Altairavez Series2 Fierce
"And... I would like to share some few things with you so we can built the trust to each other." Seryosong nitong turan, napasipsip naman ako sa aking inumin na binili nito para sa akin at utay-utay tumango. Umupo ito sa tabi ko na siyang ikina-usod ko ng kaunti."Sige ba, ikaw bahala, I can spend some few minutes naman." sagot ko at tumango ito. "Sige, mukhang hindi ka naman interested." Muntik na akong masamid sa sagod nito at maibuga ang aking ini-inom."Hindi ah, sino may sabi na hindi ako interested?! Hindi ko sinabi 'yon ha!" turan ko at tumango ito. "Okay, ahm... may tanong ka ba? Because honestly, I have never been in this situation where in I have a conversation with someone about myself. I'm always on the formal and negotiation talk." ani nito at tumango ako. "Ayan ah, you're starting to share things about yourself. Ipagpatuloy mo lang." ani ko, napatingin ito sa akin at tumango."Then ahm... well, I'm the middle among us three." ani nito at bahagya akong napatawa sa sinabi nito, alam ko naman na iyon. Pero hindi ko nalang siya puputulin sa pagsasalita. Napatingin nalang ako sa unahan habang nakikinig sa kaniya."Then... I got my attitude from my dad, si kuya Dev at Mile are both... talkative, specially Mile, namana nila 'yon kay Mom. Sabi talaga ng mga nakaka-usap ko na naka-usap na rin ni papa ay magka-ugali kaming dalawa. Kahit lola namin ay iyon din ang sabi noong mga bata palang kami." ani nito at tumango lang ako, masaya ako na nag-oopen na ito sa akin, kahit mga simpleng bagay lang ay malaki pa rin. Lalo na kung gagawin namin ang sinabi niya kanina na magbubuo ng tiwala sa isa'ti-isa ay malaking bagay ang connection at bond, kahit ganito lang."Noong bata naman ako ay... medyo palakaibigan din ako. Sinusubukan ko lang dahil ganon ang sabi ni kuya, he was 6 when I was 5 at nasa pre-school kami. Sabi nito ay masaya daw ang may kaibigan, sinubukan ko naman, but other kids started making fun of me." ani nito at doon ay napakunot ang noo ko. "Huh? Bakit naman?" tanong ko at nilingon siya, doon ay nakatingin na rin pala ito sa akin. Blanko ang mukha nito pero parang may gusto siyang sabihin.Huminga ito ng malalim, "Pwede ba na hindi ko muna sabihin?" tanong niya at agad akong tumango. "Siyempre naman, hindi naman kita pinipilit, matagal pa naman tayong magsasama. Lalo na sa club, we have plenty of time to talk about it." sagot ko at tumango ito, bago muling ngumisi na agad din niyang inalis. Hindi ko pa talaga siya nakikitang ngumiti ng buo, tanging ngisi lang sa isang side ng kaniyang labi ang nakikita ko. "Let's say... that is the reason why I hate the idea of making friends, I lost interest on making friends." ani nito at tumango ako."Bakit? Takot ka na baka lokohin ka nila ulit?" tanong ko, nagtagpo ang aming mga mata at ilang segundo itong nakatingin sa isa't-isa, pero maya-maya ay naglayo ito ng tingin. "Maybe, maybe iyon nga. And also that day... I never smiled." ani nito at naitikom ko ang bibig ko, sa totoo lang ay gusto kong malaman ang tungkol dito. Curious din ako sa lagi niyang buringot na mukha at walang kabuhay-buhay na ekspresyon."Pero gusto kitang makita na ngumiti. Kaya nga feeling ko ang laking achievement sa buhay ko noong nakita kita na ngumisi noong isang linggo, lalo na nang marinig kita na humagikhik." ani ko at muli itong napalingon sa akin."Narinig mo pala 'yon?" tanog niya at tumango ako, "Oo naman, tayong dalawa lang naman sa printing room noong araw na iyon." ani ko at tumango ito. "I also barely chuckle, minsan... kahit gaano nakakatawa ang situasyon, pinipigilan ko talaga, kung pag ngiti nga ay ayaw kong gawin, paano pa kaya ang tumawa?" ani nito at naitagilid ko ang aking ulo. "Bakit? Ang saya kaya maging masaya." ani ko at nakita kong gumalaw ang gilid ng labi nito na animo'y pinipigilan ang pagtawa. "Yieee! Tumawa kana! Dali na! Ang saya kaya tumawa! Sabi nila it will add more years on your life span!" ani ko at nakita kong umangat ang kaliwang side ng labi niya, para siyang nakangisi pero hindi. "Sabi daw nila?" tanong nito at tumango ako bago pinipigilan ang sarili na tumawa."Oo nga! Sige ka! Ayaw mo ba umabot ng 100 years old?" tanong ko at nakita ko itong kinagat ag pang-ibaba niyang labi bago tumango."Kung ayaw mo talaga ipakita ang tawa mo, cover your mouth tapoos saka ka tumawa! Grabe naman siguro kung mula 5 years old ay hindi kana tumatawa!" ani ko bago bahagya siyang hinampas sa balikat, habang nakatungo ay narinig ko itong humagikhik. Nagtagal iyon na nagbigay ng isang malawak na ngiti sa labi ko.
Nang muli itong mag-angat ng ulo ay balik na sa blanko ang ekspresyon niya, parang hindi siya humagikhik kanina ah!"See, pwede naman ganon. Kung ayaw mong ipakita, just cover it, then laugh." ani ko at tumango ito, muli akong napasipsip ng aking inumin. "You think aabot na ako ng 100 years old?" tanong nito at natigilan ako bago siya tingnan. "Ahm... hindi pa, dapat tumawa ka pa. Yung malakas! Yung matagal! Yung kinakapos kana sa hininga tapos masakit na sa tiyan!" ani ko at utay-utay itong tumango. "Then... always make me laugh." ani nito at doon ay natigilan ako. Napatingin ako sa kaniyang mga mata at maski siya ay iyon din ang ginawa, para kaming nagtititigan ditong dalawa. Ilang segundo kaming dalawa na tumagal sa ganoong situasyon bago ako na mismo ang kumalas."Ahm..." tumango ako, "Sige ba, basta tatawa ka, huwag naman sana bokya. Nakakahiya kaya na ang jo-joke ako tapos hindi ka tatawa." ani ko bago sumimangot. Muli itong ngumisi, pautay-utay ay nasasanay na ako sa ngisi nito at parang hindi na ito bago. Umiling ito, "I wont, tatawa na ako." ani nito at agad akong napangiti. "Ayan! Kahit tipid pa man na tawa 'yan, makakadagdag pa rin ng ilang months sa buhay mo, hanggang sa maka-abot ka sa 100 years." ani ko at itinikom nito ang bibig niya, halatang naagpipigil ng tawa."May pagkamaingay ka rin pala." ani nito at tumango ako, "Sa ka-close ko lang." ani ko bago muling sumipsip ng inumin. "So close na tayo?" natigilan ako sa kaniyang tanong at muli siyang nili ngon. Utay-utay akong tumango, "Oo naman, nag share ka na nga sa akin, next time ako naman." ani ko at tumango ito."Right, next time, I think you should go home now, baka gabihin ka." ani nito at napatingin ako sa langit bago sa aking orasan."Sige, uuwi na ako." ani ko bago tumango at tumayo na. Kinuha ko na ang bag ko at sinipsip ang natitirang inumin."Salamat dito..." ani ko at itinaas ang cup ng inumin. Tumango ito, "No problem, ingat ka pag-uwi." ani niya at tumango ako. Nagpaalam na ako sa kaniya at umalis na. Una kong nahanap si Pollyn at kasunod naming nakita ay si ate Gio na kakagaling lang sa panonoood ng practice ng music club kung saan andoon ang kaibigan niya at isa pa niyang kaklase na basketball player din.
Magkasama na kaming sumakay ni Pollyn sa jeep nauuna itong bumaba kaya naman ako ang niiwan sa jeep. Pag-uwi ko ay si Azie agad ang aking inatupag. Pero habang nakikipaglaro sa bata ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Franz Altairavez just opened up to me. Kahit hindi ganoon kalalim ang aming usapan ay parang ang laki pa rin ng nangyari dahil nagkaroon kami ng usapan ng tungkol sa kaniya at hindi lang tungkol sa klase or sa club.
Nakita ko rin ito na ngumisi ng matagal, narinig ko itong tumawa ng mas mahaba kaysa sa narinig ko noon at mas malakas din ito. Parang napakalaking achievement ng mga ito sa buhay. Kung paano siya i-describe ng ibang estudyante o di naman kaya ay kung ano ang pag-aakala sa kaniya na masungit at mainitin ang ulo ay hindi ganon ang nakita ko sa kaniya kanina, isang normal na esudyante, iyon ang nakita ko kanina. Ang kasunod ko na gustong mangyari ay ang mas marinig siyang tumawa ng malakas, kahit kaming dalawa lang at kahit kapag kasama niya lang akong gawin. Hindi ko siya pipilitin na maging ganon sa harap ng iba kung takot siya at kung ayaw niya. Dadating din siya sa punto na iyon. Ang makakatawa na ulit siya sa harap ng iba at makakangiti. Hindi ko man alam ang nangyari sa nakaraan niya na sinasabi niya kanina ay okay lang. Gagawin ko kung ano ang makakaya ko para hindi na siya laging buringot at mapagkakamalan na masungit. Kahit medyo totoo na mainitin ang ulo nito, iba kapag nakita na ng iba na ngumingiti ito. Ano kaya ang hitsura nito kung habang kausap ko ito ay nakangiti siya at masaya. Yung kagaya sana noong kanina, naka-angat lang ng bahagya ang kaniyang gilid ng labi habang naaktingin sa akin ay ang presko na tingnan ng mukha niya, ano pa kaya kapag nakangiti na talaga siya habang kausap ko?
Sa mga araw na lumilipas sa klase ay hindi namin nasundan ni Franz ang pag-uusap na iyon. Dahil may mga requirements na ibinibigay sa klase. May mga quizzes na dapat naming paghandaan at assignments na dapat asikasuhin. Nagsimula na rin ang pag t-training namin ng sa club na tumatagal ng 45 minutes to 1 hour every after class. Dahil sa iba't-ibang lugar din naman kami nag t-training, kagaya namin ni Russel na nasa may field at sila Franz na nasa ibang lugar ay madalang ko rin itong makita.
Alangan naman magkita kaming dalawa para lamang mag-usap. Hindi ba at parang ang weird na noong tingnan at isipin. Baka paghinalaan pa kaming mag boyfriend at girlfriend at makarating pa kila mama at papa ay paniguardong yari ako. Alam ko naman na wala rin ito sa isip ni Franz at lalo na sa akin. Pero dahil mabilis kumalat ang chismiss ay baka kapag may nakakita sa amin ay paghinalaan kami. At hindi maganda iyon.
Alam ko naman na gusto lang ni Franz na mabuo ang tiwala namin sa isa't-isa, at ganun din ang gusto ko. Gusto ko lang din siyang makilala pa at maging magkaibigan kami. Pwede naman iyo diba? Magkabigan ang babae at lalaki, si ate Gio nga at si Ian ay matalik na magkaibigan, kung ganoon ay bakit naman magiging bawal sa akin?Kahit naman magkatabi kami ni Franz sa klase ay hindi rin ito nagsasalita, akala ko nga noong una ay nagbago ang isip nito na mas makilala namin ang isa't-isa dahil sa kataihimikan nito sa klase at maski sa akin. Pero sa mga simple nitong aksyon gaya nang turuan ako sa isang subject o di naman kaya ay tulungan ako noong maisipan ko na maglinis ay saka ko lang naisip na baka ayaw lang nito na mag-usap kami na may ibang nakakakita lalo na sa loob ng classroom.
Sabagay, kung gusto ko ring umiwas sa chismis at kung ano-anong maling akala ay mas mabuti nga siguro kung mag-uusap kaming dalawa na kami lang at walang ibang makakakita. Para rin mas makatawa siya ng mas malaya at walang takot na may makakita sa kaniyang ngumiti o ngumisi. "Rio we will have a meeting later sa club okay? Mabilis lang, I have to catch up into another meeting." ani nito sa seryosong tono habang nag-aayos ng gamit. Nilingon ko siya bago uaty-utay tumango. "After class sa hapon diba?" tanong ko, dahil madalas kapag after first period sa hapon niya ito sinabi sa akin ay after class din ang meeting. Kapag after first period niya naman ito sinabi sa umaga ay before lunch ang meetiing. Tumango ito, "Yes," maikli nitong sagot at tumango nalang ako. Naghintay kami ng fourth period at hindi na naisipang mag meryenda pa, napasarap kasi ang kain kanina sa sa cafeteria dahil mukhang masarap yung chocolate cake na naka display kanina kaya napabili ako at talagang masarap ito.
Natapos ang afternoon class at agad akong nag-ayos ng gamit ko, nahulog pa ang mga ballpen na ginamit ko na agad kong pinulot, baka kasi maiwan ako ni Franz na pumunta sa quarters. "Rio, slow down, huwag kang mag madali sa pag-aayos ng gamit mo, hindi pa ako aalis." ani ni Franz, natigilan ako sa pagpulot at utay-utay tumango bago maingat na kinuha ang aking mga ballpen. Pag-angat ko ay nakita ko ang kamay ni Franz sa kanto ng arm rest ko. "Baka mauntog ka..." ani niya at tumango lang ako bago inayos na ang gamit ko at saka ay lumabas na kaming dalawa ng classroom at pumunta sa quarters.
"Everyone, please sit down." ani ni Franz nang makapasok kami, animo'y pagmamay-ari ko na ang bangko na andito sa tabi ng pinto dahil bawat meeting a dito na ako umuupo. "Enzo... you're here, surprising." ani ni Franz na maski ako ay napatingin sa direksyon na tinitingnan nito kung nasaan si Enzo."Well yes, baka kasi may balak kang baguhin ang pairing at ibigay mo na sa akin si Rio." Nanlaki ang mata ko sa tinuran ni Enzo at agad napatingin kay Franz, nilingon ako ni Franz at agad akong umiling. Nagbalik si Franz ng tingin kay Enzo bago ngumisi ng mapait. "Never." ani nito bago binuksan na ang kaniyang laptop. "Today I would like to announce that by this weekend ay ipapa-renovate na natin ang quarters. I have found people who can do that and help us. Hindi ko hinihingi ang oras niyo sa weekend dahil alam ko na gusto niyo magpahinga sa mga araw na iyon. I just want to inform you na sa weekend ay andito ako at ang mga trabador, kung gusto niyong pumunta, you may, pero hindi ko kayo pinipilit." ani nito at tumango kaming mga members ng club. May gagawin ba ako sa weekend? Napaisip ako, wala nama siguro, sana ay wala. Gusto ko rin sanang pumunta at tumulong, lalo na at ideya ko ang mga portraits na pinamili namin at maski ang theme ng quarters. Hindi naman sa magiging maarte ako sa hitsura ng quarters. Kung ano ang kalabasan nito ay okay lang sa akin.
"Franz..." nagtaas ako nang kamay na naka-agaw ng attensyon ng nakararamis. "It's Pres miss Ravino..." ani nito at bahagyang nanlaki ang mata ko bago tumango. "Sorry, Pres... ahm, sasama ako sa pag papa-ayos ng quarters sa weekend." ani ko at tumango ito. "Thank you, anyone else?" tanong nito nang magbalik ng tingin sa nakararami.
Nagtaas ng kamay si Enzo, "Ako, sasama ako." ani nito, Nakita kong napabuntong hininga si Franz , "Kung sasama ka dahil kay Rio ay-""I'm the vice president of the club, bakit hindi ako sasama diba? Tutulong ako sa pag-aayos dahil vice president ako. Baka naman kaya ayaw mo akong pasamahin dahil gusto mong ma-solo si Rio?" Putol nito kay Franz at naitikom ko ang aking bibig.
Franz naman... kumalma ka, huwag na kayong mag-away ni Enzo. Please lang, bawat meeting na lang ba ay lagi silang mag-aaway? Noon ba ay ganito rin silang dalawa?
Napa-angat ako ng tingin kay Franz at nakita ito na nakatingin din sa aking gawi. Mabilis kong nilingon si Enzo at nagbalik sa kaniya ng tingin bago umiling. Sana lamang ay nakuha niya ang ibig kong sabihin na huwag nang makipagbangayan pa kay Enzo. Kumalas ito sa tingin bago bumuntong hininga. "Fine, that will be great." ani nito at maski ako ay nakahinga ng maluwag. "And also... about sa pairing..." Panimula nito sa bagong topic na maski ako ay na-intriga. "There's one of the members saying that his partner, who is sadly a member of the club for a long time already has been ditching him in their practices. Sabi ng member na nagreklamo ay iniiwan siya ng ka-partner niya at sumasama sa mga kaibigan nito." ani ni Franz sa ma-awtoridad na boses na nag echo sa buong quarter. Tumingin ito sa paligid na animo'y hinuhuli ang kung sino man ang kaniyang tinutukoy, "Kilala kita, and I'm honestly not surprised sa ginawa mo, but I am totally disappointed at you. Dahil lang hindi mo ba nakuha ang gusto mong ka-partner? Ginagawa na natin 'to dati, pero ngayon ka lang nagloko ng ganito." ani niya sa seryosong tono ng boses. Base sa kaniyang sinabi, agad akong napatingin kay Enzo na masama ang tingin kay Franz.
"Tournament is in next weeks, we need to practice harder, okay? We will be excused in classes starting tomorrow. We have to practice more, specially train the beginners." Dagdag nito at napatango kaming lahat. Nakita kong ngumisi si Franz, "Meeting dismissed, kapag ipinagpatuloy mo pa ang kalokohan mong ginagawa, I have no choice but to confront you." ani ni Franz bago isinara ang kaniyang laptop at inilagay ito sa kaniyang bag. Nang maglakad ito sa may pinto ay agad akong napasunod. At doon ay nakita namin si ate Gio na nagtatanong tungkol kay kuya Dev. Andon ni ang bunso ng Altairavez. Walang kabuhay-buhay na sinagot ni Franz ang tanong ni ate Gio bago sumama na kay Mile.
Nagawa pa namin mag-asaran ni Pollyn habang naglalakad. Si gaga, crush pala talaga si Franz. Sa kaniya niya, wala naman akong gusto sa lalaking iyon. Talagang masaya lang siyang maging... kaibigan? Magkaibigan naman kami diba? Kami na rin parehas ang nagsabi. Sinabi ko na rin sa kaniya noong isang araw na close na kami. Hindi naman siguro ako feelingera kapag sinabi ko na magkaibigan na kami. Kailan kaya masusundan ang paguusap namin na kaming dalawa lang. Sana kapag nag-usap ulit kami ay hindi nag back to zero ang ugali nito at hindi niya nalimutan kung paano ngumiti. Sa weekend kaya? Malapit na rin. Pero mas malapit na ang tournament. Simula bukas ay excuse na kami, kailangan ko na sigurong ihanda ang sarili ko dahil nakakapagod iyon.
"Ma, pa, ma la-late po ako ng uwi sa mga susunod na araw. Puspusan na po kasi ang practice namin sa club." Paalam ko habang kumakain kami. Tumango si papa, "Kung gagabihin ka ng uwi, magpahatid ka kay Franz." ani nito at napakunot ang noo ko. "Magpapasundo nalang ako pa. May driver naman tayo." ani ko at tumango si papa. "Kung sakali lang naman, kung may mag o-offer sayo na ihatid ka, hindi pwede. Pero kung si Franz, payag ako." ani ni papa at napabuntong hininga nalang ako. Akala ko ba ayaw niya na may makakasama akong lalaki? Bakit kapag si Franz okay lang sa kaniya? Okay nga lang sa akin na bawal akong lumapit sa mga lalaki, wala akong problema doon, wala rin naman akong pake sa kanila.
Kay Franz lang naman ako close, dahil mukha siyang... okay. Tsaka siya na rin nagsabi na ligtas ako kapag kasama siya, pinanghahawakan ko yung sinabi niya na 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store