Chapter 16: All In
#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries
CHAPTER 16: ALL INBELAYA'S POVI knifed up from the bed, my hands are on my throat as if about to take off those that are strangling me, but there was none. I can feel the cold sweat gliding from the corner of my face while my body began to shake.Niyakap ko ang mga tuhod ko at pilit kong kinalma ang sarili ko. Halos isang linggo na akong nananatili rito sa bahay ni Pierce. Except the first night ay hindi na ako muling nanaginip pa ng masama.Nilingon ko ang kama ni Pierce. The bed is empty."Belaya?"The familiar voice gave me back a sense of calmness but my body is still reacting to the dream that felt so real. Naramdaman kong lumundo ang kama ko na sinundan ng kamay na marahang humaplos sa likod ko."I-I'm fine, Pierce," I whispered."I didn't want to wake you. Tumawag ang lola ni Arctic. I talked to him for awhile. I couldn't sleep so I decided to take care of some work.""I-It's okay."Nagpatuloy ang paggalaw ng kamay niya sa likod ko pero hindi pa rin nawawala ang panginginig ng katawan ko. I never had dreams as vivid as that one. It's like a loop. Like I was trapped at that moment. Para bang kapag gumigising ako at nakakakawala sa bangungot na iyon ay matatagpuan ko na lang ang sarili ko na hinihila pabalik.I closed my eyes tightly when the image of the masked man flashed in my mind again. As if sensing it, Pierce pulled me towards him. Pinalibot niya ang mga braso niya sa katawan ko at hinayaan ko lang siya. I grasped the collar of his shirt and hugged him close as if I'm trying to bury myself in him."You need to talk to someone, Belaya," he whispered gently in my ear."I know.""There's nothing wrong with trauma counselling. Your body went through a lot and part of that is your brain. Physical scars can be easily remedied but it's difficult when it's a mental scar."Halos hindi na makita ang mga sugat na natamo ko nang gabi na iyon. But Pierce's right. It would be more difficult to erase the scars that that night left me. It will be impossible for me to forget that's why it will be harder to heal from it."Can you stay here?"Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "I won't leave again.""Can you stay with me?"I felt his body stiffened when he realized what I meant. "I don't think that's a good idea, Belaya.""Just until I fall I sleep. Please?" Nag-angat ako ng mukha sa kaniya at nakita kong nakatingin din siya sa akin. "I'll behave, I promise. Bukas pa naka-schedule ang pangungulit ko sa'yo."Strings of emotions crossed his eyes. Alam niyang pilit lang ang biro ko. I can't even give him a smile. Umangat ang kamay niya at marahang pinalis niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko. Pierce is a man with a sharp edge but right now he's being so gentle with me."You're not the reason why it's not a good idea, Kitty," he whispered as his eyes roamed around my face.I opened my lips to speak but I stopped when he moved away. Rejection hit me pero hindi nagtagal iyon dahil sinama niya ako sa pagkilos niya. He moved us up the bed until his back is on the headboard. He pulled me close again and wrapped his arms around me, my head lying on his hard chest."Sleep now, baby."Baby. I earned the title again for the second time. I didn't dare utter a word about it. I don't want to give him a reason to let me go.Ipinikit ko ang mga mata ko at hindi nagtagal ay unti-unti akong hinila ng antok habang patuloy sa paghaplos ang lalaki sa buhok ko. I bury myself closer to him as I drifted off to sleep, enjoying the warmth that his body is giving me."Fuck."It was a quiet whisper and I don't even know if I really heard it or if I'm imagining it. My mind is beginning to get hazy as I fall under deeper second by second."I never stood a chance, did I?"PATAGONG binigyan ko ng cookies ang anak ni Lucienne at Thorn na masaya namang kinuha iyon sa akin. Sumalampak siya sa binti ko na para bang bigla na lang kaming naging close. Dawson men and Dawson babies are the same. Nadadaan sa pagkain."Don't worry pinapakain din ni Lucienne ng cookies 'yan. Doon iyan pinaglihi eh."Nakangiting umupo si Lia sa isa sa mga throw pillow na nakakalat sa bakuran ng bahay nila. Nag-aya kasi sila Trace na sa bahay na nila Lia mag dinner. It was fine with me. I wanted to get out of the house anyway since I've been cooped up there for the entire week. Okay lang din naman kasi 24/7 kong kasama si Pierce. But I don't mind the change of scenery since the "view" here still include Pierce."Hindi kami pinapakain ng mga kapatid ko ng chocolate noong bata pa kami. Not the entirety of our childhood of course. Noong mga ganitong age lang kami," sabi ko sa babae."Hindi ko siya masisisi. Triplets ba naman. Kapag pare-parehas kayong nag-hyper siguradong iiyak ang nanay niyo."More on si Daddy ang umiiyak. "True. Malapit lang din ang edad namin sa ate Vodka namin kaya apat na chikiting na iyon na problema nila. When Reika, our youngest, came into our lives may mga isip na kami kaya okay lang na maging sakit siya ng ulo dahil iisa lang naman siya.""Five children." She smiled and looked at her husband. Kausap ni Gun ang mga kapatid niya sa kabilang panig ng kinaroroonan namin. "I can do three I guess... or four. Hindi ko kayang maging superwoman katulad ng nanay nila. Seven is a no for me.""Seven is a lot.""Ikaw ba? Ilang anak ang gusto mo?" Nang ma-realize niya ang tanong niya ay naging alanganin ang ngiti niya. "Not that it's my business.""It's okay." Itinukod ko ang siko ko sa tuhod ko at nangalumbaba. "I want two or three children. Two preferably. Lalo na sa case ko. Ang taas ng chance na magkakaroon din ako ng multiple babies."Pinunasan ko ang kamay ng anak ni Lucienne na ang ganda ng pangalan pero Cookie ang tawag ng lahat. Naubos na niya ang binigay ko sa kaniya at ngayon ay pinagkakaabalahan niya namang paglabitinan ang mahaba kong buhok."Cookie, no baby," saway ni Lia at binuksan niya ang mga kamay ni Cookie para magawang pakawalan ng bata ang buhok ko."Okay lang 'yan. Matibay naman ang anit ko," natatawa kong sabi. "But he has some grip.""Akala ko nga lalabas sa akin 'yan na may muscles at nag pu-push up na."Napatingin kami ni Lia kay Lucienne na may dala na bowl ng cookies. Kumuha siya ng isa at tinapat iyon sa anak niya na para bang ginagawa niya iyon na pain para lumapit sa kaniya ang bata. Her son giggled in response and jumped on her in a mini tackle way.Nanggigigil na niyakap ni Lucienne ang anak na hinayaan naman siya. Mukhang walang pakielam ang bata dahil abala na iyon sa pagngasab sa dalawang cookies na hawak niya sa magkabilang kamay."He's like a mini version of his dad with an appetite as big as his Tito Axel," Lucienne said.Napailing si Lia sa sinabi ng babae. "Ang sabihin mo mana sa'yo. Halos parehas lang kayo ni Axel na laging pumupunta rito para kumain. Nagpa-customize ka pa nga sa Shopee ng baunan kasi kada tanghali nandito ka na parang pumapasok ka sa school.""Food is good for my brain. Ilang libro na ang naisulat ko dahil sa mga luto mo.""Dapat may porsyento na ako sa royalties mo.""Wag na. Mayaman ka na."I laughed at that. Even I know that Lia really came from old money. Bukod pa ro'n ay sigurado akong hindi rin biro ang kinikita niya mula nang makilala siya sa music industry."Fine. Cookie looks like his father at namana niya sa akin ang katakawan niya. Magpasalamat na lang tayo na wala siyang minana sa Tito Trace niya na unfortunately ay pinaglihian ko noon." Pinindot ni Lucienne ang pisngi ng anak. "Huwag kang gagaya sa Tito Trace mo ha?""At bakit naman?" Nanggaling ang tanong na iyon kay Trace na naniningkit ang mga mata na lumapit sa amin. Sumalampak siya ng upo sa tabi ni Lucienne at basta na lang niya kinuha si Cookie na wala pa ring angal dahil kumakain pa rin. "Suwerte niya nga pag sa akin siya nagmana. I look so angelic.""Fallen angel?" tanong ni Domino na narinig ang pinag-uusapan namin. Nahihiyang ngumiti siya sa akin bago umupo sa tabi ko."Angel condensada," sabi ni Lia."Angel food cake," singit naman ni Axel na umupo sa tabi ni Lia. "Marunong kang gumawa no'n, Lia?""You know that I love cooking and sometimes baking. Hindi nga lang ako masyadong marunong kapag complicated baking na. But I'll try for you don't worry."Hindi sila pinansin ni Trace at sa halip ay tigninan niya ng masama si Lucienne na nakakapagtakang hindi sumali sa kung tawagin ng lalaki ay "pangyuyurak sa pagkatao" niya. Mukhang may malalim na iniisip ang babae."Don't be shy. Alam kong may gusto kang idadag," sabi ni Trace.Itinaas ni Lucienne ang kamay. "Wait nakalimutan ko iyong complete name. Sikat 'yon eh." Maya-maya ay napangisi siya. "Ángel Maturino Reséndiz."Napatawa ako at maging ang mga kasama namin. Lucienne's rumor can really be dark and twisted. No wonder she's the gore queen.Sambakol na ang mukha ni Trace nang bigyan niya ang babae ng matalim na tingin dahil talagang sikat ang taong binanggit niya. The name she mentioned was known for being The Railroad Killer."Hindi kita kilala."Muling napuno ng tawanan ang paligid. Nagpatuloy sa pag-aasaran si Trace at Lucienne habang ang iba naman ay naging abala na sa kani-kanilang usapan. A few minutes later, Coal came out of the house and he approached us while holding a guitar. Pinaikot ni Lia ang mga mata niya dahil mukhang hindi na bago sa kaniya ang ganitong mga tagpo."Kanta ka naman, Lia," sabi ni Coal.Natatawang napailing na lang ang babae. "Minsan pakiramdam ko karaoke machine ako ng mga 'to." Hindi niya kinuha ang gitara na inaabot ni Coal. "Ikaw na. Ako na lang ang kakanta.""Nako lagot ka. Last time hininto niya iyong concert kasi may mali sa tunog no'ng gitara ng lead guitarist niya," pananakot ni Trace.Alanganing napakamot sa batok niya si Coal. Lia's a musical genius. She don't rub it to people's face and she rarely talk about it sa mga interview niya but she really has a gift. Kahit isang string lang ata ng gitara na problematic napapansin niya and she will stop the concert even in the middle of singing just to fix it."It's fine. Pero patingin muna kung nasa tono." Kinuha ni Lia ang gitara sa lalaki. She started plucking some of the strings then she turned some of the tuning keys. Nang maayos niya na iyon ay ibinalik niya na ang gitara kay Coal. "Done. Anong kanta kaya?"Lucienne's eyes glinted. "Alam ko na! Wait lang. Trace samahan mo ako dali!"Kung may isa silang pinagkakasunduan ay panigurado akong iyon ay pagawa ng kalokohan. Tumakbo sila papasok ng bahay pagkatapos iabot ni Trace si Cookie kay Thorn at nang lumabas sila ulit ay may dala silang mga papel na hinati-hati nila. Inabutan nila kami ng tig-isa. Hindi pa sila nakuntento at binigyan din nila si Gun, Thorn, at Pierce."Sulat kayo ng kanta na gusto niyo," utos ni Trace.Sa pagtataka ko ay nakita kong nakatutok sa papel na hawak ni Pierce ang mga mata ni Lucienne na nanatiling nakatayo sa kinaroroonan ng tatlo. The man is looking at her weirdly as if he can't understand why Lucienne is being nosy.Nakita kong naghulog sila Coal ng gusto nilang kanta sa bowl na hawak ni Trace. I decided to just write the first thing that came into my mind and when I thought of Taylor Swift's Willow I wrote it down. Inilagay ko iyon sa bowl at nakangiting bumalik si Trace sa kinaroroonan ni Lucienne na nakatutok ang mga mata sa sinusulat ni Pierce.Nang matapos ang lalaki at mailagay niya na sa bowl ang sulat ay bumalik na ang dalawa sa kinaroroonan namin. Umupo sila sa binakante nilang puwesto at inalog-alog ni Trace ang hawak na bowl. When he was done, he asked Lia to pick one.Sinilip ni Lucienne at Trace ang nabunot ni Lia pero sa pagtataka ko ay inagaw iyon ng lalaki at ibinalik lang sa bowl. "Pangit 'yan. Iba na lang."Muling bumunot si Lia pero nang mabasa ni Lucienne ang nandoon ay binalik niya lang ang papel. "Wag yan.""Akala ko ba theme song ng first kiss niyo ni Thorn ang Kiss Me ni Ed Sheeran?" takang tanong ni Lia."Para iba naman," nakangising nag peace sign na sabi ni Lucienne. "Pili ka pa ng iba.""Sabihin niyo na lang kaya kung anong gusto mo na kantahin ko?" Lia rolled her eyes when Trace just shake the bowl again. Muli siyang bumunot at binasa niya ang nandoon. "Huh.""What is it?" tanong ni Trace."Fallin All In You."Nagkatinginan si Lucienne at si Trace pero sa pagkakataon na ito ay wala ng kahit na sino sa kanila ang umangal. Nagkibit-balikat si Lia at kinuha niya ang cellphone niya. Gano'n din ang ginawa ni Coal na mukhang hinahanap ang chords no'n."At least I'm familiar with it. Akala ko Livin' La Vida Loca na naman ni Trace.""Hindi ko nga favorite 'yon!" Humalukipkip si Trace. "Fake news lang nila Domino 'yon. Masama ang ugali niyan, walang galang sa nakatatandang kapatid.""Ikaw ang fake news. Ang bait ko kaya." Tumingin sa akin si Domino. "Mabait ako idol."Tinapik ko siya sa balikat at umilaw ang mukha niya na para bang hindi na lang parang na-move bukas ang Pasko pero ngayon na mismo.Lucienne made a "shh!" motion when Coal started plucking the strings of the guitar. The melody sounded sweet but when Lia's voice joined in, the sound came alive."Sunrise with you on my chest. No blinds in the place where I live. Daybreak open your eyes. 'Cause this was only ever meant to be for one night. Still, we're changing our minds here. Be yours, be my dear..."I know Lia's known for her range but I also know that she never stick on just singing songs with high notes. Kung titignan pa nga ay parang mas gusto niya iyong mga kalmado lang na kanta. She's more into the lyrics and showing the emotions of them more than proving that she can hit amazing notes.She seems shy and dainty but when she sings it's like she's in her own world. She takes ownership of a song as if it's made for her even now that she's singing in what seem is in the point of view of a man."Ooh, you know I've been alone for quite a while haven't I? I thought I knew it all. Found love but I was wrong. More times than enough. But since you came along... I'm thinking baby you are bringing out a different kind of me. There's no safety net that's underneath, I'm free. Falling all in. You fell for men who weren't how they appeared, yeah. Trapped up on a tightrope now we're here, we're free. Falling all in you.""Sa'yo bang kanta 'yan?" narinig kong bulong ni Axel kay Domino.Umiling si Domino na hawak ang cellphone at vinivideohan ang sister in law niya. Malamang sa hindi ay ipapadala niya iyon kay Luna na hindi na naman namin kasama ngayon dahil laging abala sa trabaho. Sa pagtataka ko nga lang ay paminsan-minsan ay tinatapat niya iyon sa direksyon ko bago niya ibinabaling sa kinaroroonan nila Pierce."Every night I'm with you I fall more in love. Now I'm laying by your side. Everything feels right since you came along, I'm thinking baby..."There's something in the lyrics that are filling me with warmth. I looked at the opposite direction of the place and I saw Thorn has his eyes on his son that he's carrying, Gun is watching his wife, but to my surprise... I found Pierce staring directly at me."You, yeah, are bringing out a different kind of me. There's no safety net that's underneath, I'm free. Falling all in."Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store