Altairavez Series2 Fierce
"Are all my instructions clear? Nakuha ba at kaya ba lahat gawin ang sinabi ko?" Seryosong turan ni Franz. Lahat kami na ka-grupo niya sa project ay tumango. "Good, now I want all of your reports in three days. If wala, I don't mind. Ako ang gagawa ng part niyo ang the grade will be mine." ani nito at tumango kaming tatlo na ka-grupo niya. Iyon lang naman ang kaya namin isagot. Siyempre si Franz iyon, kahit naman madalas ko itong kasama at nagiging kabiruan na ay sa harap ng nakakarami, nagiging pormal ang pakikitungo ko dito dahil ganon din ito sa akin. Kapag may iba kaming kaharap, parang normal lang din ako na tao sa kaniya na hindi niya papansinin. "End of meeting, let's go back to our seats and wait for the prof to leave." ani niya bago naunang tumayo mula sa bangko na kaniyang kina-uupuan. Tumayo na rin ako at nagpaalam na sa iba naming ka-grupo bago sundan si Franz sa gawi ng aming mga bangko. Lahat naman ng subject na magkaklase kami ay magkatabi kami ng bangko na inuupuan. Pero yun nga lang, magkaklase kami sa lahat ng subject. Mukhang sinadya niyang maging kaklase kami sa lahat ng klase. Iba rin magkagusto itong lalaki na ito. "Kasama mo ba mga kapatid mo mamayang recess?" tanong ko dito habang inaayos ang aking gamit sa loob ng aking bag na nasa sahig. "Mhmm, I'll probably start working for the project." sagot niya, napabuntong hininga ako bago nag-ayos ng upo at nilingon siya na nakalingon na rin sa akin. Nakahawak ito sa kaniyang baba habang ang kaniyang siko ay nakatuon sa kaniyang arm rest. "Franz naman, ayaw mo ba na kumain mamayang recess?" tanong ko at pinanliitan ako nito ng mata. "Well... do you want to eat?" tanong niya, napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago tumango-tango. "Medyo nabitin ako sa lunch ko kanina eh. Gusto ko mag miryenda." ani ko bago bahagya pang nakanguso. Nakita kong umangat ang gilid ng kaniyang labi bago tumungo, nagtaas baba ang kaniyang balikat, indikasyon na tumatawa ito. "Franz naman, huwag mo naman ako tawanan!" Naiirita kong turan bago bahagyang hinampas ang kaniyang braso. Nag-angat ito ng tingin at ang kaniyang mga labi ay nakatikom para mapigilan ang kaniyang pagtawa. "Well... do you want us to go sa McDo? Wala naman na tayong next period." ani nito pero napa-iling ako. "Cafeteria lang ay sapat na." sagot ko at tumango ito. Hinintay lang namin na umalis ang prof bago sumunod na rin kami sa paglabas at dumiretso ng cafeteria kung saan marami-rami na rin ang tao na kumakain. Dumiretso na kami sa counter kung saan naka-display ang mga pagkain. "Anong gusto mo?" tanong ni Franz, sinilip ko ang mga pagkain na nasa tray at namili. "Empanada, dalawa, yun ang gusto ko." ani ko habang nakadikit ang aking hintuturo sa salamin at itinuturo ang empanada, mukha akong bata dito na nagpapabili sa magulang niya ng kung ano man na gusto niya. "Sure," sagot ni Franz bago dumukot sa wallet niya ng isang buong 500 pesos. "Dalawang empanada miss, and isang egg pie." ani ni Franz. Akala ko ay hindi tatanggapin ng tindera ang isang buong 500 dahil wala itong panukli pero sa huloi ay tinanggap niya na rin ito. "Let's eat sa field, okay?" ani ni Franz habang hinihintay namin na ibigay sa amin ang aming napipili. Tumango lang ako bilang sagot sa kaniya. Nang ibigay na sa amin ang aming binili, nagulat ako nang makita na mas dumami ang estudyante sa cafeteria, naramdaman ko ang kamay ni Franz sa aking pulso na kumapit ng mahigpit doon. Hinigit na ako nito palabas ng cafeteria para maka-alis sa dagsa ng mga estudyante.
Pag dating namin sa grandstand sa may field ay tahimik kaming kumakain ni Franz. Siya itong tingin nang tingin sa paligid habang ako naman itong ine-enjoy lang ang aking empanada. Biglang tumunog ang kaniyang cellphone na umagaw sa atensyon naming dalawa. Kinuha niya iito mula sa kaniyang bulsa at sinagot ang tawag."What kuya?" Walang kabuhay-buhay nitong turan. Panigurado na si kuya Dev ang kausap nito. Pinagmasdan ko ang kaniyang ekspresyon at napansin na kumunot ang noo nito. "Okay, fine, we'll be there." ani nito bago pinatay ang tawag. Tiningnan ako nito at bumuntong hininga, "Kuya Dev wants us to be at Altairity later." ani niya at napakunot ang ko. "Huh? Bakit daw?" Nagtataka kong tanong, "Well... I don't know, he just said so." ani niya at tumango ako. Inubos na namin ang aming kinakain bago bumalik ng classroom. Nakita ko na sinisimulan na niya ang project namin kaya naman sinimulan ko na rin ang part ko. Hindi ko naman ito magagawa agad dahil pinapapunta kami ni kuya Dev sa Altairity at pag-uwi ko mamaya ay baka kulitin ako ni Azie. Three days naman ang ibinigay sa amin ni Franz. Pero mabuti na rin na may masimulan na ako ngayon. Para kahit paunti-unti ay may nagagawa at natatapos ako.
Isang oras ang nakalipas nang biglang isara ni Franz ang kaniyang laptop. Taka ko itong tiningnan nang magsimula na itong mag-ayos ng kaniyang gamit. "Tara na sa Altairity, mauna na tayo don para makapag reserve ng table." ani niya at tumango lang ako. Nag-save nalang ako ng aking ginawa bago itinabi na rin ang aking laptop. Mabuti nalang ay nakatapos na ako ng isang topic. Dalawang topic nalang ay tapos na ako. Lumabas na kami ng classroom at pumunta sa parking kung nasaan ang van ng mga Altairavez. "Maglalakad nalang daw sila kuya Dev at ate Gio. Si Mile daw ay... hindi ko pa alam." ani nito nang pagbuksan ako ng pinto ng passenger seat. Sumakay nalang ako at hinintay siya na makasakay sa driver's seat at nagmaneho na palabas ng univeristy. Sa tapat lang naman ng univeristy ang Altairity at pagpasok namin ay agad namin naagaw ang atensyon ng mga nasa loob. Nagtilian ang ibang estudyante nang makita si Franz. Lumiko si Franz sa isang tabi kung saan may dalawang table at agad ko siyang sinundan. "Pagdikitin nalang natin yung dalawa para magkasya tayong anim or kasama ni ate Gio yung kaibigan niya.." ani nito nang ibaba niya ang kaniyang bag sa tabi. Napakunot ang noo ko nang marinig ang kaniyang tinuran. Anim? Anim kami? Panigurado ay si Pollyn ang isa. Mukha hindi na kasi mapaghiwalay yung dalawang nakababata sa amin. At kung pito nga ay si kuya Ian ang tinutukoy ni Franz. "Rio, are you okay? May masakit ba sayo?" Bumalik ako sa katotohanan nang tawawgin ako ni Franz. Agad akong napatango at tinulungan siya na pagdikitin na ang dalawang table. Inayos na rin namin ang mga bangko bago naupo na at naghintay sa iba.
Hindi kalaunan ay muling nabalot ng tilian ang Altairity, pumasok si Mile, kasama si Pollyn at agad kumaway si Franz para maagaw ang atensyon ng kapatid. Kumakaway-kaway pa kasi at bumabati si Mile sa mga estudyante dito. Nang makita kong lingunin ni Pollyn si Franz ay lumiwanag ang mukha nito at nauna pang lumapit sa amin kaysa kay Mile. "Pollyn wait for me nga!" ani ni Mile nang mapansin na naglalakad na si Pollyn sa gawi namin. Hinabol nito si Pollyn at sabay pa ang dalawa na umupo. Si Pollyn sa kabilang tabi ni Franz habang si Mile naman ay nasa harap ni Pollyn. "I wonder why did kuya Dev wants us here." ani ni Mile nang ibaba ang kaniyang bag. Hindi talaga maipagkakaila na magkapatid si Mile at Franz. May pagkakapareha ang hubog ng mga mukha nito lalo na sa mata. Nagkibit balikat si Franz, "I don't know, maybe he just want us to hang out or something." sagot ni Franz at tumango si Mile. Biglang lumipat ang atensyon ni Mile kay Pollyn, "Pollyn bakit ayaw mo tumabi sa akin? You're always after kuya Franz." ani ni Mile at parehas kaming napalingon kay Pollyn. "Mile, kung kasama si kuya Dev mamaya, sigurado ako kasama rin si ate Gio. Kung tatabi ako sayo, silang dalawa naman ang magkakahiwalay." sagot ni Pollyn. "She has a point." ani ni Franz bago tumingiin sa harapan. Nakita kong nagpigil ng ngiti si Pollyn.
Muli kaming nanahimik na apat hanggang sa tumunog ang pintuan at muling nagtilian ang mga estudyante. Nagsilbi na iyong signal sa aming apat dahil sino pa ba ang titilian ng mga estudyante dito? Pumasok sila kuya Dev at ate Gio sa cafe at agad kaming nakita ng dalawa. Naglakad ito sa gawi namin at napansin ko an kumaway pa si Mile sa kapatid. Napansin ko rin si kuya Ian na nasa likuran ng dalawa, kasama nga siya? Mabuti nalang at marami pa ang bangko na pwede niyang gamitin. "Andito rin pala kayo?" tanong ni ate Gio nang maka-upo sa dating puwesto ni Mile. Si Mile kasi ay kumuha ng panibagong bangko para lang makatabi kay Pollyn. Sumunod na sa kanila ang mga pagkain na hindi naman namin inorder, mukhang si Kuya dev na ang nag-order nito. "Ay oo Chang, inakit ako ni papa Franz kanina.." Masayang turan ni Pollyn, napakun ot ang aking noo at agad siyang nilingon, ganun din si Franz at Mile.
"Hindi ah! Ako kaya nag-akit sayo!" Napalingon kaming lahat kay Mile na nasa kabilang tabi ni Pollyn. Halatang nagulat ito sa tinuran ng kaniyang kaibigan. Mukhang natigilan si Pollyn sa sinabi ni Mile. Napatulala siya kay Mile na ang mukha ay hindi maipinta. Nahuli si gaga, alam naman kasi namin na hindi naman talaga siya inaya ni Franz. Buong araw kong kasama si Franz pero hindi man lang nito pinuntahan si Pollyn. "Ah oo, pero kasama mo si pap-"Hindi rin, ako lang nag-akit sayo. Tapos nakita natin si Kuya Ian. Hindi naman nadamay si kuya Franz Eh. Diba Kuya?"Tanong ni Mile at tumingin kay Franz, maski ako ay napalingon sa lalaki na katabi ko. Utay-utay tumango si Franz at uminom ng kape. May bahid ng kaunting inis ang kaniyang mga kilay at halatang napipilitan na tumango. Ayaw kasi ni Franz sa masyadong maingay. At siguro ay naiingayan na ito kay Pollyn. "Kitams, pwede kana maging writer, Pollyn. Galing my gumawa ng story." Muli akong napalingon kay Mile nang magsalita ito. Ang mukha ni Pollyn ay nakasimangot at hindi maipinta."Ikaw Rio? Sino nag-akit sayo?" Natigilan ako sa pagkain ng cake nang bigla akong tanungin ni kuya Ian. Naibaba ko ang tinidor na hawak ko at bahagyang hinagod ang aking buhok. Nagpeke ako ng ubo, "Ahm ano kasi, ano, nakita ako ni Franz na-"I asked her, simple as that." Putol ni Franz sa akin sa seryosong tono ng boses. Naitikom ko ng bibig ko at tumango. "Oo, yun." sagot ko at nakitang tumango ang iba. Grabe talaga si Franz, kami-kami na nga lang ang magkakaharap dito, well maliban sa ibang estudyante na malayo sa amin, pero hindi ba pwedeng maging kalmado muna siya? Lagi siyang mukhang mainit ang ulo kaya may ibang tao na kasama.
"Ano pa ba gagawin natin dito? Kakain lang? Walang iba?" Naagaw ang atensyon naming lahat nang biglang magsalita si ate Gio. Tono palang ng kaniyang pananalita ay halata ko nang naiinis ito. "May mga board games doon ate Gio, kung gusto mo po." ani ni Mile at itinuro ang isang counter na may nga ilang babae na mukhang pinag nanasaan ang mga Altairavez."Ah sige, kukuha ak-"No, ako na." putol ni kuya Dev kay ate Gio. Nakita namin kung paano sinaman ng tingin ni ate Gio si kuya Dev, natikom ko ang aking bibig at kinuha ang aking tinidor para kumain ulit. "Ako. Na." Matigas na turan ni ate Gio. Naitikom ko ang aking bibig at napalingon kay Franz a mukhang hindi man lang nababahala sa nangyayari. Alam kong may mali, ang init-init ng ulo ni ate Gio. Hindi ko kasi ito naging ganoon kasama ngayong araw dahil busy sa klase. At kung may pupuntahan man ako ay mukhang laging gustong sumama ni Franz. Lagi niyang tinatanong kung saan ako pupunta kahit sa CR.
"Bakit chang? Bad mood? Bakit?" Takang tanong ni Pollyn nang bumalik si ate Gio sa table na nakabusangot ang mukha, "Wala, hindi ko lang gusto ang kilay nung babae sa counter na 'yon." sagot niya habang nagsimulang ayusin ang Monopoly na nakuha nito mula sa counter. "Ay oo nga! Ang pangit! Isang guhit lang..." Pamimintas ni Pollyn, napatawa ako nang bahagya at maski si kuya Ian, pero nanatiling tahimik ang tatlong Altairavez. Mukhang seryoso ang magkakapatid. "Ano ba talagang nangyari, Gio?" Tanong bigla ni kuya Dev na nagpatigil sa amin sa pagtawa, hindi sumagot si ate Gio at nagkibit balikat lang habang patuloy na inaayos ang mga pieces ng laro,."Hindi naman pwede na wala, imposible na dahil lang sa kilay-"Nakakainis siya eh! Aba'y padabog ba naman na ibinagay sa akin yung Monopoly! Tapos nag excuse pa at hindi ka daw nakikita, impakta siya! Burahin ko kilay niya!" Napa-igtad ako nang tumaas ang boses ni ate Gio. Naitikom ko ang aking bibig at napatungo. Nagulat ako nang tumayo si Franz mula sa kaniyang kina-uupuan, napa-angat ako nang tingin at nakita ito na dumaan sa aking likuran at naglakad papunta sa counter na pinaghiraman ni ate Gio ng laro. May sinabi ito sa babae na saka-saka ay nagmistulang nagulat at nagpapaliwanag. Pero sa huli ay may panibagong tatlong babae na pumunta sa cashier na 'yun at umalis ang tatlong babae. Ano kaya ang sinabi niya at bakit umalis ang tatlong babae?
"Anong ginawa mo?" tanong ko agad dito nang bumalik sa pagkaka-upo sa aking tabi. Hindi ito sumagot at nanatiling tahimik habang humihigop ng kape. Napasaltik ako ng dila, "Huy! Tinatanong kita." Bahagya kong itinaas ang tono ng aking boses pero hindi pa rin ito sumagot. Isang buntong hininga ang kumawala sa aking labi, "Ah bahal-"I fired them okay?" Putol sa akin ni Franz, bahagyang umawang ang aking labi.
"Gio, hindi rin naman maganda ang mga reviews sa kanila. May mga violations na rin sila kaya sila andoon sa position na 'yon. Kaso nangyari 'to so wala na silang chance..." ani ni kuya Dev at lahat kami ay napatingin sa kaniya "See..." narinig kong bulong ni Franz sa tabi ko kaya bahagya kong tinapik sa hita ito. Hindi na suamgot pa si ate Gio at nanahimik na lamang. "Mag laro na nga lang tayo." ani ni kuya Ian kaya nagsimula na kaming maglaro.
Naging masaya ang mga sumunod na oras ng aming paglalaro. Nagtatawanan at nagkukulitan, minsan ay nagbabangayan pa ang dalawang bunso. Nagulat kami nang biglang nangailangan na mag CR ni ate Gio at maya-maya ay tumawag kay Pollyn. Akala namin kung ano ang nangyari dito. Iyon pala ay may dalaw ito, kaya mainit din ang kaniyang ulo kanina pa.
Naunang umuwi sila kuya Dev at nag utay-utay na rin kami. Ang sabi ng cashier ay baayd na daw ang aming mga kinain kaya naka-alis na kami. Sinabi ni kuya Ian na may tugtog pa siya sa bar ni Franz na medyo ikinagulat namin. "So you're the big talk performer sa bar?" tanong ni Franz at isan g ngiti ang gumuhit sa mukha ni kuya Ian. "Yes sir." Nahihiya niyang sagot pero umiling si Franz. "Please don't call me that, wala tayo sa bar. I just want to congratulate you dahil ang daming natutuwa na pumunta sa bar dahil sa performance mo, keep up the good work." ani ni Franz at tumango si kuya Ian bago nagpasalamat at umalis na. Nagpasundo si Pollyn sa kanilang driver kaya naman naiwan kaming tatlo ni Franz at Mile. "Pwede naman akong mag commute or magpasundo sa driver namin, I'll be fine Franz." ani ko ay Franz. Inaaya kasi ako nito na sumabay an sa kanilang magkapatid at idadaan na nila ako sa bahay. "Come on, kaya ko na 'to, I'm old enough." ani ko at tumango ito. Sumakay na silang magkapatid sa van nila habang ako ay naghintay na sunduin ng aming driver at umuwi na rin.
Kinabukasan, Friday, buong araw ay may klase kami, hindi kagaya last year na medyo nagiging maluwag kapag Friday, ngayon ay mga major subjects ang meron. Hindi ko tuloy nagawang dagdagan yung ginagawa ko kahapon. Kailangan na namin ibigay kay Franz ang mga nagawa namin by Sunday. Mukhag kailangan kong tapusin ang isang topic mamaya pagkatapos kong patulugin si Azie dahil panigurado g maglilikot ito bukas. "Hey... busy ka tomorrow?" tanong ni Franz habang nag-aayos na ako ng gamit. "Yes, tatapusin ko na yung pinapagawa mo, ayaw kong mapagalitan mo." ani ko bagoisinakbat ang aking bag sa likod. "What about... our date tomorrow?" tanong niya at natigilan ako. "Franz, yung project, maalam akong sumunod sa usapan na Sunday ang pagpapasa sayo." ani ko at napahagikhik ito. "I'll give you until Monday, they don't have to know na hindi ka nagpasa ng Sunday." ani niya at muli akong napabuntong hininga bago siya lingunin na nakatitig sa akin. "Franz...""Rio..." Pangagaya nito sa akin. "Fine, pero magpapasa pa rin ako ng Sunday. Rush ko nalang bukas ng gabi, isang topic nalang naman sa akin eh." ani ko at nakita kong umanagat ang gilid ng kaniyang labi at nagpigil ng ngiti. "Good, I'll pick you guys at 8:30 AM, don't forget Azie." ani niya at napatawa lang ako bago tumango.
"Ma, pa, pupunta lang po kami ni Azie mamaya sa mall. Mukhang na miss niya ako eh." Paalam ko habang nag-aalmusal kami. Tumango lang nag aking mga magulang at mukhang hindi interesado. Okay lang naman, sanay naman na ako.
Umalis na sila bago pa man mag 8AM. Nag stay na kami ni Azie sa sala para hintayin si Franz. Saktong 8:30 ay may bumusina na sa may gate, binuhat ko na si Azie at kinuha ang kaniyang baby bag at lumabas. "There's my favorite girls!" Masayang turan ni Franz habang naglalakad kami papuna ng gate. Binuksan ko na ito at agad naman kinuha ni Franz si Azie sa braso ko. "How are you Azie?" Pakikipag-usap ni Franz kay Azie. "Am... otay!" sagot ni Azie, "She's getting good at her words." ani ni Franz at tumango ako. "She is, lets go?" Pag-aaya ko at tumango si Franz, isinakay na nito si Azie sa kaniyang baby car seat at saka-saka ay umalis na kami. "So... what's your plan A, B, and C for today?" tanong ko dito habang nagmamaneho ito. Bahagya itong humagikhik, "A, we will buy baby books for Azie, B, we will eat, C, we will go to the arcade." sagot nito at tumango ako. "Wala nang D?" Pangungulit ko at muli itong napatawa. "Honestly... meron, if okay lang sayo." ani niya at napakunot ang noo ko bago siya lingunin. Mabilis lang din ako nitong nilingon bago nagbalik ng tingin sa daan. "Let's take family portrait."
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store