ZingTruyen.Store

Call Me Mayor Book 01




Last update for this week, pahinga muna. Happy weekend, see you nextweek!





"Sigurado bang okay ka lang diyan?"Pangatlong beses ko ng tanong kay Primo, paano ba naman talagang hindi din ako tinigilan at dito daw talaga siya magpapalipas ng gabi. At dahil hindi kami kakasya sa kama ay ako na lang ang pinahiga niya dito samantalang siya naman ay nasa sahig. At oo nandoon na tayo sa may kasalanan siya sa akin pero parang hindi naman niya deserving na matulog sa sahig kahit pa sabihing may nilatag kami doong kutson. He's a mayor, at alam ko kung gaano siya irespeto ng mga nakatira dito sa Santa Clarita tapos heto at matutulog lang siya sa sahig?





"Oo nga, okay na okay lang ako dito tsaka malamig naman eh." Sagot ni Primo na wala din namang pagpipilian dahil ginusto din naman niya ito. Siya ang nagpilit kaya siya ang magtiis, at talagang pinagkasya din niya ang sarili sa single bed foam na hinihigian niya ngayon.





"Ang kulit mo kase eh, sabi ko naman sa 'yo umuwi ka na lang at puwede ka naman magpunta dito ulit bukas diba. Tingnan mo nga 'yan nakakahiya at diyan ka nakahiga." Hindi ko maiwasang mainis, para kaseng hindi katanggap-tanggap na matutulog siya dito dahil nga Mayor siya pero kahit anong paliwanag at pigil ko sa kanya ay mapilit din talaga ang lokong 'to.





"Okay nga lang ako, tsaka alam ko naman na hindi tayo kakasya diyan dahil baka maipit lang kita at maipit ko pa si baby." Hinawakan pa ng alkalde ang kamay ni Serenity at pinisil 'yon. Nahihiya ito dahil dito lang siya sa sahig nakahiga pero wala naman sa kanyang problema 'yon basta kasama niya ito ngayong gabi. At kahit nga siguro sa banig ay papayag siyang matulog basta katabi niya ito.





"P-Pero Mayor ka, nakakahiya at diyan ka matutulog." Mahina kong sabi. baka isipin niya pa sinasamantala ko ang pag-iinarte ko at pinapahirapan ko siya kaya ganito.





"Hindi na ako mayor kapag ako ang kasama mo, asawa mo na ako Serenity at magiging tatay ng anak natin."





Hinila ko ang kumot hanggang sa may dibdib ko, magaling talagang magsalita ang lalakeng ito eh. Parang maiisip mong nang-bobola. "Sige na nga, matulog na tayo at anong oras na din naman." Mag-aalas onse na kase ng gabi at ganitong oras naman kami madalas natutulog sa mansyon nung nandoon pa ako. Pero madalas talaga ay hindi naman kami natutulog sa kaharutan niya.





"Goodnight, dream of me wife.." He even kissed her hand before he closed his eyes, and he's one hundred percent sure now that he will have a good sleep.






Halos sabay lang nagising sila Serenity at Primo kinaumagahan at siguro nga simula ng mag-away silang mag-asawa at malaman ng alkalde na buntis ang asawa ay ngayon lang siya nakatulog ng mahimbing. He really had a good sleep last night kahit pa sabihin nagka-balu-baluktot siya sa hinihigaan ay ayos lang.





"Paano ako maliligo?" Nilingon ni Primo si Serenity na alam niyang nakatayo sa may pintuan ng banyo, nakapag-almusal na sila at kasabay pa nga nila si Lina na kumain kanina at dahil may pasok siya sa munisipyo ay kailangan na niyang mag-ayos ng sarili.





"Anong papaano? Eh di pihitin mo 'yang gripo para malagyan ng tubig ang timba at gamitin mo 'yang tabo para maligo ka." Paliwanag ko sa kanya, wala naman kaseng shower ang banyo namin pero atleast may bidet naman kami at naka-tiles din ang sahig nito.





Napatitig na lang ang alkalde sa asawa dahil hindi niya pa nasusubukan na maligo na ganito ang gagamitin. Bago niya muling tiningnan ang kulay pulang timba na nakasahod sa gripo.




"Dalian mo na at anong oras na din, baka ma-late ka na niyan." Sabi ko pa habang pinupunasan ang basa kong buhok, puwede naman na akong maligo at kahapon nga ang unang beses na nakaligo ako simula ng maospital ako. Pero nag-iinit pa din ako ng tubig para hindi mabigla ang katawan ko sa lamig.



"Okay, okay I will figure out this." At wala ng nagawa pa si Primo kung hindi isara ang pinto ng makakilos na.




Halos bente minutos din ang tinagal niya sa banyo at hindi nga namin maiwasan ni Lina na matawa dahil nga first time niya pa lang pala maligo na timba ang gagamitin. Sanay kase siya na shower lang at pipihitin na lang ang bukasan at lalabas na ang tubig.




"Stop laughing, nakaligo naman ako ng maayos." Ani ni Primo na nagsusuot na ng polo, pinag-plantsa pa nga siya ni Serenity dahil gusot-gusot pala ang mga damit niya nakalagay sa sasakyan niya.




"Pero nahirapan ka pa din." Muli akong ngumiti, tinawag niya pa kase ako at tinanong kung saan daw siya magto-toothbrush kaya tinuruan ko pa at binigyan ko siya ng baso. Wala kaseng lababo sa loob ng banyo namin pero ng ma-explain ko naman ay ayos na.


"Bukas alam ko na ang gagawin."




"Hoy anong bukas pinagsasabi mo diyan?" Wala ng bukas no, doon ka na uuwi sa mansyon mo mamaya." Sabi ko agad, aba huwag naman niyang sabihin na namihasa siya dahil pumayag ako kagabi na dito siya matulog tapos mamaya ulit.


"Nahhh, dito ulit ako uuwi mamaya at hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabalik sa bahay." Hindi din papatalo na sabi ng alkalde, humarap siya sa salamin at tiningnan ang sarili at mula sa kanyang likuran ay nakita niya si Serenity na nakabusangot kaya naman agad siyang humarap dito. "Bawal sumimangot, baka mamaya naka-ganyan na din ang baby natin."



"Primo!" Tatanggalin ko sana ang kamay niyang nakahawak sa beywang ko pero mas lalo niya lang hinigpit ang kamay doon.




"Kagabi ko pa ito gustong gawin at ngayon pa lang nagso-sorry na ako." At tsaka niya hinalikan ang labi ng asawa, madiin at puno ng pagka-miss ang halik na ginawad niya dito. At kung masapak man siya kung sakali ay ayos lang talaga sa kanya dahil atleast nahalikan naman niya ito.


Hindi naman agad nakakibo si Serenity sa nangyari, he kissed her! At wala man lang paalam 'yon!




"Ayoko na nga, imbes na sasama ako sa 'yo munisipyo ngayon nagbago na ang isip ko." At inirapan ko pa siya!




Kaya naman ang alkalde naman ang parang napatda sabay hawak sa kamay ng asawa. "Hindi nga sasama ka sa akin sa office?" Masayang tanong niya dito.




Umiling ako, hindi niya ba napansin na nakabihis na ako gaya niya? "Hindi na, dito na lang pala ako sa bahay. Magnanakaw ka kase eh, magnanakaw ng halik!"




#Maribelatentastories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store