ZingTruyen.Store

Dagger Series 3 Unscripted

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries

CHAPTER 5: LION AND KITTY

BELAYA'S POV

Nakapalumbaba na pinagmasdan ko si Pierce na alam kong nararamdaman ang tingin ko pero blangko lang ang ekspresyon sa mukha na nakatutok ang mga mata niya malayo sa akin. He keeps on surveying the place as if any moment ay basta na lang may lalapit sa amin at dadakipin ako.

Wala naman ng nagtatangkang kidnapin ako nowadays. Last time na nangyari iyon ay noong nasa grade school ako. Ako pa nga ang naawa ro'n sa kidnapper dahil hinarap niya ang galit ng tatay ko na bihirang magalit. My father worked as the head secret agent for years for his own division in an organization that at that time wasn't entirely legal. Masayahin man siya at laging nagbibiro pero hindi ibig sabihin ay pagdating sa amin ay hindi lumalabas ang pagiging tatay niya. I never seen him so angry in my life than that day.

My mom on the other hand acted differently than the usual. My mom, the head of her own division along side my father, has always been tough. But that day, it was the first time that I saw her cry. Kaya hindi na nakakapagtakang lalong nagalit si Papa. I thought they will make the man disappear. Like really disappear. But they did the right thing in the end and now he's in jail.

"Is the food here good?"

Tinignan ako ni Sebastian na abala sa pagtipa sa cellphone niya. "Hindi ko alam. Walang tao kaya ito ang pinili ko na lugar. May private section din."

"Dinala mo ako sa lugar na hindi mo alam kung masarap ang pagkain?"

Bumuntong-hininga siya at tumayo. Nakita kong lumapit siya sa isa sa mga server at kinausap ang mga iyon. Kanina pa kami naka-order but Sebastian is probably asking for free taste samples. Bagay na hindi naman ginagawa ng mga restaurant pero walang duda na gagawin nila dahil nandito ako.

"Kung hindi masarap, hindi mo kakainin?"

My eyes went to Pierce and the smile on my face returned. Ewan ko ba. Basta tumitingin ako sa kaniya kahit lagi siyang mukhang problemado ay gumaganda ang tingin ko sa buhay.

"Hindi."

"That's a waste of food."

"I'm not saying I'm going to throw it away. I don't like wasting food but I also don't like wasting money. Pinaghihirapan ko ang pera ko. Why would I settle for a poor service?"

"And the servers? What would you do to them?"

Nagkibit-balikat ako. "Wala. May kailangan ba akong gawin? Hindi naman nila kasalanan kung iyong ang standard ng pinagtatrabahuhan nila. Minsan pa nga hindi rin kasalanan ng chef. Anong magagawa niya kung iyon ang recipe na ibinigay ng restaurant o kung iyon lang ang quality na meron sila?"

"So it's the restaurant's fault."

"Of course. They are the one that should take responsibility. It's not like I'm going to bash them online or something. Hindi ko nga lang pipilitin ang sarili ko na kainin ang pagkain nila at hindi na rin ako babalik."

Matamang nakatingin lang siya sa akin na para bang inaaral niya ako. The way he look at me tells me that he's trying to process what to make of me. Good luck with that. Ang pamilya ko nga hindi maintindihan minsan ang trip ko sa buhay.

My parents hoped that I will follow my sister Vodka's footsteps. At least kasi sa family business namin ay magagawa nilang mabantayan ako. I was always the problem child. If I decided to work in the family business then I will learn discipline and I might be able to contain the "fire" that they always tell me that is the reason why I often get into trouble.

But I didn't want that life and my parents respected that. Gusto lang nila kaming maging masaya. They did asked me to learn the basics on how to protect myself but aside from that, I know nothing. Hindi ko nga alam kung natatandaan ko pa ang mga iyon. I even cried when they asked me to do that wood breaking thing during my taekwando lessons.

Sabi nga ni Kuya Ram masyado raw akong maarte para pagdaananan ang klase ng training na meron sila. I never denied that because I know it's true. I like the glam life and breaking things is not part of that life. Unless it's my nails that we're talking about.

"I like eating." Muli akong nangalumbaba at diretso ko siyang tinignan sa mga mata. "I like the taste... I like to feel full."

Napalunok siya at bumaba ang mga mata niya sa labi ko dahilan para umangat ang sulok ng labi ko. For a man who already had a son, he's so easy to rile. I mean it's obvious he's not new to this kind of thing. Pero kung umakto siya ay para bang malaking kasalanan na hinaharot ko siya. He's acting like a virgin when clearly, he's not.

"Since I'm watching my diet, I can't binge eat. Kaya kung kakain ako gusto ko iyong satisfied ako."

Kumunot ang noo niya. "Bakit kailangan mong mag diet? You're already too thin."

"I'm not thin."

"You are." Sa pagkabigla ko ay inangat niya ang kamay ko. Pinaikot niya ang hintuturo niya sa pulsuhan ko at isinarado iyon sa pamamagitan ng pagdikit no'n sa hinlalaki niya na animo pulseras iyon. "You need to eat more."

"Kahit kumain ako hindi lalaki ang buto ko. Hindi talaga ako big bone, Kitten."

Binigyan niya ako ng tingin na para bang gusto niyang layasan ako para makahanap ng taong ibabalibag. "What did you just call me?"

"What?" Inabot ko ang kamay niya at bago pa niya iyon mabawi ay naiangat ko na iyon at kinurba na parang mangangalmot. "Lagi ka kasing parang mangangalmot. Meow."

This time ay mukhang ako na ang balak niyang ibalibag. Imbis na matakot ay binitawan ko ang kamay niya at tinukod ko ang mga siko ko sa lamesa. I placed my face between my hands and batted my eyelashes at him.

"I am not a kitten," he said in a low voice.

"A cat then?"

"No."

Ngumuso ako. "I love cats. They're one of the smartest animals in existence."

"They're also small."

"Yeah and fluffy."

He gave me a sharp look. "I'm not a cat."

"Fine. A lion then. Pierce, the fiercest lion. May rhyme pa."

He didn't say anything more so I took that as an approval. Kung sabagay. Kung ang pagpipilian ay kuting, pusa, at leon ay malamang nga ay iyong huli ang piliin niya.

Umayos ako sa pagkakaupo nang bumalik na si Sebastian. Kasunod niya ang waiter na may dalang rectangle na plato na may nakaayos na maliliit na piraso ng pagkain. Small bites samples. I smiled at the waiter and thank him for his time.

Una kong tinikman ang steak. Nang masarapan do'n ay tinikman ko ang iba pa. Sebatian and Pierce watched me try every food and when I'm done, I daintily wipe the corners of my mouth and gave them a smile.

"It's good but the pasta is terrible. Good thing we didn't order that."

Sebastian just shook his head while Pierce, of course, didn't react. Bumalik sa pagtipa sa cellphone niya ang manager ko at dahil wala akong mapagkaabalahan ay nakisilip ako. Nang mapansin niya ako sa ginagawa ko ay masama ang tingin sa akin na itinulak niya ang noo ko.

"Si Brandy ba ang kausap mo? Seriously, hindi ko makita kung ano ang nagustuhan mo sa kaniya. Ang weird pa ng pangalan."

"For one, hindi siya mausisa. And you're the one to talk? Hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi na lang Bella ang pinangalan sa'yo. Nilagyan pa ng "ya" kahit hindi na kailangan."

I rolled my eyes at that. I was named after a brand of Vodka kaya Belaya ang pinangalan sa akin. "Hindi siya gusto ni Lauren."

"I don't date people just because she gave me her approval."

"Eh approval ko?"

"Hindi rin. Parehas kayong malas sa relasyon kaya wala akong balak humingi ng advise sa inyo- aray!" Hinilot niya ang nasaktang braso na basta ko na lang kinurot. "Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Hindi kami malas. Ang mga taong lumalapit sa amin ang malas sa buhay namin."

"Kaya nga. Lapitin kayo ng malas. Wala akong balak mahawa."

Akmang uulitin ko ang pagkurot sa kaniya pero nilayo niya lang ang katawan niya sa akin. Naiirita na humalukipkip ako. "Are you going on a date?"

"Selos ka?"

"Asa ka." Nakangusong binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Sabi mo ihahatid mo ako sa Cavite mamaya. I-che-check ko lang ang mga alaga ko tapos aalis na ko papunta sa Cavite."

"Marunong kang mag drive."

"I don't want to drive. I'm tired. Ihahatid na lang ako ni Kuya Cross pabalik dito sa Manila sa Monday. O kaya sunduin mo ako?"

"Pag-iisipan ko."

Sa lahat ng manager si Sebastian talaga iyong sakit ng ulo. Una na roon ang pagtanggi niya na bigyan ko siya ng nickname. Like Basti? Bash? Gusto talaga buo. Siya lang din ang taong kahit na gagawin naman lahat ng gusto ko ay pahihirapan muna ako.

"I can drive you to Cavite."

Gaya ng inaasahan ay nawala ang inis ko nang marinig ko ang boses ni Pierce. "Talaga?"

"Doon din naman ako uuwi."

"So... iuuwi mo ako?"

Nasamid ang umiinom na si Sebastian at halos maibuga niya iyon. Hindi makapaniwalang nilingon niya ako. Mga gantong pagkakataon na nararamdaman kong hindi ko lang siya manager. Para ko na rin siyang kapatid. Kasi iyong tingin na binibigay niya sa akin konti na lang matatapatan na ang tingin na laging binibigay sa akin ni Ate Vodka.

"Sa bahay ko, I mean," I clarified.

"Yeah."

"Thank you, Lion."

He didn't say anything more but his eyes didn't leave me. Kung iba siguro ay maiilang sa ginagawa niya. Pero hindi ako. For some reason it's comforting to know that his eyes are on me. It's like his stares is touching me and assuring me that I'm safe.

Ano kayang pakiramdam kung hindi na lang tingin niya ang humahawak sa akin?

Meow, ang harot!

KINAWAYAN ko ang papalayong van kung saan sakay si Sebastian. Naiwan kami sa tapat ng bahay ko ni Pierce na katulad kanina ay tahimik lang. Ganoon naman ata siya. Bihirang umimik pero kapag nagsalita naman laging may purpose. Though minsan parang ako lang din siya. May talim din ang dila.

"I-che-check ko lang ang mga alaga ko. Meron naman umaasikaso sa kanila pero absent kasi iyon today."

"You have a house-help?"

"Not really. More on a long-term babysitter. Pinsan ng best friend ko. Nakatira kasi siya sa bahay ng kaibigan ko at kailangan niya ng sideline."

Binuksan ko ang mababa na gate ng bahay at pumasok kami. My house is just two storey but it's huge. Puro salamin din ang pader no'n dahil gusto ko na open tignan ang bahay. It's modern at the same time that it's chic. I love the house but I'm not planning to live here forever. If I'm going to settle, I want it to be in Cavite. Doon kasi ako lumaki.

"My best friend, Mireia, also has a house here."

"Mireia."

Nilingon ko ang lalaki. "Kilala mo siya?"

"No pero pamilyar ang pangalan niya."

"You probably know her. She's a famous model."

"I don't read magazines. Kapatid ko lang na babae ang mahilig do'n dahil parte iyon ng trabaho niya."

"Well, yes, if we're talking about fashion magazine. But she was a calendar model before. Most guys have her posters hanging on the wall of their bedroom."

May nagdaan na recognition sa mga mata niya pero hindi na siya nagsalita pa. Wala namang problema kung nakita niya na ang calendar days ni Mireia. My best friend is comfortable with her body and her past. Hindi niya ikinahihiya na nagsimula siya sa paghiga sa ibabaw ng kotse o kung ano pa man habang suot lang ang maiikli na mga damit. Minsan nga wala pa.

I witnessed Mireia embarrassed a lot of people with her confidence many times. Wala kasi siya talagang pakielam sa sasabihin ng iba. It's one of the reasons why we clicked. I like her I-don't-give-a-damn attitude and she likes my I-have-my-own-world-therefore-you-don't-exist attitude.

Binuksan ko ang pintuan ng bahay at pumasok ako sa loob. Ipinatong ko sa sofa ang bag ko at nakangiting nilingon ko siya.

"I don't have her posters."

I gave Pierce a look. "Right."

"I have a son."

"You didn't always have a son."

"I don't look at posters to satisfy myself. If I need that, I'll find a woman who shares the same need."

See? A man with the sharpest edge. I gave him a grin and I shrug. Selosa ako pero hindi ako irasyonal. It's not I like I didn't date a lot of people before. Isa pa ay may isa nga siya na ex na malabong mawala sa buhay niya. Unless dalin ko iyon sa Taal Volcano at iligaw ko siya roon.

Naglakad ako sa pasilyo sa kaliwang bahagi ng bahay. Hindi ko naman kailangan mag empake dahil may gamit din ang bahay ko sa Tagaytay.

I felt Pierce followed me and I didn't mind. I opened the door on the far end of the hallway and I step inside and opened the lights. Nilingon ko ang lalakit at nakita kong napakunot ang noo niya.

Maraming aquarium ang nakapalibot sa malaking kuwarto. Sa pinaka kanang bahagi niyon ay may shelves na gawa sa salamin na naglalaman ng mga gamit. May refrigerator din sa kuwarto.

"What the fuck?" Pierce whispered.

Tinuro ko ang dalawa sa pinakamalaking aquarium sa kuwarto. "This is Wonder and Diamond. They are ball pythons. My mom had this snake, Twinkle, but she died a long time ago. Nagkaroon siya ng mga anak and one of them is Little. She laid eggs pero ilan lang ang nabuhay. Little also died. My mom took Star, nasa kapatid ko na si Vodka si Howhow, and I got Wonder and Diamond. Dapat kasi ireregalo ko sa ex-manager ko si Wonder. Buti hindi natuloy kasi ahas din pala siya. Wala naman sa iba ko pang mga kapatid ang gusto siyang kunin. Si Kuya Cross sana pero sa ospital na ata nakatira 'yon."

"You have a snake."

"Well I have a lot that is not a snake," I said to Pierce. Nagtatakang tinignan ko siya nang makita kong parang may iba sa itsura niya. "Okay ka lang?"

"Yes."

I inclined my head to the side. He's not the first man to act this way while seeing my babies. Hindi naman siya mukhang kakaripas ng takbo pero mukhang hindi rin siya natutuwa sa nakikita. Si Kuya Ram nga hindi pumapasok sa kuwarto na 'to.

"Gusto mong hawakan? Diamond is small."

"No."

Napangisi ako sa bilis ng sagot niya. "Wag kang mag-alala hindi naman ikaw ang unang hindi sila nagustuhan."

"I don't hate them."

"You just don't like them."

"They're predators, Belaya."

Pinigilan kong mapapikit para magawang namnamin ang pagtawag niya sa pangalan ko. Parang ang ganda-ganda niyon kapag nanggaling sa kaniya.

"They're babies. Even predators deserve someone to care for them." Kunwa'y nag-isip ako. "Basta hindi sexual predators. Those deserve to be eaten by a crocodile."

"Don't tell me you have one."

"Wala nga eh."

Tinitigan niya ako na para bang kung kakaiba na ako noon ay mas lalo pa akong naging palaisipan sa kaniya ngayon. "Parang disappointed ka pa."

"Because I want one. Ang cute kaya nila. Lagi lang silang naka-smile."

"They're not smiling. They are trying to warn people to stay the fuck out of their business."

"Wag kang judgemental. They're just happy baby reptiles that can bite if they want to."

"Or eat someone." He shook his head. "Here I am thinking that you have a cat."

"Gusto ko sana. Pangarap ko ngang magkaroon ng pusa noong bata pa ako but turns out I'm allergic to cats."

"Right."

Iminuwestra ko ang malaking kuwarto na kinaroroonan namin. "Want me to continue the tour? I need to say goodbye to them din eh."

Nang hindi siya sumagot at binigyan lang ako ng tingin ay nangingiting lumapit ako sa aquarium ni Wonder at nilusot ko ang kamay ko sa itaas ng aquarium. Like sensing my presence, he went out of the coil he's in and raised his head.

Napapitlag ako nang maramdaman ko na humawak sa braso ko si Pierce. Nagtatakang nilingon ko siya. "Bakit?"

Mukha na siyang magkakaroon ng migraine. Napapabuntong-hininga na marahan kong tinapik ang kamay niya. "Hindi niya lalapain ang kamay ko. He's a snake, not a dog. Mas mataas pa ang tiyansa na mangaggat ang aso kesa manuklaw si Wonder."

I poked the snake's head with my forefinger and as if playing with me, he slithered up to bump my finger again. Inalis ko ang kamay ko at binalik ko ang takip no'n bago ako lumipat kay Diamond. Unlike Wonder nanatili lang siyang tulog. The little diva.

"Snob 'yan."

I walked again and stopped to the other aquarium. Mas maliit ang sumunod kesa sa iba. "They're scorpions-"

"Please tell me you're not going to touch them."

"Of course not. I'm not crazy." Dinikit ko ang kamay ko sa salamin at tumuro. "Their names are Blossom, Bubbles, and Buttercup."

I went to the next one and before Pierce can even react, I slipped my hand on the container. "This is Amber. She's a fireleg tarantula."

"Belaya-"

Umakyat ang gagamba sa kamay ko at maingat na inalis ko ang kamay ko sa aquarium. Humarap ako kay Pierce pero mabilis siyang nakaatras. In all fairness even though he look like he rather be anywhere else but in this room ay hindi pa rin siya umaalis. Kuya Ram and Reika stepped inside this room for about two seconds before they ran back out again. Lalo na si Daddy. Mommy can't stand Amber but she doesn't mind the others. She's particulary fond of the turtles aside from the snakes.

"She's very gentle and cute. See?" Inilapit ko sa kaniya si Amber. Inaasahan kong lalayo siya pero nanatili siya sa kinatatayuan at naninigas ang leeg na nagbaba ng tingin sa hawak ko. He's so adorable and I want to bite him. Pinilig ko ang ulo ko sa naisip at nakangising tinaasan ko siya ng kilay.

"Will she kill me if I don't find her cute?"

"Hindi naman. No hard feelings. Hindi mapagtanim ng sama ng loob si Amber unless si Kuya Ram ka. Muntik niya na kasing mapisa si Amber dati nong nakakawala siya at nakalapit siya kay Kuya," sabi ko at pagkatapos ay tumalikod na ako para ilagay si Amber pabalik sa aquarium niya.

Excited na lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko siya sa kamay para hilahin papunta sa kabilang panig ng kuwarto. "I think you'll like this one!"

Huminto kami sa mas mababa na aquarium pero mas mahaba. I asked for it to be custom made. Mukha iyong maliit na batis. May tubig at mayroon din na lupa. May mga halaman din na totoo. Malaki at malawak ang aquarium pero may glass divider na humaharang sa mga naroon.

"These are my turtles. That one on the far right, that's July. He's a he by the way. Iyong malapit sa kaniya si August, he's a male too and I think they're the best of friends kahit na hindi ko sila pwedeng pagsamahin." Tinuro ko ang malapit sa akin. "And this is April, May, and June, my girls. May mga nakaharang sa kanila since they're supposed to be solitary. The vet advised me not to keep them together."

"They look cute."

"Yeah. They're snapping turtles."

He blinked and stared at me for a long time. Matamis na nginitian ko siya at hinila ko siya ulit papunta sa pinakamataas na aquarium sa lahat. Hindi katulad sa iba ay may bukasan din iyon sa harapan. I slide the door up so I could put my hand in.

"What is that? A comodo dragon?"

"Of course not," natatawang sabi ko.

"You have deadly pets."

"They're not deadly."

"They are."

"Lahat naman tayo may paraan para protektahan ang sarili natin. Ganoon din sila. They're small and they don't have the qualities that other animals have. They don't have claws, a huge bite, or a giant leap. They need something to survive." I pulled out my hand and showed him what I'm holding. "This is my leopard gecko, Smaug. Look at his cute smile. He looks like he's smiling smugly right?"

Imbis na tignan ang hawak ko ay sa mukha ko lang siya nakatingin. I raise an eyebrow and I looked down at the reptile on my hand pointedly. He sighed exasperatedly before he turned his eyes to Smaug. "He's alright."

"He's cute," I corrected. Hawak pa rin si Smaug ay tinuro ko ang loob ng aquarium. "That's Tinkerbell, Pooh, Dora, and Silvester."

"That one looks overweight. Did she eat one of her friends?"

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "She's pregnant. Hindi sila cannibal, FYI. Hindi sila kumakain ng kapwa nila."

"So what do they eat?"

"Insects." Tinuro ko ang kinalalagyan ng glass shelves. "Those insects are not pets. They're food for my babies."

"Anong kinakain nung mga ahas?"

"Rats." Umikot ang paningin niya sa kuwarto at nang ibalik niya ang tingin sa akin ay nagpaliwanag ako. "Bumibili si Nina ng buhay na daga kapag kailangan na nilang kumain. I don't like watching them when they're hunting. Ayoko rin na mag-stay iyong mga daga dito sa bahay kasi kapag nakita ko sila, hindi ko sila gugustuhin na ipakain kaila Wonder at Diamond. I had a hamster before so rats are still pets for me. Sometimes I feed them frozen pinkies. They're rats but they're already dead. Nando'n sila sa ref. Gusto mo makita?"

"No." Tumingin siya sa relos niya at nagkibit-balikat na binalik ko si Smaug sa aquarium nila. "We need to go. My son is with his mother and I need to pick him up today."

Base sa ekspresyon sa mukha niya pagbanggit niya sa ex niya ay hindi siya nasisiyahan sa katotohanan na kakailanganin niyang makita ang babae ngayong araw. Huh. They're really not in good terms. I wonder what happened to them.

My brother gave me info about him but I didn't ask for much. Hindi ko rin sinubukan na may alamin pa tungkol sa kaniya.

I want him. I want to know him. Hindi ko iyon magagawa kung alalamin ko na lahat ang tungkol sa kaniya bago pa ako magkaroon ng pagkakataon na kilalanin siya talaga. Besides, it's more fun that way.

"Why don't we pick him up bago mo ako ihatid?"

"You don't need to-"

"But I want to. Isa pa parang ayaw mong makita ang ex mo." Nakangiting humakbang ako palapit sa kaniya dahilan para halos wala ng matirang pagitan sa mga katawan namin. Inangat ko ang kamay ko at bago pa siya makalayo ay marahang inilapat ko iyon sa pisngi niya. "Don't worry. I'll protect you."

"I can handle Charlotte on my own."

"You can but you don't need to."

Kailangan masanay ng ex niya na lagi akong makita. She needs to because she will be seeing me a lot. Lalo pa I'm volunteering to be their son's future stepmother. And the mother of baby Arctic's future siblings.

"Retract your claws."

Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay kong nakalapat sa pisngi niya. Ibinaba niya iyon pero imbis na bitawan iyon ay pinorma niya iyon katulad kung paanong ginawa ko sa kaniya kanina sa restaurant. Iyon bang parang mangangalmot.

"W-What?" I asked.

"I'm not the only one who have claws, Kitty."

Lion and Kitty. Mukhang ang gandang theme para sa love team namin. LKCouple.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store