at muling tumulo ang luha sa mga mata ko habang sinusundan ng tingin ang papalyong pigura niya.What do I expect? It's not like him having Jackson's heart will change anything. It's not like it will erase what already happened. But for one moment I wanted to foolishly believe that.Inangat ko ang kamay ko na nagawa kong ilapat sa tapat ng puso nang taong ngayon pa lang ako marahil nakita sa personal. It was shaking so bad and I realized that it's not only my hands that are trembling."Belaya."I looked up at the man that was in my mind for months now. I like him. I like seeing him because when I'm around him, being me is so easy. When he's close, I don't need to try so hard. But right now, even him can't reach me. He can't distract me or pull me away from what's engulfing me. Because my pain is dominant and there's nothing I could do about it."Belaya- hey! What happened?"Naramdaman kong pumalibot sa balikat ko ang braso ni Mireia na nag-aalalang tinignan ako. I shivered again and her worry intensified."Did he hurt you? May photoshoot ako kaya hindi ako pwedeng manuntok ngayon but I could pay the bouncer and ask him to punch this guy.""N-No...""What happened then? He's hot but if he tried to do something funny, we'll find his car and slash his tires."Give it to Mireia to suggest something like that. Kung sabagay sa kaniya naman talaga nanggaling ang mga ganoong idea. At sa pamilya ko. Ako nga lang ang malakas ang loob na gawin."Wala... wala siyang ginawa. I know him," I told her as I wiped the tears away.Kunot ang noo na nilingon ni Mireia si Pierce na sa akin pa rin nakatingin. Pinagmasdan niya ang lalaki at kita ko kung paanong tumaas ang kilay niya. The bar is poorly lit and she was worried of me but now I know that she finally recognized the man. Lagi naman kasi akong nagpapadala sa kaniya ng pictures kapag patago kong nakukuhanan ng larawan ang binata."Oh! The hot daddy!" Sumilay ang ngiti sa mga labi niya pero naudlot iyon nang pagkatitigan niya si Pierce na para bang may bigla siyang naisip. "May kamukha ka."Hindi kababakasan ng kahit na anong reaksyon si Pierce sa sinabi ng kaibigan ko. Sa akin pa rin siya nakatingin na para bang hinihintay niyang magsimula na naman akong umiyak."Are you okay?" he asked.I nodded my head, not trusting my own voice for a moment. I cleared my throat and gave him a shaky smile. "I'm fine. You can go back to whomever you're with. Pauwi na rin kami.""I'm with my brothers.""Alright."Kita ko ang pagbadha ng pagtataka sa mga mata niya. Hindi naman kasi ako ganito umakto talaga. My mom used to tell me that if normal people have their energy at one hundred percent, I have mine running at two hundred."Are you really okay?""Okay lang 'yan. This little munchkin is just tired. She's small so she'll recharge easily," singit ni Mireia."I'm going to punch you on the boobs," I whispered."See? She's going to be fine." Hinigpitan ng kaibigan ko ang pagkakawak niya sa akin at sumaludo pa kay Pierce. "I'll take her home.""Parehas kayong nakainom na.""Don't worry hot daddy. Konti lang naman ang nainom ko.""Wait for me outside. Kakausapin ko lang ang mga kapatid ko. Akin na ang susi at ako na ang maghahatid sa inyo."Nang iabot sa kaniya ni Mireia ang susi na nilagay ko sa bulsa ng bestida ko ay tinalikuran na kami ni Pierce at mabilis siyang naglakad palayo. Naiwan kami ni Mireia na nakasunod lang ang tingin sa kaniya. Pagkaraan ay nagbaba siya ng tingin sa akin at pinanlakihan ako ng mga mata. "He's hot.""I want to go home."Bumalik ang pag-alala sa kaniya. I know she was just trying to lighten up the mood awhile ago. Alam ko rin na ramdam niyang ayokong magpaliwanag sa harapan ni Pierce. "What happened?""Later."Sandaling nakatingin lang siya sa akin pero makalipas ng ilang sandali ay bumuntong-hininga siya at tumango. Nakaalalay pa rin sa akin na iginaya niya ako palabas ng bar. We didn't wait long because after a few moments my car stopped in front of us. Bumaba roon si Pierce na binuksan ang pintuan sa backseat para papasukin kami ni Mireia."My manager is waiting at Belaya's house. Gusto mo bang sumabay sa amin para ihatid ka ulit dito?" tanong ng kaibigan ko sa binata."My sister is on her way home and I told her to pick me up at Belaya's house. Baka naghihintay na iyon doon."Nagkibit-balikat si Mireia at ako na lang ang binalingan niya. But I just turned to the window and rest my head on it. I watched as the city passed us by, the blinding lights disappearing until there's nothing left but a poor lit highway.When the car halted, I didn't wait for Pierce to open the door. Lumabas na ako ng sasakyan at namataan ko ang manager ni Mireia at si Luna na naghihintay sa labas ng bahay ko. Binigyan ko ng maliit na ngiti si Luna na nagsalubong ang kilay sa pag-aalala habang nakatingin sa akin."Thank you sa paghatid," sabi ko kay Pierce nang makalabas na rin sila ng kaibigan ko ng sasakyan. "I don't want to take more of your time and I also need to sleep."Muli kong binigyan ng pilit na ngiti si Luna bago ako tumalikod na para pumasok ng bahay. Naramdaman kong may nakasunod sa akin at nang makapasok ako ng bahay ay nalingunan ko si Mireia na ibinababa ang susi sa coffee table."Do you want me to stay?" she asked."No, I'm fine. I'll call you.""Do you want to talk about what happened?"Umiling ako, "Later.""Okay ka lang ba?""I'm small so I'll recharge easily. Stop worrying," I said with a small smile when I repeated her words.Kilala niya ako. I'm usually open to talk about a lot of things but when there's a few moments that I don't want to... she knows that there's nothing that she could do to make me talk. Not until I'm ready to tell her.Tumango siya at binigyan ako ng mahigpit na yakap bago siya lumabas na ng bahay. Siya na rin ang nagsarado ng pintuan. Lumapit ako roon at tiniyak kong maayos na ang lahat bago ko hinubad ang suot kong sapatos at basta na lang iniwan iyon sa sala.I went up into my room and without taking my clothes off, I drop myself to the bed and buried my face in the softness of my sheets.I can cry here. I'm alone and no one will worry. I can cry because no one will be hurt except for me. Ang problema kasi kapag may mga nagmamahal sa atin, nasasaktan sila kapag nasasaktan tayo. I watched that happen to my family and I don't want to put them through that again.I moved my head to the side and I lay back on my left cheek.I didn't notice the pot of flowers on my bedside table. It didn't register in my head that it's the same flowers that should have stopped coming after the ruse that I made up was revealed to Dagger. I didn't notice because I didn't see.I was busy letting my tears fall as my heart let out the echoes of memories that I've been trying to forget for years.NAKANGITING hinaplos ko ang mukha ng sanggol na nasa kandungan ko. She's so tiny and her cheeks are adorably plump. Mukhang sanay din siya na iba't ibang tao ang humahawak sa kaniya dahil hindi man lang siya nanibago na ako na ang may karga sa kaniya."I can't believe that you have twins," I said to Lia. Karga niya ang isa sa kambal niya na si Abrial habang ang nasa akin ay si Aella."Lahat pa kamo ginulat niya." Nanggaling iyon kay Lucienne na abala sa pagkain ng meryenda na inihanda ni Lia. Sa kandungan niya ay tulog ang anak niya na si Duke Nicholas o kung tawagin nila ay Cookie. "I never thought there would be a moment that one of those men will fall to their knees but Gun fell in an instant.""Sus. Si Kuya Trace nga laging nadadapa sa bawat relasyon na gusto niyang simulan. Ayon ang ending semplang pa rin sa friend zone. Mahirap na maging lampa," ngising-ngisi na sabi ni Luna.Nag-appear pa sila ni Lucienne na parang ang favorite hobby ay pagtripan ang panglima sa mga Dawson. Tanging si Lia lang ang umiiling na para bang hindi niya rin naging paboritong pagdiskitahan si Trace noong pinagbubuntis niya pa lang ang kambal."They're so pretty," I whispered."And Lia will be pretty stress. Happy but stress." Ginalaw-galaw ni Lucienne ang kilay niya sa direksyon ng babae. "Sa isang anak nga lang wala na akong tulog. Mabuti na lang sanay ako sa puyatan. Eh paano pa iyan kung dalawa? Baka kahit si Gun makita mo na lang na umiiyak din."Napatawa ako dahil walang duda na hindi magiging madali talaga ang pagdadaanan nila. "You bet. My mom told me that she used to hide in the bathroom to have a moment of peace."Kumunot ang noo ni Lia, "Your mom had twins?""No. Triplets." Itinaas ko ang kamay ko at nag peace sign ako. "I'm the youngest of the triplets."Sunod-sunod na napakurap sila habang nakangangang nakatingin sa akin. Hindi naman kasi bulgar sa publiko ang tungkol sa pamilya ko. Even though my life is pretty much public, it doesn't mean that I don't have the right to have my own privacy. Part of that is my family that I don't want to be dragged to the industry's scrutiny.Minsan kasi pakiramdam ng tao ay pag-aari nila kami dahil lang pinili namin ang buhay na nakaharap sa mga kamera. But we're just people too and we have rights. Not because we have a job that are open for the many to criticize makes us a public property. Hindi kami isang bagay para maging pag-aari."Wow. Paano nagawa ng parents mo 'yon? Did your mom stopped working or any of your parents?" tanong ni Luna."Nope. Parehas pa rin nilang hawak ang family business namin. My mom was the head of one of the two division in the organization. She never stopped being their leader just because she became a mom." Sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang maalala ko ang mga pagkakataon na dinadala niya pa kami sa opisina niya. That's one of my favorite day of the week because we get to play at a huge place. "She's pretty amazing.""Tatlo kayong babae?" tanong naman ni Lia."I'm the only girl sa triplets. Iyong mga nakisiksik pa sa bahay-bata ng nanay namin ay si Kuya Cross at Kuya Ram. But I'm not the only girl in the family. I have an older sister, Vodka, and a younger sister which is Reika."Namilog ang mga mata ng babae, "Ang dami niyo.""I know right. But it was fun growing up since we're never bored.""Right," Luna scoffed. "Imagine if all your siblings are male tapos bunso ka pa."Talo ang lima namin sa walo nila. Kung ang nanay ko ay superwoman baka ang nanay nila Luna superduperwoman. Kahit hindi naman sila triplets o kambal ay isa-isang taon lang ang pagitan nilang magkakapatid maliban na lang ata kay Domino at Luna. Parang ganoon na rin iyon. Imagine having three to four toddlers at the same time."So..."Muli kong hinaplos ang pisngi ni Aella na napakorteng O ang mga labi nang humikab siya. So adorable. Nag-angat ako ng tingin kay Luna at nakita kong nasa akin ang atensyon niya. "What?""Tinatanong ko si Kuya kung anong nangyari noong nakaraang linggo pero wala naman siyang sinasabi." Nang mapansin niyang nagtataka si Lucienne at Lia ay nagpaliwanag siya. "Nagkita si Kuya Pierce at Belaya ro'n sa bar kung saan nag boy's night out ang mga kapatid ko dahil sa pauso ni Kuya Trace. Hinatid niya si Belaya sa bahay at nagpasundo sa akin dahil sasakyan ni Belaya ang gamit. Something looked off with them so I've been badgering my brother pero wala naman siyang sinasabi na kahit na ano.""Wala naman kasing kailangan ipaliwanag. I was just really drunk that time," sabi ko sa kaniya."You looked... sad and hurt.""Luna," Lia whispered as if trying to stop her.Umiling ako at ngumiti. Mireia's right. I can recharge easily. Even without Pierce it's possible since I've been doing it for years. "I'm really fine. I was just over fatigue that time. Ang dami kasing naging problema sa filming at talagang drain na ko. Napilitan lang ako lumabas dahil dumating ang kaibigan ko. I was just really tired and I wanted to be alone."Alam kong hindi sila naniniwala sa akin base na rin sa tingin na ibinibigay nila sa isa't isa. Pero bago pa ako makaisip ng dahilan para sabihin sa kanila ay may narinig akong ugong ng mga sasakyan na tila huminto sa labas ng bahay nila Lia. Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan at pumasok doon ang kunot na kunot ang noo na si Gun na kasunod si Pierce."Hindi ko alam kung bakit dito pupunta ang babaeng 'yon. Pwede naman sa headquarters niya ihatid si Arctic.""She said she saw Lucienne's post. Dahil dito ko rin naman ihahatid si Arctic habang hindi pa tapos ang trabaho ay nagpresinta na siya na dito na ihatid ang bata.""And you believe that she doesn't have any ulterior motive?""Of course not," Pierce said, his eyes going to my direction.Tumingin ako kay Lucienne na alanganin ang ngiti at nag peace sign sa akin. Ang sabi niya kasi ay busy daw ang Dagger kaya gabi pa uuwi ang mga asawa nila ni Lia. She invited me to hang out with them since she knew that I'm still here in Tagaytay."Please explain to me why she's here," Gun said to his brother. Nakatingin din siya sa akin pero sa pagkakataon na ito ay salubong ang mga kilay niya habang nasa akin ang atensyon.Lia explained this to me before. The Dawson will always be protective when it comes to each other. Kaya nga hindi naging madali para matanggap siya ulit ng magkakapatid pagkatapos ng naging paghihiwalay nila ni Gun noon."Don't use that tone, Gunter Dawson." Naniningkit ang mga mata ni Lia habang direktang nakatingin sa asawa. "She's my guest.""Lia-""Is this my home too or not?"Bumuntong-hininga ang lalaki na hindi na nagawang makapagsalita kahit na hindi niya gusto ang nangyayari. Maingat na inilipat ko si Aella kay Luna na kinuha naman ang sanggol kaagad sa akin. I touched the cheek of the baby again before I grab my bag and stood up."Belaya, you don't need to go. My husband is just being an ass," Lia said as she stood up too.Umiling ako at binigyan ko siya ng nakakaunawang ngiti. "Okay lang. Kailangan ko na rin namang umalis. I'll probably need to visit my family anyway. Hindi ako titigilan ng mga 'yon kapag nalaman nilang nandito na ako sa Tagaytay at hindi ko pa sila binisita."I'm lying. Nagkita na kami ng pamilya ko at kung hindi pa nga parang gusto na akong ibigti ni Ate Vie ay baka hindi ko pa sila tinigilan kakakulit ko sa kanila.Naglakad na ako papunta sa pintuan at binigyan ko ng maliit na ngiti si Pierce bago ako tuluyang lumabas. Pero saktong pagbaba ko sa ilang mga baitang mula sa pintuan ay naramdaman kong may pumigil sa braso ko.Gulat na nag-angat ako ng tingin. "Pierce?""Stop it.""What?" I whispered."Stop whatever this is."May kung anong kirot ang dumaan sa puso ko na hindi ko maintindihan. "Do you hate me that much? Hindi na rin ako pwedeng makipagkaibigan sa kanila? It's not like I'm using them to get to you. Hindi ko nga alam na pupunta ka rito."Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "What are you talking about?"I inclined my head to the door where the women are standing and watching us. Or eavesdropping. "That.""That's not what I'm talking about.""Then what?""This sad and miserable thing that's going on with you."I blinked at his words. "Did you just call me miserable?""Sad and miserable," he corrected. "Is it because of your new guy? Did he cheated on you and got someone pregnant? I heard the other man telling him that someone was in labor that night.""Pierce-""Why would you cry about that? You should have keyed his car or punch his goddamn face. Ginawa mo iyon sa dati mong boyfriend, bakit hindi mo gawin ulit? I'll help you again and slash his tires if you want."Again? Bumalik ako sa gabi kung saan nakita niya akong ginagawang blackboard ang sasakyan ni Kaiser, The Two Timing Ass. Siya talaga ang may gawa no'n?"What's different with this guy? Do you like him that much that you're being all mopey?""Pierce-""Stop it. This sad and miserable thing you're going on is giving me a migraine. You have claws, use it. Hindi magugunaw ang mundo para sa isang tarantadong hindi ka kayang pahalagahan." Huminga siya ng malalim na para bang umiinit lalo ang ulo niya sa pinag-uusapan namin. "Just shoot him. I'll let you borrow my gun.""He's not my boyfriend."Akmang magsasalita pa sana siya pero natigil iyon nang may pulang sasakyan na huminto sa tapat namin. It's a convertible. Seriously what with jerks and bitches always having red cars? They're giving that color a bad reputation.Bumaba sa sasakyan ang ex-girlfriend ni Pierce na para bang sa club pupunta at hindi sa bahay ng pamilya ng lalaki. Ibinaba niya ang anak na tumakbo palapit sa ama na kaagad namang kinarga ng lalaki.Dala ang mga gamit ni Arctic na huminto siya sa tapat namin. Ibinaba ni Pierce ang anak at pinapasok iyon sa loob. Nakita kong lumapit si Gun sa bata at tinulungan iyong makapasok pero ang mga mata niya ay nananatili sa direksyon namin."I told you to bring Arctic to the headquarters," Pierce said to the woman."I'm already here.""And I made what I want clear. You're already springing this up when you know I'm busy. Ikaw ang nagpumilit na kunin si Arctic kahit na weekday pa lang at ngayon basta mo na lang siyang iiwan dahil may out of the country na naman kayo ng mga kaibigan mo.""You make it sound like I'm a bad mother. Wala ba akong karapatan na mag-enjoy? I haven't seen my friends for a long time.""You went to Bali two months ago.""That's two months ago and I need a break.""You're a parent. There's no such thing as a time out from being a parent."I bit the inside of my lips to stop myself from smiling. Tama naman kasi si Pierce. Kapag magulang ka na ay iba na ang priority mo. It doesn't mean that you don't have the right to have fun or to relax. You still have to take care of yourself. Iyon nga lang ay laging nasa top priority ang mga anak mo. Specially at Arctic's age and their situation."I deserve it. It's not easy to do this alone," Charlotte hissed."Na sa'yo lang si Arctic Friday ng gabi at kinukuha ko na siya sa'yo ng Sunday ng gabi. I have him basically the entire week. I have a full time job not like you do. Narinig mo ba akong nagreklamo? Our son is not an inconvenience so don't make him sound like one. The only problem here is you not committing to your decisions again."Kita ko ang pagkuyom ng mga kamay ng babae. I don't know what she's expecting. Siya ang pumunta rito kahit pa mukhang may kasunduan na sila. I don't even know why she's here. Lia always made it clear that she doesn't like this woman."Kung makapagsalita ka parang ang laki ng kasalanan ko na pumunta ako rito. Bakit? Dahil nandito siya?"Umangat ang kilay ko nang tumuon sa akin ang matatalim niyang mga mata. So that's the reason why she's here. Just like Pierce said awhile ago, nakita niya ang post ni Lucienne na picture naming apat. Alam niyang dito ihahatid ni Pierce ang bata kaya siguro ay naisip niyang magkikita rin kami ng lalaki."I was invited here. I didn't know Pierce would be here. Hindi ko alam sa iba but for me, arriving in a place unannounced are frown upon. Specially if you're not welcome," I said with a sweet smile."Nandito ako kasi may karapatan ako. I'm the mother of Pierce's son. Eh ikaw?"Invited nga ako. Paulit-ulit? "Nandito lang din ako. Wala lang. Maganda pa rin."Namula ang mukha niya sa pilosopo kong sagot pero hindi ko na siya pinansin at sa halip ay nilingon ko sila Lia na halata ang pagpipigil ng tawa. Kinawayan ko sila at kaagad naman nilang ibinalik iyon sa akin."I need to go," I said to Pierce."We still need to talk."Umiling ako. "You need to be with your son and for what it's worth, I'm really sorry about what happened before." Surprised crossed his eyes as if he didn't expect that from me. "I can be a brat when I want to and I shouldn't have used your company that way. I'm blaming my father's blood running in mine a little bit. My mom told me before that sometimes I ignore her genes that gave me the ability to think things through dahil natatalo iyon nang ipinamana sa akin ng ama ko. But still, I was conscious when I made that decision and me liking you is not a good excuse for what I did.""Belaya-""I made up a lie but that one is the truth."Humakbang ako palapit sa kaniya at hindi ko pinansin ang paninigas ng katawan niya. I grabbed the collar of his suit at the same time that I stood at the tip of my toes. Magaang inilapat ko ang mga labi ko sa pisngi niya para bigyan iyon ng magaang halik. Hindi ako kaagad lumayo sa kaniya at sa halip ay inilapit ko pa ang katawan ko sa kaniya para magawa kong bumulong sa tapat ng tenga niya."I can key her car too if you want."Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store