Altairavez Series2 Fierce
Sa bawat paglipas ng mga araw ay patuloy ang kakaibang pagkilos ni Franz. Kapag kumakain kami sa hapag ay nakatulala lang ito at kapag kakausapin ng anak ay hindi agad ito sumasagot at kailangan na maski ako ay tawagin siya. Kapag nasa kwarto naman kami at lalapitan ko ito, lumalayo ito sa akin. May sariling kwarto na kasi si Aryss at gustong-gustong matulog ng bata doon mag-isa, kaya naman naiwan na kaming dalawa ni Franz sa kwarto niya. Kapag yayapos ako sa gabi, aalisin nito ang kamay ko at sasabihin na mainit. Naka bukas naman ang aircon at nakakumot pa siya, paanong naiinitan siya kapag yumayapos ako?
"Franz, did you know na buntis si ate Gio, kuya Dev is the father." Panimula ko habang tumitipa sa aking laptop. Andito kami ngayon sa kwarto at patulog na. May mga sari-sarili nalang kaming ginagawang dalawa para sa trabaho. Napabuntong hininga ako nang hindi nanaman ito marinig na sumagot, nang mag-angat ako ng tingin mula sa aking laptop at tiningnan ito na nasa working table niya, nakatulala ito sa screen ng kaniyag laptop. "Franz, Franz I'm talking to you!" Bahagya kong itinaas ang tono ng aking boses na siyang naka-agaw ng atensyon nito. Napalingon ito sa gawi ko, "What? I'm listening..." ani nito at muli akong napabuntong hininga. "I said ate Gio is pregnant with kuya Dev's kid." Pag-uulit ko, utay-utay itong tumango, "That's good edi--... wait... hindi ba si ate Gio and the Salazar guy are together?" tanong nito, napatango ako. "Well yes, they were, naghiwalay na sila, ate Gio and kuya Dev got back together." sagot ko dito, "For the kid?" tanong ni Franz at napakunot ang noo ko. "If I'm not mistaken, they got back because of the kid and because they still love each other." Pagtatama ko dito, "So ate Gio cheated?" tanong nito at napakunot ang noo ko. "Well... yeah, but she said she was drunk." sagot ko dito, napa-awang ang labi ni Franz at ini-ikot ang kaniyang swivel chair para humarap sa gawi ko. "But she still did, what did Salazar said?" tanong ulit nito at napa kibit balikat ako. "Franz hindi ko alam, nagkwento lang si ate Gio through call, she's happy but at the same time she feel bad for kuya Vernon." sagot ko dito, "She should be, she cheated on him." ani nito at muling napakunot ang noo ko. "What are you trying to say ba? You're making it sound na masama si ate Gio, why don't you look on the other side na magkaka-anak si ate Gio and kuya Dev, you're gonna be a tito." ani ko na may bahid ng inis sa tono ng boses. "Well... she is wrong, have you guys think about Salazar's feeling, he probably feel bad and angry at the same time. Not because you're drunk doesn't mean you can use that as an excuse on stupid things. Sige nga Rio, kapag ako nalasing, and I had sex with other woman, and I got her pregnant, what would you feel?" Natigilan ako sa kaniyang tinuran, nagkatinginan kami ng ilang segundo bago ito tumayo ng kaniyang kina-uupuan. "Let's sleep, this conversation is over." ani nito habang naglalakad papunta sa kama niya kung nasaan ako. Pinanood ko lang ito na humiga sa tabi ko at tumalikod sa akin habang nakapaibabaw sa kaniya ang kumot. Napalunok ako ng laway, parang may kung anong sumuntok sa dibdib ko nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Ano ba namang klaseng tanong 'yon? Siyempre ang sagot don... hindi ko alam. Bakit? Ano ba kami ngayon? Nagkabalikan ba kami? Engaged na ba kami? Kasal? Pinalabas lang niya noong birthday ni Aryss na ikakasal na kami pero ang totoo ay wala pa kaming napapag-usapan tungkol doon. Ang sabi lang niya sa akin noong makabalikan kami ay mahal niya ako. Pero tapos? Mahal niya ako, mahal ko siya, eh ano kami ngayon? MU na parang mga teenagers? Co-parent? Ganun ba kami? Kasi kung ganun lang kami at makabuntis siya ng ibang babae, wala akong karapatan na magalit, dahil wala namang kami diba? Nagsasama lang kami... para kay Aryss. Kasi noong una palang sinabi ko na sa sarili ko na ginagawa ko lang 'to para sa anak ko. Na uuwi lang kami para makita ng anak ko ang ama niya. Hindi naman kasama sa plano ko ang manirahan kasama siya sa ilalim ng iisang bubong at matulog sa iisang kama.
Kinabukasan ay wala pa rin ang umiimik sa amin ni Franz. Mula pagkagising hanggang sa mag almusal kami ay wala halos pansinan sa pagitan naming dalawa. Hindi naman ako galit, pero mukhang siya ay oo. Dahil nakapag enroll na si Aryss sa kindergarten ay may iba na itong sinasakyan papasok. Nasa ibang ruta kasi ang kumpanya ng ama nito, ibang ruta rin sa akin kaya tig-iisa na kaming tatlo ng sasakyan at driver. Sa buong trabaho ko ay hindi ako makapag focus, natutulala at minsan ay para mababaliw na ako sa kakaisip ng nangyari kagabi. Ang iniisip ko lang naman ay yung tanong niya, ano nga bang mararamdaman ko? Gaya ng sabi ko ay wala naman kaming relasyon, wala namang label ang relasyon namin diba? Wala siyang sinabi. At ayaw ko naman na mag-assume na nagkabalikan na kami dahil wala siyang sinasabi. Paano kung ginagawa lang pala talaga niya lahat ng ito para kay Aryss. Paano kapag nag-assume ako tapos iyon pala ay hindi naman ganoon ang tingin niya sa akin?
Paano kapag nakabuntis siya ng iba at magalit ako sa kaniya ay isumbat niya na wala namang namamagitan sa amin. Hindi ba at nakakahiya naman iyon? Kaya mas pipiliin kong manahimik nalang. Kung makabuntis man siya, rerespituhin ko ang desisyon niya. Bahala na siya sa buhay niya, pero basta sa huli, akin ang anak ko. Bakit ba kasi naisip pa niya iyong itanong? Nakakawala sa tamang pag-iisip.
"Wala pa rin si Franz?" tanong ko nang maka-uwi ako ng hapon, si Aryss ay nasa sala at may ginagawa sa kaniyang notebook, hinalikan ko ito sa ulo bago umakyat muna para magpalit ng damit. Day-off ko bukas at walang pasok si Aryss dahil Sabado. Ano kaya ang magandang gawin?
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na rin ako para tulungan at panoorin si Aryss na magsagot ng assignment niya. "Very good naman ang Aryss ko! Naka perfect sa seat work." ani ko nang mabuklat ang notebook ng anak ko. Napatayo ito mula sa pagkakaupo sa sahig at tumabi sa akin. "Sabi rin sa akin 'yan ni teacher mama, ang galing ko daw, very good daw ako. May star pa nga si Aryss, mama, look!" Masayang turan ni Aryss nang ipakita sa akin ang kaniyang braso na may mga nakatatak na star. I gasp, "Ang galing-galing talaga ng anak ko! At dahil diyan, pupunta kami bukas ni Aryss sa kung saan man niya gusto bukas!" Napasigaw si Aryss at napa-palakpak. "Talaga mama?! Punta tayo Ocean Park! Gusto ko makakita ng shark! Roarr!" Napatawa ako sa tinuran at ginawa ng aking anak, hindi naman 'roar' ang tunog ng shark, pero hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang tunog na ginagawa nito. "Okay, finish mo na 'yan tapos wait nalang natin si papa so we can eat na then body wash, sleep, tapos pagkagising mo bukas, pupunta na tayo ng Ocean Park, okay?" turan ko, tumango si Aryss bago naupo na ulit sa sahig at ipinagpatuloy ang ginagawa nito. Nang matapos ito ay nag-aya itong manood ng mga DVD na regalo pa ng kaniyang tito Dev habang naghihintay na rin kami sa ama nito.
"Papa!" Napatalon si Aryss pababa ng sofa at napatakbo sa gawi ng ama nito para yakapin ang binti ni Franz. "Pupunta kami ni mama sa Ocean Park bukas, sama ka papa?" tanong ng bata, walang kabuhay-buhay itong tiningnan ng ama bago umiling. "I'm sorry Aryss, papa have works to do. Kumain na ba kayo?" tanong nito at nakita kong umiling si Aryss. "We're waiting for you papa." sagot ni Aryss at tumango si Franz, "Papa will just change clothes, okay? Then we will eat dinner. Papa is tired, Aryss." ani ni Franz at tumango ang anak nito. Kumalas na si Aryss mula sa pagkakayakap sa binti ng ama bago tumakbo pabalik sa sofa para manood ng nasa TV. Nang marinig nito ang yabag ng ama na pababa na ng hagdan ay bigla itong tumalon ng sofa at hinigit ang kamay ko, "Papa is here na, mama! Let's eat!" ani nito, napatawa naman ako bago pinatay ang TV at nagpadala na sa anak ko sa dining. Binuhat ko ito para maka-upo sa kaniyang upuan. Pumunta na rin ako sa upuan ko at si Franz ay naupo na sa bangko niya na nasa unahan.
"Papa, look oh, may stars ako, bigay ni teacher." ani ni Aryss habang ipinapakita sa ama ang stars, napa-angat ng tingin si Franz mula sa kaniyang kinakain at napatango. "That's very good Aryss, do you want something anak?" tanong nito, napalingon ako dito at napakunot ang noo. Tumango si Aryss, "Di ka ba talaga pwede sumama sa amin ni mama bukas sa Ocean Park? Para happy family tayo papa!" Masayang turan ni Aryss, hindi agad nakasagot si Franz bago napatingin sa akin. "Ahm... I'm sorry anak, pero hindi talaga pwede, next time nalang tayo pumunta ng sama-sama, okay?" sagot ng ama nito bago lingunin siya ulit. Napasimangot si Aryss, "Okay..." sagot ng anak bago nagpatuloy sa pagkain.
Nang matapos kami ay dinala na ng mga katulong si Aryss sa kwarto niya para linisan ang bata para makatulog na. Nang makarating naman ako sa kwarto ni Franz ay naglinis na rin ako ng aking sarili. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Franz na nakahiga na sa kama nito at nakatulala lang sa kisame. Napabuntong hininga ako bago naglakad papalapit dito at humiga na sa tabi niya. "Franz, may problema ba?" tanong ko dito, nilingon ako nito bago umiling. "Wala naman," maikli nitong sagot, "Are you sure? You've been off lately." tanong ko ulit. "Yes, I'm fine, Rio." sagot nito, napakagat ako sa labi ko bago tumango. "Franz-""If you think I'm mad because of last night, I'm not mad Rio. I'm just tired from work, let's sleep." Putol nito bago ako tinalikuran at pinatay na ang ilaw, napabuntong hininga ako bago tumalikod na rin at pinatay ang lampshade sa tabi ko.
Kinabukasan ay hindi na ako gumising ng maaga, dahil siya lang ang may pasok, pinanood ko nalang siya na maghanda para sa kaniyang trabaho. Magkasabay kaming bumaba para kumain. Kasunod namin anng katulong na buhat-buhat si Aryss na inaantok pa ng bahagya. "Magtatagal ba kayo sa Ocean Park?" tanong ni Franz habang kumakain kami. "Hindi ko alam, pero baka matagalan na rin kami, marami kasing pwedeng gawin doon. Kapag hindi naman ay baka mag-aya si Aryss sa ibang lugar." sagot ko dito at tumango si Franz. "Well... have fun and take care, call me when you need anything." ani ni Franz at tumango lang ako. Nauna na itong matapos sa pagkain at nagpaalam na sa anak na aalis na para sa trabaho. Nasa silent hours kasi ngayon si Aryss at ang bagal kumain nito, ayaw ko naman na iwan ang anak ko dito sa hapag kaya hinintay ko itong matapos kumain.
"Pakipaliguan na siya tapos bihisan ng maayos, lalabas kami." Utos ko sa katulong na nag-aalaga kay Aryss. Tumango ito bago kinuha ang bata mula sa upuan nito at dinala na sa taas. Pumunta na ako sa kwarto ni Franz at doon naman ay naligo na rin at naghanda para sa paglabas namin ni Aryss. Hindi na ako naglagay ng ganoon kakapal na make-up dahil hindi naman kailangan. Namili nalang ako ng bag na gagamitin at inilagay doon ang mga importante kong gamit bago nagsapatos na at pumunta sa kwarto ni Aryss kung saan inaayusan na ang bata. "Are you ready na anak?" tanong ko dito, tumango ito bago bumaba ng kaniyang kama habang ang katulong ay dala na ang kaniyang bag.
Maya-maya ay umalis na rin kami gamit ang sasakyan ng ama nito. Malayo palang ay naglikot na si Aryss sa kaniyang kina-uupuan nang makita ang labas ng Ocean Park. Nang makarating kami ay ang driver nalang ang pinabili namin ng ticket dahil mainit kung maghihintay kaming mag-ina.
"Mama, look oh! Punta tayo don!" Excited na turan ni Aryss nang makapasok kami ng Ocean Park. Kung saan-saan agad ako nito hinihgit. Hinahayaan ko nalang ang bata kung saan niya gusto. Reward ko na rin ito sa bata at bonding time na rin namin na mag-ina. Lagi kasi akong busy sa trabaho at good boy naman si Aryss sa school niya kaya deserve ito ng bata. Nanood kami ng sea lion show na tuwang-tuwa si Aryss, gusto pa nitong lapitan ang sea lion pero bawal. Nang matapos iyon ay saka kami pumunta sa mga underwater tank kung saan may iba't-ibang malalaking isda. Doon din niya nakita ang shark na gusto niyang makita. Kinukuhaan ko rin ito ng picture para maipakita ko sa ama nito. Kung saan-saan pa ako hinigit ni Aryss, minsan kahit hindi na alam ng bata kung saan pupunta ay higit lang ito nang higit. Minsan ay pinipigilan ko rin ito dahil pawis na pawis na siya at pinupunasan ko ng pawis. Napagod lang yata ito nang matapos kaming bumili ng souvenirs sa mga tindahan. Nagpabili pa ito ng mga souvenirs para sa dalawang katulong na laging nag-aalaga sa kaniya. "Eat na tayo, Aryss?" tanong ko sa bata na karga-karga ko na."Mama, punta tayo kay papa." Napatingin ako sa aking relo at nakita na malapit nang mag lunch break. "Gusto mo doon na tayo kumain ng lunch?" tanong ko at tumango ito, ang pisnge nito ay naiipit na sa aking balikat. "Okay, aalis na tayo dito?" tanong ko ulit at tumango ang bata. Tinawagan ko na ang aming driver at sinabihan na papalabas na kami ng Ocean Park. Pag dating namin sa parking, maya-maya ay dumating na rin ang aming driver at nakapasok na kami ng sasakyan. "Wait lang kuya, tatawagan ko lang si Franz." ani ko sa driver nang i-start nito ang makina ng sasakyan. Tinawagan ko na ang number ni Franz at hinintay na sagutin niya ito. [Hello? May nangyari ba?] tanong agad nito nang sagutin ang tawag. "No, nag-aaya diyan si Aryss, gusto niyang mag lunch kasama ka. Okay lang ba?" tanong ko dito, [Oh, sure, no problem, hindi pa naman ako kumakain ng lunch.] sagot nito at tumango ako. "Sige, bibili lang kami ng pagkain tapos pupunta na kami dyan. Bye." Paalam ko dito. Nag-hum ito, [Sure, I'll wait. Bye.] Pinatay ko na ang tawag at nagsabi sa driver kung saan kami bibili ng pagkain.
"Good afternoon ma'am." Bati sa amin ng mga staff ng kumpanya nila nang pumasok kami ni Aryss, kasunod ang aming driver ay sumakay na kami ng elevator papunta sa floor ng opisina ni Franz. Nauna-unang tumakbo si Aryss palabas ng lift dahil alam na alam nito kung nasaan ang opisina ng ama. "Papa! It's Aryss!" Katok ng anak sa pintuan ng opisina ni Aryss, maya-maya ay bumukas ito at bumugad ang ama. "Hey little one," bati ni Franz abgo kargahin ang anak, pumasok na ako sa kaniyang opisina, kasunod ang driver. "Ipatong mo nalang dyan." ani ko sa driver, inilagay nito ang mga pagkain sa lamesa bago nagpaalam nang aalis. "Did you had fun with mama?" tanong ni Franz habang nakakandog ang anak nito at ako naman itong nag-aayos na ng aming pagkain. "Yes papa, I saw sharks and sea lion and more!" Masayang turan ni Aryss. Napatawa si Franz bago ko ini-abot dito ang kaniyang pagkain. "Sit kana dito Aryss, kakain na tayo." ani ni Franz nang ibaba ang anak sa bangko sa katabi nito. Habang kumakain ay sige ang pagke-kwento ni Aryss sa ama, si Franz naman ay nakikinig lang sa anak at sumasagot din. Para naman silang nagkaka-intindihan na mag-ama. "Mama, I want ice cream." ani ni Aryss nang matapos itong kumain ng kaniyang chicken. "Huh? May bilihan ba ng ice cream dito?" tanong ko sa ama nito, "Ah, yes, tatawag ako sa assis-""No, no, ako na, sa cafeteria ba?" tanong ko kay Franz at tumango ito. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at kinuha ang aking bag bago lumabas ng opisina ni Franz at bumaba ng ground floor.
Pagdating ko sa cafeteria ay agad akong pumunta sa counter para magtanong ng ice cream, mabuti nalang ay tama ako ng pinuntahan. Cookies and Cream ang aking napili para kay Aryss, Rocky Road para sa akin at Strawberry para kay Franz. Paalis na ako nang biglang may lumapit sa akin na babae, "Ma'am, diba... asawa po kayo ni sir Franz?" tanong nito at napakunto ang noo ko. "I'm sorry pero hindi pa kami kasal." sagot ko at napatango ako. "Pero... nanay po kayo ng anak niya, diba ikaw po si Riona Ravino?" tanong nito at tumango ako. "Excuse me ma'am, pero can I have few minutes with you?" tanong nito sa akin, mukhang seryoso ang kaniyan sasabihin kaya pumayag ako. Dinala nito ako sa table kung saan kasama ang iba pang empleyado. "Ma'am, kilala niyo po ba si miss Daphne Manjares?" tanong nito, napakunot ang noo ko bago napa-isip. May kilala akong Daphne, iyon ay ang babae na may gusto kay Franz, hindi ba?Napatango ako, "Yes, why?" tanong ko at nagkatinginan silang apat. "Ma'am, ako po kasi ang in charge sa CCTV dito sa kumpanya at noong isang araw po na andito si miss Daphne ay nakita ko po ito sa opisina ni sir Franz." ani ng isang lalaki bago i-abot ang isang flashdrive sa akin. "Ano 'to?" tanong ko nang abutin ko ang flashdrive. Nagkatinginan ulit sila, "Ahm... mabuti po siguro ay sa bahay niyo na po panoorin." sagot nila sa akin at napatango ako. Umalis na ako sa table nila at ibinulsa ang flashdrive bago umakyat pabalik ng opisina ni Franz. Habang kumakain kami ng ice cream tatlo at nanonood sa TV ni Franz ay hindi mawala sa isip ko kung ano man ang laman ng flashdrive. Parang masyadong seryoso ang mga empleyado kanina nang kasama nila ako sa table nila. Gusto ko na tuloy umuwi. Kaya naman nang makatulog si Aryss ay nagpaalam na ako kay Franz na uuwi na kami, pumayag din agad ito dahil may gagawin pa daw siya. Kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at umalis na ng kaniyang opisina at pumunta sa parking lot kung nasaan ang sasakyan at ang driver na naghihintay. Sa paglipas ng minuto na nasa sasakyan kami ay mas lalo akong kinakabahan. Para may masama kasing mangyayari. Parang masyadong mabigat ang laman ng flashdrive na iyon. Nang makapasok ako ng bahay ay agad kong ibinigay sa mga katulong si Aryss. Dumiretso ako ng kwarto ni Franz at ni-lock ang pinto. Kinuha ko ang aking laptop at nang maisaksak ko ang flashdrive ay mas lalong lumaki ang kaba sa dibdib ko. Iisa lang ang laman nito, isang video file, dahan-dahan ko itong binuksan. At sa pagbukas nito ay napakunot ang noo ko.
Sa opisina ito ni Franz, nasa bangko si Franz habang may babaeng nakatayo sa harap niya. Nilakasan ko ang volume ng aking laptopn para mas marinig ko ang kanilang usapan. [I heard that you were asking your assistant for a coffee, since dito na rin naman ako pupunta, why not volunteer to give this for you.] Napakunot ang noo ko nang medyo pamilyar ang boses. [Why are you here Daphne?] Matigas na turan ni Franz bago kinuha ang kape na inilapag ni Daphne at ininom iyon. [Oh well... wala naman, I just wanted to hand your coffee to you.] sagot nito, maski tuloy ako ay napakunot ang noo. Lumabas si Daphne ng opisina ni Franz at nag black ang screen. Maya-maya ay may lumabas na ulit sa screen, dalawang oras ang pagitan. [Franz, are you okay?] Narinig ko nanaman ang boses ni Daphne, napatingin ako sa lamesa ni Franz kung nasaan ito at nakasubsob. [Aww, what happened to you?] tanong ni Daphne habang naglalakad papalapit kay Franz, tumigil ito sa tagiliran ni Franz at nanlaki ang mata ko nang makitang sinunggaban ito bigla ni Franz at hinalikan. The way he kisses her... it's like... as if... he is so hungry for one. I saw how he roam his hands around her body and how she respond to his kiss. Para akong biglang binuhusan ng malamig na tubig sa katawan. The video continued, she pushed him to his chair and kneel in front of him. I saw how she opened his zipper and took his manhood out, I watched how she sucked him, and how he look so pleasured. He was moaning, pulling her hair and thrusting his hips, pushing deeper inside her mouth. Hindi ko namalayan ang mga luha na pumapatak na sa keyboard ng laptop ko. When he finished inside her mouth, akala ko doon na nagtatapos iyon. Naghubad si Daphne at itinulak niya ito sa kaniyang lamesa, napatakip ako sa aking bibig para hindi makahikbi habang pinapanood silang dalawa na magpakasarap. Hindi ko natapos ang video clip at hinugot ang flashdrive mula sa aking laptop. I am not thinking straight, I can't think straight.
Kaya ba tinanong niya sa akin kung anong mararamdaman ko kapag nakipag talik siya sa ibang babae dahil nagawa niya iyon? Kaya ba naitanong niya sa akin iyon ay dahil sa mga oras na ito... buntis na ba si Daphne sa anak niya? Kaya ba kakaiba siyang gumalaw dahil nawawalan na siya ng pake sa amin ni Aryss. Hindi ako makapag-isip ng maayos pero isang bagay ang ginagawa ng aking katawan habang umiiyak. Habang ang utak ko ay punong-puno ng kalungkutan ang at galit, isang bagay ang giinagawa ng katawan ko. Habang wala pa siya, habang nasa trabaho pa siya. Habang tulog pa si Aryss at habang wala pang makakapigil sa akin. Gagawin ko ito, para naman sa aking sarili. Kung makikita ko pa ang mukha niya mamaya ay baka magkasagutan pa kami at makita pa ni Aryss. Ako nalang ang lalayo dahil hindi ko naman siya pwedeng paalisin sa sarili niyang pamamahay. Ako nalang ang aalis, mukhang masaya naman na siya sa bago niya. Sarili ko naman ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store