ZingTruyen.Store

BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)

CHAPTER FIFTEEN

Gretisbored

THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!

This book si also available in ALL National BookStore branches NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for more details.

https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611

The pic that appears here is the portrayer of Nikolai Bjornsen.

**********

Wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak sa unang buwan ko sa Norway. Hindi pa ako makatulog nang mabuti dahil naaalala ko si baby. Panay nga ang Skype ko kina Nanay. Nang ibalita nito na dinala sa ospital ang bata dahil sa mataas na lagnat, parang gusto kong umuwi ora-orada sa Pilipinas. Kaso nga lang wala akong pera at nalibing pa ako sa utang. Oo nga't binigyan ako ni Ate ng panggastos sa pag-alis ko, kinapos din iyon dahil sa mga hindi ko inaasahang gastusin. Siyempre kailangan ko ring mag-iwan ng para sa anak ko.

Para mapanatag ang kalooban ko, nag-Skype ako kay Inay habang tsini-tsek up ng doktor si baby Niko.

"Tumigil ka nga sa kaiiyak. Nagsabi na ang doktor kahapon na okay na si baby. Binabalik lang namin siya para sa follow-up check up."

"In fairness Ate pumuti ka," komento naman ni Boyet.

"Pumuti o namutla?" sabat kaagad ni Inay. "Hoy Leigh Marie, baka nagpapagutom ka diyan sa kaiisip sa anak mo. Mag-concentrate ka sa trabaho at inaalagaan naming mabuti itong poging-pogi kong apo," at pinupog nito sa halik ang bata. Nakita kong humiyaw si baby at nagsabunot ng buhok na parang aburido.

"Ssshhh, baby. May masakit ba sa iyo?" tanong ko naman.

Nakita kong bigla itong tumingin sa screen ng cell phone na hawak ni Boyet. Umunat pa ang kanyang kamay na parang nagpapakarga sa akin. Napahagulgol ako. Pinagalitan na naman ako ng nanay ko.

Dahil sa palagiang pagkakasakit ni baby, nagdesisyon si Inay na iwan na kay Kuya Roman ang bahay namin sa Maynila. Lilipat daw silang apat sa Pangasinan. Pumayag naman kami ni Ate dahil hindi lang si baby ang magbebenepisyo roon kundi pati na rin si Itay. Gaya ng inaasahan, bumuti ang kalagayan ng maglolo. Napanatag ang kalooban ko.

May kahirapan ang trabaho ko sa nursing home no'ng una. Hindi kasi ako sanay mag-alaga ng matanda kahit na pinag-aralan ko iyon ng anim na buwan. Iba pa rin pala kapag nandoon na. May iba pang pasyente na may pagka-rascist. Naranasan ko nang masapok sa ulo. May dumura pa sa mukha ko. No'ng una gusto kong sumuko, pero nanghinayang naman ako dahil maganda ang pasahod at on time pa. Buti na lang nagpursige ako dahil makalipas ang kalahating taon may dumating na pasyente na nagbigay-kulay sa trabaho ko. Ang bait niya sa akin kaya sobra akong natuwa nang i-assign nila ako sa kanya.

"You have a good heart," madamdaming sabi ni Mrs. Hansen nang kinuwentuhan ko siya ng buhay naming mag-anak sa Pilipinas. Nasabi ko rin kasi sa kanya na malaking bahagi ng sweldo ko sa Norway ay pinapadala ko sa amin para pantustos sa pangangailang ng buong pamilya.

"We, Filipinos, are like that. We are very family-oriented. We cannot bear to leave our parents behind without supporting them because we love them so much."

Tumulo na ang butil-butil niyang luha at yumugyog na rin ang kanyang balikat sa pag-iyak. Nataranta ako. Lalo akong pinangambahan nang lumapit sa amin ang supervisor ko at tinanong si Mrs. Hansen kung ano'ng nangyari. Tinapunan pa ako nito ng what-did-you-do look. Natakot naman ako. Inalu-alo ko ang matanda.

"If there's some problem here, I can assign you to another caregiver," sabi pa nito sabay bigay sa akin ng warning look.

"No, no, no. You misunderstood us. Leigh didn't do anything. I was just touched by her story, that's all. You can leave us alone now."

Parang nag-atubili pang umalis ang masungit, pero sinenyasan na ni Mrs. Hansen na iwan na niya kami. Tumalima naman ito.

Palaging ganoon ang eksena namin ng matanda. Sa tuwing nagkukuwento ako kina Inay at Itay, napapaiyak siya. Hindi na ako nakatiis. Naglakas-loob akong magtanong sa kanya tungkol sa pamilya niya. Umiyak siya kaya nabisto kong may hinanakit siya sa mga ito. Tama nga ang sapantaha ko. Ayon sa kuwento niya, pagkatapos daw niyang ipamahagi ang mana ng kanyang dalawang anak ay basta na lang siyang iniwan. Ako naman ang naiyak.

Matuling lumipas ang mga buwan at taon dahil nag-e-enjoy na ako sa trabaho. Naikuwento ko nga kina Inay na malaking blessing ang pagdating ni Mrs. Hansen. Parang nakatagpo ako ng kapamilya. Siya ang tagapagtanggol ko sa tuwing inaapi ako ng iba naming pasyente. Siya rin ang nagturo sa akin ng salita nila. Pero sabi nga nila, good things never last. Isang araw nagulat na lang kaming lahat nang hindi na nagising si Mrs. Hansen. Ang lakas ng iyak ko. Daig ko pa ang namatayan ng kapamilya.

Nang mailibing si Mrs. Hansen, pinatawag ako ng supervisor namin. Pinangambahan ako. Naisip ko agad na baka pinaghinalaan nila akong may kinalaman sa biglaang pagkamatay ng matanda. May takot sa dibdib na pumasok ako sa upisina niya..

"Sit down, Ms. Arguelles."

Pagkaupo ko, may binigay ito sa aking sobre. Pinanlamigan ako. Paaalisin na ba ako?

"Mrs. Hansen was very pleased with your performance. She left an instruction in her diary to give you that. Why don't you open it?"

Nang buksan ko ang sobre, na-shock ako sa nabasa. May iniwang bahay at twenty-five thousand Norwegian krones sa akin si Mrs. Hansen! Namutla ako. Pero sa loob-loob ko'y kinonvert ko na kung magkano iyon sa peso. Mahigit isang daang libo! My gosh!

For the first time, ngumiti sa akin si Dana at binati ako. May inabot rin siya sa aking isa pang sobre. Nire-renew daw nila ang kontrata ko for another three years. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad kong ma-qualify para sa permanent residence permit. At kapag mayroon na ako noon, makakapamuhay na ako sa Norway indefinitely. Kaunting tiis na lang magkakasama na rin kami ni baby!

Kinabukasan, maaga pa lang ay nagpaalam na ako sa mga kasamahan sa bahay na pupuntang Undheim dahil day off ko naman. Gusto kong tingnan ang pinamanang bahay sa akin ni Mrs. Hansen.

Dahil abala sa kakatingin sa train map, bumangga ako sa isang mama. Nagalit ito sa akin. Humingi naman ako agad ng dispensa at nginitian ko siya ng pang-close up smile ko. Bumulung-bulong ito sa sarili. Kung hindi lang daw ako maganda papaluin na niya ang ulo ko ng hawak niyang baston. Napangiti ako nang lihim dahil naintindihan ko na siya.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Naghahanap ng mauupuan. Tatakbo na sana ako sa bakanteng bench nang makita ko ang pamilyar na spiky, blond hair. Si Nikolai ba iyon? Humarap siya at naglakad papunta sa trash bin. Siya nga! Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko. Kasabay no'n nangilid ang mga luha ko. Ilang beses akong nagbakasali sa Oslo sa mga nakalipas na taon, pero nabigo akong makita siya. Dito ko lang pala siya matatagpuan.

Gusto ko siyang lapitan at sumbatan. Ipamukha sa kanya kung gaano kasakit ang ginawa niya sa akin. Pero habang tinitimbang ko sa isipan kung lalapitan siya o hindi, bigla na lang may sumigaw na bata ng "Papa!" Napalingon ako at nakita ko ang cute na cute na batang babae na siguro nagkakaedad tatlo hanggang apat na taong gulang na tumatakbo palapit sa kanya. Kasunod nito ang isang magandang babae.

Matagal ko nang alam na nag-asawa na siya, pero iba pala ang dating kapag nakita mismo ng sarili mong mga mata. As if it was not enough, nakita kong sinalubong niya ang mag-ina at binuhat pa ang bata bago pinupog ng halik. Nagtawanan silang mag-ama. Nang halikan niya ang magandang babae sa labi, napapikit ako. Parang kasing piniga ang puso ko. Nahihirapan pa akong huminga. Nang tumakbo ako palabas ng platform, bigla akong natigilan. May tumatawag sa akin. Akala ko noong una ay nananaginip lang ako. But there it was. Klarong-klaro.

"Leigh! Leigh!"

Paglingon ko, nagtama ang mga mata namin. Parang may kung anong magneto na humigop sa akin papunta sa kanya. Just like in movies, I walked towards him in slow motion. Ganoon rin siya. His warm, blue eyes seemed to reflect what I felt at that very moment.

"Papa?" untag ng batang babae. Hinila pa nito ang pantalon ng ama. Napatingin rin silang mag-ina sa akin. No'n lang ako naalimpungatan.

Imbes na dumeretso, bigla akong umatras at tumakbo palabas. Narinig ko uli ang pagtawag niya, pero hindi na ako lumingon. Nagkubli ako sa grupo ng mga matatandang local tourists na nagdidiskusyon kung saan sila una pupunta. Kitang-kita ko kung paano niya ako hinanap. Nang hindi niya ako nakita, napasuntok siya sa isang poste at tumulo pa ang mga luha. Nangunot ang noo ko sa reaksiyon niya. Bakit tila na-miss din niya ako? Hindi ba't pinagpalit niya ako sa babaeng iyon?

Nakita ko na naman ang mag-ina. Masuyong inakbayan ng babae si Nikolai habang sumusuntok ito sa poste. Niyakap niya pa ito at pinigilan sa ginagawa.

"Papa, bakit?" nag-aalalang tanong naman ng batang babae.

Hindi siya sumagot. Napasabunot siya sa buhok at nagpaakay na sa asawa pabalik sa platform na patungong Undheim.

Napaisip tuloy ako. Saan ba sila nakatira? Sa Stavanger o sa Undheim? Ano'ng nangyari do'n sa Oslo job? Ang alam ko magkasama sila ni Trond sa construction firm sa Oslo bago nagpunta sa Pilipinas. Ang sabi pa nga niya bago umalis, sa Oslo siya dederetso dahil do'n ang work niya. May alam kaya si Ysay? Napabuntong-hininga ako. Gusto ko mang sulatan sa email ang kaibigan, nauunahan ako lagi ng hiya. Hindi ko kasi maamin sa kanila ni Zyra na nabigo ako. Ang dinig ko kasi, pareho silang sinuwerte sa Nordic God nila. Ako lang ang hindi. I'm the loser of the group.

Hindi na ako natuloy sa Undheim nang araw na iyon. Ginugol ko na lang ang oras sa gawaing-bahay. Nagtaka tuloy ang mga kasamahan ko. Inisip pa ng iba na peke ang naturang pamana. Hindi ko na lang sila pinansin.

Kinabukasan sa trabaho, may dumating na namang bagong pasyente. Kaiba sa bibong si Mrs. Hansen, ang matandang ito ay halos hindi nagsasalita. Parang hindi yata nagustuhan ang bago niyang paligid. Dahil bago lang siya do'n, sa akin na naman siya binigay.

"Take good care of her. She's an important patient," bilin sa akin ni Dana.

"Don't worry. I'll do my best."

Nahirapan ako sa kanya dahil ayaw niyang kumain at ayaw ring maligo. Ganunpaman, sinikap kong gampanan nang maayos ang trabaho ko.

"Leigh, is your patient awake now?" tanong sa akin ni Dana nang makita niya ako sa lobby na tumutulung sa isang caregiver sa pagpapaupo sa pasyente niya sa wheelchair.

"She was still sleeping when I checked on her. I'll wake her up in a few minutes because she has a scheduled medication to take."

"Could you wake her up now? And please make her presentable. Her family is coming to visit."

Dali-dali akong pumunta sa kuwarto ng pasyente ko at binalita ko iyon sa kanya. Aba'y bigla itong sumigla. Hindi na ako nahirapan pa sa pag-akay sa kanya sa banyo. Siya na mismo ang nagtungo doon. Tinulungan ko na lang siyang magbihis. Dahil medyo nanginginig na ang kamay, ako na ang nag-make up sa kanya. Nagustuhan niya iyon.

"My daughter used to do that for me," sabi na lang niya bigla. Nagulat ako. Nginitian ko siya ng signature close up smile ko. Lalo siyang nagkuwento. Naantig na naman ang puso ko. Naisip ko tuloy na maswerte ang mga magulang ko sa amin. Kailanman ay hindi siguro namin maiisip na magkapatid na iaasa sa iba ang pag-aalaga sa kanila.

Katatapos lang mag-almusal ng pasyente ko nang tumunog ang intercom at sinabing nasa labas na raw ang bisita ni Mrs. Nielsen. Tinulungan ko siyang maupo sa wheelchair niya at tinulak ko na iyon papunta sa lobby. Nang tumambad sa paningin ko ang nasabing family member ng matanda, namutla ako. Nagulat din siya.

"Leigh!"

Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit. Mas mahigpit kaysa do'n sa yakap niya nang iwan niya ako sa Pilipinas. Napayakap din ako nang mahigpit sa kanya, pero nang ma-realize iyon kaagad ko siyang tinulak. Nakita kong para siyang nasaktan sa ginawa ko.

Yumuko ako sa nagtataka kong pasyente at sinabihan siyang babalikan ko na lang siya pagkaalis ng bisita niya.

"Leigh, wait! I need to talk to you."

"Do you know Engineer Bjornsen?" tanong naman ng nalilitong si Dana.

Ngumiti lang ako sa kanya nang mapakla. Hindi na ako sumagot pa. Hindi ko na rin nilingon si Nikolai kahit ano'ng tawag niya sa akin.

.<

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store