ZingTruyen.Store

Call Me Mayor Book 01





Hi! May excess copies po ako ni Sultry Seductive and Sky amaniego, open po for installment ang book. Pm niyo lang ako sa fb page ko.







"A-Ano bang sinasabi mo? H-Hindi kita maintindihan." Parang maiiyak na sabi ni Serenity sa asawa, paanong naging baog siya? Naguguluhan na tanong niya sa sarili. Hindi niya kase talaga maintindihan ito at kung bakit galit si Primo ngayon, samantalang hindi pa din naman siya sigurado kung buntis nga ba siya o hindi. 



"You heard it, I'm a barren man Serenity kaya imposible ang sinasabi mong buntis ka at ako ang nakabuntis sa 'yo unless nagpagamit ka sa ibang lalake." Napaka-seryoso ng anyo ni Primo, at wala na ang kislap sa mga mata nito habang nakikipag-usap kay Serenity. At oras na malaman niya kung sino ang lalake nito ay siguradong mapapatay niya ang hayop na 'yon. 



Para naman akong naghagilap ng sasabihin dahil lalo lang akong naguluhan kung buntis nga ba ako o ano. Pero 'yon talaga ang tingin ko dahil hindi pa ako nagkakaroon simula noong isang buwan. Hindi naman kase pumapalya ang buwanang dalaw ko kaya alam ko kung kailan ba ako nagkaroon at hindi. 



Binitiwan na ng alkalde ang pagkakahawak niya sa braso ng asawa, isa ito sa masasabi niyang sikreto niya. He's infertile, he have abnormal sperm production and that's so fucking frusrating on his side because he want also to build his own family. Pero lahat ng 'yon ay pangarap na lang at hindi mangyayari. He got an accident 10 years ago that caused his infertility, kaya napaka-imposible ng sinasabi sa kanya ngayon ni Serenity na siya ang nakabuntis dito. 



"P-Primo.." Natatakot man ay tinawag ko pa din ang pangalan niya, hindi ko alam kung ano ba ang iniisip niya ngayon dahil hindi naman siya nagsasalita. At kahit masakit ang pagkakahawak niya sa braso ko kanina ay hindi ko na nagawang iinda 'yon. 



"Get dress, ipapatingin kita sa doktor." Sabi ni Primo na parang nag-isip pa kung ano bang dapat gawin, gusto niyang makasigurado kung buntis ba si Serenity o hindi para alam niya ang sunod na gagawin. 





   Sa isang pribadong clinic dinala ng alkalde ang asawa, wala pa ngang alas otso ng umaga ay nandoon na silanf dalawa. Kilala niya ang doktor dito kaya naman hindi ito nakatanggi sa kanya ng tawagan niya. Napaka-tahimik din ng naging biyahe nila dahil wala man lang ni isa sa kanila ang nagsasalita, hindi na siya nagpamaneho pa sa driver niya at sa halip ay siya na lang ang nag-drive. While Serenity is scared to talk specially she saw her husband got mad earlier. 



"Congratulations po Mayor and sa inyo din po Mrs. Suarez, it's confirmed seven weeks po kayong buntis." Masayang anunsyo ng babaeng doktor habang nakatingin pa sa monitor.



Pero imbes na matuwa dahil magkaka-anak na ay napa-igting lang lalo ang panga ni Primo at hindi na maipinta ang mukha nito dahil sa kinokontrol na galit. Samantalang si Serenity naman ay binalot ng kaba dahil sa nakikitang ekpresyon ng asawa. Ngayon niya lang nakita itong ganito at sigurado siyang pinag-iisipan na siya nito ng masama kagaya kanina. Kinausap pa sila ng doktor matapos makumpirma ang pagbubuntis niya at ipinaliwanag sa kanilang dalawa ang mga dapat at hindi dapat gawin habang nagbubuntis si Serenity, niresetahan din sila nito ng vitamins at pati na din gatas na makakatulong sa pag-develop ng baby. 





Suarez mansion..

"Tell me now Serenity, sino ang naka-buntis sa 'yo?" Parang sasabog na bulkan si Primo pagpasok na pagpasok pa lang nila sa loob ng kanilang silid. Kanina niya pa gusto komprontahin ang asawa paglabas nila ng clinic at maski pagsakay nila ng kanyang sasakyan pero naisip niya kase na baka mabangga lang sila kung doon sila nagtalo. Pero ngayon ay sila na lamang dalawa ang nandito kaya puwede na siyang magtanong ng magtanong sa asawa. 



"Alam mo na ikaw ang unang lalake sa buhay ko Primo kaya bakit ganito ba ang sinasabi mo sa akin at pinag-dududahan mo ako?" Sinagot ko lang din ng tanong ang tanong niya dahil unang-una wala naman akong lalake. At hindi naman ako siraulo para mang-lalake lalo pa at kasal ako sa kanya. Oo labag sa loob ko ang pagpayag sa gusto niyang kasal pero dahil unti-unti ko siyang nakilala ay unti-unti din akong nahulog sa kanya. 



Doon na parang mas lalong nagalit si Primo dahil alam niyang niloloko lang siya ni Serenity. Imposible, napaka-imposible na mabuntis niya talaga ito dahil baog siya! Yes he tooked her countless time and made sure he always cummed inside her but it doesn't mean he can make his wife pregnant. Kaya sa labis na galit na nararamdaman niya dito ay naibato niya ang ilang gamit na nandoon sa loob ng silid nila. Gusto niyang magwala, gusto niyang ilabas ang galit sa loob ng dibdib niya dahil pakiramdam niya ay hindi siya deserving sa ganito. 



Samantalang natakot naman si Serenity sa nakikita dahil parang hindi ang kilala niyang Primo ang kasama niya ngayon. Pero ng makita niya na nasugatan ang kamay nito ay doon na siya naglakas loob na lapitan ang asawa. 





"P-Primo.." Umiiyak ng sabi ko, parang ayoko kase maniwala sa sinasabi niyang wala siyang kakayahan na makabuntis dahil ang sipag-sipag nga namin na magtalik at halos gabi-gabi din kaming nagsisiping. "N-Narinig mo naman ang sinabi ng doktor diba? B-Buntis ako, at dapat matuwa ka nga dahil magkaka-anak na tayo diba?" May sugat ang kamay niya na sa tingin ko ay nasugat dahil sa pagbato niya ng flower vase kanina. 



"Pagak naman natawa si Primo sa sinabing 'yon ni Serenity. "Matuwa? Did you heard what you've said Serenity? Bakit ako matutuwa kung alam kong hindi naman akin 'yan." Pilit niya pang inalis ang pagkakahawak ng kamay nito sa kanya dahil parang nangdidiri siya dito. Hindi niya sukat akalain na magagawa nitong lokohin siya, oo may mali siya siguro dahil hindi niya naman sinabi na hindi sila magkaka-anak pero hindi sapat 'yon para magloko ito. He treated her so well, hindi niya kailanman itong ginawan ng hindi maganda at alam niya sa sarili niya na halos itrato niya itong parang reyna. Tapos ito lang pala ang isusukli nito? Na magpapabuntis lang ito sa ibang lalake?



"Primo naman, bakit mo ba pinagpipilitan na hindi sa 'yo 'to? Sa tingin mo ba magagawa kong lokohin ka? Eh kasal tayo at halos araw-araw tayong magkasama." Sabi ko sa kanya dahil hindi ako papayag na ulit-ulitin niyang sabihin sa akin na hindi siya ang ama nito at hindi siya ang nakabuntis sa akin. 



"Sinabi ko na diba? Oo hindi ko sinabi sa 'yo na hindi kita mabubuntis bago kita pakasalan, na may diperensiya ako pero putangina naman Serenity bakit mo naman ako nagawang lokohin?" Hindi pa din papatalo na sabi ni Primo, hinding-hindi siya maloloko ng sino man at kahit ito pa mismo. 



Tiningnan ko siya ng maigi, sarado ang isip niya at parang hindi ko pa ma-absorb lahat ng nangyayari. At kahit anong paliwanag ang gawin ko ay alam kong hindi niya ako papakinggan kaya mas mainam siguro na wag ko siyang sabayan sa galit niya. 



"Hindi kita niloko Primo at lalong wala akong lalake kung 'yon ang iniisip mo, Hindi kita kayang lokohin at lalong hindi ko kayang gawin 'yon." Pinal na sabi ko sa kanya, ewan ko at kung bakit naisip niya na kaya ko siyang lokohin at kaya kong mang-lalake samantalang araw-araw naman kaming magkasama at pinapabantayan din niya ako sa mga bodyguards niya. 



"But you did, you fooled me Serenity. Hindi lang tiwala ko sa 'yo ang inalis mo sa akin dahil alam mo kung ano pa ang nararamdaman ko ngayon? Nangdidiri ako sa 'yo." And his face expression told it, he loathed her and feel disgusted on what she did to him. Hindi niya na nga napigilan ang sarili at nilapitan niya ito ulit at hinawakan pa ito sa panga. "Let's end this, umalis ka na sa pamamahay ko hanggang kaya ko pang pigilan ang sarili ko na huwag kang saktan. Hindi ako papayag na iputan mo ako sa ulo Serenity dahil kahit anong ipilit mo ay hindi ko aakuin ang batang 'yan."


#maribelatentastories












Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store