Dagger Series 3 Unscripted
#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries
CHAPTER 11: APPROVALBELAYA'S POVI can hear the low buzzing of whispers around me the moment that I step foot inside the police station. Isang may katandaan na lalaki ang lumapit sa amin at inilahad niya ang kamay sa direksyon ko. I know he's the top rank even before he speak just by the way he walked towards us."Police Colonel Johnson, Ma'am."Bantulot na inabot ko ang kamay niya. Sandali lang iyon dahil iginaya niya na kami sa isa sa mga upuan na nandoon. May sinenyasan siya na lalaki na kaagad lumapit sa amin at akmang hahawakan niya ako pero kaagad kong nailayo ang katawan ko.I felt Savannah's hands gently squeezed my shoulder but it was Damian who put himself between me and the police officer."Para lang po sa first aid mo," nalilitong sabi ng mas batang lalaki na mula sa akin ay kinakabahang lumipat ang tingin kay Damian.Magkasing-tangkad lang si Pierce at Damian but aside from his stance and the commanding aura around him, there's no doubt that the people in here doesn't just know me. Sigurado ako na kilala rin nila si Damian.I opened my mouth to let the police officer do what he needed to do pero bago ko pa magawa iyon ay pabalabag na bumukas ang pintuan ng stasyon.I felt something squeezed my heart when I saw Pierce standing there. Sa isang iglap ay nawala ang anumang takot at pangamba na para bang ang presensiya niya lang ang kailangan ko. There's a shadow in his face and I could sense the anger inside of him but when our eyes met I saw how he struggled to reign it in.Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay parang may sariling buhay ang mga paa na tinakbo ko ang distansiya sa pagitan namin. My body hit him hard but I didn't stumble back because he caught me in his arms.The world feels like it's shaking and I can hear a small sound that my muddled brain can't comprehend. Lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Pierce. I can feel his warm breath on the side of my neck. Umangat ang isa niyang kamay at marahang hinaplos niya ang ulo ko. "Shh. It's okay, Kitty."That's when I realized that my body is trembling again at the same time that the tears are freely falling from my eyes."I'm okay," I whispered to him. "I'll get a grip on myself. I just need a minute. Where's Arctic? Is he okay without you right now?""Don't be stupid." Muli niyang hinaplos ang buhok ko. "Arctic's fine. Naiwan siya kay Axel sa HQ."Despite the tears, I chuckled at what he said. Give it to him to call a woman that is crying stupid. His tongue will never lose its sharpness but his actions are contradicting it. He's a paradox through and through."If someone give you shit for crying, you can tell me and I'll shoot him."Nangingiting tumango ako pero hindi ako lumayo sa kaniya. Iyon nga lang ay siya na ang gumawa no'n. He stepped away and disappointment immediately enveloped me. Hindi nga lang iyon nagtagal dahil naramdaman kong inabot niya ang kamay ko bago ako dinala pabalik sa kinauupuan ko kanina.Pierce's eyes went to Savannah and he mumbled a low greeting to her. Tinanguhan niya lang si Damian na ibinalik din iyon sa kaniya bago humarap ang lalaki sa Colonel na tahimik na nanonood lang sa amin."She'll give her statement but we're taking this case."My eyes widened at that. "But... but I thought-"Marahang pinisil ni Pierce ang kamay ko at sinalubong niya ang mga mata ko bago muling nagsalita. "We're taking it."As if on cue, the police doors opened again. Iniluwa no'n si Lia at Gun na humahangos na pumasok sa loob. Tulak-tulak pa ni Gun ang stroller ng kambal nila na tulog na tulog doon. Hindi lang sila ang pumasok dahil kasunod nila si Lucienne na naka-pajama pa na iba't iba ang kulay habang sa likod niya ay nandoon ang asawa niya na si Thorn na karga rin ang anak nila. Tanging si Axel, Coal, Domino, at Luna lang ang wala pero nakita ko na may hawak na tablet si Trace at kasalukuyang bukas ang video call niya.I don't know why but I started crying again. This time though it was for a different reason.I grew up in a large family. They're a busy bunch but I know that if it's possible right now, they would all be here too. Pero sa kabila no'n ay pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng isa pang pamilya. I'm no one to them but they're all here."Hoy! Bakit umiiyak si idol?!"Boses iyon ni Domino na rinig ko sa hawak ni Trace na tablet. Umangat ang kamay ko para punasan ang luha ko pero bago ko magawa iyon ay naramdaman ko na may kamay na humawak sa ilalim ng baba ko.My eyes found Pierce who gently turned my face to him. May hawak siya na panyo at marahan na ipinunas niya iyon sa mga mata ko."Stop crying.""Okay," I said but the tears didn't stop."Kitty, stop. You're giving me a migraine."Hindi lang ako ang napatawa sa sinabi niya kundi maging si Savannah at Lia na mas malapit sa amin. Mukhang si Pierce kasi talaga iyong tao na hindi marunong mag-comfort. Okay lang naman sa akin. His presence alone is comforting to me.I looked at the other Dawsons and I found their worried eyes at me. Tanging si Lucienne lang ang nasa ibang direksyon ang atensyon. Kausap niya kasi ang batang police officer kanina na lumapit sa akin na ngayon ay parang natatakot na nakatingin sa babaeng gulo-gulo pa ang buhok na parang hindi man lang nagsuklay nang lumabas ng bahay."May interrogation room kayo?" tanong ni Lucienne."M-Meron po.""Iyon ba iyong katulad sa horror movies na may gumagalaw-galaw na ilaw para makadadag intimidation? Sinabihan ko na ang asawa ko na maglagay ng ganoon sa Dagger pero hindi siya naniniwalang effective 'yon eh.""Wala... wala po kaming gano'n.""Hmm. Eh torture room, meron? Iyong may mga kuryente, plais na pantanggal ng kuko o kaya ngipin, injections-"Hindi na naituloy ng babae ang sasabihin nang makalapit sa kaniya ang asawa niya at tinakpan ang bibig niya. Nagpapaumanhin na tumingin sa amin si Thorn. "Pasensya na kayo. Kagigising lang ng asawa ko. Kapag naalimpungatan 'to ng ganitong oras, lumalabas ang isa niyang pagkatao."Pinalo ni Lucienne ang kamay ni Thorn at masama ang tingin na ibinigay niya rito. Lucienne rolled her eyes before she looked at me. Sinuri niya ang kabuuan ko. "Wow. Nice nightie, Belaya."I felt Pierce arms went tight around me but I just smiled at Lucienne. I know what she's doing and I'm grateful to her.I read about what happened to her. If your life is surrounded by darkness, even if it ended and you find the light... you won't want to live day by day relieving it. That's why she's not asking any questions or telling me words that others will only keep on telling me. Kamusta ako, anong nangyari, sana mahuli ang gumawa nito, at kung ano-ano pa. She wanted to act normal like this is just an ordinary day. Nang dumako ang tingin ko kay Lia at bigyan niya ako ng maliit na ngiti ay alam kong kahit hindi siya magsalita ay naiintindihan niya rin.They're women who experienced terrible things inflicted to them by others, but still they're here even though I know that what happened to me is also making them remember."I'm okay... or at least I'm going to be fine. I'm just a little shaken up but I'll bounce back from this," I told the room but more to Lucienne and Lia.I turned to the police office that will get my statement. Kinuyom ko ang mga kamay ko at nagsimula akong magsalita."I went out drinking with a friend and when I came back I notice that there's a flower on my bedside table. That was weeks ago. I was too drunk to think more of it. Nang gumising naman ako ay inakala kong ako lang ang naglagay doon no'n. Sometimes I feel like someone's following me or looking at me, but I got a job that made something like that normal. I learned to drown that out. When I'm in my home and I feel that way, I just shrug and think that I'm being paranoid. But this time it was different. I don't think he meant for me to see him. Nagising lang talaga ako kasi may tumawag sa akin. Then I saw him... or the shadow of him in my closet. I don't know how long... how long he was inside my home."Pinagpatuloy ko ang pagkukuwento sa kanila nang lahat. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang mga sinabi sa akin ng lalaki na nagtangkang dakipin ako at kung paano ako nakakawala. Once in awhile I can feel Pierce's anger surging up as I told them what really happened. Pero hindi siya umalis sa tabi ko kahit pakiramdam ko ay mas gusto niyang simulan na hanapin ang gumawa nito sa akin kesa ang manatili sa kinaroonan namin.I managed to tell them everything when my eyes went to the police station's doors again. Napatayo ako mula sa kinauupuan nang makita kong kunot na kunot ang noo na pumasok si Kuya Cross na kasunod si Sebastian. Mukhang sinundo siya ng manager ko sa ospital dahil naka-uniporme pa rin si Kuya.Pinakawalan ako ni Pierce at patakbong nilapitan ko ang kinaroroonan ng bagong dating. Naunang yumakap sa akin ang nag-aalalang si Sebastian pero nakuha rin ako kaagad sa kaniya ng kapatid ko. Yumakap sa akin si Kuya pero saglit lang iyon dahil bahagya niya akong inilayo para tignan ang mga galos ko. He cursed under his breath when he saw my scrapes."Dagger updated Sebastian. Nagpadala rin sila ng email kay Ate Vodka. They can't lift the lockdown so they contacted me and Sebastian brought me here." Kita ang galit sa mga mata niya nang humigpit ang mga kamay niya sa braso ko. "Who would do this to you? Who's stupid enough to mess with our family?""Kuya..."Humarap siya sa pulis na binigyan ko ng statement ko bago siya tumingin sa kinatatayuan ni Pierce. "Our family will handle this.""Kuya-""We already got it."Dumilim ang mukha ni Kuya Cross nang magsalita si Pierce. Bago pa siya may masabi ay hinawakan ko ang braso niya at marahan na pinisil ko iyon. When he looked down at me I know that he's not angry at them. He's angry at the situation.Kuya Cross is the most gentle one in all of my siblings. He's also the most level headed. Nag-aasaran man kami at minsan ay nagkakapikunan pero hindi ibig sabihin ay hahayaan niya na lang kapag may nangyari sa aming magkakapatid lalo na sa aming mga babae."I already gave them my case before this happened, Kuya.""Binitawan nila ang kaso mo.""And now they have it again." Pilit na nginitian ko siya. "You know Ate Vodka will understand and you know taking a client from someone is wrong.""You're family.""When you take my case, it will just become a case and you know that."It's a common decorum. The few private agencies in this country might give each other cases but they don't take one from another specially if it's decided. It's not right and it will violate the protocol."I know that you're worried of her, but we'll take care of her."Kay Pierce ulit iyon na nanggaling. Lumapit siya sa amin at naramdaman ko ang mga braso niya na pumalibot sa balikat ko."We'll take this seriously," Pierce said."She's my sister.""Kilala namin ang organisasyon ninyo. We might just be the top 2 but we worked with your family for a few cases. Mas tamang sabihin na ibinigay nila sa amin ang ilan habang kami rin ay gano'n din sa kanila. In my understanding, your organization focus on rescue missions more. Rescue, retrieving, and high risk missions. When the cases will gain publicity, your organization usually transfer them to us because that's our specialty and your family likes to keep their business private. But Dagger handle controversial cases and our forte is in security and investigation. You can trust us to handle your sister with care. This is not out of ego and Vodka Lawrence knows that. Kung hindi namin kaya ay hindi namin i-ri-risk ang kliyente namin. We will transfer the case immediately to her." Sinalubong niya ang tingin ng kapatid ko. Walang pagmamalaki kay Pierce. He's just stating facts. "We're two highest ranked companies in one province. There was never an issue between us the moment that we moved the company here in Tagaytay. Your organization and ours manage to utilize each others connections even before we came here. We'll do what we always do and that is to give our best to our client."Kuya Cross went quiet for a moment. Just like me he was never interested with the organization. We're too independent and too hardheaded to follow the footsteps of our parents. Parehas kaming may gustong patunayan. The organization will always be behind our decisions but this time this is mine."I know I could be impulsive and stupid sometimes but if Ate Vodka doesn't agree, Dagger will know already right at this moment. Alam mong hindi siya gagawa ng desisyon na hindi tama."Tiim ang bagang na tumingin siya kay Pierce. "Did our sister responded?""She gave her approval."My brother cursed silently again. Naiiling na hinawakan niya ako sa braso at hinila palapit sa upuan kung saan ako nakaupo kanina. Alam naming pareho na wala kaming magagawa sa desisyon ng kapatid namin. Not that I want to burden the organization with my problem. Alam kong madami na silang hawak. The family business won't be in lockdown if everything is okay there."Did you tell mom and dad?" I asked my brother.Sinenyasan niya ang isa na pulis na may hawak ng first aid at kaagad na lumapit iyon sa amin. Hindi nagreklamo ang pulis ng basta na lang kunin sa kaniya ng kapatid ko ang kit."What do you think?"Napabuntong-hininga ako sa naging sagot niya. "Anong sabi?""Mom's arranging a flight back here.""Kuya-""Sinabihan ko na sila na 'wag tumuloy. I told them to trust Ate Vie. Kailangan sila ro'n. They've been preparing for this for two years. Si Daddy gusto pa rin na umuwi pero sinabihan ko siya na bahala siyang magpaliwanag kay Ate na hindi niya pinagkakatiwalaan si Ate na aayusin 'to.""Do they know that this will go to Dagger?"Umangat ang sulok ng labi ni Kuya Cross. Napaigik ako nang simulan niyang linisin ang sugat ko pero hinawakan niya lang ang binti ko para hindi ko iyon mailayo. Sadista talaga.He looked at Pierce who was currently talking to my manager before he turned to me again. "Ako nga pinagalitan ng boyfriend mo. Bahala kang magpaliwanag sa kanila pag natapos na ang charity mission nila."Damn it.Binalot ni Kuya ng gauze ang mga sugat ko nang malagyan niya iyon ng gamot. "You're lucky you don't need stitches.""Pero ang laki ng mga gasgas mo." Si Lucienne ang siyang nagsalita na bahagyang nakanguso. "Di bale mayaman ka naman. Mapapaayos 'yan agad.""She doesn't need a plastic surgery. Our family have an ointment for scrapes like this and it can be used even with big scars. Mawawala agad 'yan," my brother said to her."Oooh. Pwedeng pahingi? Incase saniban na naman ako ng katangahan ko? Lagi kasi akong nagkakaroon ng gasgas." Pinagmasdan niya si Kuya. "Ano nga palang pangalan mo? Saan ka nagtatrabaho? Pedia ka ba para makapagpalit na ako ng pediatrician ng anak ko? Bakit ang gwapo mo?"Pinigilan kong matawa sa ekspresyon na bumalatay sa mukha ng kapatid ko. Para kasing hindi niya alam kung anong iisipin habang nakatingin kay Lucienne. I can't blame him. She's a unique person and she rarely has a filter."Pasensya na," sabi ni Lia na nginitian ang kapatid ko. "Kailangan lang ng almusal ng isang 'to.""Magluluto ka ng breakfast?" namimilog ang mga matang tanong ni Lucienne."Umariba na na naman ang kasibaan mo." Kay Trace iyon na nanggaling na lumapit sa amin. Bumaling siiya kay Lia at kinindatan ang sister in law niya. "Ngayon na ba? Anong klaseng breakfast?""Can we have pancakes, Lia?" Axel asked from the tablet device Trace is holding.Napapabuntong-hininga na napailing na lang si Lia. Mukhang sanay na rin siya talaga sa magkakapatid na mukhang naging trabaho na niyang pakainin."Ipakita niyo muna kaya kay Belaya na concern kayo sa kaniya ano?" sabi ni Lia sa kanila."Oy concern ako," sabi ni Trace at nginitian ako. "Kaya nga nandito ang gwapong si ako.""Concern din kami kay idol. Nagsisimula na nga kaming magtrabaho," sabi ni Domino. "At 'wag kang sinungaling. Ikaw ang pinakapangit sa amin Kuya."I just watched them with a smile as they continued on bickering. When I felt something heavy on me, I turned to my brother and I saw him watching me closely. Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi siya nagsalita at nanatili lang siyang nakatingin sa akin.For some reason it reminded me of that one time when I saw the same thing in my father's eyes.Like they're somewhat happy for me but their hearts are also breaking. Iyong para bang mawawala ako sa kanila kahit alam naman nilang lagi pa rin nila akong makikita. That somehow it's like they're sure that they will need to let me go someday."What?" I asked."Nothing, ugly face.""Mas pangit ka."Itinulak niya lang ang noo ko at umayos na siya ng tayo. His gaze went to Pierce who walked toward us. Nalipat sa lalaki ang atensyon ko pero nakatingin din siya kay Kuya. May kung anong nagdaan sa kanila pero pagkaraan ay inabot ni Pierce ang kamay niya sa direksyon ng kapatid ko na kinuha naman iyon."Pakiingatan na lang, pare," sabi ni Kuya Cross."Will do.""Kung anuman ang gawin niya, please keep in mind that it doesn't reflect to the rest of us. Matitino kaming tao pero hindi ko lang alam kung anong nangyari sa isang 'yan. Ang sabi ni Ate Vie baka raw napalitan si Belaya ng alien noong pagkapanganak sa amin."Naniningkit ang mga mata na tinignan ko ang kapatid ko na nginisihan lang ako. May araw din ang isang 'to sa akin."She's alright. She's harmless," Pierce said.Umangat ang kilay ng kapatid ko pero sa pagkakataon na ito ay ako na ang binalingan niya. Yumuko siya ng bahagya para masigurong ako lang ang makakarinig ng sasabihin niya."Aminin mo. Saan ka nakabili ng gayuma na effective at mukhang may nalinlang ka atang kawawang nilalang?""Kuya, lumayo-layo ka sa akin bago ko makalimutan na kapatid kita at bigla na lang kitang sakmalin," banta ko sa kaniya.Tinawanan niya lang ako sa lalo kong pagkaasar ay hinawakan niya ako sa balikat at para bang manika na iginalaw niya ang katawan ko para mapaharap ako kay Pierce. Bahagya niya akong tinulak sa direksyon ng lalaki na kaagad naman akong sinalo."Bahala ka na diyan, pare. Ipagdadasal ko na lang na magkaroon ka pa ng mahabang pasensya."Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka bumulagta na ang kapatid ko pero gaya ng inaasahan ay balewala lang sa kaniya iyon.My irritation immediately disappeared when I felt Pierce's hand took mine. For I don't know how many times, I felt his hand curved my fingers into a paw. Nag-angat ako ng mukha sa kaniya at nakita kong nasa akin din ang atensyon niya."This kitten would be fine with me."After everything that happened today, pakiramdam ko ay may kung anong naglagay ng lahat ng iyon sa likod ng utak ko. My entire body is gravitating towards this man and all I can do is focus on him. Sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin parang nakalimutan ko na lang bigla kung paanong maging tao.Meow, meow.Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store