ZingTruyen.Store

Dagger Series 3 Unscripted

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries

CHAPTER 23: HINT

BELAYA'S POV

Pakiramdam ko tumatayo lahat ng balahibo sa katawan ko habang papasok kami sa Arkalaville. While eating Lia's wrapped sandwich here in the 14-seater van that Coal is driving, I browsed the net to search for info about the place.

It's a huge project and they started building Arkalaville in the late months of last year and opened it a week ago. Unlike usual horror houses in theme parks, hindi siya isang lugar lang. They actually bought an abandoned subdivision for this. Hindi naman ganoon kalaki ang lugar but it's bigger than most horror attractions.

"Bakit hindi na lang tayo mag Enchanted Kingdom?" napapakamot sa ulo na tanong ni Trace.

"It's not the same. Ang liit lang ng horror house do'n. Eh dito pwede kang mamasyal," nagniningning ang mga mata na sabi ni Lucienne. Siya lang ata ang bukod tanging exited sa aming lahat. Luna wanted to come too but she has a virtual meeting at wala rin na magbabantay kay Arctic.

"Sino namang mamamasyal sa haunted na lugar?"

Naniningkit ang mga matang nilingon siya ni Lucienne. "Tayo. Huwag ka ngang panira. Birthday ko ngayon."

"Malapit ng hindi mo maging birthday. It's already nine in the evening."

"May three hours pa ko. Baka nga wala pang tatlong oras nag-aaya ka ng umalis."

"Anong akala mo sa akin? Duwag?" nakasimangot na tanong ng binata.

"Oo."

Pinigilan kong mapatawa sa bangayan nila. Halata naman kasi na ayaw ni Trace sa pupuntahan namin. I have nothing against him being scared because if I'm being honest the place is really creepy.

"Are you okay?"

Nilingon ko si Pierce na nasa tabi ko. He's been quiet during the ride.

"Yes. Why?"

"You're not scared?"

"Well the place is creepy but I'm not scared. Haunted house's actors are still actors. They're just people."

Napaatras kaming parehas ni Pierce palayo sa isa't isa nang bigla na lang sumulpot sa gitna namin ang ulo ni Domino na sumungaw mula sa kinauupuan niya. "Di ba may movie ka dati na horror?"

"Not really. It's more of a suspense-romance."

Itinulak ni Pierce ang mukha ng kapatid niya palayo sa amin at nakangusong umayos naman ng upo ang lalaki.

Pagkaraan ng ilang sandali ay tuluyan ng huminto ang sinasakyan namin. Thorn went out of the passenger seat and he opened the door for us. Nagsibabaan na kami at nang igala ko ang paningin ko ay nakita kong may mga tao na sa lugar.

"Hindi naman pala ganoong kadami ang tao," sabi ni Lucienne.

Lumapit sa kaniya si Thorn at inayos ng lalaki ang pagkaka-zipper ng jacket ng asawa. "We rented the place pero may mga nagpa-reserve na kaya hindi naman pwedeng i-cancel sila. They're only operating for about forty percent tonight since we paid for the sixty capacity."

"You rented the place?" she asked in surprise.

"We needed to. You're here, Lia, and Belaya," Gun answered for his brother. "Some of Dagger's Bolsters are also here for added security."

I saw Pierce glanced at a group of women nearby before he turned to me. "Mask on, Kitten."

Nang hindi ako kaagad nakakilos ay siya na ang nagsuot sa akin ng mask na hawak ko. I turned to the others and I saw that even Lia is wearing a mask.

Tanging si Lucienne lang ang hindi nag-abalang magsuot no'n at nang tila mapansin niya na nakatingin ako sa kaniya ay nag peace sign siya. "My books are famous but not me. Kung naglalakad ang mga libro ko mas sila ang dapat naka mask kesa sa akin."

Napatawa ako sa sinabi niya dahil parang nang-iinggit pa siya na hindi niya kailangan na mag mask. I know that she can be recognize as well but in a way tama naman siya. She's popular but most of her audience are focused on her books. Iyon din naman ang gusto niya kaya nga halos walang laman ang social media accounts niya.

"Good evening, I'm Frank Carter and I'm the manager here in Arkalaville."

Sumilip ako mula sa likod ni Pierce na nakatayo sa harapan ko at nakita ko ang lumapit na lalaki. May dala siya na ilang mga pamphlet na kinuha naman sa kaniya ni Thorn bago ipinasa kay Axel.

"That's the map of this place and the task itinerary. If you will follow me please, I will direct you at the front of the line-"

"No," putol ni Gun sa sasabihin niya. "We're going last."

I saw Thorn said something to the man and they walked inside a small establishment while Lucienne stayed outside surveying the place excitedly. Sumunod sa kanila si Gun na hinawakan ang kamay ng asawa niya na sumama naman sa kaniya. Hinila ko ang dulo ng jacket ni Pierce dahilan para magbaba siya ng tingin sa akin. "Bakit tayo ang huli?"

"It's easier to track people when they're in front of us. They will also come out first so even if we stay inside long, nakalabas na ang iba. Someone will also be monitoring the exit para masiguradong walang magpapaiwan."

Tumango-tango ako at tahimik na nilibot ko na lang ang mga mata ko sa paligid. There's another entrance before we can go inside the main attraction. Dito sa labas ay may mga maliliit na souvenir shop at mga booth ng kainan. There's also a small Filipino restaurant and a bar. Lahat iyon ay pasok sa theme ng lugar. The employees are even wearing costumes.

Napatingin ako sa kaliwa namin nang makita ko ang dalawa sa Bolster ng Dagger na hinarangan ang dalawang babae na palapit sana sa amin. The women's eyes widened and became unsure but I also noticed that they're looking at me.

"It's okay," I said to the two men before I looked to Pierce. "It's okay let them pass."

Tinanguhan ni Pierce ang dalawang lalaki at nag-aalangan na lumapit ang dalawang babae na hawak ang cellphone nila.

"Umm... hello po," nahihiyang bati ng isa sa dalawang babae. "I'm Jean Mary and this is my friend Princess. Fan na fan niyo po kami."

Nakangiting tumango ako. "You want a picture?"

Umilaw ang mga mata nila pero iyong isa niyang kasama ang sumagot. "Kung okay lang po sana."

"Sure. No problem."

Lumapit ako sa kanila at tumayo ako sa gitna nila. I took my mask off at nakailang picture din kami. Nang matapos ay bago umalis, nahihiyang tumingin ang dalawa kay Pierce bago nagsalita ang babae na Jean ang pangalan. "Bagay po kayo!"

Nangingiting nilingon ko si Pierce. Tinaasan ko siya ng kilay pero naiiling na iginaya niya ako sa kinaroroonan ng mga kapatid niya na nasa tapat ng restaurant. Hindi pa man kami nakakalapit ay sabay kaming napatigil ni Pierce nang bigla na lang may tumayo mula sa dekorasyon na balon sa gilid no'n.

Rinig na rinig sa paligid ang sigaw ni Trace at Axel na nakatayo malapit sa balon at ang halakhak ni Coal at Domino na itinutulak pa ang dalawa para gawing pananggalang. Sa tabi nila ay nandoon si Gun at Lia.

I saw Thorn and Lucienne on the very front and they're the nearest to the well. Thorn's eyes are on his wife that is now looking at the woman at the well with wide eyes and opened mouth.

"Omg! You're Samara Morgan! You're my favorite ghost!"

Napahagikhik ako nang lumapit si Lucienne sa kinaroroonan ng babaeng multo na hindi kita ang mukha dahil nakatakip sa kaniya ang mahaba niyang buhok. She's the ghost in the movie The Ring.

"Idol papicture!" kinikilig na sabi ni Lucienne na tumabi pa kay Samara. Sa pagkagulat naming lahat ay inakbayan niya pa ang babae bago niya inangat ang cellphone niya at nakipag-selfie.

There are two kinds of people. One that will idolize someone that is popular and the other is Lucienne that idolizes a ghost.

Natatawang pinanood ko si Lucienne nang makisilip siya sa balon nang magsimulang umupo si Samara para magtago ulit. Kung hindi pa nahawakan ni Thorn ang damit ni Lucienne ay baka sumama na siya.

Trace and Axel loud voice echoed around the place again when Samara popped up the well once more. Sa mga kamay niya ay may hawak siya na box. Binuksan niya iyon at napangiti ako nang makita kong birthday cake iyon. It's a pastel orange cake with a small typewriter on top.

The manager approached Samara at siya na ang naglagay ng birthday candle sa cake. Lumapit kami sa kanila saktong nagsimula sila Domino na kumanta ng happy birthday. Nakisali ako sa kanila hanggang sa lahat kami ay nakikikanta na. When Lia joined, of course the birthday song sounded different. Kahit ata The Wheels On The Bus na narinig kong kinakanta noon ni Arctic mas maganda pakinggan sa kaniya.

My smile widened when I saw Lucienne's teary eyed eyes went to her husband. "This is the best birthday ever."

Thorn chuckled at that, but he leaned down and placed a kiss on her forehead. He let her go after so that she could blow the candle on the cake that Samara is still holding. After awhile, Lucienne took a picture with Samara again before she asked to go inside the haunted village. Iniwan muna ang cake sa restaurant at babalikan na lang namin.

Lumapit kami sa entrance kung saan may naghihintay na security guard na duguan. He gave us all a flashlight before he creepily pointed at the entrance as if telling us to go inside.

The moment that we managed to enter on the other side, I knew that this is a bad decision. There's an ominous feeling on the place. Iyon bang parang any moment ay bigla na lang may susulpot sa harapan namin. Idagdag pa na may nakakatakot na tunog na pumapainlang sa buong lugar.

"Okay guys, here's your map," Lucienne told us. Binuksan niya ang sa kaniya na pakiramdam ko ay kanina pa niya binasa. "Ang goal natin ay makuha ang lahat ng gems. Nakalagay dito na ang dapat natin na unang puntahan ay ang school, then a house where a certain Clarice Hagen lived, and the last one is the cemetery near the church."

"Parang gusto kong pumunta sa church. Ang tagal ko ng hindi nagsisimba," sabi ni Trace na nakakapit kay Axel.

"Also, if someone chase us, make sure that you're with a partner," Lucienne added.

"Ayokong kasama ka," sabi ni Axel na pilit lumalayo kay Trace na sumisiksik sa kaniya. "Lalo lang akong matatakot dahil sa'yo."

Trace turned to her other brothers but Domino and Coal both shook their heads. Nakasimangot na umabrisete si Trace kay Axel. "Wala ka ng choice. It's us two against the world."

"You're going to use me as a shield."

"Don't worry Axel, I'll save you," sabi ni Lucienne.

"I'll save you too," sabi ni Lia na tinapik pa ang braso ng lalaki. "But I'm scared too so my husband would save you for me."

Inangat ko ang kamay ko at nag-aalangang ngumiti ako. "Me too. We can use Trace as a bait and run."

"Napakasama niyong lahat." Naniningkit ang mga matang tinignan ako ni Trace bago niya binalingan si Lucienne. "Masama kayong impluwensiya kay Belaya."

Lukot ang mukha na nanguyapit siya sa kapatid niya na napapabuntong-hininga na lang. Nagsimula na kaming maglakad at binaybay namin ang may kahabaan na daan. It wasn't hard to find the school. May mga signage naman kasi kami na pwedeng sundan.

Kinuyom ko ang mga kamay ko nang lumangitngit ang gate ng school nang buksan iyon ni Lucienne. Even that sounded creepy.

According to the task list, we need to find the Narra room dahil nandoon ang hinahanap namin. Rinig ang mga yabag namin sa walang tao na hallway nang makapasok kami. We went inside by twos. Lucienne and Thorn, Lia and Gun, Domino and Coal, Trace and Axel, me and Pierce.

"Ooh there it is!" sabi ni Lucienne at tinuro ang isang kuwarto na may signage na nakasabit. "May QR code!"

Nilabas ng babae ang cellphone niya at itinapat niya iyon sa QR code sa labas. Lahat kami nakisilip sa screen ng cellphone niya kung saan may lumabas na isang page.

"Oh hell no," Trace whispered. "It said that the gem is in the hand of the real murderer."

Binuksan ni Lucienne ang pintuan at nagsitayuan ang mga balahibo ko. Everyone is sitting on their seats but in front of the classroom, someone is sitting on the teacher's table with a black veil covering her face. Walang kahit na sino sa kanila ang gumagalaw pero lahat sila ay may goblet sa harapan nila.

"Siguro iyong teacher ang pumatay sa kanila," sabi ni Lia na halos bumaon na sa katawan ng asawa niya. Her face is mushed on Gun's chest.

Pumasok kami sa loob kahit iyon ang huli kong gustong gawin. Lumapit sa teacher's table si Lucienne para tignan ang baso na nasa harapan no'n pero bago niya mahawakan iyon ay umangat ang kamay ng taong nakabelo.

Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya at bumasag sa katahimikan ng lugar ang sigaw ko nang makita ko na may isa sa mga studyante ang ngayon ay nakatayo na at dahan-dahan na bumubukas ang bibig. He made a spooky sound that will probably haunt me for days. Dahil ako ang nasa kanan at nasa hulihan kami ni Pierce sa pila namin ay ako rin ang pinakamalapit sa studyante.

Mabilis na umatras ako pero dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko ay hindi na nakakapagtakang napasadlak ako sa sahig. Mabuti na lang ay may mga braso na sumaklit sa bewang ko bago pa mapalakas ang pagkakabagsak ko.

"Fuck!" sigaw ni Trace.

Hinila ni Axel si Trace at tinulak niya ang lalaki. "Begone evil spirit! Take this human sacrifice and leave me alone!"

Kalmadong lumapit si Lucienne sa lalaki at kinuha niya ang goblet. "Ay wala dito. Nasaan kaya?" Itinaktak niya iyon. "Sabi the gem is in the hand of the real murderer-" Natigilan ang babae at nilingon niya ang studyante na nakatayo. Sa pagkagulat naming lahat ay inabot niya ang isang kamay no'n at nakangising may kinuha. "I got it!"

"AAAAAHHH!"

Muli akong napatili at ganoon din ang iba pa. Even Domino and Coal cursed under their breaths when the student suddenly screamed like a banshee. Halos mapatid na ang lalamunan ko nang biglang nagsitayuan ang iba pang mga studyante at sabay-sabay na humarap sa amin.

I looked around us and I realized that Gun and Lia already left. Thorn is just shaking his head while looking at his wife who's mimicking the male student.

Nagkabanggaan na kami nila Axel nang basta na lang kaming tumakbong tatlo papunta sa pintuan. Dahil mas maliit ako sa kanila ay halos tumumba ako patagilid dahil sabay silang lumusot sa pintuan.

I heard someone chuckled at the same time that a hand took mine. "I got you, Kitten."

"Hurry up!"

"Calm down. They're not going to follow us."

"I'm not going to calm down! You have a son that will miss you if that evil thing murder us! Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay ko! I haven't even showed you all my bikinis yet!"

Pierce opened his mouth to speak, but when the doors on the other rooms blasted open, I found strength in me that I didn't even know I have. Dahil bigla na lang akong tumalon nang mataas sa direksyon ni Pierce na nagulat man ay walang nagawa kundi saluhin ako.

His chest are shaking with laughter as he calmly walked out of the school with me hanging on him. Sa labas ay naabutan namin ang mga kasama namin na nakasalampak sa damuhan.

"What happened at the end? I didn't see," humahagikhik na sabi ni Lia. "Gun just suddenly carried me and took me out of there."

"I-I don't know..."

"She was busy pouncing... like a kitten." Binigyan ko nang matalim na tingin si Pierce na lalong lumawak ang pagkakangisi nang ibaba ako. "Akala ko ba hindi ka natatakot? Halos unahan mo na sila Axel makalabas."

"It's called survival instinct."

"Ahuh."

Mula sa school ay lumabas si Lucienne na hawak ang mapa niya at nakabukas na iyon ulit. When she looked up at us, she beamed and waved the red gem on her hand. "That was fun. We're going to Clarice Hagen's house next!"

I tried not to crumple on the ground and beg her to skip that one. May palagay ako kasi na palala nang palala ang pagdadaanan namin. Bakit pakiramdam ko ang haba ng gabi ngayon?

"Come on, kitty," Pierce said to me, his hand outstretch on my direction.

"Uhh..."

"It's going to be fine." His eyes are shining with something that I'm not used to seeing on him. Something that is close to being playful. "I won't let anything happen to you. Lalo na at madami ka pang kailangan gawin sa buhay... na gusto kong makita."

My forehead knotted at his choice of words but when I realized what he meant, I can feel my eyes popping almost out of their socket.

Did he just hinted that he wanted to see my bikinis?

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store