BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)
CHAPTER TWENTY-ONE
THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!
This book si also available in ALL National BookStore branches NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for more details.
https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611
**********
Natigil ang pag-uusap namin ni Nikolai nang tumawag ang cardiologist ni baby Niko. Nasa kanila na raw ang resulta ng ginawang two-dimensional echocardiogram ng anak ko at gusto niya akong makausap agad. Kinabahan ako.
"Is everything all right?" tanong agad ni Nikolai sa akin nang maibaba ko ang telepono.
"I need to go – I mean, Niko and I need to go," at tumayo na ako.
"Niko?" tanong niya at tumingin siya sa anak namin. Biglang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. "You named him after me?"
"No. His name is Leif Nikolaus."
"Still sounds like mine," sabi niyang nakangiti pa rin.
Hindi na ako sumagot pa. Hinarap ko ang bata at sinabihang pupunta kami sa doktor niya nang mga oras na iyon. Bigla itong napa-yehey.
"Makikita ko na naman si Doc Beauty, Mama!" natutuwa nitong sabi. May kung anong humaplos sa puso ko. Napaluhod ako sa harap nito at hinagkan siya sa pisngi. Hindi ko napigilan ang mapaluha. Nangunot ang noo niya at pinahiran ang mga luha ko. "Ba't ka na naman umiiyak, Mama? Ayaw n'yo bang tawagin kong beauty si Doc? Gusto n'yo bang kayo lang ang sabihan ko na maganda?"
Natawa ako. "Hindi anak. Halika na nga," at hinila ko siya sa kuwarto para bihisan na naman. Nagpalit na rin ako ng damit. Nang handa na kaming dalawa, pinuntahan ko si Inay sa kusina at sinabihang siya na muna ang bahala kay Nikolai at pupunta lang kami ni Niko sandali sa klinika ng cardiologist niya sa bayan.
"Where are you guys going?" nalilitong tanong ni Nikolai habang nagmamadali kaming mag-ina na lumabas ng bahay.
Tamad na sana akong mag-esplika pero mapilit siya. Sa mabilisang paliwanag sinabi ko ang dahilan ng pagmamadali namin. Nakita ko siyang namutla. Napatingin siya kay Niko.
"Will he be all right?" may tensyon na sa boses niya.
"Yeah, I think so," matatag ko namang sabi.
"I'll go with you," sabi agad nito at sumunod na rin sa amin. Napatingin ako kay Inay at sumenyas naman itong huwag na raw akong magmatigas. Hayaan ko na raw nang malaman din niya ang tunay na kalagayan ng anak. Wala nga akong nagawa kundi pasamahin ko siya.
Gulat na gulat ang doktora nang dumating kaming kasama si Nikolai. Parang bigla itong nataranta. Pinakilala ko sila. Hindi ko binanggit ang kaugnayan namin ni Nikolai, pero ito na ang nagsabi no'n sa babae. Napangiti ang doktora at hinarap nito si Niko na ngayo'y parang nahihiya na hindi matindihan sa harap ng cardiologist niya.
"Kumusta ka na, Pogi?"
"M-Mabuti naman p-po."
"Kaya naman pala ang pogi-pogi mo. May pinagmanahan ka pala," at ginulu-gulo ng doktora ang buhok ng bata.Dinala niya kami sa loob ng kanyang klinika. May pinakita siya sa amin sa screen ng computer niya at pinaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng mga screen shots na iyon. Nakahinga ako nang maluwag nang sinabi niyang dalawa sa malalaking butas sa puso ni Niko ay nagsara na. Pero may isa pang hindi.
"Paano na po iyan? Hindi na po ba magsasara iyan?" nababahala kong tanong.
"Limang taon pa lang naman si Nikolaus, e. Malaki pa ang possibility na magsasara pa iyan habang nagkakaedad."
"Paano po pag hindi?" tanong ko ulit.
"Kung hindi – kakailanganin niyang operahan," walang kagatul-gatol na sagot ng doktora. "Pero huwag kayong mabahala. Simple lang naman ang problema ng anak n'yo. Madali iyang masolusyunan. Kung gusto n'yo ng second opinion, maaari ko kayong irekomenda sa kakilala kong doktor sa Heart Center."
Nahilo kaagad ako nang marinig ang sinabi niya. Heart Center. Nakapagpaopera na doon si Itay ilang taon na ang nakararaan. Ang laking gastos no'n. Mabilisan kong kinuwenta ang natitira kong pera sa bangko. Naku, baka kakapusin ang savings ko.
"Does he need an operation?" halos pabulong na tanong ni Nikolai sa akin.
"M-Maybe," mahina kong sagot.
Bigla na lang niyang hinila si Niko at kinandong. Nakita kong tumulo ang kanyang luha. Hinagkan niya ang anak nang ilang beses habang tahimik na lumuluha. Nalito naman ang bata. Napatingin ito sa ama nang nakakunot ang noo. Pagkatapos tumingin ito sa akin at sa mahinang boses ay nagtanong ng, "Mama, bading ba ang papa ko?"
Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ako nakasagot. Napadilat naman si Nikolai at napatingin sa anak. Tumawa naman nang mahina ang doktora.
"Kanina pa siya umiiyak. Kahit doon sa bahay," paliwanag naman ni Niko kung bakit niya iyon naitanong.
Mabilis na pinahiran ni Nikolai ang mga luha. May sumilay ring ngiti sa kanyang mga labi. Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag sa kanya ang tanong ng bata dahil mukhang naintindihan naman niya.
"I'm not gay, baby," nakatawang sagot pa niya kay Niko at hinagkan uli ito. Nang makitang hindi ito naitindihan ng bata, pinaliwanag niya ang sinabi sa Tagalog. Napatakip naman sa bunganga si Niko na parang nahuling may ginawang masama. Tumingin ito sa akin at alanganing ngumiti.
"Naintindihan niya, Mama!"
Napangiti na lang ako.
Pag-uwi namin sa bahay, nasa sala na si Itay. Nagmano ako agad sa kanya. Gano'n din sana ang gagawin ni Nikolai, pero mabilis itong tumalikod. Nabigla ako sa inasal ng aking ama. Hindi naman siya ganoon dati kay Nikolai. Napatingin ako kay Inay. Sa tinginan naming dalawa, nahulaan ko nang naipaliwanag na ng nanay ko ang pangyayari kay Itay.
"Ano'ng ginagawa ng lalaking iyan dito, Leigh?" malamig na tanong ni Itay.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang isasagot ko. Hindi pa kami klarong nakapag-usap ni Nikolai ng tungkol sa aming dalawa. Hindi naman kasi porke malaya na siya ay kami na agad-agad.
"I'm here for my family, s-sir," sagot naman ni Nikolai. Hindi na Ta-thay ang tawag niya kay Itay. Nang mapasulyap uli ako sa aking ama, nakita kong umigting ang mga ugat niya sa pisngi. Hinarap nito si Nikolai.
"Hindi ka na dapat pumunta rito. Wala kang pamilya rito. Ang kapal ng mukha mong magpakita uli sa amin pagkatapos ng ginawa mo sa anak ko! Umalis ka na sa pamamahay ko habang nakakapagtimpi pa ako!" sagot naman ni Itay. Nakakuyom ang dalawa nitong palad sa tagiliran.
Namula si Nikolai. Parang napahiya. Ganunpaman, hindi siya tuminag. Humingi siya ng dispensa sa ama ko. Mabilisang nagpaliwanag, pero nagtaas ng dalawang kamay si Itay. Pinapatahimik siya.
"Huli na ang mga paliwanag na iyan. Matinding pasakit ang ginawa mo sa anak ko – pati sa apo ko. Hindi ka nila kailangan. Umalis ka na!"
Nang hindi pa rin tuminag si Nikolai. Lumapit na sa kanya si ItayGinamitan na siya ng baston. No'n na nakialam si Inay.
"Marciano, tama na! Pumunta siya rito sa akin bilang tao. Huwag mo siyang bastusin."
Tahimik naman akong lumuha sa tabi. Naramdaman kong napakapit sa t-shirt ko si Niko. Nang sulyapan ko siya, nakita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.
"Ba't galit si Lolo kay Papa?"
"Kita mo na? Pati apo mo'y apektado na," si Inay uli. "Leigh, ipasok mo nga muna sa kuwarto n'yo i Pogi," sabi naman ni Inay sa akin.
Mabilis kaming tumalima. Pero bago iyon, napasulyap ako kay Nikolai na ngayo'y malungkot na malungkot. Pero hindi ito kakitaan ng pagsuko. Parang wala ngang balak umalis. Kinabahan akong hindi maintindihan. Minsan lang kasi magalit nang ganoon si Itay. Medyo natatakot nga ako kung ano'ng kahihinatnan no'n mamaya.
Inusisa uli ako ni Niko kung bakit galit ang lolo niya sa Papa niya. Hindi ako nakasagot. Hinagkan-hagkan ko lang siya sa pisngi habang pinapatulog.
"Saka ko na lang ipapaliwanag, anak, ha? Kasi kahit ikukuwento ko sa iyo ngayon hindi mo naman maiintindihan, e."
"Ayaw kong umalis si Papa. Gusto kong nandito lang siya sa atin, Mama. Kasi gusto ko pa siyang ipakilala sa mga kaklase ko sa school. Gusto kong malaman nila na may papa rin ako tulad nila."
Napakagat ako ng labi. No'n ko lang narinig iyon kay Niko. Hindi ko sukat-akalain na sa bata niyang edad ay may ganoon siyang pag-iisip. Lumitaw tuloy sa imahinasyon ko ang mga hitsura ng mga kaklase niya. Inaaapi kaya nila ang anak ko?
Hinaplos-haplos ko ang noo at pisngi ni Niko habang kinakantahan. Mayamaya'y pumikit na ito. Nang masiguro ko nang tulog na siya, dahan-dahan akong bumaba sa kama. No'n naman may kumalabog. Dali-dali akong napalabas ng kuwarto. Nakita ko si Itay na napapahampas ng baston sa dingding. Galit na galit. Tahimik lang na nakaupo sa tabi si Nikolai. Mukhang ang mga magulang ko na ang nagtatalo ngayon. Umentra na ako.
"Tay! Ang puso n'yo," naiiyak kong awat sa kanya. Hahampas na naman sana kasi ito ng baston sa dingding.
"Itong nanay mo, nakakita lang ng puti umiral na naman ang pagiging mukhang pera niya! Hindi niya iniisip ang kapakanan mo!"
"Hindi ako mukhang pera! Iniisip ko lang ang kapakanan ng anak ko't apo. Ikaw, kung kelan ka tumanda saka ka naman naging makitid ang utak!"
Napalingon ako kay Nikolai na ngayo'y nakatungo na habang pumipisil-pisil ng kamay. Bigla akong nahiya sa pinagsasabi ng mga magulang ko. Hindi siguro nila alam na nakakaintindi ng Tagalog si Nikolai.
Marahan kong hinila si Inay sa isang tabi at binulungan.
"Ano ba ang pinagsasabi n'yong dalawa? Hindi n'yo ba alam na nakakatindin iyan ng Tagalog? Nakakahiya!"
"Itong huklubang matandang ito kasi!" sagot naman ni Inay at tinapunan nang masamang tingin si Itay. Sasagot pa sana ang aking ama nang bigla na lang itong napahawak sa puso. Nataranta ako. Nakalimutan din ni Inay ang galit niya rito at kaagad ding lumapit kay Itay.
"Boyet! Boyet! Tumawag ka ng traysikel!" sigaw ni Inay.
Humahangos namang pumasok sa sala si Boyet. Nang makita nito ang Itay kaagad siyang lumapit at nababahalang nagtanong pa kung ano'ng nangyari. Binulyawan siya ni Inay.
"Tumawag ka nga ng traysikel sabi, e! Dadalhin natin siya sa klinika ni Dr. Perez sa bayan."
Si Nikolai naman ay biglang napatayo. Nakita kong nabahala rin ito. Lalapit sana ito para para daluhan din si Itay, pero biglang tumigil. Kahit kasi mahina na ang pakiramdam ng ama ko ay nakapagsensya pa siya rito na huwag na huwag itong lumapit.
"I'm sorry. Please go. It would be better if you don't show up here for now," pakiusap ko sa kanya. Marahan ko siyang tinulak palabas ng pinto. Nakita kong may rumehistro na takot sa asul niyang mga mata.
"I'm sorry. Tell your father, I'm sorry. But I'll be back for you, Leigh. I won't let anything get in the way this time. Not even your dad," sagot niya sa akin sa mahinang tinig at napasulyap pa kay Itay.
Paglabas namin ng bahay, hindi traysikel ang naghihintay sa amin kundi taksi. Pinasakay muna kami ni Nikolai doon bago siya pumasok sa isa pang naghihintay sa likuran lang ng sinakyan namin. Nalungkot ako nang makita ko na siyang lumayo.
Nang bumuti-buti ang pakiramdam ng ama ko, pinauna na akong umuwi sa amin ni Inay. Pero bago iyon, madamdamin akong humingi ng dispensa kay Itay. Hindi siya sumagot. Kahit nang nagpaalam na akong umuwi, wala pa rin siyang imik.
Sinamahan ako palabas ng klinika ni Nanay.
"Pakisabi muna kay Nikolai na huwag muna siyang magpakita sa atin. Palagay ko'y ikakasama na ng kalusugan ng Itay mo kung makita pa niya ito uli."
Marahan akong tumango kahit may bumara sa lalamuna ko. Nang tumalikod na si Inay, tumulo ang mga luha ko.
ݛzy$
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store